Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hihiling" poems
Maligayang bati, Sa aking pagsilang, Walang bakas ng gunita, Walang alaala ng nasabing araw. Nagdaan ang mga taon, Namulat sa katotohanan, Na hindi marunong magpatawad ang mundo, At hindi ito titigil na para lang sayo. Nagdaan ang mga taon, Ilang kaarawan ang lumipas, Andiyan ang pancit, At ang keyk na nakahanda, Sa hapag kainan para pagsaluhan, Mga ngiting di mabakas, Nagpapasalamat sa biyaya. Ngunit ito ang unang taon, Kung saan maghahanda ako, Hindi para sa iba, Kundi para sa sarili ko. At aanyayahan ko kayo, Nawa'y sana'y makadalo, Habang unti unti kong inilalapag, Sa ating hapag, upang ating pagsaluhan. Maghahanda ako, Ihahanda ko ang sarili ko, Na ang puso ko'y tatayuan ko ng pader, Na papalibot dito, Dahil pagod na kong masaktan, At nahahapo na ang aking katawan. Maghahanda ako, Na ibaon ang bawat alaala. Ang tamis nang bawat halik, Ang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan, Mga labing bumubuhay nang aking kamalayan. Ihahanda ko din, Ang aking sarili, Na unti unti nang humakbang, Papalayo sa nakasanayan, Kung ano ang aking kinamulatan, Sa loob nang mga taong pinagsamahan. Mga umagang iyong mukha ang bumubungad, Sa aking mga mata, Habang ika'y pinagmamasdan, Sa taimtim **** paghihimlay, Habang ako'y nagninilay nilay, Eto na ba ang pagibig na hinihintay? Kaya mahal sa aking kaarawan, Kasabay ng pagihip ko nang kandila, Magpapaalam na ako sayo, Paalam na sa mga gabing kayakap kita, Sa mga sandaling magkakapit bisig tayo sa ilalim nang mga bitwin, Na kung saan langit ang saksi sa ating pagmamahalan, Sa mundong tayo lang ang nagkakaintindihan. Pipikit ako, At uulit ulitin ko ang mga salitang; "Handa na ako" At hihiling ng lakas ng loob, At tibay ng sikmura, Bibilang ako ng tatlo, Isa, dalawa, Tatlo, At sa aking pagdilat, Hihipan ko ang kandila, At magpapaalam na sayo.
0
May 12, 2016
May 12, 2016 at 11:25 AM UTC
Handa sa aking kaarawan

Continue reading...
65
Gusto kong pahintuin ang oras Ngunit hindi ko alam kung paano magagawa. Hihiling ba ako sa nasa itaas? Muli ba akong maniniwala sa himala? Hindi ko kayang pahintuin ang lahat Kaya mahal, Sa oras na ito Pakinggan mo ako ng husto Kakalimutan ko munang maging makata Kapalit ng muling pagdadaop palad nating dalawa. Kakalimutan ko muna ang mga bolpen at papel Kapalit ng paghawak sa mukha **** mala anghel. Mahal pabigyan mo ako sa oras na ito. Kakalimutan ko muna kung paano tumula, Kapalit ng kaligayahan at saya kahit na may iba ka na. Mahal, kakalimutan ko lahat ng matalinghagang salita Kapalit ng ilan segundo muli kang makasama. Susulitin ko ang segundong ito Hihintaying muling umikot ang relo Tapos kakalimutan na kita. Kapalit ng pagbabalik ng ngiti sa aking mata.
0
Mar 26, 2017
Mar 26, 2017 at 11:59 AM UTC
Oras
Nakatingin ako ngayon sa mga ulap, Na kung saan nakakawala ng kalungkutan, Na kung saan sabay tayong nakatingala Nagtatawanan,nagkukwentuhan, Naaalala mo pa ba kaya? Noong makilala kita? Mga panahong malumbay ka At wala kang masasandalan Lumapit ako sayo non' at nagpakilala Pinatawa kita nang mapawi ang lungkot mo Pagkatapos nakalimutan mo ang problema mo Kaya nagpakilala ka din sakin Hanggang sa sumunod na araw Lagi kitang nakikita nakatanaw Sa mga ulap at mataimtim na humihiling Na sana magkita tayo muli. Salamat sayo ulap Sa pagtatapos ng araw Sabay ulit tayong titingin sa ulap at sabay na hihiling na sana magkita tayo muli
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 7:38 AM UTC
Ulap
Mahal, ikaw ba ay handa ng tanggapin ang aking pagsinta? Mahal, maaari na ba natin hawakan ang kamay ng isa't isa? Mahal, bakit tila may alinlangan sa iyong mga mata? Ito ba ay dulot ng nakaraan hindi mo mabitawan? Mahal, ikaw ang aking panalangin sa may Kapal. Makasama ka sa bawat pagsikat at paglubog ng mga araw. Sabay natin bibilangin ang mga tala at hihiling sa mga bulalakaw sa langit. Mahal, ako ba ay hindi sapat sa para buuin ang puso **** sugatan? Mahal, maari bang ang puso mo'y sa akin na lamang? Mahal, handa ako maghintay na sana isang araw maging ako ang sagot sa iyong dasal.
0
Oct 21, 2019
Oct 21, 2019 at 10:54 AM UTC
Mahal
Alam mo bang ikaw ang tanging nais ko? Hindi na ako hihiling pa... Bakit pa nga ba? Sinasabi **** hindi ka kaibig-ibig, Ngunit iba ang aking nakikita. Lahat ng lumalabas sa iyong bibig Ay aking tinatago Para pakinggan sa oras ng kalungkutan. Ang iyong mga ngiti, Hindi ko pagsasawaan. Kahit na ayaw **** tinititigan ka, Hindi ko mapigilan. Kay gandang pagmasdan Ng aking musang Handa kong ipaglaban.
0
Oct 6, 2014
Oct 6, 2014 at 6:56 AM UTC
Ang Aking Kundiman
Darating ba ang panahon kung kailan hindi mo na ako itutulak palayo na yayakapin mo ako ng mahigpit at hindi na pakakawalan sa mga bisig **** naging kanlungan sa tuwing hindi ko na kaya ang bigat na pinapataw ng mundo Darating ba ang panahon kung kailan hindi na ako mangungulila sa iyo, na ikaw na ang nasa kinalalagyan ko at ako naman ang hahanapin mo, na ikaw naman ang siyang tatawid ng distansyang namamagitan sa atin Darating ba ang panahon kung kailan ako na ang paksa ng mga berso **** likha na ako naman ang pag-aalayan mo ng katha Darating ba ang panahon kung kailan makukulayan na ang mga pangakong salitang iginuhit at inukit subalit parang naiiwanan lang ako na paulit-ulit na umasa at magbuntong-hininga Narito ako't nagtatanong Darating ba ang panahon nating dalawa? Narito ako't hihiling na sana bukas tayo ay pwede na baka nga bukas pwede na.
0
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 8:23 AM UTC
Baka Bukas Pwede Na
madilim ang kapaligiran dama ang katahimikan napatingin sa kalangitan abot tanaw ang kalawakan kay gandang pagmasdan mga tala at buwan tila nakahiga sa duyan hinehele ng marahan mata'y napapikit diwa'y kumalma ng saglit nanumbalik mga alaalang di mawaglit ninanamnam bawat kapit biglang napagtanto marami nang nagbago maraming dinanas na pagkabigo kaya bang buksan muli ang puso? mumulat at muling sisilay sa mga bituing nakalaylay Hihiling na sana'y pawiin ang lumbay at mundo'y muling bigyan ng kulay. sana'y hindi magsasawa sa paghiling at pagtingala hanggang sa dumating ang himala at matanggap ang pagpapala.
0
Mar 6, 2019
Mar 6, 2019 at 4:58 AM UTC
muni-muni
Uuwi nanaman ako sa luma kong tahanan Titingin sa mga pader At kakausapin ang mga sulok Titingala, hihiling sa gabi at bituin Na sana mapawi na ang kirot Na nadarama ng puso Masakit na ang mag isa Masakit na ang walang mapaghingahan At ang tanging tinig na maririnig Ay ang alingawngaw ng isip Pipilitin ko umidlip. Pakiusap, hayaan mo akong umidlip At manatiling ligaw Sa panaginip kong ninakaw Ng mga lumipas na araw Dahil napagtanto ko na... Masakit na ang mag isa.
0
Apr 17, 2017
Apr 17, 2017 at 3:13 PM UTC
Filipino verse
Huwag ka sanang magbabago, pagkat ipapakita ko ang buo kong pagktao, Huwag ka sanang mawala, papatuyan ko ako’y katiwatiwala, Huwag ka sanang malito, puso kong naligaw ay nahanap mo ang panalangin ko, ako sanang nakikita mo, bago pumikit ang iyong mata, ayokong makita ka ng magisa pagising mo sa umaga, simulan ang araw ng bagong ala-ala at hihiling sa butuin, na ikaw ay maging akin
0
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 11:16 AM UTC
Hiling
Gusto kitang isayaw ng mabagal. Gusto kitang isayaw. Gusto kita. Gus— Gusto kong ibaling ang pagtingin ko sa iba, Pero bakit kahit na pilitin kong okupahin ang malaking parte ng oras para kalimutan ka, Hindi ko mapanindigan? Bakit patuloy ka pa ring bumabalik at nangungulit sa isipan; Kung alam mo namang madalas akong umaaasang baka sakali, May maganda tayong patutunguhan? Paano ko magagawang makalayo sa lungkot, Kung simpleng alaala mo,hindi ko magawang malimot? Dumarating ka sa oras ng katahimikan— Dumadalaw sa mga panahon ng pag-iisa, Dinadamayan ang sakit ng luhaan kong mata; Bumabalik-balik at sumisilip-silip, para iparamdam ang presensiya ng pag-ibig na kailanma'y hindi masusuklian~ Gusto kitang isayaw ng mabagal, Sa saliw ng paborito kong musika, Sa tugtog na gigising sa'kin, magpapa-alala: •Pagmamay-ari ka ng iba, Gusto kitang isayaw ng mabagal— Hanggang sa hindi matapos na tugtugin; Hanggang sa magawa ko ng pilitin, ang tadhana~ Na ibigay ka nalang sa akin, Gusto kita ng isayaw ng mabagal. Gusto kitang isayaw. Gusto kita. Gus— Tama na. Husto na. Gustuhin ko man na mapasa'kin ka, Wala akong magagawa. Kaya sige. Tatanawin nalang kita. Hihiling na sana minsan, maisayaw kita— Sa saliw ng paborito kong musika; Sa tugtog na patuloy sa'king magpapa-alala, Kaibigan lang dapat kita At pagmamay-ari ka ng iba. Gusto kitang isayaw ng mabagal. Gusto kitang isayaw. Gusto kita. Hindi magbabago kahit nakatadhana ka sa iba.
0
Dec 4, 2019
Dec 4, 2019 at 10:23 PM UTC
#82
Kamusta tila wala na mga kislap ng iyong mata marahil magmula ito ng iwan kita mula ng akoy umalis araw araw na kong nagtaka maari pa ba kitang tawaging sinta? malamang ikay malungkot at nagdurusa alam ko naman na tinuring kitang walang kwenta at kahit anong hingi ko ng tawad ay di mo na ibibigay pa magmula ng ikay aking sinira palagi ka nalang malungkot at tulala puro ako pagsisisi ngunit alam kong wala ng magagawa pa iniwan ako sapagkat wala na akong tamang ginawa tila ilusyon nalang gawa ng alak ang ating masasayang alaala kahit anong aking gawing ikay di na muli makakasama masyado ng madaming pighati ang iyong nadama ang dating malakas at matayog na tao ay isa nalang memorya patawad sa akin sarili para sa lahat ng nawala magmula noon ay ikay nagdurusa hayaan mo at akoy hindi na hihiling na ikay magbalik pa maging masaya ka sana hanggang sa ating muling pagkikita
0
Sep 18, 2020
Sep 18, 2020 at 3:34 PM UTC
patawad
ang huling beses ay mahinahong lason sa lahat ng unang beses sa una **** mga hakbang, ang huli kong pagtapak at sa huli kong kahinaan, ang una **** pagkabasag sa huling beses hihiling ako ng mga unang beses parang pagbukas sa bawat nagyeyelong bote na nababawasan ma'y lunas sa mapagtanong kong uhaw
0
Jul 18, 2017
Jul 18, 2017 at 9:07 AM UTC
Untitled