Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
John AD Feb 2019
Mari , Maaari ko bang sabihin ang aking nadarama?
Mariposa sa himpapawid na dumapo sa aking mga pluma,
Ako'y nagdurusa , Labis na kalungkutan ang nadarama
Masyado tayong nagpadalus-dalos,At di alam kung saan papunta

Nagdurugo ang aking puso,Pinapaslang ang aking utak
Kakaisip sa mga bagay na hindi matuka ng Uwak , Dahil
Pagod pa din ako kahit nakatulog na , Di nga kita makausap
Ako'y Takot pa

Na Malaman **** , kelangan ko munang magpahinga,
Hindi naman lilisan,Nais lamang ipaalam na
Pagod na pagod na ang isip ko tuwing kausap ka
Hindi parin kasi kita maipinta

Ako'y hindi sanay sa mga bagay na ika'y napapakalma
Marahil di mo ko maintindihan , Yun talaga ang totoong kulay ng aking pluma
Hindi rin kasi ako masaya tuwing nakasimangot ka
Malungkot din ako kapag malungkot ka

Pero wala naman akong magagawa ,
Tikom lang ang aking mga bibig
Limampung Beses iniisip
Ang mga bagay na makakapagpabago ng iyong mga himig

Wala akong kakayahang makipagtalakayan
Magkaiba kasi tayo ng kapaligiran
Sana'y mauwanan mo naman ang aking nararamdaman
Masakit man ang mga nasasabi ko ,Mas masakit ang magbulag-bulagan

Dahil ayaw ko ng magsinungaling sa aking mga nararamdaman
Baka humantong lamang ito sa isang malaking kasinungalingan
Hangga't maaga , nais kong ihatid ang mensaheng ito
Upang iparamdam sayo lahat ng aking nadarama

Mari,Mariin ang sakit ng bawat letra ng aking inilathala
Bagkus ito'y magiiwan ng marka at sa pag kislap ng mga tala
Nais kong dalin mo ito at magsilbing payo ko sa iyong pagkatao
Ngunit huwag mo kong kalimutan dahil naging parte ako ng buhay mo

Mari,Marilag na binibini sana ako ay mapatawad mo
Sa hakbang na ginawa ko , Sa bagay na magiging sanhi ng kalungkutan mo,
Hindi pa naman ako mawawala bilang kaibigan mo
Basta't Huwag mo rin kakalimutan kung sino ako .

(Ang nais ko'y manatili ang ating pagkakaibigan,
Ngunit kelangan ko ngayon ng oras para sa sarili ko)

(Mari,Pagod pa ang aking isip
At Patuloy paring nananaginip
Regalo sa akin ang ating pagkakakilanlan
Itinago ko nga lahat ng iyong payo dito sa aking Isipan)
Ang pag-iyak ng mga dahon  sa bukang-liwayway  ay pinapawi ng init ng pagsikat ng Araw,At maglalaho sa Dapithapon , At Maaring magiwan ng marka padating ng Takipsilim...
Ang apat na yugto ng oras ng panahon ay nagsisilbing instrumento ng aking pagkatao... at pagkatao mo..
Sundan mo ang pagsikat ng araw ! at huwag na huwag **** papakiramdaman ang presensya ng kadiliman...
w Apr 2019
91
Ang sabi nila na ang pinakamasakit daw na tunog ay ang iyak at hikbi,
Malakas man, mahina o pag-pipigil
Lahat daw ‘yon ay pare-pareho lang
Tama nga siguro sila kasi ang iyak ay nakapag-sasabi ng totoong nararamdaman, ang iyak ay isang kalungkutan
Noong gabing yon, narinig ko ang pinakamasakit na tunog
Sabay tayong lumuha
Sabay nating iniyak ang sakit na para bang masasagot lahat ng tanong sa ating isipan
Mga pagkukulang, mga sana at dapat na pareho nating gustong malaman, gustong ipaglaban
Mga tanong na matagal ng kinukwestyon ang mga bagay na hindi maintindihan
Mga pagkukulang na pinipilit buuin na unti-unting lumalabo
Mga sana at dapat na matagal nang pinipigilan
Ngunit narinig ko ang tunog ng bawat galaw ng iyong mga paa na humahaplos sa sahig
Narinig ko kung paano mo ikinabit muli ang iyong mga paa sa iyong medyas at sapatos,
Kung paano mo ito itinali at binuhol nang napakahigpit
Narinig ang bawat kilos at galaw
Sa huling beses ay narinig ko ang iyong mga daliri
Kung paano dumapo ang iyong palad sa pinto
Hindi iyak at hikbi ang nangibabaw
Kundi ang tunog ng pagsara ng pinto
Jor Jul 2015
I.
Minsan lang ako lumabas ng bahay
Minsan lang ako umupo sa damuhan at tumambay.
At napili ko ang gabi para ako'y damayan
Sa aking nalulumbay na katauhan.

II.
Marami akong naiisip–mga kung ano-anong bagay.
Marami akong gustong sabihin sa mundo,
Ngunit mas pinili ko nalang na itikom ang bibig ko.
Sapagkat alam kong wala namang makikinig sa mga pasaring ko.

III.
Napahiga nalang ako at ang mga bituin binilang ko,
At napagod ako kakabilang sapagkat alam kong imposible ito.
At bigla kang dumapo sa isip ko. At napasabing:
“Isa ako d'yan sa mga bituin, ako ‘yung maliit at 'di mo napapansin.”

IV.
Napabuntong hininga ako,
At kasabay nun ay biglang may isang bituing biglang nagningning.
Naalala kita, naalala ko yung ngiti mo noong una tayong nagkita.
Isa ka rin nga palang bituin, ngunit 'di gaya ko, pagkat ika'y maningning.

V.
Ang sarap sana ng buhay ko kung laging ganito,
Masarap ang hangin at tahimik ang aking mundo.
Ngunit alam kong imposible ang hinihiling ko,
Pagkat mas masarap ang buhay 'pag ikaw ang kapiling ko.
kingjay Mar 2019
Pupungas-pungas pa
Nasisilawan sa munting sinag
Di-makagulapay ang mga binti
Daig pa ang nakaratay na may sakit

Sa bawat umaga ay di pagkagaling
Tumighaw sana kahit na ang lumbay
Kung sa huni ng mga ibon ay naaaliw
makakagising nang may sigla at panibagong ginhawa

Ngunit nang minsan ang kaginhawaan ay nalasap
nanguluntoy ang pangarap
Sa tanghali na matindi ang bugso ng init
naranasan ang pagkapagod sa bukid

Hahayaan para sa kapakanan niya
na ang higad makisama sa mga paruparo na magiging siya
Huwag na dumapo sa dahon
na nagpakain noon
datapwat tumungo sa bulaklak ng palasyo

Pigilan ang tibok
Kahit parang buhos ng tubig sa talon
Ang ikamamatay ay siyang ikalulugod
Sapagkat sa kasaysayan ay napapako,
pinaparusahan ng panghihinayang
041921

Gusto ko nang gumaling —
Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko
Paulit-ulit kong panalangin.
Pero naisip ko rin,
Kaya ko bang gumaling nang walang gamot?

Sa paghihintay kong hindi nakapila,
Sa paghihintay ko sa oras kong itinakda —
Sa oras ko nang pagsalang..
Gusto ko naman sanang
“Magaling na ako
Bago ako mag-undergo ng test.”

Naisip ko, sa ganitong estado pala’y
Gaya pala ito ng paghihintay
Sa pagbabalik ni Hesus..
Na ang nais ko lamang
Ay matagpuan Nya akong “magaling na”
Sa anumang sakit at sumpang dumapo sa akin.

Sa bawat pagsikat ng araw
At sa bawat pagsipat ko sa bagong buhay,
Ang tanging lunas pa rin
Ay ang presensya Nya..
Walang ibang kasagutan
Sa paghilom ng aking pagkatao
Kundi Sya’t Sya pa rin naman talaga.

Hindi ko naman pwedeng madalian
Ang oras ko tapos hindi pala ako handa
Hindi pala ako naghahanda
Sa pagbabalik Nya.
Yung wala pala akong ginagawa
Habang naghihintay ako sa pagdating Nya.

Isinasariwa ko kung ano ba dapat
Ang laman ng puso ko.
Dapat kasi hindi ako maligaw ng landas
Lahat kasi ng “dapat” maggawa ko..
Pero hindi eh..
Gusto lang ng Panginoon
Na maging totoo ako sa sarili ko,
Maging totoo ako sa Kanya..
Hindi ko kailangang itago
Yung mga kamalian ko sa buhay,
Walang pagpapanggap.
Eugene Apr 2016
Tinitigan kita,
Mula ulo hanggang paa.
Sinulyapan mo ako,
Ng kakaibang pagnanasa.

Dumapo ang iyong kamay,
Sa aking katawa'y nananalaytay.
Nang labi ko'y dumantay,
Muntik ka nang mahimatay.

Mapusok, umaalab, nag-aapoy.
Bawat damdam'y hindi nagpaliguy-ligoy.
Ninamnam ang panandaliang kuryenteng dumaloy,
Hanggang sa tuluyan nang naglaro ng apoy.
Jasmin May 2020
Ano bang nais **** mabasa
Ano bang nais kong maitala
Marahil ito’y tungkol sa mga bulaklak
Mahalimuyak, wari pa’y simbolo ng galak
Maaari ring tungkol sa mga ulap
Tinitingala at hangad ay mayakap
O kaya naman ay sa mga paruparo
Susundan ng tingin saan man dumapo
Ilan lang ‘yan sa mga tuwinang paksa
Mga usaping purong halaga ang tinatamasa
Kumusta kaya ang mga pangkaraniwan
Ang mga patay na dahon sa putikan
Bisikleta ng ordinaryong mamamayan
Lapis na panulat ng pangalan ng napupusuan
Iyong madaling nabubura, hindi nahahalata
Kabilang sa mga madalang bigyan ng pansin
Mga bagay na sapat na ang isang tingin

Kumusta kayo?

Kumusta tayo?

Siguro’y nangingiti lulan ng duyan
Kalmado, mahinahon, malaya
Tago sa ingay ng karangyaan
Simple, payak... nawa.
Chwins Jun 2017
Matagal na panahong nilihim sa iyo
Isang sikretong pasan ng mga balikat ko.
Dinggin mo ako bagamat tila’y huli na,
Pagbigkas ng mga katagang marinig mo pa sana.

Halina’t sumilip sa kaibuturan ng aking puso
Nagkadurug durog at hindi man buong buo
Kailanma’y hindi naubusan ng dugo
Na tuloy pa ring dumadaloy dulot ng alaala mo.

Kailangan ko pa bang ipaliwanag ito
Isang pangungumpisal at pagsusumamo
Sa tinagal tagal ng ating pagsasama
Ni minsan ba’y dumapo sa’yo na mahal na pala kita?
Michelle Yao Nov 2017
Minsan aking tinatanong,
Anu aking nagawa?
Anu aking nasabi?
Anu aking inasal para ako'y lubayan?

Ngunit aki'y naisip
Gaano mo nga ba ako kamahal?
kaya mo ba ako'y ipaglaban?
Habang iniisip ito'y
Dumapo saking isipan
Hindi mo na nga pala ako mahal.

Pinilit aking ipaglaban
ang pagmamahalang ako na lang umuunawa
Habang tumatagal,
Pagsinta sa iyo'y unti-unting nawala.

Sa pagmamahalan nating magtatapos,
Isa lamang akign hiniling sa Diyos,
Sana ika'y makahanap ng isang pagmamahal
na tapat at hindi magtatapos.

Mahal ko, Paalam!
Ika'y sana maging masaya magpakailanpaman
Sa piling ng kung sino man iyong iaalay ang salitang
"Mahal kita, aking mahal"
kingjay Jan 2019
Paano matataho ang kanyang damdamin
Sino ang tinutukoy niyang minamahal
Bakit niyakap bigla
Malalim na ang gabi nang nagpaalam
Tinutugis ng kalituhan

Isang dapit-hapon, habang naglalakad
Isang ale ay humagulgol sa gilid ng kalsada
Ngunit walang sinuman ang nakapuna
Buong aparisyon nga ba

Sa bulaklak ng gumamela,
dalawang paru-parong itim ay nakita
na dumapo at lumipad nang sabay
Sino kaya ang susunduin ng kamatayan

Sa pag-uwi ay kay bigat ng pakiramdam
Sa mga salitang naisulat ay doon binuksan
ang nakakakilabot na bangungot ng kadiwaan
Ang mga nailimbag ay
" Lupa't langit ay nakahanay
    Tila'y magkarugtong parang itong      
    buhay"

Apat na oras na ang lumipas pagkatapos ng takipsilim
Minamasdan ang ama na humihilik
Hawak-hawak ang panyong itim
Dinalaw na ng himig ng hele at napaidlip
Ikaw ang awit ng puso
Sa piling mo ay paraiso
Binubulong ng hangin
Pangalan **** kay lambing
Ikaw ay paro-paro.

Mailap at mapaglaro
Langit kapag ikaw ay pinagmamasdan
Mga mata ay ayaw kang pakawalan,
Ikaw ay paro-paro.

Halina sa aking hardin
At ating libutin
Mga halamang  hitik sayo ng pagtingin
Na katulad ng aking damdamin.

Dumapo ka sana upang ikaw ay malapitan
Iingatan ka at hinding hindi sasaktan
Sa piling ng mga bulaklak,
huwag kang mag-alinlangan.

Huwag kang matakot
Sapagka't pag-ibig ko sayo ay bumabalot.
This poetry was created sometime in 2017.

— The End —