Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"depinisyon" poems
Ano ba? Nakakatawa! Ano ba? Nakakainis na! Ano nga ba tayong dalawa? Nalilito na ako sa kung ano nga ba Ano nga bang ang kaibigan? Hay nako, aakbay-akbay na... Ano ba ang iyong mga ginagawa? Ano nga ba ang aking ginagawa? Ano nga ba ang mga kalokohan nating dalawa? Mas maganda na hindi na lang tayo nag-usap. Mas ginusto kong nakikita na lang kita palagi, Gusto kong masaya ako na walang masama sa huli Mas ginusto kong makita ka na lang sa maskara mo, Sa maskarang **** bawal tanggalin. Kaibigan mo nga ba talaga ako...? O laro at loko-lokohan lamang? Oo, itinuring kitang kaibigan dati, Oo, kaibigan nga ang ngalan ko sa’yo. Hindi ko napapansin ang puso kong Nahuhulog na lang bigla sa ating mga ginagawa. May mga kaibigan kang babae? Akala ko ba ako lang. Hahaha. O ano? Nagseselos ka na? Gusto kong kasama ka, Mag-isa lang tayong dalawa. Tahimik pero maraming kalokohan. Ano ba tayo? Laging yun ang tanong. Isang tagahanga lang ba ako sa aking idolo? Isa ba akong kaibigan na kinaiinisan mo. Minsan mas magandang mag-isa sa malayo. Yung hindi ka nakikita pero naaalala... Oo, malungkot. Wala namang taong naging permanente. Pero ang mga bakas nila sa aking puso, Nakabakat parin, dinadaluyan ng aking mga luha. Baka bukas, hindi na ito maging normal. Kasi baka sa susunod na mga araw, Iba na ang depinisyon ng masaya. Masaya akong nakasama rin kita, aking mahal na kaibigan. Napapaibig ako pero ang mata ko’y nakamulat pa. Kasi alam kong hindi ngayon. Anim na taon na ika’y mas nakatatanda. Pero kalokohan nating dalawa ay pambata. Minsa’y hindi mo na maiintindihan pa. Oo, sumosobra na rin ako, noon pa. Ano ba ako sa’yo? Kasi kaibigan ka sakin. Ano ba ako sa’yo? Iyong tagahanga lamang ba? Oo, mas ginusto ko pang hindi lang kaibigan, Pero mas ginusto mo ata akong kausap mo lang. Gulong-gulo na ang isipan ko. Sino nga ba ako sa'yo? Nakakainis na lang minsang hindi ko mapigilan, Ikaw. Ikaw. Ikaw. Puro ikaw. Mga litrato mo, nasa phone ko. Puro ikaw. Pero nakakapagod na magmahal... Ng mga taong hindi mapapasa'yo. Ano ba! Ano ba!? Ano ba!?
0
Apr 2, 2018
Apr 2, 2018 at 7:58 AM UTC
Ano Ba?

Continue reading...
56
Tunoli ko'g bugnaw nga kalinaw sa sabaan kong kalibutan mga busdak sa tambol, ritmo sa bass Ug kaskas sa distorted nga gitara Duyog sa kasingkasing kong nalunod sa lawom nga kasubo. Kini ang akong depinisyon sa kalinaw.
0
Feb 25, 2022
Feb 25, 2022 at 6:30 AM UTC
Ang Saba Kong Kalinaw
Alaala ang pinakamalapit na tugma Ng mga tala. Kapahina ang kakambal nitong Pinakamapait na salita: Pangungulila. Nang pagtingala Sa buwan na ningas ng maamo **** mukha. Kaya, sa kawalan ay mapapako. Mapagtatantong Bituin ka sa apat kong dako. Hilaga, Kanluran, Timog, at Silangan. Doon kita matatagpuan. Ikaw, ang siphayo ng malamig na gabing pinili kong makasanayan. Ikaw na siyang unan, kumot, at hanap-hanap kong dantayan. Ikaw, ang pinakamataimtim na bulong sa mga bulalakaw. Ang nag-iisang hiyaw. Na kung hahamunin man akong bigyang-kahulugan ang salitang balang-araw, Ang isusulat kong depinisyon ay ikaw; Ang pinakainaabangan kong bukas Matapos sariwain ang kahapon at nakalipas. Ikaw ang uniberso. Wari'y ang lawak ng kalawakan Maging ang mga kislap nitong hindi pa natutuklasan ninuman, ay hindi sasapat kung ikaw ay aking ilalarawan. Ikaw na napiling pag-alayan ng pag-ibig na matagal kong inipon at iningatan. At wala akong ibang maramdaman Kundi matuling ikot ng mga planeta At mga nagbabanggaang kometa. Subalit hanggang kailan? Mahal, kapos ang haba at katahimikan ng gabi para lamang pakinggan ang dalawang pusong nagsisimulang bumuo ng kanilang istorya. Araw ay marahang pinasisingkit na ang mga mata. Umaga na subalit mahal pa rin kita. Sinta, tinatangi kita. -wng
0
Jun 12, 2016
Jun 12, 2016 at 7:55 AM UTC
Iniibig Kita
Pag ibig Kanya-kanyang depinisyon Kanya-kanyang eksplinasyon Isang uri ng salamangka Na makakapagpapabago ng lahat Makapagbibigay ng dapat at sapat Pero hindi lahat ng dapat ay kailangang maging sapat Dahil kailanman ay hindi naging sapat ang lahat Maghahangad ng iba Maghahanap ng ibang kasama Pero gayunpaman ay wag kalilimutan Na ang pag ibig ay pag ibig parin Kahit ito pa ay paiba-ibahin O kaya nama’y balibaliktarin Bawasan mo man o buuin Pag ibig parin Pag ibig Ito ang tuwa sa isang libo **** luha Isang porsyento sa ilang daang libo Ito ang kahulugan sa bawat salita ng diksyonaryo Ito ang nagbibigay pag-asa sa bawat gising mo Ito ang magtuturo sayo Na ang sakit at pait ay hindi bagay na dapat **** katakutan Hindi bagay na dapat **** sukuan O kaya nama’y dapat **** kalimutan Dahil ang pag ibig ay ang lakas sa bawat paghina Ang kagustuhang tumayo sa bawat pagsuko Ang pagsulong sa bawat pag urong Ang simula sa bawat katapusan At ang katapusan sa bawat simula Dahil ang katapusan ay hindi masama Ito ang simbolo ng tagumpay Ang simula ng simula Pag ibig Ang magbibigay ng sagot sa bawat tanong Sa ano, bakit at paano Ang pupuno sa bawat kakulangan mo Pupunan ang pangangailangan mo Ito ang tulay sa bawat pagitan Malakas, matibay, mapagkakatiwalaan Sapagkat ang pusong puno ng pag ibig Ay malakas, matibay at mapagkakatiwalaan Ito ang magkumukunikta sa dalawang magkaibang mundo Kahit na sino at kahit na ano Kahit na ano pa ang kasarian mo O kahit na ano pang kinabibilangan mo Sasagipin ka nito sa pagkalunod Sa pag iisa Sa mga panahong akala mo’y wala ka nang kasama O kaya nama’y kinalimutan ka na Yayakapin ka At nang hindi manlamig at mamanhid ang iyong kaluluwa Pag ibig Di ka nito huhusgahan Tatanggapin ka kahit ano ka man Dahil kailanman ay wala itong batayan Kahit ano pa man ang iyong pinaniniwalaan Dahil pag ibig lang ang may konsepto ng pagtanggap Pag unawa at walang halong pagpapanggap Ito ay puro at dalisay Hindi pinapahina ng panahon At sa halip ay lalo pang pinapatibay Ito ay mas malakas pa sa bawat pagsubok Mas mataas pa sa pinakamatarik na bundok Pag ibig Ito ang produkto ng konseptong positibo ng pluma at panulat Ng tuno at liriko Ng imahinasyon Ng respeto at pagpapahalaga Umibig at ibigin Sabihin kung ano ang laman ng damdamin Sayo, ano ang pag ibig?
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 9:50 PM UTC
Ano ba ang Pag-ibig ?

73
panahong kay init at samot-saring pangyayari ilalabas ang kwaderno't magsusulat ng hirayang bahaghari iba't ibang mukha, ngingiti't tatawa kunwari sa galaw, pananalita, at sa pagsulat ng kamay pagkaguho, pagkawasak, at araw-araw na pagsasablay sa mga bagay-bagay na 'di maiakbay salungat sa sinyales na aking hinihintay biglaang pagkalito, gan'to na ba ang takbo ng mundo? kamay na animo'y tinanggal paang singbikat ng bakal hininga'y laging nasasakal makakawala pa ba sa kasulukuyang estado? nais nang kumalas, sa hindi nakikitang rehas walang depinisyon, wala ring direksyon hikbing palihim, kalungkutan sa takipsilim naliligaw, nababaliw, sa indak na hindi inaral ngunit nakabisa pa rin
0
Jul 11, 2021
Jul 11, 2021 at 4:28 PM UTC
Untitled
bawat segundong lumilipas ay iuukit serye ng alaalang nakakaakit lahat ng ito'y iguguhit kahit ang luha na'y napupunit lumalalim ang huwad na panaginip mapaglaro't malilikot na kathang isip eksena't larawang nabuo sa isang idlip pilit inaalala't sinusundan ang ihip binabagtas ang hirayang aguhon walang depinisyon, walang direksyon waring nakatali sa matamis na kahapon pilit kumakawala sa paraang kay hinahon hinahanap ang liwanag sa dilim dilim na kumukubli sa isang lihim sa iyong paglisan, ikalabing-anim nawa'y makita ka sa takipsilim
0
Mar 11, 2020
Mar 11, 2020 at 5:12 AM UTC
Untitled
Maganda ka, walang pinipiling oras, araw at panahon. Kariktan mo'y patuloy sa pagkinang sa gitna ng kanilang mga alinlangan, matalim na mga tingin bitbit ang panghuhusgang natatakpan ng pagkabulag sa tunay na kahulugan ng kagandahan. Mga katagang nararapat sa iyo, maganda ka! walang naman, minsan at dahilan. Tuwirang pagsambit ng maganda ka at walang pagdadalawang-isip, sa kabila ng iyong kulay, hugis, taas, tuwid, kinis at iba pang basehan ng gandang naglipana, na inaakalang tunay na depinisyon ng ganda. Maganda ka, higit pa sa mga araw na pakiramdam mo ay may mali sa iyo at kulang ka. Mas pinaganda ka ng iyong mga kakulangan, mas binigyan ng kulay at nadepina ang tunay na kahulugan ng ganda sa iyong mga mata, sa tuwing pinapaulanan ka ng kanilang mga salita'y hindi ka nagpatinag. Maganda ka, dahil ikaw ay ikaw. Hindi sukatan ang paningin at bibig ng kung sino man.
0
Sep 6, 2021
Sep 6, 2021 at 9:53 AM UTC
Maganda ka
Sa iyong pagbabalik, nadarama ulit ang iyong halik Galing sa biglaang pag-alis, nagdulot pa rin sa puso'y malalim na daplis Tulang sinulat at inialay sa akin ay naglalaman ng mga dahilan Mga dahilan na aking intindihin ngunit ako'y masasaktan Ayaw mo akong lisanin ngunit ayaw mo na rin akong angkinin Maaari ba iyon? Parang hindi nagkatugma sa totoong depinisyon Ng tunay na pagmamahal pero yun ang iyong opinyon Hindi mo ako gustong kalimutan, hindi ako kayang paluhain Mahal mo akong lubusan, at ayaw **** makasakit ng damdamin Sana'y malaman mo na natatawa ako sa iyong mga salita Nang sinabi **** iwanan ako at hayaang sumaya sa iba Siguro sasaya ako, oo alam ko Pero asahan mo darating ang panahon na kung kailan pinalaya mo ako Doon mo na rin malaman na ang bobo mo masyado Sapagkat minahal kita nang higit sa aking buhay Inialay ko lahat, kahit minsan ay sumablay At para na rin pinatunayan **** hanggang salita ka lang naman Ayaw mo akong saktan? Pero handa mo akong iwanan. Binulag mo ang sarili sa kaisipang sasaya ako kapag wala ka Yan ang kamaliang gusto ko sanang itama Bali-baliktarin man ang buong daigdig, umiiral pa rin sa puso ko ay pag-ibig Bakit hindi na lang natin isipang tayo na lang dalawa? Ang natitira sa mundong ibabaw at wala ng iba pa Nang sa gayon ay hindi mo maisip na ako'y makahanap ng iba Higpitan mo ang paghawak sa akin at ako'y iyong-iyo na.
0
Dec 16, 2019
Dec 16, 2019 at 11:28 AM UTC
Azzy