Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"biyayang" poems
Nagsimulang mangarap ang karamihan Ngunit bigo ang iilan marami ang naghangad ng pagpapala ngunit ang iba ay halos walang napala ang sabi "Ilabas mo ang nararamdaman mo!" pero ang pagkakaintdi nila "Sige lang tago mo!" natakpan ng pagkatakot ang tainga ng bawat Pilipino binulag ng maling galaw ang lahat ng papanaw ng tao. Ika ni Gat Jose Rizal, "mahalin ang sariling wika" ngunit panay ibang lenguwahe ang gusto ng iba. Simpleng paalala, nais ng karamihan ang pagkakaisa pero sa sariling pagtangkilik ng atin, ayaw rin ng iba. "Lipstick na pula", "Damit na may hati sa gitna" "kantang di maintindihan ng bata", at mas masakit sa pandinig ang tanong na ngayon ng mga bata, "Ano po ang ABAKADA?" at ang nakakainis, ang pinagtanungan hilig rin ang wikang banyaga. Pader ng pagiging malaya? Oo, may kalayaan ang bawat isa kung ano ang pipiliin nila, pero tandaan na sa bawat kilos at galaw, mayroon itong kapalit pagdating ng araw. Pader ng pagiging malaya? Oo, may nais ang lahat, may pangarap ang lahat pero isaisip di lamang sariling kagustuhan, Maaaring makuha ang tagumpay pero maaari ring mayroong ibang taong madamay. Pilipino ka, panindigan mo ang nais ng lahat ng kapwa mo. di mo piniling maging Pilipino, pero ito ang biyayang binigay sayo kung ang isda nahuhuli sa bungaga ang bawat tao nahuhuli naman sa bawat salita. Pader ng pagiging malaya, ilista mo rito lahat ng gusto mo, lahat ng ninanais mo, at lahat ng pangarap mo. Pader ng pagiging malaya, di man ito ang huhusga ng kung anong pagkatao mo pero makakatulong to. Pader ng pagiging malaya, sabihin mo lahat ng nilalaman ng puso mo Pader ng pagiging malaya, ilantad mo dito ang ginagawa mo Pangako bilang pilipino mababago dito ang pananaw mo. at Pangako bilang Pilipino, ingatan mo rin lahat ng malalaman mo. Pader ng pagiging malaya. FreedomWall ika-nga. Hayaan **** itong Pader ng pagiging malaya ang maging sandigan mo at gabay patungong pagkakaisa.
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 10:31 AM UTC
Pader ng pagiging malaya

Continue reading...
33
Titila ang ulan...titila.. Ang maaliwalas **** mukha ang aking napagmamasdan, Hindi ko masisilayan, Isang napakagandang larawan, Ano ang kahulugan? Ng iyong ngiting iniwan. Hindi kita kilala, Ngunit ang ngiti mo'y may ipinapahiwatig sa tuwina, Nakakamangha talaga, Hanggang sa tuluyan kitang makilala. Binuhay mo ang aking pagkatao! Ginuhitan mo ang aking puso! Kinulayan mo ang madilim nitong sulok, Salamat! sa biyayang minsan **** inalok, Sino ka ba talaga? Bakit mo ako tinuruan ng ganoong pagpapahalaga? Titila ang ulan.....oo---ang ulan, Ngunit kasabay nito ang iyong pagkawala, Paglisan na nag-iwan, Isang bakas na may itinatagong kariktan, at sa pagtila ng ulan, Isang malaking pala-isipan, Ang iyong ngiti ay-------- Ngiti ng isang------------ anghel.
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 12:44 AM UTC
Mala-Anghel **** Ngiti
ikawalong baitang nang ika'y makilala isang diwatang nag-anyong dalaga tila'y isang biyayang hatid ni Bathala handang maging alipin na itinalaga isang reynang naligaw sa isang kaharian ako'y iyong kawal na handa kang pagsilbihan ikinagagalak kong ako'y 'yong manduhan walang mali sa 'yong kagustuhan ngunit kasabay ng paglipas ng bukang-liwayway tadhana nating dalawa'y biglang nabalutan ng lumbay nagsimula tayong matatag at dalisay ngunit ang daan nati'y nagkahiwalay at tuluyang nabalot ng kulimlim ang huwad kong buhay sana'y noong una pa lamang ay niligawan na ang Paraluman nang hindi sa isang mahapding katotohanan na ngayo'y pilit na binabalikan ang pagsikat hindi na muling mahahagkan kung iadya man ni Bathala na ika'y maligaw sa isang kahariang mapurol at maginaw hahanapin ko ang kaisa-isang kaharian na ang reyna ay ikaw
0
Jan 1, 2022
Jan 1, 2022 at 8:37 AM UTC
Mayari
Dumating sa aking buhay na hindi inaakala Gayunpaman maiituring kita na isang biyaya Isang biyayang sobra sa aking nagpaligaya At sa tuwing kausap kita, Ngiti sa mukha ay hindi maipinta, Marahil ang boses mo ay parang musika, Kaya't puso'y laging naaalala ka. Lilipas ang mga araw at buwan, Tayo ay magkakatampuhan, Ang dami ring taong sa ating buhay ay lumisan, Pero ako, dito lang ako di kita iiwan Salamat ika’y natagpuan Binigay ka man sakin ng hindi inaasahan Iyon ay hinding hindi ko pagsisisihan Sa hirap at ginhawa mahal, nandito lang ako ako’y iyong maaasahan Dito ka lang sakin, Hinding hindi kita bibiguing pasayahin Ikaw at ikaw lang ang pipiliin Kung alam mo lang kung gaano kita dinadalangin Tumingin man sa madaming bituin Wala nang iba pang hihilinginin Dahil sa aking paningin ikaw na ang pinaka magandang bituin Itigil mo na ang panliligaw mo Sapagkat ika’y sinasagot ko na ng aking matamis na oo
0
Apr 4, 2020
Apr 4, 2020 at 11:47 AM UTC
aking biyaya
lahat daw ay pantay-pantay sabi ng mga balatkayong nakaupo sa silya ng salapi, ngunit naguguluhan itong batang isipan, lahat pa ba ng ating gawa ay pantay sa mata ng Maykapal. biyayang ipinagkaloob Nya sa atin, biyayang unti-unting nasisira, puso'y lumuluha sa nakikita; ang may sala, yaong Kanyang kawangis. Kanyang 'kawangis' pa ba kung isalita? kung mga gawa na abot langit ang pinagkaiba.
0
Feb 11, 2019
Feb 11, 2019 at 8:43 AM UTC
save the earth
Matagal ko na gusto itong sabihin sa iyo Ang pag-ibig katulad ng ihip ng hangin ay nagbabago Sa magulong mundong makikita saan mang dako Iisa lamang ang pag-ibig na totoo. Bangon kaibigan sa iyong kinasasadlakan Tunay na pag-ibig na ito ay walang hangganan Ito ang tagapagsilbing gabay sa iyong buhay Ng makamit mo ang saya na tunay at walang humpay. Kaibigan sa iyong paglalakbay sino ba ang gumagabay? Masalimuot na mundo, marami ang patunay Marami ang temptasyon sa atin ang sumasabay Kailangan ang Panginoon ang pag-ibig Niyang alay. Minsan ba sa iyong buhay problemay napakalaki? Lahat ng solusyong naisip puro walang silbi Subukan **** bilangin ang biyayang pinagkaloob Ng Diyos Ama sa Langit na Siyang may handog. Kaya kung inaakala mo ang buhay mo ay patapon Wala ng silbi, wala ng pag-asang maiahon Mayroon isang Diyos sa atin naroon Kumakalinga sa Iyo sa lahat ng panahon. Matapos ang araw na ito sana maintindihan mo Kung gaano kalaki ang biyayang nasa sa iyo Tanggapin lamang ito ng bukal at buong puso Ang bukal ng buhay ay tanging kay Kristo.
0
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 11:27 PM UTC
Kaibigan, Usap Tayo
Biyaya: Lumabas ako’t nanatili sa aking kinaroroonan. Dinamdam ang bawat sandaling dumadaan, Na para bang ang bawat segundo’y aking inaasam. Isang halik mula sa langit at ako’y nanabik, Isang halik sa sinag ng araw at ako’y napapapikit, Isang halik mula sa hangin at aking linanghap. Ang mga ito nama’y biyayang pruweba ng aking pagkabuhay. Bawat halik mula sa langit ay parang nagpapaalala, Ng mga bagay na sa atin dapat ay mahalaga.
0
May 22, 2015
May 22, 2015 at 4:15 AM UTC
BIYAYA
Sa ulan naligo nang nagagalak Bawat patak sa pisngi ay parang biyayang inihahatid At sa sandaling paghinto ay ang pagbabalik Paggugunita sa mga araw ng paggiliw Noong kami pa ay parang langit Ulap sa paa ko' t bituin sa panaginip Walang gabi na tahimik Sapagkat parating may malamyos na awit Ang pakiramdam ko sa panganorin Walang hanggan-kataasaan ay di malirip Ngunit unti-unting nawawari Kalangitan ay isa lamang bahagi Kung ituturing ay isangpanig-ibig Pagkat ang pag-irog ay ganap na pagmamartir Tinakasan na nakalupasay sa pananabik Ang sinta ko sa iba kumapit Naaalala pa nang nakadantay ang kanyang binti Sa hita ko' t sabay ng masuyong paghalik Yakap niya sa akin ay napakahigpit Ngayon bakit kay dali lang sa kanya ako' y ipagpalit Binigyan man ng malapad na bagwis Ang bawat wasiwas naman ay dulot pighati' t Nagpapahiwatig ng pamamaalam na nalalapit Isang beses lang lumipad, sampung ulit ang hilahil Tinuring na reyna sa kahariang panaginip Kahit na inaalila niya' t inaalipin Para sa akin isa siyang prinsesa na handang isagip Sa mababangis na lobo' t mga tigreng sakim Kung maparool man ay hindi itatanggi Na minamahal siya' t itinatangi Mapalayo man sa pamilya' t kaibigan siya pa rin ang pipiliin Namumukod tangi siya, walang kahulilip Huli na nang malaman ang ibig Ako' y pala kasangkapan lang sa kanyang ninanais At upang sa isang tao' y mapalapit Ginawa niya akong tulay - pantawid Ano mangyayari sa pakikipagsapalaran sa pag-ibig Tiyak na maluluray, at dadaing Dahil sa antak na di naiibsan at naaalis Duro sa puso' t wasak na damdamin Nararamdaman ang masidhing lunggati Na sinilsilyaban sa tuwing ako' y nilalambing Nasang na sana ay laging magkapiling Dumadarang na nakatiwangwang di mailihim Larawan niya' y kinikimkim Tampalasang kataksilan nailimbag sa isip Sa mapanlinlang na anyo ng bahaghari Hubog nito' y lumbay hindi aliw Hanap-hanap pa rin ang silay ng giliw Masasadlak man sa landas muli ng pag-ibig Kung may pagkakataon ay aking hihilingin Saktan niya sana ako, isa pa at siya' y mamahalin
0
Apr 10, 2020
Apr 10, 2020 at 2:56 AM UTC
Danyos ng Pag-ibig

52
Lungkot at bugnot sa kawalan Mga suwestiyon sa kapaligiran Sa kung paano nila pinangangatawanan Lahat sabik sa kasarinlan Sa bawat paling ng labi Matang may tagong hikbi Lumbay ang tanging katabi Paano uusad sa bawat gabi? Hahayo't mag papatuloy Minsang naging sabik sa daloy Subalit bunga'y nalunod sa kumonoy Nais matamasa biyayang sinaboy
0
Dec 22, 2020
Dec 22, 2020 at 7:10 PM UTC
PADAYON
tangan ng sinapupunan pinuhunanan larangan. matapos ang walong buwan simula ng kabuwanan. palaisipan sa duyan ugoy ng katiwasayan gabay ay katahimikan tungo sa kapaligiran bago pa man ang inunan hiwatig ng panubigan matibay pa sa sandigan na mas meron sa kawalan kakatwang halatang dala ay may biyayang sagana tila panday umapula pusod ay pinagdugtong pa nasan ang sagot sa bakit? di problema kung paano? ang tanong ay kung kailan? kung hindi ako ay sino? pagmumuni ng paluwal ! pataba na nang pataba ! lupa niyang tinubuan... oras na ng pag-aani. binhi nya na ipinunla sumibol ng pagkasigla katulad ng parirala may aral sa balarila kapwa merong pakinabang hindi pa man humahakbang ang hiwaga na may yabong abot-kamay na ang Labong
0
Jan 13, 2022
Jan 13, 2022 at 2:20 PM UTC
'Pakay ng Yapak'
Manghawak ka sa kung ano ang kalooban ng Ama. Kayo man ay hindi niloob para sa isa't isa, Magtiwala ka sa magagawa Niya. Kahit anong mangyari ay hindi Siya nagpapabaya. Huwag magagalit sa Kaniya Mag-isip ka Ibig ng Diyos na iyong malaman Na hindi tama ang iyong nilalakaran. Paano ka maglilingkod sa Ama Ng payapa Kung ang kasama mo sa buhay, Ay magulo at nasa likong pamumuhay? Inilalayo ka Niya Sapagkat ayaw ka Niyang mawala. Ayaw Niyang tumalikod ka Kapakanan mo ang inaalala Niya. Maaaring hindi siya ang para sa iyo May darating na bago. Ito ang biyayang manggagaling sa Panginoon Hindi ka na masasaktan tulad ng noon. Sa paglilingkod ay manatili At kung ika'y magmamahal muli, Balikan ang salitang nasa unahan Sana'y iyong maunawaan.
0
Apr 20, 2020
Apr 20, 2020 at 4:25 AM UTC
Magtiwala Ka
Lasaping mabuti bawat lagok, paulit-ulit Namnamin ang pampagising na pait Habang ang likas na tamis, nilalasang pilit Sa ‘yong lalamunang sabik, ang init guguhit. Tulad ng bawat pagtatanghal, sa isip di mawaglit Todo-bigay ang birit, tila laging huling hirit. Araw-araw mang nakikita ang Bundok Malarayat Hindi nagsasawang sulyapan ang Silangan pagmulat Bawat araw na tayo'y buhay, may dalang sigla’t galak. Hwag nang ipitin ang kwadrong alas o otso Di na magiging mahalaga kung sino nga ba’ng nanalo Kapag ang mga kalaro sa pusoy ay wala na ni anino. Hagkan si Habagat at yakapin si Amihan, Daluyong ma’y ihatid, sa kabila’y walang ganyan Di-pinansing hininga’y aapuhapin sa paglisan Ang lupang hinamak, tinapak-tapakan Ang lupa ring naghandog ng susing kabuhayan Ang lupa ring hihimlayan sa huling hantungan. Lasaping mabuti bawat lagok, paulit-ulit Kapeng barako’y masarap habang mainit Ngunit wala nang bisa sa huling pagpatak ng saglit Lasaping mabuti bawat lagok, bango’y langhapin Kapeng barako’y larawan ng pagbangon at paggising Ng bawat araw, biyayang pasasalamata’t tatanggapin.
0
Jul 21, 2021
Jul 21, 2021 at 8:37 AM UTC
Kapeng Barako XVI (Bawat Araw ay Biyaya)