Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bituwin" poems
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay tungkol sa naglalakihang mga mata kapag nakakakita ng magandang dalaga na naglalakad sa kalsada isipin na nating.. maikli ang kanyang palda maputi ang hita malaki ang dibdib teka tama na nakaklibog na diba!? o kaya naman ang pagmamahal ay parang yung ating nararamdaman kapag ang ating mga balat ay nakakapagtindig balahibo dahil sa hindi maintindihang halimuyak ng galak o ito ba ay yung mga pagbabago ng kulay sa ating mga pishi kapag tayo ay kinikilig ng lubusan dahil nga ang sweet sweet niya kulang nalang magkadiyabetes ang puta ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba yung kapag dalawa lamang kayo nakahiga sa mga damuhan o kaya nakaupo tumitingin sa kalangitan habang nilalanghap ang simoy ng hangin sa taas ng gusali o kaya bubungan na niloloko ang sarili kapag tinuro mo ang iyong daliri sa mga bituwin at sinasabi na ang bituwin na yan ang parang hugis puso kahit hindi naman talaga para masabi kolang na meron tayong pag-ibig para masabi kolang na tinadhana talaga tayo para sa isat-isa kahit hindi naman talaga ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung may nakilala kang tao na wala kang ideya kung sino na ang inyong bigalang tagpuan ay hindi niyo naman pinaghandaan o kaya naman ang makilala nating ang tunay nating pagkatao na tayo ay hindi basta tao tayo ay merong kadiliman na hindi purong kabutihan na kailangan man tayo ay tao napapagod din natututong sumuko at bumitaw sa kapit ng "kaya ko pa" dahil kailanman walang anesthesia na dumadaloy sa ating katawan para hindi tayo masaktan ganun ba ang pag-ibig? ang pagbitaw ba ay pagmamahal? ang pagsuko ba ay pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung paguubos natin ng oras kahit na alam natin na ito ay walang kwenta pero wala nakong pakialam dahil nga kasama kita na ang saya saya natin dalawa nagtatawan kahit sumakit pa ang tiyan hinuhusgahan ang mundo sinasabihan ng mga tinatago niyong sikreto wala kanang pakialam kase nga kasama mo ako na sana hindi na matapos to tayong dalawa ikaw ako at ang ating magagandang mermorya ay itatago ko at aalagaan dito sa puso ko ganun ba ang pag-ibig? ang paglaan ba ng oras ay pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung galak kapag nakikita kita o kaya yung kapag kasama kita kapag ako'y ubos na pagod sa katotohang na ang mundo ay hindi basta basta andiyan ka palage nakaaalalay handang ibigay ang balikat masandalan lang ng mabigat na isipan ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba yung pakiramdam kapag tayo'y nagpapaulan na para bang gusto na nating sumuko sumuko dahil tayo ay pagod na sumuko dahil ang mga sinabi kong halimbawa ng pagmamahal ay malayo sa katotohanan ng buhay nating dalawa iniisip kung ano pa ang ibabato sa atin ng buhay sige ibigay mo ang lahat hindi ako basta basta natutumba hinihiling na sana magkasama tayo sa huli sana wala nang huli sana wala tayong dulo dahil ayoko, na ito ay magwakas pa o kaya hindi na natin ito inintindi dahil ang gulo na ng isipan nandun parin ako nagpapaulan hinahayan na mabasa ang sarili walang pakialam kung magkasakit pa kinabukasan basta ako ay basang basa na niyayakap ang ngayon tinalikuran ang masamang kahapon anung alam natin sa pag-ibig? meron ba tayong alam tungkol sa pagmamahal? anung alam natin? ang unti ang onti lang ng alam natin sa pagmamahal napakaonti na nagbibigay sa atin ng galak ng sige gusto ko pa ng ibigay mo na lahat wag kanang magtira dahil gusto ko maranasan ang pag-ibig bigyan moko ng pagibig bigyan moko ng pagmamahal mahal, anung alam natin sa pag-ibig?
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:23 PM UTC
tula ni VJ: "anung alam natin sa pag-ibig"

Continue reading...
121
Dahil ginusto **** igawa kita ng tula, Tulad ng nararamdaman ko, Igagawa kita ng tulang nananaghoy, Tulad ng pag tangis ko sa gabi, Igagawa kita ng tula, Tulad ng mga rosas na pinitas ko sa hardin, dahil wala akong mapag-alayan, Bukod sa puso kong namatay na, Igagawa kita ng tula na nahahapis, Tulad ng pag daloy ng ulan saking mukha, Dahil hindi mo hinayaang mahalin kita, Ni hindi mo binigyan ng tsansa, Kaya igagawa kita ng tulang banayad, Banayad tulad ng nabasag na salamin, Igagawa kita ng tula, Tulad ng nag iisang bituwin na tinatabingan ng ulap... paalam na..
0
Sep 26, 2016
Sep 26, 2016 at 10:02 AM UTC
Nagmahal, Umasa, Nasaktan!!
Bawat isa sa aking mga minamahal ay nagsilbing simbolo Mga mata nilang palaging nakatingin Sa kaluluwa kong nakaukit sa isang bituwin Naninirahan sa malayong kalawakan, na hindi-hindi kayang abutin. Paisa-isa silang lumalapit sa napakainit na mundong aking ginagalawan Sumasayaw, nang-aakit. Kumakanta, sumasabit Sa mga libo-libong batong umiikot sa aking kalawakan. May isang minahal ko dahil sa dula May isa namang minahal ko dahil sa libro. Isa namang minahal ko…dahil ipinakita niya ang totoo.
0
Jun 13, 2015
Jun 13, 2015 at 7:20 AM UTC
Salamin
Para kang bituwin na mahirap abutin na sa tingin ko na kahit kailan hindi ka mapapasaakin ikaw kasi yung tipo na babae na dapat minimithi nung una kitang makita para akong nasa fairytale huminto yung oras at sayo lang nakatingin at yung puso ko tumibok ng napakabilis wala ng preno preno at yung araw na yun alam kong mahal na kita
0
Mar 26, 2018
Mar 26, 2018 at 5:17 AM UTC
ハンナ
“Kalawakan , daigdig at ikaw na bituwin” Sa malawak na kalawakan At sa makinang na bituwin Sa nag iisang daigdig Ang mundong ginagalawan natin Nakita kita, kagaya ng mga bituwin Kasabay mo silang nag niningning Sa malawak na kalawakan Sinusubukan kitang abutin Ngunit kagaya ng mga bituwin Napaka layo mo saakin Kaya’t ang aking pag-ibig Ay pagtaw nalang sayong makikislap na ngiti Sa nag iisang daigdig Na pinaiikutan natin Nakagawa ng sariling mundo Na sa panaginip na ikaw ay akin Ang nag iisang daigdig na nawawala Sa aking pagising
0
Mar 12, 2020
Mar 12, 2020 at 10:14 PM UTC
“Sa kalawakan”
Pangyayaring di ko aakalain Ikaw na nakahuli ng aking paningin Anyo **** sa isip ko'y tumanim Liwanag ang dulot sa mundo kong nababalot ng lungkot at dilim. Oras, araw, bwan, taon ang nagdaan Pagtingin sa iyo'y tila nananahan Pag-ibig na nga ba ang nararandaman? O nararapat ang puso'y mag dahan-dahan. Simple lang ang aking hiling Nawa, tinig ng puso ay dinggin Panalangin ng sarili sa mga bituwin Maging kaibigan ka, kahit di na mapa sa aking piling. Ngunit ang isip ay nababahala Sa puso, ito'y naghahatid ng kirot at pagkasira Ang dating dulot ng pag-ngiti, ngayon ay pag luha Bakit ba ang sarili sa iyo'y di nagsasawa? O aking paki-usap sa iyo Sana naman, ako'y pakinggan mo Sa akin nawa ay huwag lumayo Kahit na kakilala mo lang ako. Isip ko'y gulong-gulo Ulo'y di makapag-isip ng diretso Puso'y nangangailangan ng mga payo Tanggapin mo nawa ang pagsusumamo.
0
Jan 26, 2019
Jan 26, 2019 at 7:35 AM UTC
Mga luha sa likod ng aking ngiti
Sa pag-iwan ng araw sa alapaap, Magiging asul ang pinamumugaran ng mga ulap, Uusbong ang buwan na matingkad. Sundalo ng alitaptap mag-sisilabasan, Gayon 'din mga bituwin na walang kabilangan. Subalit sa patuloy na pag-lalim ng gabi, Mga ala-ala'y sa isip humahabi, Nais n'ya muling tanawin ko ang kahapong tapat, Eksaktong oras ng ika'y nakasama sa tabing dagat. Ipinapaala n'ya mga saglit ng segundong sapat, Hindi ba't napakaganda niya titigan, Walang dahilan upang sawaing masdan, Makailang palit man ang panahon, Sigurado mula sa nag-daang hapon, Patungo sa kasulukuyang linalakaran, Hanggang sa aapakan na kinabukasan, S'yang kariktan n'ya'y walang kapantayan, Kahit buwan na s'yang naturingan ng karamihan, Na pinakamaganda sa kalawakan. Ika nga sabi ng karamihan, Kapag sinisinta'y s'yang kasamahan, Gaano man kaganda pasyalan, Ito ma'y paboritong puntahan, Hindi na ito ang iyong titigan, Kundi doon na sa babaing balak mo pakasalan.
0
Jan 4, 2021
Jan 4, 2021 at 1:36 AM UTC
"Hindi kukurap ang mata"