Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2016
ang sutil kong oras
nanlalamang, nang-uuto
nangungutang, nangangako

nangangakong babayaran ako

napakabilis na tila
isang bituwin sa bulalakaw,
nanlilinlang ng tao-
pinaniwalang bilog ang aming mundo


dinig ang bulong mula kabilang dako
mga salitang hindi nabibilang sa kilometro
naghihintay lamang sa ere ng kanyang paglaho

hindi lamang naitatanong,
bagamat ako'y muling naninibago
Elizabeth
Written by
Elizabeth
458
 
Please log in to view and add comments on poems