Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"barkong" poems
Nagmula ang lahat ng tayo'y sumakay, Ni hindi alam ang rutang dadaanan, At sa pagkabigo mo'y sinisi'ng lahat; Sa gabing minsa'y nalunod sa pag-iyak. Nagmula ang lahat ng tayo'y lumingon, At kung mabigat na'ng ulap, ano'ng tugon? Sa pagtapak mo sa andamyo ng saya Mapapansing may luha'ng 'yong mga mata: Nag-iwan ng lungkot kahit nakita na Ang mga talang kaytagal na hinintay; At sa paglisan mo sa iyong nasakyan, Isang barkong muli ang matatagpuan...
0
Nov 24, 2011
Nov 24, 2011 at 9:49 PM UTC
Barko
Gustuhin ko mang makipagsapalaran Sa mga letrang nakalutang sa himpapawid Ay binabalot ako ng pagtatantya Kung ito na ba ang tamang oras Para kunin ang aking panulat At iguhit ang silakbo ng aking damdamin. Humihinto ang mga oras sa bawat pag-uusig At tinitimbang ko pa rin Ang mga barkong pumapagitna sa akin. Nais kong kumawala at lumisan na lamang Ngunit ang aking pagpapaalam Ay mas magdudulot lamang ng dilim. Gusto kong maniwala na ang solusyon Ay sa pagitan ng mga iginuhit na linya Ngunit ang aking puso'y nagtataglay ng apoy Na maaaring makasunog sa mga barkong ito. Hindi ko mapigilan ang nagniningas sa aking kaloob-looban At ang boses na mas lalo pang lumalakas Kasabay ng pagtambol ng aking hininga. Gusto Nitong tupukin ang lahat At sakupin ang bawat naglalayag Sa kani-kanilang mga direksyon. Pumikit ako at tumalon sa karagatan ng aking imahinasyon – Imahinasyong masasabi kong tunay na engkwentro. Patuloy kong nilalaban ang mga ugat sa aking mga braso Na sa bawat pulso ng aking pagkatao'y Pilit na kumikitil sa aking pagpapasya Na mas sumisid pa sa mas malalim. Napahinto ako sa aking pagpupumiglas Pagkat narinig ko ang tinig na nagsasabing, "Manatili ka lamang," At ako'y kusang sumabay sa ritmo ng Tinig na iyon At unti-unti kong nasilayan na naglaho na Ang mga agiw sa aking mga mata At kusa ko nang nararamdamang Mas kaya ko nang huminga sa mas malalim pa. Ito ang aking hantungan, Ito ang sinasabi kong liwanag. Ito ang aking kapanatagan, At sa Kanya ang aking lilim ng kaliwanagan.
0
Aug 10, 2021
Aug 10, 2021 at 10:58 PM UTC
Lalim at Lilim

Continue reading...
40
Magandang gabi kamahalan Dito sa aking kinatatayuan sa baba ng labindalawang palapag ng hagdanan, Ikaw ang pinaka paborito kong pagmasdan, Saan man ang iyong pinagmulan, ikaw man ay lulan ng barkong hindi pangkaraniwan, hindi ko ikakaila na ikaw ang pinakamakinang sa lahat ng bituin sa kalangitan. Ikaw ang eba at ako ang adan ng makabagong kapaligiran Hayaan **** tuksuhin tayo ng berdeng kalikasan, Akitin ng mga huni ng ibon tungo sa sarili nating kaharian. Handa akong panagutan ang ating pag iibigan, hahamakin ang lahat maibigay lang ang iyong inaasam gagawin kong mundo ang dapat tao lang, baliin natin ang daan lumiko man tayo pakanan marating lang ang kabundukan patungo sa ating tutuluyan, Ikaw ang magsisilbing kanlungan, sa nakaraang minsang pinagdalamhatian. Ikaw ang magsisilbing lagusan, sa mga pintuang tinalikuran at pinaglaruan. Ikaw ang magsisilbing unan sa gabi ng kabilugan ng buwan. gagawin kong bintana ang iyong mga mata, tatahakin ang dilim, hinagpis, pagkapiit, itatakas kita.. itatakas kita sa mundong hindi lang ikaw ang bida, sasagipin kita sa paglubog ng barkong papaalis na, hahanapin kita, sisirin ko man ang kumunoy, languyin man ang lalim ng panaghoy.. hahanapin kita,... hanggang sa tayong dalawa nalang ang matira, sa mundong hindi ako mabubuhay kasama ka.
0
Oct 30, 2017
Oct 30, 2017 at 4:17 AM UTC
Prinsesa
Dalawang barkong Magkasalubong Lulubog? Lalayag? O di kaya'y lulutang Mananatili kung nasaan Walang ibang rason kundi Nandito
0
Jul 30, 2022
Jul 30, 2022 at 4:10 AM UTC
Paglalapit