Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"babalewalain" poems
“Hindi kita iiwan, pangako yan” Ito ang mga huling salitang binitawan Binabalik-balikan ng aking isipan Hindi na alam kung alin ang imahinasyon sa totoo Pero ito pala ang totoo Nagmahal ako ng todo at nadurog ako Nadurog na tila isang salaming Tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili **** gwapo ka Matapos nito ay babalewalain Maniwala ka sa’kin nagsimula kami sa magandang istorya Isa akong prinsesang noon ay napaniwala ng tadhana Nahulog sa matatamis niyang ngiti Nahulog sa malalambing niyang mensahe Nahulog sa kaniyang malamig na tinig Nahulog ng walang sumasalo Nadurog sa pagbitaw mo At dahil na-ikwento ko na rin naman ang mga ito Lubos kong ikasasaya kung mauunawaan mo ako Sana maintindihan **** mahirap ang makalimot Sana maintindihan **** sariwa pa ang sugat Sana maintindihan **** hindi mabilis ang paghilom Lalo na kung sa puso ang tama nito Sana maintindihan **** ayoko nang mahulog Dahil basag na basag na ako Sana maintindihan **** hindi ko pa kayang Muling magmahal Sa takot na muling masaktan Sa takot na hindi masklian ang labis kong pagmamahal Sa takot na muling ipagpali sa iba Sa takot na maiwan mag-isa Naiintindihan ko namang handa kang maghintay Na sa akin ka nakabatay Pero tigilan na natin ‘to Tigilan na natin ang kalokohang ito Dahil hindi ko na kayang magpanggap Na kaya ko na hindi ko na kayang magpanggap Na wala akong nararamdaman Dahil hanggang ngayon nasasaktan pa din ako Ang sakit sakit pa din Kaya tigil-tigilan mo na ang pag-asang yan Dahil minsan na akong nilamon ng sistemang yan Minsan na din akong tumambay Sa lugar na tinatawag nilang ere Ngayon pa lang sasabihin ko nang Wala kang pag-asa Siguro dahil hindi pa talaga ito ang panahon At hindi ikaw ang inilaan ng panginoon Siguro kailangan mo munang ayusin ang sarili mo Dahil kahi anong pili mo Hindi nauutusan itong puso ko
0
Dec 2, 2016
Dec 2, 2016 at 6:31 AM UTC
Mahirap Makalimot

Continue reading...
51
Heto na naman ako... nalulungkot, nanamlay kasi malapit na ang iyong paglisan. Paglisan na alam kong ikaw ay babalik din naman sa mga araw na kailangan kong magbilang hanggang sa itinakda **** oras at tagpuan. Hindi pa man tayo nagkikita pero ramdam ng puso ko kung gaano mo ako pinasaya sa maikling panahong nagpalitan tayo ng mensahe sa cellphone lahat nang iyon sa aking isipan ay magiging isang alaala. Alaalang tatatak, alaalang hindi kakalimutan, nakakatawa man o masakit ang mga salitang iyong binitiwan, may kaunting kirot man o tampuhan, lahat ay babalewalain ko na lang pagkat ako'y sabik araw na dumaan. Salamat sa ilang buwan, kapatid. Salamat sa mga araw na ikaw at ako ay nagkukuwentuhan. Salamat sa mga gabing minsan lamang kung dumaan. At maraming salamat sa mga ngiting nagbigay sa akin ng saya sa napakalungkot kong buhay sa kasalukuyan.
0
Oct 2, 2018
Oct 2, 2018 at 3:16 AM UTC
Masayang Alaala
sa ilalim ng mga ngiti sa aking labi, ay may nakatagong lungkot at pighati, naguguluhan sa mga desisyong pinipili, patuloy na pagku-kuwestiyon sa sarili. pilit inaalam kung ako ba'y may importansya, sa mga taong tinulungan kong magkaroon ng pag-asa, lubos ang pagbibigay at aking isinakripisyo, ngunit bakit tila wala naman yatang epekto? pipilin lamang sa oras ng pangangailangan, babalewalain sa oras na hindi mabigay ang kanilang kailangan, ganito ba talaga ang mundo? kilala ka lang kapag kaya **** ibigay ang kanilang gusto? hindi nila nakikita ang aking kalungkutan, dahil hindi naman nila gustong malaman, at sino ba naman ako para magreklamo? isang taong tumulong sa kanilang bumagon sa mundong magulo.
0
Mar 9, 2020
Mar 9, 2020 at 11:07 AM UTC
Importansya
Hindi naman masakit. Hindi naman masakit malait-lait. Kahit anong sabihin, iyo pa ring ipipilit. Kumalma ka, wag ka munang magalit. Hindi ako perpekto para hindi magkamali. Hindi ako plastic, ayokong magkunwari. Sana naniwala ka, Sana inuna **** makinig, kesa manghusga. Sarado ang bintana at pinto, Sarado ang utak at puso mo, Handa na akong sabihin, Ayoko na, sigaw ng aking damdamin. Kung kaya ko lang maging manhid, Babalewalain ko ang sakit na 'yong hatid. Hindi talaga laging panalo, Lalo na kung ikaw na yung magpapatalo. Itinapon mo ako, gaya ng bato, Hinagis mo na parang wala lang sayo, Alam mo, Sana nga bato nalang ako, Para di ko maramdaman Kahit durog na durog na ako..
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 11:50 AM UTC
"Bato"