Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
MarieDee Nov 2019
Bakit kaya nagkaganito
Tila ako'y gulong-gulo
Sa nangyayari ngayon sa barkada
Tila pagsasamaha'y mawawala

Ngayo'y hindi nagkaintindihan
Sama ng loob ay naglabasan
Tila ako'y mapapatungayaw
Sa kakaiba nilang kilos at galaw

Pagkakaibigan na ating inukit
Ngayo'y tila damit na gulanit
Bigla na lang bang maglalaho
At pagsasamaha'y mahinto?

Sana muling magbalik
Ang samahan na dati'y kay tamis
Sana hindi ninyo malimutan
Ang ating pagkakaibigan
MarieDee Nov 2019
Sa kanyang bufete
Eto ka't natameme
Nang siya'y makita
Sa iyong mga labi walang namutawing salita

Sa kanya'y pumunta upang ipaalam
Damdamin at pag-ibig na iyong inaasam
Sa ilang sandali'y iyo nang ipinaalam
Ang iyong pagibig sa tinig na anasan

Hanggang ngayo'y ikaw'y nagtitiis
Nagmahal sa kanya ng labis-labis
Sa kanyang pag-ibig ikaw'y uhaw
Habang buhay maghihinagpis hanggang sa ang buhok ay maupaw

Ngunit ikaw'y nabigo
Nang malamng di ka niya gusto
Sa kanya'y nagpaalam ng pagaralgal
Iniwan ang pusong nadaratal
MarieDee Nov 2019
Di ko alam saan nagsimula
na sa'yo ako'y humanga
Mga araw ko na puro bagot
pinalitan mo ng saya at walang poot
Noong una ayokong maniwala
na ikaw sa akin ay may paghanga
Di ko alam kung ito ba ay biro
na ako ay talagang iyong tipo
Sino ba ako para magduda
na sa ilang beses mo pa lang ako nakita
ikaw nga raw sa akin ay humahanga
Ang iyong mga mensahe ay ayokong paniwalaan
dahil sa sitwasyon mo, ako ba'y iyong paglalaruan?
Mensahe mo na sa aki'y parang biro
ang siyang nagpapahanga sa aking puso
Puso at isipan ko ngayo'y nagtatalo
totoo ba ito o isa lamang biro
Di alam kung ano ang pinagsimulan
kakulitan mo ba't pagtitiyaga ang siyang dahilan?
Itanong ko man ito sa isang paham
sagot niya marahil ako lang ang makakaalam
MarieDee Nov 2019
Ang lungkot at pakiramdang kay pait,
pilit itinatago sa pagkibit balikat at ngiting pilit
Na sa kabila ng panandaliang sayang naidudulot
ng mga kasamang pumapawi ng iyong lungkot,
mga masasayang sandaling kasama ka'y hindi pa rin malimot

Ilan man ang nagtanong ng “KUMUSTA?”
Ilan man ang dumaan at nakilala,
Ikaw at ikaw pa rin ang siyang iniisip oh aking sinta.
Puso ko'y parang tinatarakan ng patalim
pag nakikita kang sa kanya'y may pagtinging malalim
mga matang panandaliang sumaya nang ikaw'y masilayan,
biglang napalitan ng bahagyang selos at kalungkutan.

NALULUNGKOT mang ngayon na hindi na ako ang sa iyo'y nagpapasaya,
na ang mga pangako mo noon na sa aki'y ipinadama,
ngayo’y iyo nang ibinibigay sa kanya,
patuloy pa ring iibigin ka, kahit sa iyong piling ako’y wala na.

At kung siya man ang sa iyo'y itinadhana,
ang tanging hangad ko lang ay makita kang MALIGAYA.
tagalog
zee Nov 2019
nagsisilbing liwanag sa gabing mapanglaw;
pahinga sa mabilis na pag lipas ng mga araw
sandigan sa bawat trahedya ng aking buhay;
sandata na nagbibigay lakas sa bawat laban;
sa bawat unos at delubyong maaaring daanan
o aking tahanan,
hawakan mo ang aking kamay at sabay nating
haharapin ang bawat pasanin na ibabato sa'tin
'wag pansinin ang mga sabi-sabi at usapin;
hayaan na lang itong mawala kasabay ng pag-ihip ng hangin
iyo na lamang pakinggan ang aking sasabihin:
ikaw ang aking panalangin at puso ko'y walang kasing saya
ngayong ikaw ay nasa aking piling
kate Nov 2019
halina't alalahanin ang nakaraan
sabayan n'yo ako sa aking paglalakbay
balikan natin ang mga mapait na katotohanan
mga pangakong hindi naging matagumpay
kasabay ng mga bagay na hindi kayang panindigan
hindi matanggal mga lamat sa aking kamay
kaya naman heto ako at bumabalik kahit na ang puso ko'y muntikan mo nang mapatay
Random Guy Nov 2019
patawad
sa mga tulang
nagpanatili pa sa'yo
o sa kung ano man ang meron tayo

patawad
sa muling pagbukas
ng matagal ng saradong pinto

patawad
sa paulit-ulit
na pagsaksak sayo
ng mga salita at letra
na sinusulat ko

patawad sa pagsulat pa nito

pero sana maintindihan mo

na ito na lamang ang kaya kong gawin
upang mawala ang sakit
na dinulot din naman nating dalawa

ito na lamang ang naging gamot
sa mga sugat na nadama
noong una kang nawala
at ngayong patuloy kang nawawala

ngunit huwag kang magalala
wala naman akong gustong dugtungan
sa mga bagay na tapos na
at alam kong mali
at alam **** mali

kaya patawad sa pagsulat pa nito
at paulit-ulit na patawad
sa pagsusulat pa ng paulit-ulit
kagaya nito
Random Guy Nov 2019
hindi na rin mawari
ng mga salita
ang mga nararamdaman ko
mjr
Random Guy Nov 2019
raw
naaamaze pa rin ako sa mga bagay na minsang naging raw

kanta
pelikula
tayong dalawa

mga bagay na walang edit
walang polish
walang kahit ano
purong sining at emosyon

kanta sa gitna ng kalsada
pelikulang may natural na ambiance

walang kahit ano
purong sining at emosyon
Random Guy Nov 2019
inaantok ako
sa tunog ng printer
kung paanong ang mga ngipin nito
ay kumikiskis sa papel
na tila ba kinakagat ito
ngunit hindi ganoon kasakit
may halong harot sa pagitan nila
landian ng mga bagay

inaantok ako sa tunog ng maraming papel
bulto bultong pinapantay
at iniuuntog sa mesa
na tila ba'y naghahalinghingan
na dulot ng pagtatalik
may halong harot sa pagitan ng mga ito
landian ng mga bagay

inaantok ako sa paglagapak
ng stapler sa sahig
na tila ba'y unang pagkikita
bugso ng damdamin sa muling pagsasama
may halong harot sa pagitan nila
landian ng mga bagay

inaantok ako sa walang humpay
na pagbukas ng pinto
ang sayaw na nagmumula sa kahoy na ito
tila ba'y sinasayawan ang lahat
at kinukumbinsi na umuwi na tayo
may halong harot sa pagitan nito
landian ng mga bagay

inaantok na ko
office *****
Next page