Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Akira Dec 2020
Gusto ko nga masanag sama sa bulan,
sa ilawom sa langit nga gabii nagadan-ag ako.
Nahibal-an nako nga kini nga mga pangandoy matuman sa dili madugay.
Gihangyo ko nga kini nga mga pangandoy dili magpadayon ingon usa ka damgo.

Usa ako ka buhi nga tawo nga adunay katuyoan
alang sa matag gagmay nga mga butang nga akong nakita mao ang katahum.
Aron makab-ot ang akong katuyoan ang akong gipunting,
Akong atubangon kini nga mga hagit nga maisugon.

Akong kuptan og maayo
ug dili igsapayan kung unsa ang gihunahuna sa katilingban.
Basta nagbuhat ako og maayo,
Hatagan ra ko sila og kindat.

Kay nahibal-an ko nga makab-ot ko ang akong mga katuyoan someday,
Malipayon ako sa bisan unsang paagi.
This is a Bisaya version of my poem SOMEDAY.
I think I should do this because the old Bisaya language is slowly fading or forgotten.

PS for me this is the most romantic language ever!!
Hiwaga Nov 2020
Sa bawat salitang binibigkas ng labi mo,
Para bang dinadala ako sa ibang mundo.
Sa mundo na kung saan kalmado ang puso
at pansamantalang pwedeng lumayo.
Sa mundo na espesyal ako kahit papa'no.

Alam kong hindi pa malalim ang nararamdaman mo, sinta.
Maski ako man ay hindi pa handa.
Ngunit hayaan **** ako’y magpasalamat sa saya
At kalinga na iyong dala.


Nung minsan, tinawag mo akong mahiwaga.
Pero hindi mo alam na ikaw ang mas makinang na tala.
Rome Nov 2020
Noong panahong ika'y nasa aking mga akap,
mga panahong binubulungan mo pa ako ng mga pangarap mo sa buhay,
noong gabing iyon ang hindi ko makakalimutan.

Hinawakan mo ang aking kamay at tayo'y nagtitigan,
ngumisi ka na para bang nahihirapan ngumiti o tumawa.

Nag-paalam ka,
eto na ang huling pagkakataon,
ang huling tayo.

Pero malay mo,
sa susunod na tayo'y magkita muli,

ikaw at ako pa rin,
sa tamang panahon.

— The End —