Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Araw at gabi sa isipan ko'y laging kang sumasagi,
'Di malilimutan ang pagsasamahan sa bawat sandali;
Kasama ka sa bawat oras na magdaan,
Kung kaya't mga problema ko'y nalilimutan.

Araw at gabi minamasdan ko ang kalangitan,
Ngunit iyong mukha lang ang aking namamasdan;
Sa'n man pumaroon, boses mo'y naririnig sa'king isipan,
Hanggang sa pagtulog ko'y laging kang napapanaginipan.

Araw ka ba? Dahil ikaw lang nagbigay liwanag,
Liwanag sa buhay kong puno ng bagabag;
At tulad ka ng gabi na puno ng katahimikan,
Anupat nagdala ng kapayapaan sa magulo kong kaisipan.

O' aking mahal, sinasambit sayo ng aking labi,
"Ikaw ba'y Araw at Gabi?"
Pusang Tahimik Aug 2022
Sa pag lubog ng araw
Liwanag ay napapanaw
Kasabay na dumadalaw
Dilim na umaagaw

Sa anyo ng katahimikan
May kasinungalingan
Sa bawat kabutihan
May kapatid na kadiliman

Sa mukha na may takip
Walang nais sumagip
Takot na sumilip
Ang ngiting may kalakip

At sa bawat natuklasan
Bumibigat ang pasan
Patay na kamusmusan
Wagi ang kasamaan

Tumigil sa piglas
Wala na ang lunas
Hirap nang tumakas
Sa lahat ng pintas
JGA
spacewtchhh Oct 2020
Oh, kung masakit na sa paningin ang sinag ko
na dapat ay nagbibigay liwanag sayo,

Darating naman ang gabi, iiwas sa realidad, na kasama mo

Baka mas madali mo makita
ang kinang na hanap mo, kapag madilim at mag isa,

Ako, maghihintay lang na dumating yung oras na nakalaan sa akin para tanglawan mo.
agatha May 2020
at dito tayo magtatagpo
sa gitna ng pag agaw ng umaga at dilim
habang ika'y papaalis kasama ang mga bituin
ako'y lalayag para isabit sa kalangitan ang iyong araw.

magandang umaga,
magandang gabi.
Pusang Tahimik Mar 2019
Pagpanaw ng dilim ako'y namimintana
Pinapatay ang panaginip ng hindi alintana
Mula sa silangan ng iyong bintana
Ang yungib at sulok ay aking pinapana

Pagmasdan ako'y walang nakagagawa
Payak na mata'y sa sinag ko'y luluwa
Huwag nang subukan pakiusap ko nawa
Sa payo ko ay makinig at matuwa

Ako'y nakamasid sa lahat ng mga gawa
Sa paghihirap mo ako ang nananawa
Sanggol na nagugutom na nagngangawa
Hala gawa, nasa Diyos ang awa!

Pakanluran ang aking binabagtas
Ang lahat ay umaalma sa pinsala kong lakas
Paumanhin sa kapangyarihan kong batas
Ito ang iniatang sa akin ng pinakamataas

Lulubog kung marating ang hangganan
Magbabadya na ang kadiliman
Nang pagdating ko kayo ay nag-alisan
Sa pag-alis ko'y diyan kayo magdadatingan
by: JGA
Kara Subido Oct 2015
Ayan na naman ang araw,
ngunit heto ako gising na
gising.

Ayan na naman ang araw,
sinasabing itigil ko na itong
kahibangan ko para sa'yo.

Ayan na naman ang araw,
nagsisilbing gabay na wala
kana sa akin.

— The End —