Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 Feb 2016
Eugene
Ang pag-ibig ko ay;

dalisay,
tunay,
wagas,
hindi mapang-imbot,
tapat,
mapagpasensiya,
mabait,

at higit sa lahat... nag-iisa para lang sa iyo...
 Feb 2016
Eugene
Kung  magsusulat ka, simulan mo.
Kung nasimulan mo na, tapusin mo.
Kapag natapos mo na, basahin mo.
Habang binabasa mo, intindihin mo.

Kapag naintindihan mo, itama mo ang mali.
Kapag naitama mo ang mali, isaayos mo.
Kapag naisaayos mo, basahin **** muli.
Kapag binasa mo ulit at natiyak na ang lahat,
Ibahagi mo at ilathala upang mabasa ng iba.

Sulat lang nang sulat.
Huwag matakot magkamali.
Ibigay mo ang iyong makakaya.
Ilabas mo ang iyong talento.
Huwag mo lamang kalimutang,
Pasalamatan ang Diyos...
 Feb 2016
Eugene
Pagmasdan mo ang paligid,
Andaming puso ang umaaligid,
Iba't ibang hugis sa himpapawid,
Sa lupa'y nagkalat saan mang gilid.


Kakaunti lang ang sariwa,
Kapiranggot lang ang kinaya,
Upang iniirog ay matuwa,
At hindi makalimutan ang tumawa.


Ngunit, bakit plastik ay nagkalat,
Hugis rosas man o pusong salat,
Ang makikita **** nilalamat,
Hindi kaya ang iba'y maalat?


Kung ang puso ay para sa Pebrero,
Bakit isang araw lang ginawa ito?
Hindi ba dapat  araw-arawin mo?
Ang mahalin ang lahat ng mahal mo.
 Feb 2016
Eugene
Ikaw ang dahilan ng aking pagngiti,
Ikaw ang dahilan ng aking paghikbi,
Ikaw ang dahilan ng aking pagtitili,
Dahil ikaw para sa aki'y natatangi.

Ikaw ang tanglaw sa aking mga gabi,
Ikaw ang liwanag sa araw kong hinahabi,
Ikaw ang apoy sa basa kong kapote,
At gamot sa sakit kong nangangati.


Nawa'y maibigan mo, itong aking katha,
Tulang alay ko sa isang tulad **** makata,
Na walang mintis sa pagsulat ng mga tula,
At binibigkas ng buong puso't kaluluwa.


Ang tula ko ay ikaw, ang tula mo ay ako.
Hindi kita ipagpapalit sa kahit na sino.
Sapagkat puso ko ay kinulong at binihag mo,
Sinelyuhan ng sobrang pagmamahal na higit pa sa inakala ko.
 Feb 2016
inggo
Paanong napapasaya niya ako?
Kahit ang ginagawa niya lang naman ay mag exist sa mundo
Sa usapang hindi tumatagal ng tatlumpung segundo
Madalas ay "hi" o "hello" lang ang nasasabi ko
Ang tatlumpung segundo ay naging ilang minuto
Ang "hi" o "hello" ay naging maikling kuwento
Samahan mo pa ng ngiti niyang nakakatunaw
At mga mata niyang bubuo ng iyong araw
Dati ay nangungupahan lang siya sa isip ko
Ngayon ay malapit na ata siyang manatili ng permanente dito
Kapag nagtagal pa siya bahay na ito
Posibleng i-offer ko sa kanya ang mas magandang bahay sa aking puso
Sa loob ng bahay sa aking puso
Ay may hagdan na gawa sa aking binti patungo sa alapaap
Mga silya na may sandalang gawa sa aking balikat
At kama na gawa sa aking mahigpit na yakap
 Feb 2016
cosmos
"No more questions?
Let's move on to the next topic"

Mula nang mawala ka,
Sa bawat pagkakataong
Banggitin iyan ng aking mga ****,
Napapatanga ako at itinatanong sa sarili,
"Ganon lang ba kadali yun?"

Sana kasing dali
Ng paglipat ng pahina ng aking libro
Ang paglipat ng puso ko mula sayo, pabalik sakin

Sana kasing dali
Ng pagbura ng marka ng lapis sa kuwaderno
Ang pagbura ng alaala mo sa aking isipan

Sana kasing dali
Ng paglabas pasok ng mga **** sa silid
Ang paglabas pasok mo sa aking mundo

Sana pero hindi

Dahil tila nasa bawat pahina ka ng aking libro
Dahil tila marka ng bolpen ang pilit kong ibinubura
Dahil tila nakalabas ka na ngunit pilit kitang inaanyayahang bumalik
Kahit ilang pagsasanay, pagsusulit, at oral recitations pa
Sana bumalik ka
Pero hindi.

"No more questions?
Let's move on to the next topic"

Paano nga naman kasi ako makakausad
Kung isipan ko'y punong-puno pa rin ng katanungan
Bakit ka sumuko?
Bakit hindi na puwede?
Hindi mo na ba ako mahal?
-------------------------------------
Hindi ko naman ginawa 'to sa classroom nag-aaral ako 'no. Naisip ko lang HAHAHA.
 Feb 2016
inggo
Gusto kitang makausap muli
Habang naglalakad tayo pauwi
Nais mapakinggan ang iyong mga kuwento
Habang nakatingin sa mapupungay na mata mo

Ikkuwento ko sayo ang parte ng buhay ko
Baka sakaling magustuhan **** maging parte nito
Ikuwento mo rin ang parte ng buhay mo
At magbabakasakali ako na maging parte din nito

Bagalan sana natin ang paglalakad
Nang masulit ko itong pagkakataon
Kasi baka hindi na ito maulit pa
Darating pa nga ba ang tamang panahon?

Humantong na tayo dito sa lugar
Kung saan dapat ng maghiwalay
Hindi ko man gusto matapos oras na ito
Sana bukas ay muli kang makasabay
 Feb 2016
Brent
hindi ako bubble gum
na iyong hahanapin
kapag ika'y nababagot sa kahihintay
na matapos ang iyong klase.

hindi ako bubble gum
na iyong pampalipas-gutom
sa kumakalam **** tiyan
na naghahangad na makatikim
ng pagkaing bubuhay sa iyong kalam'nan.

hindi ako bubble gum
na kaya **** paikut-ikutin
gamit ang iyong dilang mapanlinlang
na nagsasabing ako'y iyong minahal.

hindi ako bubble gum
na iyong iluluwa
matapos **** simutin ang lasang
iyong ninanais na makamtan.

at higit sa lahat,
hindi ako bubble gum
na iyong hahanapin
kapag ika'y naghahanap ng panandaliang tamis
sa mapait nating mundo.
first filipino poem i'll be posting here. trying myself if this works out as spoken word but it's kinda too short.
 Feb 2016
inggo
Natuklasan ko na pagkatapos ng lahat ng hirap at sakit na iyong naranasan
Makakangiti ka pa rin pala muli
Pagngiti tulad noong unang beses **** makatanggap ng laruan galing sa iyong magulang
Tulad noong unang beses **** makausap si crush with matching blush
Tulad noong pinagtripan nyo si classmate na uto uto (mga bully!)
Tulad noong sinagot ka na ng nililigawan mo
Tulad noong nalaman mo na crush ka rin ng crush mo at ayun naging kayo
Tulad noong nalaman mo na wala kang grado na singko
Tulad noong natanggap ka sa una **** trabaho
Tulad noong pagtanggap ng unang sahod na pinaghirapan mo pero sa magulang mo lahat mapupunta
Tulad noong napromote ka at unang salary increase mo!
Tulad noong sinurprise ka ng mga kaibigan mo nung kaarawan mo
Tulad noong pagkatapos ng una niyong halik ng iniibig mo
Tulad noong nakikita mo na unti unting natutupad ang mga pangarap mo

Sa paglipas ng mga araw
Matutunan mo
Na pwede kang gumawa ng mga bagay na makakapagpasaya sayo
Tulad ng isang ibon na lumilipad kasabay ang hangin
Next page