Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
AtMidCode Nov 2017
Tinanong ako ni Annah
Kung maayos na tayo
Ang sabi ko
Ayon, normal naman.

Normal
Kelan pa tayo nauwi sa normal nalang?
Ah. Naaalala ko na.

Nagsimula tayong maging normal
Nang isang araw hindi mo ko matingnan sa mata
Ni hindi mo ko makausap kung hindi ka titingin sa baba
At kapag naman kailangang ikaw
Ang unang magsisimula ng usapan
Dinaig pa ng kapal ng usok sa kalakhang Maynila
Ang nakaiilang na atmospera
Sa pagitan nating dalawa.

Nagsimula tayong maging normal
Nang hindi na tayo nagsasabay umuwi sa hapon
Nang simulan **** isipin na ayos lang na umuwi nang walang paalam
May kasabay ka kasing iba.

Nagsimula tayong maging normal
Nang nahihirapan na kong
Magsimula ng usapan sa pagitan nating dalawa
Sa kung paanong sinasalamin ng Messenger sa pamamagitan ng ellipses
Ang mga katagang nais ko sayang itanong sa iyo
Ay sandali, online naman si Annah, siya nalang ang tatanungin ko
(Pwede kaya kong sumabay sa kanya?)
Wag na nga. Alam ko naman ang patungo doon.

Nagsimula tayong maging normal
Nang tanungin mo ang kagrupo natin sa kung ano ang gagawin
Gayong ako na kagrupo mo rin ang nasa iyong harapan
Pumunta ka pa talaga sa kanya
Ganyan ka kailang?

Normal naman sa atin ang hindi mag-usap nang madalas, hindi ba?
Normal lang naman kung makakalimutan **** may katulad ko
Na bukas palad na tinanggap ka
Noong mga panahong durog na durog ka na, hindi ba?
At bahagi din ng pagiging normal natin
Kung mas pipiliin **** burahin nalang ang mga nakaraan natin, hindi ba?

Nilalamon ka ng kalungkutan. Nasasaktan.
At isa akong napawalang kwentang kaibigan
Kasi hindi kita napatahan
Sa mga panahong tahimik **** isinisigaw
Ang mga bagay na sa tingin mo ay walang makauunawa
Wala akong karapatang masaktan
Kasi hindi ako naglakas-loob na tanungin
Kung anu-ano ang mga bumabagabag sayo
Hindi ko dapat indahin ang sakit ng pang-iiwan mo sa akin
Gayong para na rin kitang iniwan
Nang hayaan kitang unti-unting kumalas sa pagkakaibigan natin
Wala akong karapatang manumbat
Kasi hindi ko man lang sinubukang tanungin
Kung ano nang nangyayari sa iyo
Kaya mo pa ba?
At hinding hindi ko rin aangkinin
Ang karapatang sa una'y wala na sa akin
Na maging sandalan mo
Sapagkat hindi ko man lang nasabi
Na ayos lang na ikaw ay humugot ng lakas sa akin
Ayaw mo, oo
Kasi sa tingin mo pabigat
Ayaw mo, oo
Kasi sanay ka na sa demonyong kalungkutan
Na paulit-ulit lumalamon sayo
Minsan nawawala, ngunit laging bumabalik

Pagbalik-baliktarin ko man ang sitwasyon
Hindi lang ikaw ang nang-iwan
Iniwan din kita
Iniwan kita
Patawad
Patawad
Pakiusap, patawarin mo ko.

Madaling makalimutan ang mga magagandang bagay
Ngunit mahirap iwaksi mula sa makulit na isipan
Ang idinadaing ng pusong nasugatan at patuloy na nahihirapan

Kaya bilang pakunswelo sa tulad kong nagmahal sayo
Iniisip ko na lamang na isa ako sa mga magagandang bagay sa buhay mo
Kaya madali mo 'kong nakalimutan.

Huli kong bulong sa sarili
'Ayos lang 'yan. Makakausad ka rin. Magtiwala ka.'

Uusad at uusad ka rin.

Kaibigan, patawad ulit.
supman Feb 2017
Sa ating pagsakay,
tayo'y magkahawak kamay
walang bumibitaw,
kahit tayo'y psrehong malumbay

sa ating pag upo,
ika'y hindi nagkasya
ako'y nag pa ubaya,
upang ika'y lumigaya

tayo'y nagkaroon ng tampuhan,
na sadyang hindi maiiwasan
pareho nating iniyakan,
ang ating mga kamalian

sa paglipas ng panahon,
tila ika'y pinanghihinaan
ika'y walang bukang bibig,
kundi ang aking mga kamaliang hindi naman ibig

Gusto mang magpatuloy,
ngunit mukhang hindi na muling liliyab ang apoy
Ayaw mang sumuko,
ngunit mas ayaw kong ika'y mapako

Tama na,
ang iyong isinigaw
Ayoko na,
ang iyong huling hirit

Ang iyong mahal kita,
ay napalitan ng ayaw ko na
Ang ating sumapaan,
ay napunta sa wala

Para po,
hangang dito nalang kami
Para po,
kami'y hindi na uusad pa

Para po.
idk
Nix Brook Dec 2020
Lungkot at bugnot sa kawalan
Mga suwestiyon sa kapaligiran
Sa kung paano nila pinangangatawanan
Lahat sabik sa kasarinlan

Sa bawat paling ng labi
Matang may tagong hikbi
Lumbay ang tanging katabi
Paano uusad sa bawat gabi?

Hahayo't mag papatuloy
Minsang naging sabik sa daloy
Subalit bunga'y nalunod sa kumonoy
Nais matamasa biyayang sinaboy
Janey Parcs Apr 2018
Atras. Abante.
Mga paang hindi makampante.


Atras.
Natakot, nahiya.
Nangangapa mula sa paglaya.
Iniipon ang lahat ng lakas
para tuluyang iwan ang bakas
ng nakaraang namaalam na
sa lungkot, pait at sakit
na dulot ng patuloy na pagkapit.

Abante.
Uusad, lalayo.
Uunahan ang damdamin sa pagbugso.
Isang libo’t isang daang duda.
Animnapu’t isang segundo ng pag-asa.
Imumulat ang mga mata
Nangagapa ma'y unti-unting hahakbang
Patungo sa ‘di alam kung saan.

Urong. Sulong.
Palalayain ang damdaming nakakulong.


Urong.
Nag-iisip, nagmumuni.
Tinatantyang muli ang sarili
kung ilalatag na ang lahat ng sandata
at ibubunyag ang mga stratehiya
sa laban ng buhay.
Handa ka na nga ba?
Natuto?
Hanggang saan ka dadalhin ng takot mo?


Sulong.
Lalaban, susugod.
Hindi alintana kung mapagod,
manalo o matalo.
Alinma’y hindi susuko.
Hindi maliligaw ipikit man ang mga mata
sapagka't alam na kung saan pupunta.
Bawat hakbang ay kabisado
Patungo sa kinaroroonan mo.


At ako’y mananatili na...
sa’yo.
Hanzou Nov 2024
Paano ako uusad kung sa bawat minuto hinahanap ko siya?
Sa bawat paglipas ng araw ang nasa isip ko ay siya?
Paano maghahanap ng iba kung sa pagtatapos namin ay nagpanggap lang ako na tanggap ko na?
Paano masasanay na wala nang kami sa panahong kuntento na?
Paano naging ako na lang ang dating ikaw at ako kung ang kapalit ng pagiging malaya ay kawalan ng aking ligaya?

— The End —