Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"twina" poems
bakit kaya walang simbilis ang takbo ng oras sa 'twina'y ika'y kasama? bakit rin, mahal, wala itong sintagal sa tuwing ang ating mga mata'y 'di pa ga-pangabot? iyo rin bang dama ang aking paglisa't presensiya, o sadyang ako'y 'sang espesyo lamang na 'di nais punan? bakit kaya kay bilis ng tibok ng aking damdamin sa tuwing ika'y lalapit at bakit kay sakit pa rin tuwing ika'y magbabalik?
0
Sep 14, 2015
Sep 14, 2015 at 8:04 AM UTC
.
Nang ako'y napatingala sa mga tala ang naalala ko'y si Bathala kaya nama'y humingi nalang ako ng gabay para sa aking napipintong paglalakbay malayo man ang paroroonan alam kong ika'y hindi malilimutan saan man ako magpunta ikaw pari'y makikita sa aking mga mata'y ikaw ang nasasalamin sa twina'y ako'y magagalak hanggang sa aking pag halakhak gaano man kalayo tayo ri'y muling magkakatagpo hindi man bukas o sa makalawa alam ko'y makikita ko rin ang iyong tawa ani nga nila'y magkalayo man, magkaibigan pa ring tunay alam kong di ka bibitaw dahil yan ang lagi kong hiling sa bulalakaw paalam, sa ngayon ang ating muling pagkikita'y sa Mayon dahil pagdating ng panahong iyon alam kong sa tuktok na tayo naroroon
0
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 11:05 AM UTC
Paalam, sa ngayon...
Kamusta kana? Ilang taon na ang nagdaan nuong ika'y aking nakilala. Mahigit kumulang na rin ang luhang lumabas sa aking mga mata Nuong ako'y iniwan **** nag-iisa. Nuon pag ika'y naaalala nagwawala dahil sa nadarama. Ngayon ako'y napapangiti na lamang sa twina. Akala ko dati ay di ko makakaya, ngunit heto unting unting sumasaya kahit wala ka. Mahirap sa umipsa, Pero nakaya Mahirap sa umpisa, oo Parang nilibing at hinampas ng troso. Ako'y litong lito hindi alam kung bakit ganito Kung bat nilisan mo... "Sana pala pinigilan kita para ngayon para ika'y kasama parin at nasa tabi ko padin." Yan ang aking hiling sa unang linggong ika'y hindi kapiling. Ako'y humihiling sa bituin na sana ika'y bumalik sa akin Ngunit tila ba'y hangin ang sumagot at hindi ako pinansin. Mahal wag mag-alala kasi kaya ko na ang mag-isa at wala ka. Mas malakas na ako kaysa sa dating nakilala mo. Hindi na ako umiiyak pagnag-iisa Mas kaya ko na. Alam mo minsan ang ang tanong sa sarili ko "paano kaya ikaw parin ay nandito?" "Magiging kompleto kaya ang araw ko?" Pero ang sagot ng isip at puso "Mas mabuting ika'y nilisan kaysa minahal sa kasinungalingan. Naging malakas ka nang ikaw ay iniwan. Naging makata ka paminsan minsan." Kaya alam ko sa sarili na mas maayos na na ako'y iyong binabayaan Pero mas masaya at buo parin ang aking puso kong hindi mo iniwan sa kadiliman. Sana, iyong malaman na ika'y aking minahal ng lubusan, "Huwag **** pabayaan ang iyong kalusugan" Aking huling habilin bago ka lumisan. Tinanong ko parin ang aking sarili minsan, "Ako ba'y may pagkukulang? O sadyang ako lang ang nagmahal sa aming pag-iibigan?" Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan pag alaala ay naalala paminsan-minsan. Ngunit lahat ng yon ay di mo masasagot at aking  na lamang dinagdag sa tulaan. Lahat na ata'y aking nakwento sa tulang ito. Ito, itong tula na ito ang tanging paraan upang malaman mo Ang pagdurusang pinagdaanan ko nang mawala ka sa piling ko. Ang mga pangakong binitawan mo para bang naglaho Pero kahit masakit ang ginawa mo Hindi kita masisisi sa pagkukulang nagawa ko Hindi ko masisi ang tadhana kung hindi tayo para sa dulo. Kahit na ganito, ikaw ang nagparamdaman ng pagmamahal Kaya hindi ko kita malimut-limutan kahit tila ba'y ako ay sinasakal. Sadyang ikaw lamang ay minahal kahit na isang malaking sampal na ako'y iyong iniwang luhaan at puso'y nagdurugo sa daan na kahit pa'y ikaw ay may iba ng mahal kahit pa na naubusan na ang luha at letra sa aking isipan. At heto ako ipinagdiriwang ang ating kaarawan kung saan nagsimula ang ating pagmamahalan. Sana'y iyong malaman, na ako'y hindi nakakalimot sa ating tagpuan at mga kasiyahan. Sana rin iyong malaman, ang pangalan ng ating anghel ay Adrian.
0
Oct 6, 2018
Oct 6, 2018 at 1:31 PM UTC
ADRIAN

Continue reading...
65
Kay gandang tanawin ng iyong ganda. Kay sarap pagmasdan, ngiti ng yong mga mata. At sa bawat sulyap mo, mundo ko'y humihinto. Sabay ng pag bilis, pintig nitong aking puso. Ako may kinakabahan sa twing' nakikita ka. Hindi naman nito napapawi, tuwang aking naipipinta. Huwag lang sana umiwas sa akin o sinta, Tiyak namang pag-ibig, itong aking nadarama. Ipagpatawad mo minahal kita agad sabi ng kanta. Ngunit syang tunay, ito ang batid ko sa twina. Malabis man na kabilisan, itong aking pagsinta. Pangako ika'y iingatan, saksi man ang mga tala. Sa bawat taludturan ng tula kung ito. Ipinababatid ko, ang pag giliw ko sayo. Ngunit kailan ma'y, hindi aasang susuklian mo, Mabasa mo lang ito'y, lubusang ikasisiya ko.
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 4:01 PM UTC
Paraluman
Masusing pinagmamasdan ang larawan Habang di mawari ang aking nararamdaman Gustong pumaibabaw ng aking luha Kasabay ng malakas na paggayak ng tuwa Ganito nga ba and dulot mo sinta? Anu bang pinanghalik **** pinta? Sakit at tuwang tila makakasanayan na Habang kayo’y magkasama sa twina Ngiting gumuguhit ng nadarama Ako’y unti-unting nabubura Katingkaran ay nanghihina Dala ng isang mapanuksong diwata Mga kulay na dati may kakaibang sigla Ngayung tila kumukupas na Ito nga ba’y sanhi ng aking taksil na pagsinta Sa tikipsilim ng buwang nagbabadya Sa malakas ng ihip ng hangin ako’y nabigla Mag-isang nakaharap sa lumang estampa Mga nakaraan ay nabibigyang hininga Ninanais nang pakawalan ang dating alaala Sabay ng pinintang pag-ibig sana
0
Sep 7, 2017
Sep 7, 2017 at 10:23 AM UTC
Kuwadrado
Maingay. Siksikan. Mainit. Nakaiinip. Nakipila. Naghintay. Isa. Dalawa. Tatlong oras. Reklamo nila. Reklamo ng lahat. Nainip. Umupo. Nakitabi. Nag-ingay nang nag-ingay. Maraming nagsidatingan. Kanya-kanyang kwento. Nagkwentuhan. Umambon. Umulan. Payong. Binuksan. Nakisilong. Pinayungan. Nagkwentuhan. Nagtawanan. Tarangkahan. Bumukas. Tulakan. Umuulan. Tulakan. Sigawan. Tulakan. Siksikan. Siksikan. Naapakan. Tulakan. Walang makapitan. Pinakapit. Kumapit. Tapak. Hagdan. Umakyat. Inalalayan. Humakbang. Umusad. Pinauna. Pinasalamatan. Nagapasalamat. Nagkangitian. Umakyat. Sinundan. Di nahagilap. Tinunguhan. Di nalaman. Kinalakhan. Di nalaman. Pangalan. Naaalala. Ngiti. Labi. Matang singkit. Matangos na ilong Berde ang bag. Pula ang damit. Sumbrero'y itim. Ulong maliit. Umupo. Hinanap. Hinanap. Hinanap. Di makita. Di mahagilap. Tanging maalala. Pagtulong twina. Nakababagot na pila. Siya nakita. Mahabang oras nakasama. Salamat. Pila. Sandaling nakasama. Alaala. Siksikang pila.
0
Feb 18, 2018
Feb 18, 2018 at 10:55 AM UTC
Pila
Sakim ako ee, Ayoko masyadong mag isip, Ngayong malapit na ako, Sa tuktok ng aking mga panaginip. Mas malakas ka pa kasi sa nescafe Magpa-gising. . . Mas matindi ka pa sa kopiko, Magpakabog ng dibdib. . . Delikado. . . . . Baka kung kelan malapit na ko sa tuktok Tsaka pa madulas pabulusok At ang masakit? Hindi yung pagbagsak e, Yung katotohanan na Hindi ka man lang mag iintay Kahit k a u n t i , Para ako'y saluhin. Ang masaklap? Hindi yung mawala yung mga taong pinaghirapan ko, Pero, yung malaman ko na: Kahit ano pa man Ang mapabayaan ko, Walang magiging tayo. Kaya eto ako, masaya.. . Masaya pala, na mag isa, Pero mas masaya kung may, Makakasama ako sa twina, Yung kahit hindi ikaw, Basta handa siyang maging ikaw, Sa pwesto ng puso kong, Dati, ikaw ang sigaw.
0
Jul 18, 2017
Jul 18, 2017 at 8:19 AM UTC
I k a w