Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tumaya" poems
Araw na naman ng mga puso Nakahanda na ang hukbo ng mga damdaming nagsusumilakbo, tila nag-aapoy na parang mga sulo. Mga gimik na talaga namang pinaghandaan, magkasamang pagsasaluhan para mamaya'y may lambingan sa ilalim ng mga tala at buwan. Kay sarap sa pakiramdam kapag alam **** may nariyan. Hawak iyong kamay habang kayo'y naglalakbay. Mga mata'y nagtutugma tanging ligaya ang nakikita. Mga kaluluwang umaakma sa hulmahan ng bawat isa. Kahit mahirap tumaya umaasa pa rin at naniniwala na isang araw bigla na lang mawawala pait na dala ng nakaraang kabanata. Pero laging alalahanin Na mas may higit na nagmamahal sa atin, Na kailan man ay di tayo iiwan sa gitna ng labanan, dahil pag-ibig Niya'y walang hanggan. Kaya't huwag maiinggit at mag-ngitngit dahil sa ati'y may umiibig ng sulit na sulit Tunay na sa paningin Niya'y tayo ay kaakit-akit At kahit na minsan hindi tayo ipagpapalit. Bago pa natin hingin at iusal una na Niya tayong minahal. Ito ang pagibig na di nauutal walang takot at di nangangatal. Patuloy lang sa pagmagmahal, dahil ang pusong umiibig ng bukal di kumukupas kailan man kahit ilang araw at buwan pa ang dumaan.
0
Feb 13, 2019
Feb 13, 2019 at 10:33 PM UTC
Nagmamahal at minamahal
Sabungan                                              Cockfight Sa pula!                                                  For the red! Sa puti!                                                   For the white! Anopaman dumating                          However they come piliin ang magiting                              choose the valiant tumaya sa tindig                                   gamble on their carriage pagpaboran                                           and consider bawat katunggali.                                 each competitor. Sumiping sa dilim                                Make love with the dark at sumigaw                                            and cry Kristo! Kristo!                                        Christ! Christ! Panoorin ang laban                              Watch closely the battle sarsuelang mapanganib                      this dangerous sarsuela kawatang sumasanib                           a thief takes over sa aking piling                                      inside. Sa bawat kong hiyaw,                          Every shriek ang kada tuka, laslas                            each peck, a slash nagmula sa dahas                                of ruthlessness and lumilipana ang daing                           cries all around dumadaginding ang bagsik                echo ferociousness bawat laban pilit.                                  of this stilted struggle Kristo! Kristo!                                       Christ! Christ! sigaw ng sabungero                             screamed the sabungero at ako'y tumigil.                                   I stop. Sa pagpanaw                                        When all is gone manalo                                                   win matalo                                                    lose walang pareho tumingin                    no one sees evenly sa aking balahibong                            my feathers pula at puti                                           of red and white sa alabok                                               on the surface dust kumalat                                                 they lay lumipad                                                 they fly lumahong taimtim.                             and vanish without a thought.
0
Jun 5, 2016
Jun 5, 2016 at 11:36 PM UTC
sabungan (cockfight)
Sabungan                                              Cockfight Sa pula!                                                  For the red! Sa puti!                                                   For the white! Anopaman dumating                          However they come piliin ang magiting                              choose the valiant tumaya sa tindig                                   gamble on their carriage pagpaboran                                           and consider bawat katunggali.                                 each competitor. Sumiping sa dilim                                Make love with the dark at sumigaw                                            and cry Kristo! Kristo!                                        Christ! Christ! Panoorin ang laban                              Watch closely the battle sarsuelang mapanganib                      this dangerous sarsuela kawatang sumasanib                           a thief takes over sa aking piling                                      inside. Sa bawat kong hiyaw,                          Every shriek ang kada tuka, laslas                            each peck, a slash nagmula sa dahas                                of ruthlessness and lumilipana ang daing                           cries all around dumadaginding ang bagsik                echo ferociousness bawat laban pilit.                                  of this stilted struggle Kristo! Kristo!                                       Christ! Christ! sigaw ng sabungero                             screamed the sabungero at ako'y tumigil.                                   I stop. Sa pagpanaw                                        When all is gone manalo                                                   win matalo                                                    lose walang pareho tumingin                    no one sees evenly sa aking balahibong                            my feathers pula at puti                                           of red and white sa alabok                                               on the surface dust kumalat                                                 they lay lumipad                                                 they fly lumahong taimtim.                             and vanish without a thought.
Continue reading...
34
Nakakatawa isipin na sinubukan natin mangahas sa maiksing oras, tumaya sa natatanaw na dulo, at maniwala sa pangitain ng bukas. Pero, Mahal, hahayaan ko na ang mundo at pagbibigyan itong manalo. Bulsa ang sagot sa mga tanong na walang katiyakan kung saan aabot. Kabilang ang mga gusot na sa panaginip na lang maitutuwid. Sa panaginip, sa tabi mo gigising. Sa paggising, ibubulong na lang ang hiling. Dahil kahit ulit-ulit natin ang lahat, baliktarin man ang aking unan, sagutin man ang mga natitirang palaisipan, at kahit manatili man saglit, hindi magdadalawang-isip na dayain tayo ng langit. Ngunit, kung sakaling malinlang ko ang taas magsisimula muli ta'yo sa bagong espasyo na ta'yong dalawa lamang ang huhulma ng bukas. Kung saan walang pwersang hihila. Kung saan, Mahal, katabi ka paggising tuwing umaga.
0
Dec 3, 2019
Dec 3, 2019 at 11:31 PM UTC
Dinaya ng Langit
Ako ay tumaya sa pag ikot ng ruleta Tumaya dahil umaasang sakin ito'y tatama Sa sobrang dami ng aking tinaya tila'y nawalan ng pagasa Pano ba naman ni isang beses ako'y hindi pinagpala
0
Mar 7, 2020
Mar 7, 2020 at 7:42 AM UTC
Ruleta
Sa unang tingin, mabibighani Iisiping napakaswerte Tila kasingsaya ng mga tumaya At nanalo sa lotto Nakapipigil-hininga ang ganda Imbis na pumikit upang manalangin Na magkatotoo ang hiling Pilit na dinilat ang mga mata Sa pag-asang Masulit ang bawat segundong Nariyan pa At maaaring masilayan Tala ang tawag ng iba sa kanya Tawag ko naman ay bulalakaw Sa unang tingin pa lamang Kinatatakutan na ang paglisan Dahil ang mga bagay Na nakapagbibigay ng ligaya Madalas ay nawawala Pilitin man ang dumilat Hanggang hindi na kaya ng mga mata Kinailangang pumikit Ilang segundo lang, isang saglit Pagmulat ng mga mata Nawala ka na Napunta sa lugar na hindi ko na mararating Hindi na maabot Pagmulat ng mga mata sa umaga Bigla akong nagtaka Mahal ko, saan ka nagpunta? Kung di ba ako pumikit Hindi ka rin mawawala? Naririto lang ako, naghihintay Kahit abutin ng dekada O ilang taon Umaasa pa rin ng pagkakataong Masilayan ka muli Kahit pa ika'y Isang bulalakaw
0
May 11, 2020
May 11, 2020 at 4:32 AM UTC
Bulalakaw
Salitang Ingles na ginagamit para sa mamamayang nagbibigay-ingat at nagbabantay sa mga tumatawid na mga manlalakbay sa pagitan ng mga mundo. Habang niyayanig ng mga kontradiksyon, panatiliin ang sarili, tapusin ang mga paglalakbay ng walang patid, Hindi dahil walang patlang, kung hindi dahil kabahagi ng pagsuong maski dilim, patlang, at kawalan. Patuloy na tumuklas at buuin ang sariling praktika, hanggang tuluyang matutunan kung paano tahimik itong pakawalan ng walang pag-iimbot o pagtanggi sa Lawa na nagbabaga sa pagal ng mga kaluluwang hindi na makalapag at makapagugat sa ilalim ng lupa, ngunit hindi rin makauwi sa pinangakong lupa, langit at tubig na ngayon ay isang lotto ticket, SDO, at mga gawa-gawang karapatan. Ayon din sa matatanda, hindi ito mababago, at nabubuhay tayo para makidigma at patuloy na tumaya.#
0
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 2:26 AM UTC
PSYCHOPOMP
Ipag paumanhin mo kung natatawa ako, dati kasi isa akong pulubi, Haha! sige tawanan mo muna ang aking sinabi, Habang umiinom ng coke para magka enerhiya, Nakasandal ako sa pader habang nagbibilang ng barya, Isa, dalawa tatlo kelan magiging kuntento?, Sapagkat hindi naman talaga barya ang binibilang ko, Kundi ang bawat pag patak ng segundo, Isa, dalawa tatlo "may halaga pa ba sayo?", Yung oras niya ang nililimos ko noon, Ngunit nagbago na ngayon. Naalala ko pa tumaya ako noon sa lotto, Isa't pangalawang taya ngunit ako parin ay talo, Muli akong tumaya sa pangatlong beses at sabi ko "Huli na to", Sa di ko inaasahan tumama na nga talaga ako dito. Ang lotto ay simbolo lamang ng pag-ibig, Yan ang nais kong ipahiwatig, Sayo ako nanalo, Sayo wala akong talo. Yan ang nagbago ngayon. Kinalimutan ko na ang noon. Napaka swerte kong hindi ko na kailangan mamalimos, Ng oras at atensyong naghihikahos, Sapagkat nariyan kana at handang magbigay, Handang umintindi at handang mag alay, Mag-alay ng pag-ibig na walang kapantay, Walang pag aalinlangan at walang hinihintay, Na ano mang kapalit na sayo'y ibibigay. Marapatin mo akong sumandal muli, Hindi sa pader, kundi sa balikat mo kahit sa isang sandali, Upang maipadama ko sayo kung gaano ako ka saya, Isa, dalawa tatlo ikaw ay mahalaga, Marapatin mo akong sumandal sa iyong tabi, At sa muling pagbibilang ng aking mga labi, Isa, dalawa, tatlo, Sayo ay kuntento.
0
Jul 15, 2022
Jul 15, 2022 at 6:30 PM UTC
PASANDAL
Handa na ulit tumaya At magpakawala ng mga luha Handa na ulit mawala Kung ikaw ang kukuha Gaano man kadilim ang gabi Liwanag mo pa rin ang nakakubli Ikaw ang pinakamasayang bagay At pinamalungkot na bahagi ng buhay Ang ngiti mo ang patuloy na umaakay Sa aking pusong matamlay Binubuhay mo ang bawat pintig nito Pinabibilis mo ang bawat daloy ng dugo Patungo sa pusong lunod at uhaw sa iyo Handa na ulit tumaya Kahit na madaya Handa na ulit tumaya kahit ang kapalit ay iyong paglaya..
0
Sep 27, 2025
Sep 27, 2025 at 10:15 PM UTC
Taya