Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
RL Canoy May 2019
Umiibig akong matapat ang puso,
sa iyo, O Sintang pithaya ng mundo.
Dilag na bulaklak sa harding masamyo,
sinuyo’t pinita ng laksang paru-paro.

Tinataglay nila’y mararangyang pakpak,
subalit ang nasa’y tanging halimuyak.
Iba sa bagwis kong luksa ang nagtatak,
sa mata ng iba’y isa lamang hamak.

Ako’y dahop-palad, niring mundo’y aba,
sa utos ng puso, ikaw’y sinasamba.
O! ang saklap naman, umagos ang luha,
pagkat lumilihis ang ating tadhana.

At niring landas ta’y lalong pinaglayo,
nang ikaw’y nabihag ng hari ng mundo.
Buong taglay niya’y di tapat na puso, 
tanging hangad lamang ang kagandahan mo.

Sinta ko ano pa ang aking magawa,
kung sa ngalan ng Diyos kayo’y tinali na?
Daloy ng tadhana’y mababago pa ba’t,
panaho’y balikang ikaw’y malaya pa?

Bihag ka na ngayong walang kalayaan, 
hawak ang mundo mo ng lilong nilalang
Wari'y isang ibong ang lipad may hanggan,
at ang yamang pakpak, dustang tinalian. 

Paano O! Sinta yaring abang buhay?
Ikaw’y tanging pintig nitong pusong malumbay.
Kung ikaw ang buhay ng buhay kong taglay,
Sa iyo mabigo’y sukat ng mamatay.

Subalit nasa kong lumawig sa mundo,
sapagkat buhay pa niring pag-ibig ko.
At ikaw O! Sintang namugad sa puso,
napanagimpan kong pinaghintay ako. 

Sa harap ng hirap na di masawata,
tanging asam ko’y lalaya ka Sinta.
At itong pagtiis ay alay ko Mutya,
mula sa puso kong nagdadaralita.

Maghihintay ako sa pagkakahugnos,
sa tanikala **** higpit na gumapos,
sa kalayaan na lubhang nabusabos,
at mariing dulot, galak na di lubos.

Ang aking paghintay akay ng pag-asa,
lawig ng pag-asa’y kambal ang pagdusa.
At ang dukhang pusong batis ng dalita,
tila pinagyakap ang pag-asa’t luha.

O! aking minahal ako’y maghihintay,
kahit walang hanggang paglubog ng araw.
Magtitiis ako sa gabing mapanglaw,
hanggang sa pagsilang ng bukang liwayway.

Yaong sinag nito’y ganap na tatapos, 
sa dilim na dulot ng dusa’t gipuspos.
Sinag na tutuyo sa luhang umagos, 
niring mga matang namumugtong lubos.

Yaong pamimitak ng mithing umaga,
araw na mabihis ng mga ligaya,
ang buhay kong abang tinigmak ng luha,
mula sa kandungan niring Gabing luksa.

Maghihintay ako sa gitna ng dusa, 
kapiling ang munting kislap ng pag-asa.
Magtitiis kahit sanlibong pagluha,
hanggang sa panahong muli kang lalaya.

Maghihintay akong di hadlang ang pagal, 
kahit ang panaho’y lalakad ng bagal.
Magtitiis ako pagkat isang tunay
itong pag-ibig kong sa puso’y bumukal.

Maghihintay kahit dulong walang hanggan,
na pagdaralita’t mga kapanglawan
Kahit di tiyak kong muling sisilang,
ang bukang liwayway na tanging inasam.

©Raffy Love Canoy |May 2019|
Honyjoy Apr 2018
SALAMAT SA SANDALING NAGING AKIN KA.
Even seen i really knew it sinabi ko na to sa mga salita ko at itoy totoo
Totoong kaya **** magsinungaling at d sabihin ang totoo ngunit ayus lang oo ayus lang na dna marahil wala ng tau na akala ko ay totoo ngunit isa palang guhit, iginuhit sa hangin at unti unting nag laho hindi na kita masisisi mag ka iba ang mundo na ginagalawan!! Mundo?? Oh pag iisip ayus lang ayus lang talaga salamat sa saglit sa kunting pag paramdam na kahit ako lang ang nag gagawa ng paraan ngunit kailangan na ata kitang kalimutan at tapusin ang tadhana na matagal kunang d pinapakawalan upang ma isip at makausap kapa siguro nga d tayu ang totoo siguro kailangan ko ng bitiwan ang lahat upang makalaya na ako sa pag iisip sa mga bagay na walang humpay na sumusulyap salamat sa saglit na taon sa buhay nating dalawa salamatSa mga nakasanayan dapat ko na atang kalimutan upang d tayo mag kasakitan dahil humihirap lang ang pusong nasasaktan siguro nga hanggang d2 nlangAkala ko habangbuhay ang awit sa ating dalawa ngunit biglang lumihis ang nota na dapat ay nasa tuno pa wala ng kasguraduhan na maibabalik pa ang nakaraan kaya sigurong tapusin na dahil na hihirapan lang salamat sa saglit na pag paparamdam na akoy mahalaga kahit itoy hindi na totoo pa salamat sa mga salita na ngaun ay nag lalayag na sakabilang dako ng mundo na dooy mag papahinga siguro ngay hanggang d2 nlang ang ating storya hanggang d2 nalng at itoy mag tatapos na salamat sa mga sandaling kaligayan salamat sa saglit ng pag paparamdam salamat sa taong nag paramdam ng katotohanan ang masasabi ko lang salamat sa sandaling naging akin ka
My first try...
khristine crimen Oct 2017
Anim na letrang salita
magwawakas ang lahat
Ayoko nang paalam
Ayoko nang luha
ngunit ika’y malaya na
sa mga rehas na iginawad
ko sayo

bukas makalawa maaring
limot mo na ang lahat
patawarin mo ako sa
hindi pag suko
umaasa na sana’y may
iaabante pa ang lahat

oo nga pala, walang tayo
kasi hindi naman naging tayo
damang dama ko parin
ang mga init ng iyong halik
na iginawad sakin

ang mga yakap ****
yumayapos saken kaluluwa
ang bawat ngiti **** matatamis
ang lahat ng yan ay
akin’ mamimiss

akala ko ako lang
ang nag iisa para sayo
ngunit hindi ko inaasahan
ako’y pangalwa lang sayo

Mahal kita
dalawang salita pero
mas pinili mo ang
anim na letrang
tatapos sa lahat

Gusto kong makalimot
ngunit ayokong ibaon
ang mga alaalang
napagsaluhan naten
Alaalang mas pinili kong itago

Matatapos na ang lahat
matatapos narin ang tulang
isinulat ko para sayo
Ang tanging hiling ko lang

Maging masaya ka
Isa
Dalawa
Tatlo
Salamat,
Paalam.
rekojeth Jan 2017
Magsisimula ako nang hindi sa umpisa
Magsisimula ako kung nasaan ka
Magsisimula ako sa huli
Magsiisimula ako kung kailan hindi kana uuwi.
Nagsusulat ako hindi dahil gusto kitang ipabalik
Nagsusulat ako dahil gusto kitang ibalik
Sa dating princresa na kilala ko'ng ikaw.

Magsisimula ako sa huli
kung saan wala na talaga,
kung saan ako sayo ay umiibig pa,
at umiiyak habang sinusulat ang aking tula.
Sa huli kung saan gusto kitang ipabalik,
minsan naging desperado ako matikman lang uli ang iyong halik.

Susunod naman ay ang kalagitnaan
kung saan nating ginawa ag lahat ng mabuti
at masama,
dito tayo naging malungkot at masaya,
habang pag-ibig natin ay buo pa.

At mag tatapos ako sa pinaka-una
unang pag sabi mo na "mahal kita"
unang oras na sinabe mo na "hinahanap-hanap kita"
unang tikim ng iyong halik
unang tingin na iyong ibinalik.

Sana na aalala mo pa
noong tayo ay ag dadalawang isip pa
kung anong relasyon ba nating dalawa,
pero masaya tayo na nag sasabi sa isat-isa na "ito na talaga ,mahal kita".

Pinili ko'ng mag simula sa wakas at mag wakas simula.
Nang sa ganun ay kahit papano ay maramdaman ko'ng maging masaya
kahit alam kong patapos na ang aking tula.
dalampasigan08 Jun 2015
May dahong nalaglag mula sa kinakapitang sanga

at marahang tinahak ang dausdos pababa,

Dumampi siya sa malamig na agos ng batis,

sumisigaw ng hapis habang tumatangis,



Binagtas ang ‘di maiwasang larawan

ng pag-iisa’t walang hanggang kalungkutan,

tumama sa mga batong nakaharang

na umagaw sa diwa ng kaligayahan,



Sumambulat ang isang malalim na bangin

na siyang tatapos sa lahat ng alalahanin,

sumaboy ang pirapirasong damdamin

ng wasak na dahong ‘di matanggap at 'di maamin.
madi Mar 2018
Naalala ko lang bigla habang nakatayo ako sa isang lugar kung saan nagsimula,
Kung saan nagsimula at paano kita nakilala
Wala akong kaide-deya kung anong mangyayari sa mga susunod na kabanata
Kasi ang alam ko lang nagkakilala tayo sa inuman ng barkada.

Hindi kita kilala noong una,
Pero nagulat ako nung nagmessage ka
Nung gabing yon mismo ang panimula ng una nating kabanata
Sabi ko sa sarili ko hindi ko ieentertain to kasi masasaktan lang ako.

Pero wala eh ang lakas mo kahit hindi ka pa masyadong gumagawa ng paraan para hagkan ako
Sabi ko ulit sa sarili ko "ang bilis naman"
Ang bilis kasi naman isang gabing inuman
Nauwi sa gustuhan

Hindi ko na ikekwento kung paano nagsimula ang sunod na kabanata
Kasi alam na nating lahat yun
Ang simula siya rin palang tatapos sa walang kwentang pagiibigan
Pero sa totoo lang ang hirap...

Ang hirap tanggaping wala na,
Yung dating masaya kayo wala na
Yung mga usap niyo wala na
Yung mga lokohan at away wala na

Sabi ko sa sarili ko bakit ang tanga ko
Ang duwag ko
Hindi ako lumaban
Ang bobo ko

Hindi ko alam kung aasa pa ba akong babalik ka, o hindi nalang
Hindi ko alam kung aasa pa ba akong babalik yung dating samahan, o hindi na
Hindi ko alam kung aasa pa ba akong babalik yung dating tayo, o aasa pa rin talaga
Hindi ko na alam...

Basta ang alam ko, sa alak nagsimula ang tayo at alak din ang hanap-hanap ko ngayong hiwalay na tayo.
a true story of mine
Matias Feb 2018
mahirap labanan ang pakiramdam
mahirap ipilit ang isang bagay
mahirap pigilan ang mga mangyayari sa paligid mo
hanggang saan ba ang kaya **** ibigay?
hanggang kailan ka magiging matatag?
hanggang saan mo kayang ipaglaban ang taong mahal mo?
hindi ka ba susuko?
hindi ka ba napapagod?
natanong mo ba siya KUNG mahal ka pa niya?
at mas masakit kung hindi mo natanong na minahal ka ba niya?
mga hiling na gustong maabot
mga taong nayayamot sa mundong kulot-kulot
mga noong nakakunot
mga buhok na napapanot
kakaisip sa mamaya bukas at sa susunod pang mga gabi
wala na siya at di mo katabi
mata mo'y may luha
dahil sa gusto **** di mo makuha
ikaw ay sobrang ng napapagal
pagod na pagod na kakahabol kaya ikaw ay hinihingal
pilitin **** maging masaya
kahit wala na siya
hindi sa lahat ng pagkakataon
hindi sa lahat ng direksyon
kasunod, kabuntot mo siya
o ikaw ang nakabuntot sa kanya
bawat tao ay may kanya kanyang landas
at sa bawat landas ay mayroong hudas
sa iyong pagtakbo
bawat pagtapak mo ay titignan mo
wag kang tumingin sa isang direksyon
imulat mo yung mga mata mo
dahil hindi mo alam may ahas na kakagat sayo
at dala nito ay lason
lason na magpapahina
lason na papatay
at tatapos sa iyong buhay.
Hindi sa ayokong maging masaya
Hindi sa ayokong makaahon sa lusak
na iba ang nagdala
Guni guni, pilit pinaniniwala ang sarili
yan ang akala nila.

May mabuti kang pamilya,
ilang daang tropa
magandang suporta

Sabi ng lipunan,
madali lang sumaya,
gumalaw ka, sumayaw ka,
sumulat ka ng kanta.

Hindi nila wari lahat yan ay akin ng ginawa

Depresyon ay hindi kathang isip.
Minsan parang langgam kukurot sa iyong isipan,
madalas sya ay halimaw, lalamunin ka sa madilim **** mga araw.

paano paano yan ang tanong nila.
mukha ka namang masaya, halakhak ang dala sa tuwing kasama ka nila.

ngunit di nila alam,
sa likod ng mga biro,
ay lungkot ang pinagmulan
sa likod ng mga tawa,
ay mga sigaw "ang sakit sakit na!"
sa likod ng mga talon at palakpak  
ay mga iyak na di maikubli ng aking kasaralinlan
kung pwede lang
kung maari lang
araw araw hiling ko lang ay
makaahon sa kalungkutan

kung tatanungin ako ulit,
wala kong kasagutan.
Hindi sa ayoko ng kasagutan,
hindi sa ayoko lunasan.

Hindi ko lang talaga maahon ang sarili sa bangungot na patuloy sumisira ng aking laban.
Wag nio ko husgahan,
sinubukan ko,
binigay ko ang kaya ko
pero kapag nakikita ko na ang panalo
bigla na lang ulit  itong lalayo

ngaunit hanggang andito ako,
hanggat nakikipaglaban ako alam ko
sa sarili ko may pag asa pa ako.
at ikaw rin!
alam kong malalim ang pinanggalingan
alam kong ilang beses mo ding sinubukan
alam kong palagay mo kamatayan na lang ang huling alas mo
MALI
Hindi ito ang magpapatumba sayo.
Hindi ang halimaw na ito ang tatapos ng laban mo.
Sa bawat pagdapa, sa bawat gasgas
sa bawat pagsubok ng isa pa
lahat yun napagtagumpayan mo na.
kung hanggang kelan hindi ko alam
ang mahalaga sa bawat araw na binibgyan ka ng pag asa
andun ka buhay ka lumalaban ka.
Walang tiyak ang bukas
pero wag lang mag alala
HINDI KA NAG IISA
madi Jun 2018
Kung nahihirapan ka na,
Sabihin mo lang
Kung gusto mo nang bumitaw
Papalayain kita, bibitawan kita kung talagang ayaw mo na

Salamat sa mga araw
Na binigay mo sakin
Salamat sa saya
Sa lungkot at sa binigay **** pag-asa.

Dahil sayo natutunan ko kung paano magparaya
Sumaya na ikaw lang ang kasama
Natuto ako kung paano magmahal ng totoo
At dahil lahat 'yun sayo

Pasensya sa mga araw na wala kang ibang ginawa
Kundi suyuin ako
Pasayahin ako
At higit sa lahat mahalin ako

Kung hindi mo masabing ayaw mo na
Ako na ang tatapos para sayo
Ayaw kitang nasasaktan
At ayaw rin kitang nahihirapan

Dahil mahal kita
Kaya kita pinapalaya na
Naiintindihan ko kung pagod ka na
Naiintindihan ko kung hindi ka na masaya

Pero kung pipiliin **** lumaban
Kasama ako
Asahan mo saakin na yung buo
Ikaw na bahalang magdagdag sa laban natin na 'to.
Joseph Floreta Jul 2022
Hindi ko alam kung saan magsisimula,
Humahanap pa ako ng mga salita,
Dahil kung papano tayo nagsimula,
Hindi ko narin tanda,
Sadyang parang napaka bilis ng mga pangyayari,
Di ko alam kung papano ito nangyari,
Ngunit ganun pa man hayaan **** alayan kita,
Ng isang tula kung papano kita talaga unang nakita,
Kung papano kita unang pinagmasdan,
Kung papano kita unang nahawakan,
Hindi, hindi sa pisikal na kaanyuan,
Kundi sa napulot kong larawan **** may pangalan,
Larawan **** bumalot sa aking isip,
At sa puso kong binago ng ihip,
Ihip ng nakaraang pagibig,
Kasabay ng pagpulot ko sa iyong larawan,
Ay pagpulot ko narin sa puso kong nagkapira-piraso sa nakaraan,
Ngunit di ko naman inaasahang ikaw pala,
Ikaw pala ang magtatagpi tagpi nito.
Alam kong napakahirap dahil bawat piraso ay parang mga bubog,
Bawat piraso ay nakakasugat,
Ngunit mas pinili **** buohin ito,
Mas pinili **** buohin ito sa kabila ng panganib,
Ngunit binubuo mo ito na may pag iingat.
At sa bawat araw na hinahabi mo ang bawat pirasong ito,
Hayaan **** alalayan kita,
Aalalayan kita bagkus alam kong hindi madali ang ginagawa mo.
Alam kong nasa proseso ka palang ng iyong obra,
Ngunit ganun pa man ay ramdam kong buo na ako,
Nabuo mo na ang puso ko,
Pero kagaya ng isang pagpipinta,
Kahit tapos na ang obra maestra,
Hahayaan mo muna itong matuyo,
Ganun rin naman sa duguang puso,
Hahayaan mo muna itong mag hilom,
At kapag ito'y tuyo na , saka mo ito i spray-han ng acrylic,
Ilalagay sa kuwadro upang mai display sa pader ang sining ng iyong pagibig.

Hindi pa dito nag tatapos ang tula,
Ngunit alas tres na ng umaga,
Antok ay nag aanyaya na sa kama,
Hayaan **** sulatan pa kita sa mga susunod na araw,
Hanggang dito nalang muna aking sinta,
Para sa babaeng nililigawan ko ngayon, Mariss Rio, Salamat dahil nag take risk kang pagbuksan ako ng pinto, Kahit alam **** baka mahihirapan ka lang, baka masugatan at masaktan ka lang buhat sa nakaraan ko, tinanggap mo parin ako. Salamat... Wala na ako ibang mahihiling pa simula nang dumating ka sa buhay ko <3
marianne Apr 2022
Alam ko,ikaw sa kaniya ay unos, sinimulan ng mga munting patak na nagsalba mula sa pagkauhaw ng puso,niluklok ang kaluluwa sa sukdulan, panandalian **** nilunod ang mga pighati’t galit sa dibdib ay umaapaw. Ngunit ako,ako ang katapusang gugunaw ng mundo–mundong puro pait ang pinadadampi sa pusong nagpapakatatag anumang paggiba sa bintana’t pinto nito ang gawin ni realidad . Ako ang susunog sa bawat ala-alang nilason : mga litrato’t tula na iyong kuha’t akda. Ako ang tatapos at ito ang aking simula.

— The End —