Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinapanalangin" poems
Noong una kitang makita Ako'y napa tulala't napanganga Sa kagandahan ng loob mo ako napahanga Na sabi sa sarili ko'y ikaw na nga Di malilimutan ang iyong magandang ngiti Pag ika'y nasa palgid, ako'y di mapakali Nangininig ang tuhod na para bang naiihi Nama! Ako sayo's nabighani Lunkgot sa buhay aking nadarama Sa tuwing hindi kita nakikita At kung sa panaginip ay kasama ka Sana nga, hindi na muling magising pa Pinapanalangin na sa muling pagkikita Makasap at makasama ka Nawa'y wag sanang umatras ang dila Para'y masabit matatamis na salita Pinitg ng puso ko'y nag iba Pana ni kupido saki'y tumama Paghanga sayo'y di na matakasan pa Dahil CRUSH KITA, ALAM MO BA!!
0
Mar 13, 2017
Mar 13, 2017 at 9:28 AM UTC
CRUSH KITA, ALAM MO BA!
Isang bagay,isang mithi na gusto ko Mga bagay na ika'y magpapaligaya sa aking tuwina Ngiti **** aking sinusulyapan Pintig ng aking puso ikaw ang siyang hinahanap Dalangin na kay tagal kang hinintay Ngunit sa paglisan mo ako'y nalulumbay Hayaan mo maiparating ang aking munting hiling Pinapanalangin na ako'y mahalin Kahit sa sandali'y ikaw ay mahalin Lubos na dinadasal sa Maykapal Na ika'y patnubayan Mahalin mo ang sarili mo at maging masaya
0
Feb 6, 2013
Feb 6, 2013 at 7:17 AM UTC
Panalangin
Nadatnan sa sahig nakahandusay Ilan taon pa lamang noong una natapilok Sa paghuwego ay naglibang Nakalimutan ang sandaling sablay Bumaba ang araw na nasa taluktok ng kampana ng simbahan May iskarlatang busilak Ang dagundong nito ay ang pagpaparaya sa mga bata na ginigiliw ng kanilang ina Ikandong ang wasak na damdamin para makahinga Nilulumot ang gasera sa guwang na pandama Di matinag ang pagkawalang Ipaubaya sa daungan ng mga hiling ang pahapyaw na pinapanalangin At doon din makahanap ng silungan Samantala nalalagasan ng supang ang Sampaguita Malungkot ang kanyang talaarawan Nagmistulang sinulid ang kaligayahan na ipang gamit sa paghabi ng ala-ala Sa kalayuan maaninag na nagluningning Ngunit kapag sa prontera may pilat na mapusyaw
0
Dec 18, 2018
Dec 18, 2018 at 5:36 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #15
Sa totoo lang ako'y nabigla hindi ko inaasahan ang biglaang pag galaw mo na halos pakiramdam ko sasabog ang puso sa sobrang bilis ng pag pintig nito na tila ba'y para akong mawawalan ng malay sapagkat hindi ko alam kung ano ang gagawin sa biglaang pagyakap para akong idinuduyan at pinapanalangin na sana'y tumagal at wala nang katapusan ang pagkakataong ito'y kay tagal kong inaasam pero bakit kahit anong hiling ko na tumigil ang mundo pansamantala'y tila ba mas bumilis pa ang bawat patak ng segundo sa relo nababaliw na ata ako sana naman naramdaman mo ang nanginginig kong mga kamay habang dahan dahan kang kumakalas ang puso ko'y unti unti din napipigtas at sa iyong paghakbang paalis at pagtalikod mo na sadyang ka'y bilis wala din akong nagawa kundi ang hayaan kang umalis at sa aking paghakbang paalis sa lugar na kung saan naging saksi ng iyong pagyakap at nakarinig ng mumunting dalangin ko sa maikling oras inaasahan ko na ako'y iyong tatawagin uli hanggang sa pagtulog mamayang gabi sana ay kahit sa panaginip pinapanalangin ko na mayakap kang muli
0
Jul 12, 2019
Jul 12, 2019 at 10:21 AM UTC
Yakap
nung una kitang makita ako ay natulala bawat minutong lumilipas  pinapanalangin ko na sanay hindi ka mawala mala anghel ang iyong kagandahan ang iyong labi ay mala kulay rosas ang iyong ngiti ay walang katumbas bawat sa pag tulog ko ika'y laging naiisip bawat minuto pangalan mo'y aking nasasambit napaibig ako sayo nung una palang minahal kita ng hindi mo nalalaman Langit ka at lupa man ako pinag tagpo pero hindi tinadhana Iniirog mo'y iba sana maging kayo na nga handa akong masaktan basta sumaya kalang sa feeling niya .
0
Feb 28, 2018
Feb 28, 2018 at 12:44 AM UTC
Classmate
Ano nga ba ang “IKAW” sa ako? Ikaw ba ‘yung taong pag-aalayan ko? —pag-aalayan ko ng saya, tuwa, oras, puso at buhay ko? O ikaw ba ‘yung taong magpapaluha, maninira o guguho sa aking mundo? Sino nga ba ang “IKAW” sa akin? siguro ikaw na ‘yung matagal ko nang- pinapanalangin, siguro ikaw na ‘yung may mukha at may mga matang mahinhin, ikaw na siguro ang nakatakda kong mahalin. Teka lang, eh, “AKO”? Ano nga ba ang “AKO” para sa’yo? Siguro naman mayroong “AKO” diyan - sa puso mo? Siguro naman may “AKO” na siya ring ipinagpanalangin mo? Siguro naman may “AKO” rin diyan sa buhay mo ? May “IKAW” at “AKO”, ibig sabihin – mayroong “TAYO”. Ang mahalaga may “TAYO” kahit hindi ito klaro. Hindi man itinadhana, minsan pa ring namuhay sa iisang mundo. Hindi man pinagtagpo, magkarugtong pa rin naman ang mga puso.
0
Mar 26, 2020
Mar 26, 2020 at 1:09 AM UTC
Kabiyak-puso.
Wag mo akong kaibiganin baka ika'y mahulog rin Wag mo kong gustuhin mahirap akong intindihin Wag mo na akong isama sa iyong mga dalangin hindi ko rin gustong ako'y pinapanalangin Wag kang aamin hindi kita kayang tanggapin At kung maari wag mo akong mahalin dahil di ko kakayanin.
0
May 27, 2017
May 27, 2017 at 5:09 AM UTC
Pakiusap