Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
G A Lopez Dec 2020
Sa taong ito, hindi naging madali ang lahat
Maraming suliranin, magulong mundo, makalat.
Milyun milyon ang mga nasawing buhay
Nawalan ng trabaho't ikinabubuhay.

Bilyon bilyong mga tao ang nagluksa
Sa mga buhay na biglaang kinuha
Mga taong namatay dahil sa pandemya
May mga nasawi rin dahil sa kalamidad at trahedya.

Hustisya! Iyan ang sigaw nila
Kay hirap abutin ang hustisya lalo na kung ika'y isa lamang maralita
Na walang kakapitan
Kaya't walang kalaban laban.

Lahat ay humagulgol, nasaktan, nasugatan,
Ngunit nakayanan pa rin nating ngumiti habang ang kahirapan ay pasan.
Nakaramdam tayo ng paghihinagpis at pangamba
Na para bang hindi na matapos tapos itong nararanasan nating sakuna.

Nais mo ng sumuko,
Ngunit habang pinagmamasdan mo ang mga bagong bayani ng mundo,
Lumalaban sila para sa ating kaayusan at kalusugan,
Sa kabila ng pagod at hirap na kanilang pinapasan.

Kaya't dali dali **** pinunasan ang iyong luha
Nanalangin at nagtiwala ka sa Ama
Sapagkat Siya lamang ang makakapaghilom sa lahat
Magtiis lamang at sa Kaniya'y magtapat

Marahan mo nang isara ang huling pahina ng libro
Sa isang kwento sa taong ito
Ipangako **** sa susunod na taon,
Lalo ka pang magpapakatatag sa lahat ng darating sa buhay na mga hamon.

Gayunpaman, taglayin mo pa rin ang pusong mapagpakumbaba
Habaan pa ang pasensiya
Magpasalamat sa Ama sapagkat hindi ka niya hinayaang mag-isa
Palakpakan mo rin ang sarili mo sapagkat hindi ka sumuko.
Life is full of challenges but that challenges made us stronger. Everything will be alright.

12/31/20
renzo Sep 2020
Lantad 'sang digma, sakit laban sa masa.
Bungad sa madla, kalabang 'di makita.
Kailan ba bibisa? Babad sa pangamba,
Basag nang tiwala, saklolo pa'y wala?

Ang pobre'y pilit na tinatanikala,
Layang haring uri'y, 'di binabahala.
Mga biktima ay hindi inalintana.
Nakapagtataka ‘yong pangangasiwa!

Sino ba'ng salarin, sino ba'ng may lagda?
Ano ba'ng dahilan ng pamamayapa?
Corona bang sakit na nakahahawa?
O ang siyang Ulo na namamahala?

Lantad ang huwad nilang pakikisama,
Gobyerno'y siniwalat nitong pandemya,
Idilat ang mata, bibig ay ibuka.
Itanim 'tong aral na sana'y magbunga.
idilat ang mata, gising sa pagkabalisa. 'wag kang matakot magsalita, ikaw ang natitirang pag-asa.
G A Lopez May 2020
Ilang Huwebes at Linggo na ba ang nagdaan?
Ang aking mga bestida na nakalagay sa aparador ay laging pinagmamasdan.
Sa oras ng alas singko'y tumutunog na ang aking selpon
Magiinat at babangon.

Sinisikap kong laging makapunta sa kapilya
Doon sa tahanan Mo'y laging nadarama
Ang pag-ibig mo at pagyakap sa akin sa tuwina
Doon sa tahanan Mo'y naidudulog lahat ng aking nadaramang sakit at problema

Hindi na po kami makapaghintay Ama
Nais na po naming makabalik sa mahal **** Iglesia
Kung saan itinuturo sa amin ang iyong totoo at mahahalagang aral at salita
Ngunit alam kong darating ang araw, kami'y muling magsasama samang sa Iyo'y sasamba.

Nagkaroon man ng isang pandemya
Ngunit hindi nito napigil ang aking pananampalataya
Narito pa rin at masigla
Tunay na maawain at magpamahal Ka.

Kahit sa aming sambahayan ay iginagawad pa rin ang pagsamba
Sapagkat hangad naming Ika'y bigyan ng papuri at awitan ng kanta.
Ang laging panalangin ay 'wag sana kaming kalilimutan, o Mahal kong Ama
Kaming Iyong hinirang na sa Iyo'y lubos na nagtitiwala.

Nasasabik na ang puso't kaluluwa ko
Ang magpunta sa tahanan Mo
Sa madaling araw na pagsamba
Bumabangon ng maaga at mapapasabing,
"Oras na upang maghanda, hinihintay na ako ng Ama."
David Vlaim Dec 2020
Sa paraang iyan nila kami pinatatahimik, pinapatay, at tinatapos.
Baril ang kanilang sagot sa aming sigaw,
Sigaw para sa karapatan at bayan,
Bayang aming pinaglilingkuran.

Hindi pa ba kayo naalarma?
Na mismong makabagong bayani na ang pinapatay nila,
Mga bayaning halos walang pahinga,
Mapagaling lang nila tayo mula sa pandemya.

Pandemyang naglabas ng baho nilang mga nasa itaas,
At kanilang mga hindi pagiging patas,
Mga taong lantarang lumalabag sa batas,
Malaya pa rin at nakikinabang sa ating kaban.

Kaban na pinagnanakawan,
Bilyong utang,
Na tayong simpleng mamamayan ang magbabayad,
Magbabayad sa inutang na hindi naman natin napakinabangan.

Ilang inosenteng buhay pa ba ang mawawala,
Bago ka tumigil sa pagsuporta sa tuta ng Tsina,
Sa mga tangang namamahala,
Sa mga taong walang hiya.

Gising mga bulag!
No Name Feb 2022
Anu ba ang pandemya?
ito ba ay parang hawla
na lahat tayo ay naka kubli
naka kulong sa apat na sulok
na wala na magawa
kung hindi naka totok telepono
naka tingin sa telebisyon
na araw araw di nag nagbabago!
nagbabago ang balita
na ang maralita ,
maralita lng ang nabubuhay ng normal?
pero hindi lahat tayo ay tinamaan
ibat ibang kwento
ibat ibang karasanan.

Nawalan ng trabaho
Nalugi ang negosyo
Naiwan ng mga minamahal
at wala namang maayus na tugon
walang kasiguraduhan
kung meron mag babago
sa mga bukas na haharapin
sapagkat tayo ay naging alipin
naging lumpo, tayo dahil sa pademya
lahat bay randam na?
ang pahirap at pasakit

Ramdam ko at ramdam nyu
ang malaking pagbabago
tinatawag nilang bagong normal.
bagong normal na di natin ginusto,
pero wala na tayong magagawa
andito na to.

Kaibigan , kapatid
sana tayo ay di sumuko
alam ko mahirap
pero tayo ay mag sumikap
tayo ay tumulong.
tayo mag kaisa
para ating boses ay umugong
Isigaw ng sabay sabay
na ngayun pandemya tayo
ay pantay pantay
lahat tayo ay may maitutulong
maliit man o malaki.
patuloy sa pagdarasal
na sa huli
tayong Pilipino parin ang magbunyi
100921

Ilang beses pa ba tayong magpapaliguy-ligoy?
Pagkat sa pagitan ng paghahasik ng dilim
At sa pagsilang ng araw ay doon tayo magsisipag-sulpotan?

Hindi ba tayo mapapagod?
At hanggang kailan ba natin ito kayang ipagpatuloy?
Ganitong estado ng pamumuhay rin ba
Ang nais nating ipagmalaki't ipasa sa ating mga anak?

Pandemya nga lang ba?
O kahit hindi naman gipit
Ay ito na ang pamamaraan natin?
Kaninang madaling araw, may pumasok sa aming bakuran. Malakas ang buhos ng ulan kaya hindi ata namin namalayan. Wala man kayong nakuha ngayon, sana dumating kayo sa puntong hindi na maging madilim ang inyong mga paningin. Sana hindi mangyari sa inyo ang mga bagay na inyong kinasanayang gawin. Sana matuto rin kayong maging patas sa kabila ng hindi pagiging patas ng panahon. At tandan n'yo, hindi lang kayo ang hirap sa buhay.
raquezha Aug 2020
Mudtū nanaman akong nagisəng
Kwasa lawod na sige panaŋgad
Piripildit kadtong kompyuter
Tambak a  gigibohon pauno
Malang sakit pag naədâan ikang trabawo
Dāwâ unong mag-ābot tinitira
Magka-income sanā nguwan na pandemya
Masakit a pagbuɣay nguwan
Bana niloloko kita ka kanatəng gobyerno

"Urāsâ ayy!" Sabi ni inay
Kwasa kaya nakakape ika malaka mudtū
Pano ka diri iinitan ka tramuya **** iton

Nalingawan ko, paborito palan niya a kape
Ay ta dawa malang ŋisnitan na malaka-pwerte paghigop niya.

Siguro tinutuod kita sa pasakit na tinatao kanatə arog kading gibo ko, nagkakape naman ako dāwâ malaka-mudtū, diretso sa lalawgə̄n ko a sulô galin sa langit, pinipirit na indahon a kulog tas pait, ŋata ta kaipuhan kitang pasakitan kin pwede man sanang ayoson a nasasakupan, ay inda maray pa magkape na sanā.
1. Urāsâ, hot, warmth, sweltering; "Urāsâ ayy!", An experession you say when feel very very hot and sweaty.
2. https://www.instagram.com/p/CDZI4TUHKck
Jan C Dec 2021
Pangako na ibibigay sayo ang mundo,
Ibibigay ang lahat sa’yo kahit mula sa kabilang dulo.
Yanigin man ng mundo ang daan ko sayo,
Hindi ako susuko makita ang mahal ko.
Salubungin man ako ng mataas na alon
Handa akong languyin ito mapatunayan,
Ang aking pagmamahal sa iisang taong dahilan ng akin pag-hinga.
Matakpan man ng abo ang langit,
Hindi mapipigilan ang aking pag hanap sa aking iniibig.

Sa panahon ng pandemya, ang Pagasa ko’y Nawala,
Sa kabila ng lahat ako’y binigyan mo ng ligaya.
Nagging ilaw sa madilim na umaga,
Mga ngiti mo’y aking Nakita.
Gumalaw man ang inaapakan natin dito sa mundo,
Hindi ako mapalalayo dahil ako’y lagging na sa tabi mo.
Nang ika’y aking makita Nakita ko ang Pagasa
Huminahon ang lahat pati ang bulkan ay napayapa.
Levin Antukin May 2020
"MA, NASA'N Y'ONG MASK?".
nagmamadali na 'kong lumabas.
may bibilhin lang kasi ako sa 7-11.
ba't pa kailangan ng mask?
pati y'ong ano-
ano'ng tawag doon?
AH quarantine pass.

bago pa lumabas ng bahay,
nasermonan ang atat na mokong.
kapiranggot na mga salita ang nag-udyok
upang hindi na hawakan pa ang pinto.

"mag-ingat ka sa sakit pero
mas mag-ingat ka sa mga sundalo
na nakatanod sa checkpoint palabas."

isang taon na ang nakalipas.
'di na natapos ang pandemya.
para pagsabihan ako sa edad kong 'to,
tanggap ko na.
hindi na 'ko takot sa sakit.
ang hindi katanggap-tanggap ay ang maharas
at makulong sa kawalang katarungan.

kung amoy kalawang ang dugo
at 'di sila takot mabahiran,
kalawangin sana yaong mga kamay na bakal

— The End —