Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"palipasin" poems
Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang mga butil ng bigas Ay mula sa mga butil ng binhi ng palay Na bago pa man maitundos sa lupa May paghahandang dapat na maisagawa   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang kailangang palipasin Ilang mga araw at linggong magdamag Bago simulan bawat umaga ng pag-aararo Bawat umaga ng pagpapalambot sa lupa   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang pagkatapos ng pagpupunla’y Mahabang takipsilim ng pag-aabang At pagdidilig. Hindi lamang ng tubig, Kundi pati pawis at dugo, higit na pag-ibig   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang may panahon ng paghahasa Ng mga gulok, sundang at karit May panahon ng paghahawan May panahon ng paggapas at pag-aani   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang may aangkin ng lupang kanila Batid nilang may panahon ng paniningil May panahon ng pag-ani ng karapatan May panahon ng pagkapatas   Maalam maghintay ang mga magsasaka Hindi sila nahihimbing sa kanilang paghihintay Mababaw ang tulog, tiyak nila ang oras ng paggising Ang oras ng pagtindig Ang oras ng paghawak ng kanilang mga karit.
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 10:39 PM UTC
Maalam Maghintay ang mga Magsasaka
Sa tuwing naaalala ka, Lungkot at pagsisisi lang ang palaging nadarama. Hindi naman na dapat iniisip pa, Ang mga nakaraan na lumipas na. Bakit ba hindi ka makalimutan?, Kailangan paba magharapan tayong muli upang tuluyan nang makawala sa nakaraan?. Parehas naman nating hindi ginusto to, Na humantong tayo sa ganito. Masaya naman tayo noon, noong tayong dalawa ay nagmamahalan pa, Nagkamali lang talaga tayo nang hindi natin sinasadya. Pero parehas lang tayong nagkamali, Kaya ito tayo ngayon nagsisisi sa huli. Pinaghiwalay tayo ng tadhana, Siguro dahil hindi talaga tayo ang para sa isa't isa. Hindi ko na rin kasi gusto ang trato mo sakin dati, Kaya't ako na rin ang bumitaw sa huli. Hindi ngalang pormal ang paghihiwalay nating dalawa, Kaya't siguro nahihirapan parin akong huwag kang maalala. Pero gumawa ako ng paraan para bawiin ka ulit kasi nagsisisi ako na iniwan kita, Pero nalaman ko na may iba kana. Lumipas ang mga araw, buwan, taon, Nakalimutan ko nandin ang taong minahal ko noon. Pero bakit hanggang ngayon kahit saang anggulo man tingnan, Hindi ko parin mabura ang mga memorya ng nakaraan. Ayoko na sanang maalala ang lahat noon, Pero bakit gumagawa parin ng paraan ang utak ko para maalala lahat ang mga pagkakamali nating dalawa na nilipas na ng panahon?. Gusto ko nang kalimutan ang kahit anong tungkol sayo, Pero hindi ko alam kung saang paraan at paano. Ni wala na akong nararamdaman sayo matagal na, Pero bakit hanggang ngayon nahihirapan parin ang utak ko na kalimutan ka. Sana dumating ang umaga na sa paggising ko kumpleto na ako, Wala nang gumagambala sa utak at katauhan ko. Na hindi na kita maiisip kahit kailan, Na natutunan nadin kitang kalimutan. Pero hanggang saan paba ang itatagal ng panahon?, Hanggang kailan paba maaalala ang kahapon?. Palipasin na ang nakaraan, Dahil para sa akin wala na iyong kahulugan.
0
Oct 15, 2017
Oct 15, 2017 at 11:05 PM UTC
Palipasin na ang Nakaraan

Continue reading...
38
0118 Hindi Ka lumipas — Naalala ko noong nakaraang taon Ilang araw buhat sa ngayong pagbibilang ko Bago pa sumulyap ang mga pampakulay sa kalangitan Para magtagisan sa pagbungad sa paunang ngayon. Hindi Ka lumipas — Halos itim na lamang ang kulay sa kalangitan Na para bang ang pag-asa ay kinitil na ng sanlibutan Na para bang ito’y nobelang pawang paghihintay na lamang At nang subukang gapangin ng putik ang pangarap ngunit hindi — Hindi Ka pa rin lumipas At muli **** binigkas na Ikaw ang dahilan ng lahat Na ang lahat ay walang kabuluhan Kung ang Ikaw ay ibabaon sa limot at tatalikuran. Hindi Ka lumipas — Gaya ng mga butil ng luha sa aking mga mata Na ang pagsusumamo ay tila araw-araw na pag-aakyat ng ligaw Sayo Na maging ang umaga ay tila Simbang Gabi. Hindi Ka lumipas — Nang dungisan ng mundo ang mensaheng laan Mo Ngunit sabi Mo’y tapos na ang lahat Malambot pa sa bulak ang sumalo sa bawat pagkabagsak Walang katulad ang Iyong mga yakap, At heto ako — mas natutong sumandal sa nag-iisang Ikaw. ——— Hindi Ka lumipas — Ilang beses **** hinayaang masaksihan ko ang pagsagwan nila sa agos Ang paglipad sa ere na tanging Ikaw lamang  ang sumalo Na para bang ito na ang huling mga katagang bibitiwan ko — Ayoko na Pero hindi — Pagkat nagkakamali ang dilim sa paghasik ng kanyang sarili Pagkat ang Liwanag ay panghabambuhay At hindi tayo kakapusin sa oras At hindi ito isang “sandali lang.” Hindi Ka lumipas — At ayokong palipasin ang kahit isang pintig ng sinasabi nilang “sandali lang naman” Pagkat sa oras na ito’y hindi Ka lilipas — At tanging ang pangalan Mo ang mangingibabaw Sa susunod pang hihiranging mga araw Kahit pa sabihin nilang nagbago na ang lahat. Hindi Ka lilipas — Kahit pa tabunan ng pangungutya ang Iyong kasulatan, Tanging Ikaw ang magiging bukambibig. Kahit pa hindi makakita ang mga bulag Ay ipagdidiinan pa ring Ikaw ang magbubukas ng bawat paningin At walang dilim na kayang sakupin ang Bayan Mo, Ama. Hindi Ka lilipas — At sa bawat pagtaas ng Bandila Ay Ikaw ang mananatiling may tiyak na katuturan Na ang mensahe Mo’y ipangangalandakan Saanmang dako at sulok ng mga Islang hinati ngunit Iyong ipinag-isa. Hindi Ka lilipas — Tulad ng mga ulap tuwing ang ulan ay titila Tulad ng tubig tuwing huhupa ang baha Tulad ng ilaw at init ng kandilang inapula. Hindi Ka lumilipas — Gaya noon, hanggang sa huling hampas ng segundo sa huling pagyukod ng araw. Maghari Ka — Hanggang sa huling pagkurap na kasama Ka.
0
Jan 6, 2018
Jan 6, 2018 at 6:39 AM UTC
Hindi Ka Lumipas

61
Halika't samahan mo ko Sa pagbalik sa nakaraan Kung saan ikaw pa ay aking gusto At ako ay iyong kaibigan Nang makita kita Ako'y namangha Sa iyong talentong ipinakita Sa buong eskwela Di ko aakalain Na ika'y gugustuhin At ang panahon ay palipasin Nangangarap na ika'y mapasaakin Ngunit heto na tayo Sa kahuli-hulihang pahina Ng ating kwento At ng ating pagkikita Oo, hindi na kita gusto Sapagkat ang paglipas ng oras ay masyado kong sineryoso at ang pahina ng aking mga damdamin at dahan-dahan kong pinilas Ngunit, bakit? Bakit kung kailan ilang buwan nalang? Bakit kung kailan nasa huli nang hakbang? Bakit kung kailan ika'y maglalaho na? Bakit kung kailan huli na? Bakit? Kailangan pa ba na ako ang umamin ng hindi kayang aminin? Kailangan pa ba na ako ang lumapit upang masabi ang gustong sabihin? Kailangan pa ba na ako ang magsimula ng gusto **** simulan? Kailangan pa ba na ako ang gumawa ng paraan para sa'yo? Sa tingin ko, hindi ko na kailangan Pasensya na Sapagkat huli na ang lahat Ako'y nakadaan na sa iyong pinagdadaanan ngayon Ngunit hindi tayo nagtagpo Pasensya na, Dahil huli na ang lahat. Hindi na kita kailangan.
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 8:58 AM UTC
Kailangan pa ba?