Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"paligsahan" poems
Ang paligsahan ay nagumpisang magbukas Ng mga piling kalahok kung sino ang pinakamalakas Pinagtipon tipon sa labanang may mataas na antas Ang gantimpala sa mananalo ay ang kapalaran ng bukas Wari bang hamon ng buhay na tayong lahat ay kalahok Sa paligsahang paunahang makarating sa tuktok Kung sino ba ang makakalagpas sa mga pagsubok At kung sino ba ang matatag at tunay na di marupok Kaya wag hayaang tumiklop ang tuhod Kahit sa panghihina ay dahandahang mapaluhod Dapat kalimutan ang nararamdamang pagod Dahil ang laban ay dumarating nang sunod sunod Ibigay ang lahat ng makakaya Magtiwala sa sarili, may magagawa pa Wag mawawalan ng pagasa Manatiling nakamulat ang mga mata Sabay ibukas ang munting palad Ano mang oras darating ang hinahangad Tulad ng manlalarong naghihintay ng pasa Nakasalalay ang puntos, kapag nahawakan ang bola Ganun kahalaga ang bawat panahon Di dapat pinalalagpas ang bawat pagkakataon Yan ang aral na ipinapaalala nitong kompetisyon At ang disiplinang nakapaloob sa isang kampeon Sumigaw kahit gaano kaliit ang tinig Di maglalaon ay tuluyan ka nilang maririnig Habang ang tao’y may taglay na pagibig May lakas na di padadaig kahit pang buong daigdig Bumangon ilang beses man madapa…. Walang tagumpay sa pagsuko Kaya laban lang ng buong puso Ipakita **** ikaw ang nararapat Sino man ang makatapat, bumalakid man ang lahat Ang mundo ay isang parang laro May panalo at may pagkabigo Ngunit may karamay na kupunang sumasaiyo Na magsasabing “Magkasama tayo, sila ikaw at ako”
0
Oct 23, 2018
Oct 23, 2018 at 9:31 PM UTC
Ang Paligsahan Ng Buhay

Continue reading...
37
bayan kong mahal sayo'y ibibigay ang aking buhay ipaglalaban ang aking katwiran at karapatan ipagsisigawan ang salitang pagkakaisa at kapayapaan ngunit bakit sa lahat ang may hadlang? tuluyan na bang nabaon sa nakaraan ang kapatiran? mas nanaisin ng karamihan ang kaginhawaan para sa sariling kapakanan ang paggiging  makabayan ay bibitawan nalang kapalit ay maging sa sariling alipin sa bayan magbibingi bingihan na lamang sa mga maling nasaksihan sa mga taong naka upo sa mataas na upuan ang mali ang nagiging tama ang tama ay mailap ng makita anung silbi ng mga pinaglalaban kung ang lahat ayaw makipag laban? sakim sa sarili at sarili lang ang mahalaga wala na ang mga bayani patay na! kailan may walang tunay na kalayaan sa ating bayan dahil ang lahat ay ang nais lang ang sariling interes at kapakanan nasayang lang ang watawat na hinabi ng ating mga bayani hindi pagkakaisa ang nasa ang nasa isipan kundi paano maka isa sa lahat bayani ba ay isang nalang alamat? wala na bang mag aangat at magsasabing dapat ipaglaban ang karapatan? nagiging mahirap ang mahirap at sa pera silay salat ang mayaman ay nagtataas ng bakuran upang di makita ang tunay na kalagayan iiyak na lamang ang mga tunay na nagmamahal sa bayan wala na nga ang tunay na kahulugan ng kapatiran di na isa ang bawat kulay ng watawat kundi ito'y kulay kung saan ka dapat mabilang naging pangkat ang kulay, naging simbolo na ng watak watak na paniniwala di na siguro magiging buo ang kulay ng watawat ang kapayapaan ay di magiging sapat wala na! hindi na magiging isa ang mga pulo ng bayan nagiging paligsahan na lang kung sino ang magiging una at tatawanan ang talunan sa inaakalang laban ng pinaka magaling, di man lang maiisip na pagkakaisa sana bayan kung magiliw paanu na? di na ba magkakaisa? o sadyang mailap na talaga ang tinatawag na pagkakaisa.
0
Mar 5, 2018
Mar 5, 2018 at 11:31 PM UTC
MAKATA

30
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa. naalala mo pa ba noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat, sa may malinaw at malinis na sapa? ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha, pagtupi ng mga obra: mga bangkang gawa sa papel, na ating pinapanood ang pag-anod sa tubig na banayad na dumadaloy; nagpapadala lang sa agos. at hindi, hindi ito isang paligsahan o karera. ang tanging pakay ay malibang at magsaya. kung lumubog o masira man ang ating mga bangka, ayos lang, gumawa na lang ng iba. pero ngayon, tayo ay lumaki at tumanda. pati lunan natin ay nag-iba. sa ating pagtingala, hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita, kundi ang bughaw na langit na walang anuman ang makakadaig sa lawak at laya. at siyempre, ang ating malinaw na sapa ay humantong na sa karagatan. di matalos ang hangganan, di matalos ang lalim. maraming tinatagong lihim. nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel. at dito sa dagat,   nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi araw-araw may digmaan sa laot. kalaban natin ang mabagsik na hangin, mga higanteng alon, mga piratang nananamantala, pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod. pero bago pa man magsimula ang digmaan, tayo na ang panalo. walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso. sa ating paglingon mapapagtanto na hindi masukat ang layo ng narating na pala at mararating pa natin. matagal nang wala ang gubat at sapa, napalitan na rin ang mga mumunting bangka. ngunit ako, ay nandito pa at patuloy na mananatili kahit na magkaiba at magkalayo ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko. 'di bale iisa lang naman ang Kapitan, iisa lamang ang kayamanan na hinahanap, iisa lamang ang lupain na tinutungo. hindi talaga matiwasay at madali ang paglalayag dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya kung dumanas man ng sindak at lungkot, huwag maniwala sa lawak at lalim na natatanaw sa mga alon; kasi kahit saan man mapadpad, kahit saan man ihatid ng tadhaha, nandito lang ako.
0
Jun 19, 2015
Jun 19, 2015 at 2:33 AM UTC
layag

70

Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 9:28 AM UTC
Layag

Bakit nga ba kailangan magplano? kailangan isipin ang kinabukasan problemahin ang mga susunod na araw Bakit kailangan tayong pahirapan? kung mga bagay na naisip mo para sa hinaharap ay pwedeng magbago at maglaho na lamang Bakit hindi na lang gawing simple ang buhay? kung san walang hinanakit at paligsahan at tanging saya ang nararamdaman Hwag ng magisip palayain ang mga sarili sa problemang walang humpay tara't sumabay na lang sa agos ng buhay
0
Sep 6, 2011
Sep 6, 2011 at 2:50 PM UTC
Agos ng buhay
Tuwing Halalan, may kalakalan… Palitan, tindahan ng mga pangalan Manibalang, sariwa’t bulok man Hilaw o hinog, merong pagpipilian. Tuwing Halalan, may paligsahan… Maliit, malaki, mahirap, mayaman Basta handa at gustong lumaban Maging sino ka man, pwedeng sumali diyan. Tuwing Halalan, may kaaliwan… Kantahan, sayawan at palakpakan Kainan, kwentuhan at inuman Wari’y may pista ang buong bayan. Tuwing Halalan, may kasawian… Tsisimisan, siraan, banghayan, alitan Hamunan, bugbugan at bantaan Hanggang kamatayan, walang uurungan. Tuwing Halalan, may kalayaan Pumili ng pinuno ang mamamayan Dikta ng sarili **** isipan O maging anong uri ng kabayaran. Tuwing Halalan, may karanasan! -09/29/07 (Dumarao) *upcoming local elections
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 2:04 AM UTC
Tuwing Halalan
May paligsahan ng palakasan ng palakpakan sa Batasan Complex. May pabuyang naghihintay sa mapuputulan ng kamay kakapalakpak kahit palpak at sablay. Pabayaang maglaway ang mamamayan sa kaunlarang ibabandila. Hayaang mabilaukan ng kathang-isip ang mga pasilyo, wawalisin na lang ito mamaya o bukas kapag iba na ang usong balita. Kapag kasuotan na ang pinag-uusapan. Madulas kayong lahat sa nasayang na laway. Naghahanap ng away ang hindi pupuri. Ang hindi sasamba. Ang ayaw sumama sa pagsimba sa katedral ng kasinungalingan pagugulungin sa labas ng bulwagan. Walang puwang ang katotohanan kaninong palad man ito nakasulat. Kaya’t huwag itong iladlad. Huwag itong itambad. Huwag hubaran ang matagal nang nakahubad. Ibibilad kayong mga bastos. Iiwas sila sa pakikipagtuos, dahil mas matigas pa sa mukha nila ang inyong katwirang huwag sumali sa paligsahan. Dahil ang masigabong palakpakan ay nakalaan sa sambayanang lumalaban.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:44 PM UTC
PALAKPAKAN
Alam kong masakit para sa akin ang unti-unting tuklasin ang katotohan sa mga taong nakakaalam ng aking nakaraan, Ngunit ito ang tangi kong paraan upang damdamin nila ay hindi masaktan kahit sa umpisa pa lang ay hawak ko nang ako ay isang talunan. Kung hindi niyo kayang sagutin ang mga katanungan kong paulit-ulit kong itinatapon, bakit kailangang idaan sa ibang uri ng paligsahan? Ano ba ang tingin niyo sa akin isang laruan na kapag nagsawa na ay basta na lamang ninyong iiwan o isang paluwagan na kapag tapos na sa pangangailangan ay ipagwawalang bahala na parang basahan? Tunay ba ang bawat mga salitang naisisiwalat ninyo sa tuwing nagsasabi ako ng totoo sa tunay na kalagayan ng puso at katawan ko? Masama bang itanong ang mga bagay na paulit-ulit kong hinihingian ng konkretong kasagutan? Kung hindi ako naniniwala sa inyo bakit paulit-ulit kayong tinatanggap ng puso at isipan ko at hindi kailanman nawaglit o isinantabi ang bawat isa sa inyo? Bakit kapag ang taong mahal ninyo na paulit-ulit na nagagalit sa inyo ay tila wala lang iyon sa inyo pero kapag ako na ang magsasaboy ng mga salita, aba at bigla na lamang kayong mag-aalburoto? Nasaan ako diyan sa mga puso ninyo? Nasa loob ba o nasa labas? O baka naman paulit-ulit kong huhulaan na walang AKO kahit sumiksik pa ang aking sarili sa inyong katawan.
0
Oct 14, 2018
Oct 14, 2018 at 1:30 AM UTC
Paulit-Ulit
Hayan nanaman sila, Naglalayag muli ang mga mamamahayag, Lagalag nanaman ang bandera ng pula, berde't asul Sa gitna ng karagatan ng mga nauupos na katotohanan, Ang hangin ng pagbabago ay muli nanamang umiihip, Tulak-tulak ang bangkang ginawa mula sa diyaryo't mga pangarap, At doon, Sa islang pinanggalingan ng mga mamamahayag, Kung saan ang mga tao'y kasali sa isang paligsahan ng mga bangkay, Nakatayo sa sentro ang isang pulang bahay na nagmamatyag, Sa kanyang pader nakaukit ang mga alituntunin ng larong maingay, Mangyari lang daw na patayin ang nagsasayawang mga apoy na nagbibigay ilaw sa pagbabago, Mangyari lang daw na patigilin ang pagkembot ng mga bewang sa kumpas ng isang ipinagbabawal na musika, Mangyari lang daw na mangarap ngunit tumingala sa usok ng kanyang establisiyemento, Mangyari lang daw na maglabas ng buntong hininga ngunit huwag sanang pagkamalang pamumulitika, Sa nayong malapit sa dalampasigan ng isla, Kung saan ang buhangin ay nananatili pang morena't hindi pula, Matatanaw ang isang maliit na eskenita, Kung saan naglalakad ang mga pudpod na paang naghahanap ng pag-asa, Ang daang malubak ngunit binuo ng pinagtagpi-tagping mga proweba, Ay mag tuturo sa daungan ng bangka ng mga sinabing peryodista, Ngunit pagdating sa nasabing tagong lugar, May mahabang pilang nag-aantay sa naturang bangka, Wari'y lahat ng talampakan ng mga tao'y dumudugo ngunit hindi namumula, Lahat ay may dalang maleta ngunit hindi naglalayas o nawawala, Sila'y nakapila upang antayin ang bangka, Hindi para sumama, Kundi para maging kalasag ng isang malayang pagpapahayag, Para maging tagapagtanggol ng isang katotohanang nararapat makita ng lahat ng mga nabigador, Para mapatahimik, hindi lang ang lagim ng laro, Kundi lahat ng mga bangkay na naiwan niyang nag iingay
0
Mar 14, 2022
Mar 14, 2022 at 11:23 PM UTC
Papel na Bangka (2020)

31
22 Ang unang pagsubok ay paligsahan Na susubok sa lakas at katatagan 23 Inihanda na ng mga binata Ang mga katawan nila 24 Nagbalu-baluktot, nagbanat-banat Nag-imbay-imbay, nag-inat-inat 25 Kapagdaka’y ipinagitna sa kanila Ang isang kahoy na lamesa 26 Inilapag nila rito Ang kanilang mga braso 27 Para sa pagbubunuan Ng mga kalamnan 28 Sa huli’y si Agus ang kinilala Bilang pinakamalakas na binata. -06/23/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:59 PM UTC
Daragus 4 -Unang Pagsubok sa Magiging Prinsipe-
71 Sa gabi ng kapalaluhan Mga salarin isinilid sa kulungan 72 Pinahirapan at inusisa Kung bakit nila iyon ginawa 73 Ang sabi ng dalawa Napag-utusan lamang sila 74 Ang utak kanilang ikinumpisal Iyon ay ang talunang karibal 75 Sa katatapos na paligsahan Para sa prinsesang pakakasalan 76 Pagkaraan ng tatlong araw Mundo ng mga salarin nagunaw 77 Sila’y pinugutan ng ulo Mga kaanak nanlumo. -06/27/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:44 PM UTC
Daragus 11 -Kaparusahan sa Pangahas-