Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagsasamahan" poems
malamig sa isang silid may kasamang pighati, saya at lungkot sa bawat paghinga, ramdam ang pagbagsak ng luha. magkakahiwalay na tayo sakit na tila kinukurot ang puso sakit na walang ibang lunas, kundi ang pagsasamahan nating nabuo. sinulat ko ang tulang ito para kahit ako'y lilisan na maaari ko pang balikan lahat. lahat ng alaala at samahan, mga alaala na hindi ko makakalimutan, katulad ng... habang tayo'y naghihintay ng ticket habang tayo'y nagbabasa ng email thread habang tayo'y nakaupo sa isang silid nagkukwentuhan, nagtititigan, nagmamasid, naglalaro ng moba, nanonood ng youtube, nakahawak sa mga selpon. na tila bigla bigla tayong natinag sa mga boss na dumadaan na kahit sa dami natin sa area nagawa parin tayong turuan at pag tiyagaan nila sir at ma'am. napaka-lungkot lang isipin, na ang ating samahan, sa kathang-isip na lamang. alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat yung puno ng tao sa isang silid. puno ng tunog at salita  puno ng biruan at tawanan pero ramdam **** maiiyak ka ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang  kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman nakakapagod mag-isip. pero alam naman natin ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga  ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan alam ko, napapagod rin kayo sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay sa mundong malawak. pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao, na nakikita ko mula sa inyo. ngiting kay gaan sa pakiramdam, na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti. Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti. Na nakakapawi ng pighati, Salamat, Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:59 AM UTC
sa isang silid

Continue reading...
67
Salamat, Salamat, sa napakamasayang pagsasamahan natin, salamat, sa pagmamahal na ipinadama niyo sa akin. Salamat, Ako ay nag-papasalamat sa pag gabay niyo sa akin. Salamat, ako'y inyong sinamahan sa lahat ng beses na ako'y humaharap sa hamon ng buhay. Salamat, sa pag-tangap sa akin bilang kaibigan. Salamat, kase kayo ay para saakin di' kaibigan ang turing kayo'y Pamilya para saakin. Salamat, Sa kabila ng lungkot at kaligayahan; ako'y hindi niyo kailanman iniwan. Salamat. Simula sa araw na ito, tayo man ay magkaibang landas ang tatahakin, sama-sama nating haharapin ang kinabukasan na nasa harapan natin. hawak ang kamay ng isat' isa, sabay-sabay na nag-lalakad papunta sa paraiso na para sa atin ay naka-laan. Salamat sa lahat. Salamat. Salamat, aking mga Kaibigan.
0
Mar 9, 2014
Mar 9, 2014 at 11:01 AM UTC
Salamat.
Nag-aanyaya ang kinagisnang duyan, sa puso'y kumakatok: halika, kita'y ipagsasalok kapeng barako, ika'y lumag’ok kung kulang ang 'sang tasa'y mayroon namang mangkok - Sa Lumang Lipa, ang pakilasa’y pakiramdam at hindi tam’is kagaya ng pagsasamahan o pait na dulot ng kasawian. Inaapuhap sa aparador na pinagtaguan ang malukong na tagayan ng nagkaribok na kabataan; mula sa sulok ng balintataw, nilililok, aking natatanaw ang mga imahen, hindi mga anghel, nagbabalibol ang kaibigan kong tagapagtanggol, habang sa kabilang koponan nanlilibak ang kalaban - ako ang bolang pinagpasa-pasahan binugbog ng mga kahon ng lipunan kahit alin doon, walang pinagkasyahan mga kahong nagtatakda ng katangian:      ang tao ay dapat ganito,      ang kilos ay dapat ganoon      ang suot ay dapat ganyan           ang maganda ay ganito ang kulay           ang makisig ay ganoon ang taglay           ang tindig ay hindi malambot na gulay: “kahon, kahon, kahon, magkasya sa kahon kapag nagkataon lagot ka sa **** wari’y multong takot lumingon ang nagtulug-tulugang kahapon sa ngayo’y gising na kampon - pinalaya ng kupas na maong Sisinsay na laang ako doon at sa huntahan ay tutugon kung saan nahapon ang labuyong hindi kailanman inilaban sa sabong panalo ka pa rin at karamay, kapeng gawa sa gal’pong      barako sa isip      matam’is sa puso      at sa lalamunan ko      ikaw ang kasuyo.
0
Jan 10, 2018
Jan 10, 2018 at 8:51 AM UTC
Kapeng Barako V (Mga ala-ala sa Lumang Lipa)
kung hindi ka umalis ikaw sana ang katabi ko sa bus sa rides sa pictures katabi sa pakikinig ng mga lumang kanta katabi sa pagtulog sa byahe katabi kung sakaling mahilo ka siguro patago kong hahawakan ang kamay mo o pasadyang kakantahan ka o yayakapin ka mula sa likod sa espasyong walang makakakita siguro dahil kung hindi ka umalis ay mas makabuluhan sana ang mga field trip mas napahalagahan ko sana ang mga museo dahil kasama ka mas napahalagahan sana ang iba't ibang importanteng monumento dahil kasama ka mas napahalagahan sana ang scientific name ng kung ano dahil kasama ka ngunit hindi naman din kita masisisi kung bakit ka umalis dahil hindi natin ito kasalanan pero kahit ganon pa man madami sana tayong pagsasamahan kung walang nangyaring iwanan
0
Oct 30, 2019
Oct 30, 2019 at 9:04 AM UTC
field trip (kung hindi ka umalis)
Hindi ba ko karapat dapat ipaglaban— daing ng pusong nahihirapan. Iniisip ang nakaraan, na ang nilaanan mo ng pagmamahal hindi kayang makipag sapalaran, ni hindi ka kayang ipaglaban. Sa ungos ng gyera laban sa pag iibigan, sumuko ka’t iniwan akong sugatan. Sumama sa iba na walang pag aalinlangan, “hindi mo ba ko kayang balikan?” Sambit ng pusong naguguluhan. Iniisip na ang ating relasyon ay isang malaking kasinungalingan lamang. Sa tagal tagal ng ating pagsasamahan, unti unti na kong nalilinawan. Na hindi mo ko minahal, ginamit mo lang ako sa tuwing kailangan **** maibsan ang init sa iyong katawan, tenga na mapagbubuntungan sa tuwing ika’y nasasaktan. Nabulag ako sa katotohanan, kalayaan unti unti kong naasam. Pero bakit mo ko ginamit— ang patuloy na gumugulo sa aking isip. Dahil ba madali akong magpatawad, na sa isang halik mo lang maayos na ang lahat. Sana ang nararamdaman ko na gusto kong balikan ka, ay kasing dali rin sa gusto kong kalimutan ka. Gusto kong mahalin ka, pero mas gusto kong kalimutan ka. Hindi madali, pero kakayanin, uungusin, kakailanganin. Hindi para sa iba kung hindi para sa akin. Siguro panahon na, para ako naman ang piliin hindi ‘mo’. Kung hindi ng aking sarili.
0
Jul 10, 2019
Jul 10, 2019 at 7:13 AM UTC
Hustisya
Habang nag-iisa At walang kamalay-malay Ako'y nadampot ng mga Naghahanap ng karamay Nayaya ng promotor At hindi na makatatakas Hinamon ng mga tomador At nagkasukatan na ng angas Marami nang bote ang walang laman Nakabasag na rin ng mga baso Paubos na ang mga pulutan Amoy na rin ang halimuyak ng chiko May di matapos-tapos na asaran May mga pikon ngunit puno parin ng tawa May mga tulog na at may nagkukulitan Mayroon din namang nagkukwento ng paluha Walang humpay rin ang kantahan Punong-puno ang lamesa ng kwnetuhan Rinig hanggang langit ang halakhakan Tuloy-tuloy lang ang kasiyahan Masayang salo-salo Matibay na pagsasamahan At ang highlight dito Ay ang hangover kinabukasan Sana'y king bilis mawala Gaya ng hangover kinabukasan Ang aking mga alaala At ang sakit ng iyong paglisan
0
Dec 21, 2016
Dec 21, 2016 at 6:43 AM UTC
Hangover
Pitong letra, isang salita sa kanila mo madama ang tunay na saya, mararanasan mo ang mga bagay na iyoy hindi pa nadama, May ibat ibang uri ang barkada, masama at mabuting barkada, mayroon ring balansing barkada Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, kakampi mo sila, hindi sa lahat ng pagkakataon palagi silang nandyan para damayan o gabayan ka Pero sa pag babarkada hindi mahalaga kung sinong na una dumating, mas mahalaga kung sino yung nag-papaka totoo sa barkada at bibigyang halaga ang inyong pagsasamahan, At kahit saan mo pa yan nakilala ang mahalagay totoo kayo sa isat isa.
0
Apr 8, 2021
Apr 8, 2021 at 7:22 PM UTC
Barkada
kung hindi ka umalis ikaw sana ang nakasayaw ko ilang oras na pag indayog kahit sumakit pa ang paa ko hawak ang iyong beywang hawak ang iyong mukha hawak ang iyong kamay hawak ang iyong mundo dahil kung hindi ka umalis ay ikaw lang ang isasayaw ikaw lang ang magdamag bubulungan ng mga nararamdaman kakantahan kasabay ng mabagal na kanta ngunit hindi naman din kita masisisi kung bakit ka umalis dahil hindi natin ito kasalanan pero kahit ganon pa man madami sana tayong pagsasamahan kung walang nangyaring iwanan
0
Oct 30, 2019
Oct 30, 2019 at 7:36 AM UTC
prom (kung hindi ka umalis)
Nagmahal ako ng higit pa sa inaakala nyo. Lahat ginawa ko para sa taong nagpapatibok sa puso ko. Ibinigay ko lahat ng maibibigay ko bilang ako. Buo ang puso ko na ipinagkatiwala sayo. Masaya naman tayong nagpapalitan ng matatamis na salita. Ngunit bakit tila may nagbago? Madalas ang panlalamig mo. Madalas na may hindi pagkakaintindihan na pinagmumulan ng away. Nasasaktan ako sa mga pagbabagong nakikita't nararamdaman ko. Pareho naman ang itinitibok ng ating puso. Ngunit Pareho nga ba? O imahinasyon ko lang? Isa lang bang panaginip ang lahat ng ito? Kasi kung Oo Ayoko nang magising. Ayoko nang magising sa katotohanan, Na una palang Alam kong talo na'ko. Oo nga pla. May nakalimutan ako. Oo nga pala hindi nga pala tayo. Hanggang dito nalang ba? Hindi na ba aangat yung pagsasamahan natin? Kasi masakit na. Yung puso ko parang pinaghihiwalay at nahahati sa dalawa. Nasasaktan ako kapag may kasama kang iba. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang masaya sa iba. Kaso wala naman akong magagawa. Wala naman akong karapatan. Wala namang ako at ikaw, Kasi nga hindi naman tayo. Ang tanging magagawa ko lang ay ang umiyak. Iiyak ako hanggang mapawi ang sakit at kirot sa puso ko. Para naman kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
0
Feb 4, 2020
Feb 4, 2020 at 1:55 AM UTC
Oo nga pala, hindi nga pala tayo.
Araw at gabi sa isipan ko'y laging kang sumasagi, 'Di malilimutan ang pagsasamahan sa bawat sandali; Kasama ka sa bawat oras na magdaan, Kung kaya't mga problema ko'y nalilimutan. Araw at gabi minamasdan ko ang kalangitan, Ngunit iyong mukha lang ang aking namamasdan; Sa'n man pumaroon, boses mo'y naririnig sa'king isipan, Hanggang sa pagtulog ko'y laging kang napapanaginipan. Araw ka ba? Dahil ikaw lang nagbigay liwanag, Liwanag sa buhay kong puno ng bagabag; At tulad ka ng gabi na puno ng katahimikan, Anupat nagdala ng kapayapaan sa magulo kong kaisipan. O' aking mahal, sinasambit sayo ng aking labi, "Ikaw ba'y Araw at Gabi?"
0
Mar 25, 2024
Mar 25, 2024 at 10:00 AM UTC
Araw at Gabi