Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nangibabaw" poems
“The essence of reality is contradiction” - Hegel Ang tao ay likas na malaya, nabubuhay na malaya at dapat na maging malaya. Walang karapatan ang sinoman na mang-alipin. Hindi tayo pag-aari ninoman at walang taong ‘pweding umangkin sa kapwa n’ya. Ito ang batas ng kalikasan at ng uniberso. Walang panginoon at busabos, walang dapat na nag-uutos, at wala dapat mga alilang tagasunod. Sana ang buhay ay puro na lang Rosas at walang posas. Subalit nagdilim ang kasaysayan nang maghari ang kasakiman na pinukaw ng matinding paghahangad ng iilan sa kayamanan. Kailangan na makakuha ng maraming kalakal nang lumawak ang merkado. Pero teka sino ang gagawa nito? Edi kunin ang mga mahihina at gawin silang mga alipin, pilitin na magtrabaho sa ilalim nang hagupit ng latigo. Hawakan sa leeg o di kaya naman ay kitilin, sa ganitong paraan sila dapat na pasunurin. Tanang pagmamalabis ay may wakas. Hindi lang si Spartacus ang nag-alsa kundi pati ang mga itim na alipin. Sumiklab ang himagsikan sa paghahangad ng mga alipin na kumawala sa kanikanilang mga tanikala. Dumating ang panahon ng Piyudalismo, nagbagong anyo lang ang halimaw at muli n’yang inalipin ang mga kapos-palad at mahihirap. Nangibabaw ang Aristokrasya na parang maitim na ulap na lumalambong sa himpapawid kaya hindi makita ang sinag ng araw. Salamat na lang at bumagsak ang Bastille at nagtagumpay ang rebolusyong Pranses. Mula sa mga guho ng lipunang piyudal ay lumitaw ang mga bagong panginoon, ang mga Burgis. Sila ang mapagsamanta at naghaharing-uri sa ating panahon. Mga kapitalista, elitista at mga burgesya komprador. At tayo na nasa baba, tayo na ang puhunan para mabuhay ay dugo’t pawis, tayo na mga proletaryo ang s’yang makabagong alipin. Mga alipin ng burgesya na ating pinapanginoon, tayo na lumilikha ng yaman ng bansa ang s’yang laging pinagsasamantalahan at binubusabos. Tinatakot na gugutomin kapagka hindi nagpa-ubaya at sumunod sa utos. Habang tumatagal ay tumitindi ang mga salungatan at kontradiksyon sa pagitan ng mayaman at ng mahirap. Bulkan ito na sasabog sa bandang huli. Ang batas ng kasaysayan ang nagsabi na ang lahat ng uri ng pang-aapi ay magwawakas. Nag-alsa ang mga alipin, naghimagsik ang mga pesante hindi magtatagal gustuhin man natin o hindi titindig ang mga proletaryo at sama-sama nilang ibabagsak ang kapitalismo na itinataguyod ng mga burgesya komprador.
0
Nov 15, 2017
Nov 15, 2017 at 1:25 AM UTC
DIALECTICAL MATERIALISM

Continue reading...
10
Sa mga sinambit **** salita Sa mga ngiting ipinakita Unti-unti, ako'y nabiktima Unti-unti ako'y nahulog na Oo gusto kita, pinili pa nga kita Minahal nga ata kita Ayoko lang aminin sa sarili ko Ayoko lang pakinggan ang puso ko Takot ang nangibabaw Takot masaktan Takot maiwan Takot na maging ikaw ang mundo Takot na mahalin ka ng todo Kasi sa pag-ibig, ganoon ako Buo, buong-buo Yung wala ng para sa sarili ko Yung lahat ibibigay ko Nagustuhan mo din naman ako diba? Ikaw naman ang unang nagsabi diba? Ikaw naman ang nagpakita ng interest diba? Ikaw naman ang nauna diba? May mga plano na nga ako Para sa iyo Para sa akin Para sa atin Kasi sa tingin ko handa na ako Handa na ako Pero wala Bigla na lang nagbago Wala na tayong magagawa Wala pa ngang "tayo" ay naghiwalay na tayo Sana totoong nagustuhan mo ako Sana totoo lahat ng ipinakita mo Sana totoo lahat ng sinabi mo Sana, sana, sana Hindi ako galit sa'yo Galit ako sa sarili ko Kasi pinili kita Kasi nagustuhan kita Ang huling hiling ko na lang sa'yo ay sabihin mo na ginamit mo lang ako baka sakali ay matauhan ako at ako na mismo ang lumayo
0
Jul 23, 2016
Jul 23, 2016 at 10:54 AM UTC
Huling Sayaw..
Ang sabi nila na ang pinakamasakit daw na tunog ay ang iyak at hikbi, Malakas man, mahina o pag-pipigil Lahat daw ‘yon ay pare-pareho lang Tama nga siguro sila kasi ang iyak ay nakapag-sasabi ng totoong nararamdaman, ang iyak ay isang kalungkutan Noong gabing yon, narinig ko ang pinakamasakit na tunog Sabay tayong lumuha Sabay nating iniyak ang sakit na para bang masasagot lahat ng tanong sa ating isipan Mga pagkukulang, mga sana at dapat na pareho nating gustong malaman, gustong ipaglaban Mga tanong na matagal ng kinukwestyon ang mga bagay na hindi maintindihan Mga pagkukulang na pinipilit buuin na unti-unting lumalabo Mga sana at dapat na matagal nang pinipigilan Ngunit narinig ko ang tunog ng bawat galaw ng iyong mga paa na humahaplos sa sahig Narinig ko kung paano mo ikinabit muli ang iyong mga paa sa iyong medyas at sapatos, Kung paano mo ito itinali at binuhol nang napakahigpit Narinig ang bawat kilos at galaw Sa huling beses ay narinig ko ang iyong mga daliri Kung paano dumapo ang iyong palad sa pinto Hindi iyak at hikbi ang nangibabaw Kundi ang tunog ng pagsara ng pinto
0
Apr 8, 2019
Apr 8, 2019 at 8:41 AM UTC
91
Nagbilang ako mula isa hanggang sampu Sana sa pagdilat makalimot na ko… Isa, dalawa, tatlo Tatlong araw mula nang magkakilala tayo Hindi batid kung ano ba ang pakay mo Mga nakakakilig na salitang binibitawan mo Sabi ko, "Hindi ako magpapauto." Apat, lima, anim Naalala ko pa ang araw ng iyong pag-amin Kaba at hiya bumalot sa iyong damdamin Tuwa at saya nangibabaw nang ako'y napa-oo Sabi ko, "Susugal ako kasi alam kong tatayan mo ako." Pito, walo, siyam Sa palipas ng panahon tila ika'y nagbago Biglang lumamig ang iyong pakikitungo Dumating ang oras ng katotohannang kinakatakutan ko Sabi mo, "Pasensya kana, kailangan ko lang ng espasyo." Sampu Sa lahat ng mga pinangako at sinabi mo Isa lang ang tapat at naging totoo Ngunit nagbubulag-bulagan ako Dahil sabi mo, "Nagsisisi ka dahil ako'y nasaktan mo." Gaya ng sabi ko Pagbilang ko nang sampu Sana makalimot na ako Ngunit heto pa rin ako Naniniwala sa mga matamis **** pangako Kahit alam kong nagsisinungaling ang puso mo
0
Sep 1, 2022
Sep 1, 2022 at 10:49 AM UTC
Sampu
Bakit nga ba sa lahat ng tao, ikaw? Bakit nga ba ikaw ang nangibabaw? Bakit ba sa bawat pagsulyap ko sayo, ako'y muntik nang matunaw? At sa bawat pagtitig mo, nasilaw sa liwanag 'tong mga balintataw. Boses na tila harana, Tawang tila musika, Buntung hiningang hele sa mga tenga, Pagtatapat na tila bomba. Pagpapalit-usap na tila kay kaswal, Puno ng tawa at mga pang-aasar, Biglang hinaluan ng istilo't mga diskarte, Upang mapaligaya ang napupusuang babae. Kaligayahang tila walang katapusan, Kailan ba darating ang hangganan? Saan nga ba umabot ang mga tawanan? Kinilig ba ang pusong nililigawan?
0
Jan 29, 2018
Jan 29, 2018 at 7:03 AM UTC
Kilig
Maraming posibleng mangyari sa loob ng isang buwan Agosto, ako'y sigurado na hindi sayo titibok ang puso Ngunit pagsapit ng Setyembre, damdami'y biglang nagbago Ngayon lang ba natanto na noong Hulyo pa napukaw ang damdamin? Sa pag-iingat sa aking puso ay tuluyan na ngang nahulog Bigla na lang natakot na sa'kin ay ika'y mawala Kaya nama'y walang ‘sing tamis ang ating pag-iibigan pagdating ng Oktubre Kahit nagtatalo ay mas nangibabaw ang pagmamahalan Subalit lalo lang lumala at nagkalabuan noong Nobyembre Ako'y nakapagsulat ng tula para sa'yo, mahal ‘Yon nga ba ang nagsalba sa ating dalawa? Disyembre, alam kong pagod ka na Gayunpaman ay pilit kong diniligan ang ating nalalantang pagsinta Ngunit imbis na diligan ay aking binuhusan kaya naman ika'y nalunod At nang ating salubungin ang bagong taon, ako nga'y tuluyan **** binitawan Hindi na sinuyo, wala ng paramdam Masyadong mabilis ang mga pangyayari ‘Di malaman kung saan gusto bumalik— noong Hunyo bago sa'yo'y nagkagusto upang pigilan nang mas maaga ang nararamdaman o Disyembre upang maitama ang aking pagkakamali Hindi naman inaakala na ganito magtatapos noong tayo'y magkalapit noong Abril Hindi na ba tayo masasalba ng aking tula sa pangalawang pagkakataon? Maraming posibleng mangyari sa loob ng isang linggo Marahil ay iyong pinagpatuloy ang iyong paglakbay Habang ako'y nanatili sa lugar kung sa'n ako'y iyong iniwan
0
Jan 18, 2021
Jan 18, 2021 at 4:01 AM UTC
Sa Loob ng Isang Buwan
Para Sa Mga Umasa..... TAMA NA!! By: Lovely Joy / September 2020 Ilang araw at buwan na rin ang dumaan Mga araw na pinagdaanan at naranasan Na nagbigay ng aral, pasakit, kalungkutan Pero nangibabaw pa rin ang kasiyahan Salamat sa alaala at nakaraan, kaibigan. Kalahati ng aking tula'y naabot na rin Ilang piyesa, ilang titik, ilang salita na ang nabitawan Pakiramdam ko mauubusan na ako ng letra Pero handa naman akong maubusan Kung ang paglalaanan ng aking pagiging makata ay IKAW. Naalala mo pa noong huling tinanong kita ng "Ayaw mo na maayos?" Ni isang salita wala akong narinig mula sa'yo. Sabi natin noon, laban lang tayo hanggang dulo Siguro nga eto na yung dulo. Siguro oras na... oras na... Susubukan kong kalimutan ka na Kahit sobrang sakit sa akin ang talikuran ka. Bibitawan ko na ang natitirang "sana" At pakakawalan ko na ang paniniwalang "baka.” Dapat ko ng tanggapin na hindi tayo para sa isa’t-isa Sabi nga sa isang kanta, pinagtagpo pero hindi itinadhana Natatagpuan pero nakatakda ring umalis. Merong babalik, at meron din na maglalaho na lang. Oo nga't mahal kita..... mahal...pa... kita... Mahal kita, pero siguro tama na.
0
Nov 15, 2020
Nov 15, 2020 at 2:32 AM UTC
Para Sa Mga Umasa..... TAMA NA!!