Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Krad Le Strange Aug 2017
Darating ba ang panahon
kung kailan hindi mo na ako itutulak palayo
na yayakapin mo ako ng mahigpit
at hindi na pakakawalan
sa mga bisig **** naging kanlungan
sa tuwing hindi ko na kaya ang bigat
na pinapataw ng mundo

Darating ba ang panahon
kung kailan hindi na ako mangungulila sa iyo,
na ikaw na ang nasa kinalalagyan ko
at ako naman ang hahanapin mo,
na ikaw naman ang siyang tatawid
ng distansyang namamagitan sa atin

Darating ba ang panahon
kung kailan ako na ang paksa
ng mga berso **** likha
na ako naman ang pag-aalayan mo ng katha

Darating ba ang panahon
kung kailan makukulayan na
ang mga pangakong salitang iginuhit
at inukit subalit parang naiiwanan lang ako
na paulit-ulit na umasa at magbuntong-hininga

Narito ako't nagtatanong
Darating ba ang panahon nating dalawa?
Narito ako't hihiling
na sana bukas tayo ay pwede na
baka nga bukas pwede na.
#tagalog #maybetomorrow
RV Mar 2016
Titig.

Sa akin, sa akin.

Lagpasan na natin
Ang hangin na namamagitan
Sa ating mga panalangin
Na ipinagbabawal ng ating mabubuting tangkain.

Pero aking giliw,
Alam kong alam natin
Na wala nang mabuti
Sa ating mga dalangin.
Una.

R. V.
Eugene Sep 2018
Kuntento na akong hanggang sa mga text na lamang ko maipaparamdam
na mahalin ka kahit alam kong kabundukan at karagatan ang sa atin ay namamagitan.
Kuntento na ako na kahit hindi tayo nagkikita nang personal,
alam ko sa sarili kong minahal kita kahit distansiya ang naging malaking hadlang.

Ngunit...

Bakit tila ba ang pagiging kuntento ko ay may kaakibat na kaba sa aking kaibuturan?
Nagsasabi ka ba ng katotohanan o ang mga hinabi **** salita ay pawang walang katotohanan?
Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko sa tuwing ikaw ay nag-aalinlangan
sa mga tanong kong naghihintay lamang ng iyong mga kasagutan?

Bakit hindi mo sabihin na lamang na ikaw at ako ay hanggang dito na lang?
Bakit hindi mo sabihin ang mga katagang wala namang tayo kahit noon pa man?
Bakit hindi mo sabihin sa akin na ako ay bahagi na lamang ng iyong nakaraan
at pinuputol mo na ang ano mang sa atin ay namagitan?
Raiza Mae Togado Jun 2016
Nawa'y sa paglaho ng unos na namamagitan sa ating mundo
Sana naman iyong mapagtanto
Nasa bawat sandali nang iyong pakikipagbuno
Sa tabi mo'y hindi ako lumisan, nanatiling gabay sa'yo.
Originally posted on my Instagram account - https://www.instagram.com/raizatogado/
Random Guy Oct 2019
Hindi ko rin alam.
Kung bakit naguguluhan,
kung bakit mas gusto ang pinaghihirapan.
O mas gusto lang talaga mahirapan.
Bawat tinginan na hindi ko alam
kung ako lang ba ang nakaka alam,
nakakapansin,
na meron talagang namamagitan sa atin.
Isang napaka weirdong koneksyon
na nagdudugtong sa mga isipan,
iniisip
pati ang pinaka malalim
at ang pinaka sulok ng imahinasyon,
kuha mo ako.
At agad ay nakuha rin kita,
hindi ko naman alam na pati pala ang puso ko nakuha mo na.
O ako lang pala ang nakakaramdam,
nakakaisip,
nakakapansin,
na ako lang pala ang nakakakita,
nakakarinig,
amoy ang bango ng iyong buhok sa t'wing bebeso
o yayakap
o lalapit upang tumabi,
makipag-usap,
oh sinta.
Ganda ng iyong mga mata,
chinita,
halos hindi na ako makita kapag napapatawa,
o hindi mo naman pala talaga ako nakikita
sa paraan kung paano ko gustong makita mo ako?
Oh sana, habang napapatawa kita,
habang lumiliit ang iyong mata
ay mas lumakas ang pandinig mo,
na ikaw lang sinisigaw nito.
Nitong puso ko.
Taltoy Feb 2018
Ang namamagitan,
Ang nasa gitna,
Ang naghiwalay ng dalawang mundo,
Ang naghiwalay sa ikaw at ako.

Di ko alam kung ano ang sasabihin,
Di rin alam kung ano ang gagawin,
Sapagkat wala akong tapang na natitira,
Sapagkat wala na akong maisip aking sinta.

Di ko alam kung ano ito,
Di ko alam kung bakit ganito,
Di ko alam kung ano ang uunahin,
Di ko alam kung ano ang iisipin.

Kakausapin ba kita?
O mananahimik na lamang ba?
O Diyos ko, akoy tulungan mo,
Bigyang linaw ang utak ko.
Cherisse May Oct 2019
minsan ang sansinukob,
minsan ang namamagitan sa ating dalawa.
minsan ang kalawakan,
minsan ang hinihingi para makahinga.

— The End —