Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakamasid" poems
Nuon, di ko pansin liwanag ng buwan Dulot na payapa sa kalawakan Wala ngang dahilan upang mabatid Kung bakit s'akin tila nakamasid Hangang isang araw may isang ginoo Pilit sumasagi sa aking puso Liwanag nya'y yakap sa aking diwa Payapa nyang hatid, halik na may tuwa Ohh Ginoo... Wangis mo'y buwan, nagiisa sa langit Tanglaw sa mundong may dilim at pasakit Wangis mo ang buwan sa payapang dinudulot Ako'y napaibig ng walang pahintulot Dasal ng puso sa kabilang panig Sa iisang buwan tayo ay tumitig Kung tunay nga ang pag ibig, saksi sya sa atin Buwan ang sasagot kung ikaw ay para sa akin Ngayo'y alam ko na bakit buwa'y nakamasid Upang pag ibig mo sa aki'y maihatid Sabay nating tanawin buwang magiting Upang ating pag ibig ay umigting
0
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 10:15 AM UTC
WANGIS MO'Y BUWAN
Papalubog na ang araw. Nakatutok ang mga bata sa harap ng gadget nila. Mga chismosang naninira ng kapwa nila. Lahat ay masaya sa kalayaang nadadama nila. Lingid sa kaalaman nila ay may isang babaeng nakamasid lamang sa isang sulok.. Dala-dala nito ang alaala ng masakit na kahapon. ISANG madugong nakaraan- mga bayaning dumanak ng dugo para sa lupang sinilangan. Mga iyak- sigaw at kapighatian ng mga pilipinong inapi nang mga dayuhan. Mga sakripisyong tiniis at inalay nila para sa kalayaan ng bayan. Nasasaktan ang babaeng iyon. Nasasaktan ang ating Inang Bayan.
0
Jul 23, 2019
Jul 23, 2019 at 5:55 AM UTC
K A S A Y S A Y A N
Pagpanaw ng dilim ako'y namimintana Pinapatay ang panaginip ng hindi alintana Mula sa silangan ng iyong bintana Ang yungib at sulok ay aking pinapana Pagmasdan ako'y walang nakagagawa Payak na mata'y sa sinag ko'y luluwa Huwag nang subukan pakiusap ko nawa Sa payo ko ay makinig at matuwa Ako'y nakamasid sa lahat ng mga gawa Sa paghihirap mo ako ang nananawa Sanggol na nagugutom na nagngangawa Hala gawa, nasa Diyos ang awa! Pakanluran ang aking binabagtas Ang lahat ay umaalma sa pinsala kong lakas Paumanhin sa kapangyarihan kong batas Ito ang iniatang sa akin ng pinakamataas Lulubog kung marating ang hangganan Magbabadya na ang kadiliman Nang pagdating ko kayo ay nag-alisan Sa pag-alis ko'y diyan kayo magdadatingan
0
Mar 13, 2019
Mar 13, 2019 at 4:06 AM UTC
Araw
Sa paglipas ng panahon Habang tayo'y nakamasid sa dalampasigan Kahit sa malayo ng kislap ng iyong mata Mga ngiti'y hindi maipinta Tanging ang buwan at araw Ay siyang saksi sa tamis ng ating pagmamahalan Kahit lumipas man ang ilang araw,buwan at taon Dito sa puso't isip ko ang tanging ngalan mo lang Ang siyang inaasam at sinisigaw ng damdamin ko At habang pumuti man ang ating mga buhok Lagi **** tatandaan Na ako'y para sa'yo Magpakailanman.
0
Mar 5, 2013
Mar 5, 2013 at 12:15 AM UTC
Grow old with you
Manaka-naka kong binisita ang 'yong munting tahanan Siniyasat kung may bagong kagamitan o panauhing pinaunlakan Sinuri ang katibaya't karupukan ng dating kagamitan Repasuhin ang pundasyong itinukod ng nakaraan At sa muli kong pagbisita sa 'yong tahanan May bago akong nadatnan– nag-iba ang 'yong kinahihiligan Hindi na aso kundi pusa ang paborito **** alagaan Pati pintura ng 'yong munting tahana'y sya ring pinalitan Ang dating itim ay tuluyang naging luntian Maging ang pader nito'y simentado na't hindi kawayan Pagbabago nga ba? o isinaayos lang? T'wing bibisita ako sa 'yong tahanan Dati-rati'y umaabot pa sa 'yong pintuan Datapwat ngayo'y hanggang tarangkahan na lamang Nananatiling nakamasid sa 'yong bakuran Sa harding dati'y mirasol pa ang namumukadkad at hindi rosas Sa bagong panauhing pinapasok sa pintuan Pinaunlaka't nilaanan ng oras Sa mga larawan niyang nakasabit sa dingding na dati'y mukha ko ang nilalaman Nakatanaw; Sa tahanang minsan ako'y nanahan Sa tahanang tuluyan ko nang nilisan -SLE
0
Feb 12, 2020
Feb 12, 2020 at 9:25 AM UTC
Tahanang Nilisan
Kumalabit dugo'y dumilig kasama ang nangilid na patak ng luha at sa kabila ay sa usok ng bakal nakangiti Mga Gintong ihinagis sa mga buwaya at babuyan Ngunit mga baboy at buwaya’y walang pakialam Wala na ngang pagkaalam Basta kain lang, lamon lang. Umuusok sa dami ng nakisakay Mga pekeng tagapalakpak nakakabasag na halakhak Mga nakakakita, nabubulag sa tila Pyesta ng de-kalabit Iyak di marinig sa mga manhid na nakamasid Tago, takip, tagpi itinuring na tama ang mga mali Teka, karapatan mo’y imamali panandali? at ang mga baho ng kamalia’y pilit ikukubli? Binalot ng tama kunwari at sana huwag ka nang magtaka Huwag n’yo kaming gawing tanga! Sa ngayo'y mananahimik sandali Hindi ba’t parang gulong lang ‘yan? kaya matutong maghintay sandali, madali . . .
0
Sep 7, 2017
Sep 7, 2017 at 9:46 PM UTC
MANAHIMIK SANDALI