‘Yung kayang manindigan kahit dumating ang puntong nahihirapan.
Umuunawa’t hindi basta nangiiwan. Nananatili sa mga araw na hindi magaan.
Nananatili dahil alam na ‘yun ang kailangan at sa puso'y nagpapagaan.
Na kung sakali man dumating ang mga panahong lilipas na ang kisap ng samahan —hahanap ng paraan upang maibalik ang kilig, ang dating tinginan, ang nawawalang lambingan.
Marunong tumanggap ng pagkakamali.
May panahon lagi para umintindi.
Na sa oras na magpakumbaba ka’t magsisi,
yayakapin ng katulad ng dati.
Hindi agad umaalis,
hindi nagpapadala sa galit,
sumasagot sa’yong mga bakit.
Higit sa lahat, siyang naaawat ng salitang patawad.
Dahil nararapat ang pag-ibig na sigurado.
Hindi umaatras, hindi tumatakas.
Hindi nagdadalawang-isip kung aalis o mananatili.
Ako, na ang tingin sa’yo, ay pag-ibig na kapili-pili
Mga tala at tula