Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"matinik" poems
Nasaan ka? nasaan ka aking kabataan? tila hangin na naglalaho sa bilis ng ikot ng panahon at paglipas ng bawat minuto masasabi ko bang ako ay natuto? Nasaan ka, aking kabataan? lumulubog at lumilitaw malimit ako ay nalilito, malimit ako ay naliligaw habang ako ay unti unting nilalamon ng mga pahina ng kalendaryo Nabuhay sa panahon ng mga kritiko at relihiyoso naglalakad sa gitna ng manipis na espasyo ng kamalayan nagmamasid at nanahimik nagbibilang ng mga sandaling malabong maulit huwag masyadong matulin at baka matinik ng malalim Nasaan ka aking kabataan? mga kinagisnan ay iyo nang iniwan niyapos ng modernong mundo binuksan ang pinto sa pagbabago sa huli, kilala mo pa ba ako? Nasaan ka aking kabataan? ang iyong katahimikan ay nakakabingi sabi nila ang pagsisisi ay laging nasa huli Nasaan na, nasaan na? kabataan ko, gising ka pa ba?
0
Feb 6, 2014
Feb 6, 2014 at 3:24 AM UTC
Nasaan Ka, aking Kabataan?
"Mahal na mahal kita" yan ang sabi mo ng minsang yakap mo ako. Ako'y ngingiti ng malaki higit pa sa buwang naka ukit sa gabi. Pero bat ganito ang nararamdaman ko? May halong takot at pangamba. Oo mahal kita, mahal na makal kita. Ang kinakatakot ko ay ako ay masaya, ngunit baka ako'y iwan mo rin at hayaang lumuha mag-isa. Natatakot ako na tuwing tinititigan kita na bukas ay wala ka na o baka, baka may mahal ka ng iba. Natatakot ako. Bakit ganito? Pagmamahal na napalitan ng pangamba. Pagmamahal na napalitan ng luha galing sa aking mga mata. na sa tuwing yakap kita, ako'y nangangamba. Ayoko na... Gusto kitang yakapin at sabihing--- "Mahal wag mo akong iwan" Ngunit sasabihin mo "Mahal, ano nanaman ba yan?" Akala mo biro-biruan lang ang pag sabi ko nyan, pero isang matinik na takot ang nararamdaman. Na sa tuwing aalis ka baka hindi na bumalik pa. Na sa tuwing hindi mo pag-yakap sa akin sa gabi ako'y nag-aalala sa lipi. Na sa tuwing paghalik mo sa aking labi baka... baka unti-unti mo nang nararamdaman ang pighati. Mahal, pasensya na kung ganito ang aking nadarama sa pang araw araw na kasama ka. Mahal hindi ko rin alam kung bat ganto ang nadarama. Kaya siguro... ika'y pinapalaya ko na. Mahal na mahal kita... Na kaya kitang palayain at ika'y maging masaya. Hindi dahil sa may mahal ng iba. Kundi ako'y na tatakot na. Hindi ko alam ngunit sa tuwing kapiling ka, ako'y hindi makahinga. Puro pag-aalala ang nadarama. Daladala sa mga minutong kasama ka sa gabing malamig, sa mga tanghaling mainit. sa muling pag-luhat pag-iyak. Sa pananabik sa iyong mga halik. Ito lang ang kaya kong gawin para sayo't sa akin. Ang hayaan kang maging masaya kapiling ang iba. Dahil aking nadarama may mas mahigit pa. Sa kaya kong alay sayo at ibigay sa pusong na nanamlay at nadudurog na kasing liit ng palay At ang tanging kayang sabihin sa mga bagay na aking nagawang kamalia'y Mayala ka na aking mahal, Tandaan mo, ika'y aking mahal na mahal higit pa sa aking buhay.
0
Oct 15, 2017
Oct 15, 2017 at 5:13 AM UTC
Mahal na Mahal Kita

Continue reading...
53
Tuwing balikan ko ang nangakaraang araw na nagugol noong kabataan. Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay, na minsang dinanas niring abang buhay. Ang bawat nagdaang aking mga araw, doon sa luntiang ating paaralan gunita ay pawang dusa't kapanglawan, ang bumabalot niring balintataw. Subalit ang dusang nakapanghihina, pilit napapawi ng mumunting saya. Ang isang bituing kahali-halina'y naging hugot-lakas niring pusong aba. Hindi ko mawari noon yaring dibdib, tuwing binabaybay ang daang matinik. Anong ubod sayang naglaro sa isip, ang sinintang Musa ng aking pagibig. Simula nang ikaw ay aking mamasdan O! hangad kong tala sa sangkalangitan, hindi ko malirip at di na maparam tila nanggayumang lagi sa isipan. At magbuhat noo'y aking hinahangad; ang sangkalangita'y aking malilipad, upang mahahaplos ang talang pangarap at isang dahilan niring pagsisikap. Subalit ang hangad wari'y panaginip at tila'y malabo itong makakamit. Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit, at kutad ang pakpak at walang pangsungkit. Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan. Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang, at kung anong siglang sa akin nanahan, ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal. Iyon ang gunita't aking kabataan, doon sa mahal kong ating paaralan. Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan, subalit tiyak kong sa puso ay bukal. Sumapit ang yugtong di ko na namasdan ang tanging bituing aking minamahal. Pagkat ay nalayo ako sa tahanan, upang susuungin ang bago kong daan. Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago, paghanga'y aayon at ito'y maglaho. Tulad ng magapok ang buhay na bato, kung saan inukit ang puso't ngalan mo. Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas, ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas. Hindi ko maarok na lalong nagningas, nang muling magtagpo ang ating nilandas. Kaya ninais kong maipapahayag, ang mga damdaming sa puso'y nailimbag. Limang ikot-araw ang mga nagwakas, magpahanggang ngayo'y laging umaalab. Ikaw ang bituing aking hinahangad, isa sa nagtanglaw niring aking landas. Ang Musa sa puso't tanging nililiyag, ang umakay niring diwa na sumulat. At ngayon ay aking naipapabatid, dito sa talatang nagsalasalabid. Mula sa paghanga't tungo sa pagibig, ang hindi maihayag niring dilang umid. Papalarin kaya itong abang lingkod, at mula sa langit ikaw'y pumanaog? Diringgin mo kaya yaring tinitibok ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog? At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap, ipaguumanhin ang pusong sumulat. Ninanais ko lang na maipahayag, ang aking pagtangi sa'yo at paglingap. At kung kasadlakan nito'y pagkabigo, sa aking paglapit, ikaw ay lalayo. Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo, nawa'y di burahin ang mga yapak mo. ©Raffy Love Canoy |March 2020|
0
May 10, 2020
May 10, 2020 at 7:53 AM UTC
Gunita ng Paghanga

73
sino nga ba satin ang uto-uto? madaling naniwala sa tukso ‘kay lambing at malumanay subalit iyong mga pangako'y hinulma sa matinik na katotohanan sino nga ba satin ang uto-uto? napaniwala sa pantasya ng pagmamahalang dapat na mapagpalaya ako ba ang uto-uto? isinumpa ng mga tendensiya ng uring pinagmulan isang kabalintunaan sana’y mabalikwas ngunit matigas ang aking ulo ikaw ba ang uto-uto? pero ikaw lamang ang makakasagot sapagkat ito’y sulat sa hangin, mga hinanakit at sumpa na di makakaabot sa iyo ako yata ang uto-uto napaniwala sa iyong malalambing na tukso dahil kahit ako'y nabudol ng isang pagmamahalang mapagtaksil ika’y hindi mabitaw-bitawan
0
Sep 25, 2024
Sep 25, 2024 at 11:35 PM UTC
utô-utô
Matagal nang nagsimula at patuloy na umiiral Ang ating matinik na pakikipamuhay sa ating bayan Palagiang nasasadlak sa karalitaan Ang dugo ng kabataan, alay sa kasarinlan Tayong mga bulag, sa siyensiya at kapalaran Sa pagmartsa ng kalabang hindi natatanaw Naulit ang kasaysayang may isang kurso at galaw Bala para kay tatay ang anak ang namatay Bumagsak ang ekonomiya Lumambitin sa aming mga leeg Iniasa ang pagtaas sa aming mga bisig Habang si Alejandrino dumarami't nagbubuntis Ang batang henerasyon Patuloy na nililitis Kung ganun, Huwag ninyo kaming pababayaan, Paglustayan, paghirapan At pakikinabangan Sa gayong mga pumalya at matatanda Ay may aakay Walang huhugot sa Inang bayan- Kundi kaniyang kabataan
0
May 29, 2020
May 29, 2020 at 12:54 AM UTC
JOVEN HERNANDO
Walang labis, walang kulang, Kung magliyab ang pluma kong laging natatakam, Mga salitang lilikhain nito'y namumutiktik sa sabik, Malinggal ang dila, nagagalak kung maghasik. Madalas ay parang lantang gulay, Kung gumuhit ng salita ay matamlay, 'Di matuka ng uwak kung ialay, Minsa'y kulang-palad kung panlasa'y 'di bagay. Sa tuwing hahampas ang higanteng salot, Rubdob ng damdamin ay mapusok, Tatamuhing sugat ay balon na 'di maabot, Pilat ay siyang mararanasan, patawad ko'y suntok sa usok. Minsan nama'y isang mapagtangis, Ulan sa ulop katumbas ay luhang hitik kaysa pawis, Ipapatalos sa huwad **** puso ang nalasap na pait at sakit, Sa pluma ko'y tutungayawin ka't isasakdal sa piitan ng malasahan mo rin ang pait. Hindi na sapat ang galak na malalasap, Gayong panulat at puso'y nakaranas ng dusa at alat, Naglahong bula ang hiwaga nitong kaibuturan ng pusong marilag, Sa pinta mo'y nagmistulang kahabag-habag. Umpisahan mo ng pumikit, ng mahagilap mo rin ang sinapit, Madalas man akong matinik , sayo'y hindi na iimik, Nitong plumang binuling at pinatulis ko sa inani ko sa'yo, Ngayo'y kakikintalan mo ng hayag na masakit ngunit pawang totoo. ✍: pensword
0
May 31, 2020
May 31, 2020 at 4:32 AM UTC
BINULING KO'T PINATULIS NGAYO'Y ISA NG MAPANGHIMAGSIK
Kapag natataruk mo na ang tanging ibig Magawi sana sa pintuan muli Sa dampang giba-giba Ngunit tatahakin mo muna ang mga madawag na landas Kung pagod na't nagbubuntong hininga Magpahinga sa puno ng mangga Ang lilim nito'y aking kalinga Sa iyo kahit hindi naging tayong dalawa Mag ingat ka sana sa mga malalaking bato Baka matisod ka sinta ko Lumakad ka nang mabini Di ako mainipin para ika'y magmadali Dahan-dahan na dumaplas sa kawayan na matinik baka sumalubsob Sa balat **** manipis na parang sanggol Sapagkat sinadya na ginawang bakod Kapag natatanaw na ang aking tirahan Tawagin mo sana ang unang pangalan Para agad kong malaman Sa boses **** malamig sinlamig ng tag-ulan Malalaman na ikaw na yan giliw di na bibitawan
0
Sep 3, 2019
Sep 3, 2019 at 6:55 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #76
Teka ako yata ay nagkamali Sa pag bilang ng bawat sandali Ang pangako nga ba ay nawaksi Sa salitang hindi ako nagmamadali? Magandang rosas kahit matinik Ang makita ka'y nakasasabik Matinik man ay di iimik Ang pusong lagi lang tahimik Oo na, pagod na akong maghanap Sa ibabaw ng lupa o alapaap Na makakasama ko sa pangarap Pwede ba'ng ikaw na lang ang pangarap? Pero tila yata nahihibang Kung mali nga'y nabubuang Ngunit diwa'y gising na nakaabang Kikitilin ang pusong nalilibang! Untitled. JGA
0
May 30, 2021
May 30, 2021 at 10:50 AM UTC
Untitled
Pulisya pararamihin at palalakasin Kayraming pasaway sisiluhin at kikilabutan Kapayapaan at kaayusan ay sisiguraduhin Walang mangangahas maghasik ng kabulastugan. -01/06/2015 (Dumarao) *Pinuno Namin sa Panahong Ginto Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:34 PM UTC
Matinik na Manunugis
Ang titik kong namumutiktik sa sabik, Matabil ang dila , maligaya kung maghasik Mga matang nakapikit , Husga ay saltik Madalas akong matinik , hindi nalang ako umiimik Kahindik-hindik na katahimikan , ipipiit ka ng iyong isipan katampalasanan ay ginugol , alingawngaw ng asong kumakahol Dumanak kasinungalingan , dayukdok ang mamamayan Di-masusupil ng kapangyarihan , Mapaniil ng may alam
0
Apr 16, 2020
Apr 16, 2020 at 8:54 PM UTC
Binuling
15 Ang mga lalaki’y ‘di alintana Na may nagmamanman sa kanila 16 Sila ay tatlong Amazona Matinik na mga espiya 17 Noong mga nakaraaang araw Nang sila ay mabulahaw 18 Ang mga manlalakbay na lalaki Sa mga patibong sinuwerte iri 19 Subalit wala silang takas Sa mga mandirigmang marahas 20 Isang gabi habang natutulog Sa kanila’y may nambulabog 21 Nang sila’y manumbalik sa ulirat Nagulat sa mga nakatutok na sibat. -07/23/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:03 PM UTC
Tumatarok 3 -Ang Pitong Bihag-