Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makapagsalita" poems
Walang nagtatagal sa mundo Sapagkat hamak lamang ang mga tao Lahat ay dumaraan sa pagiging bata Hanggang sa maging kulubot na ang mga mukha Hinang hina na ang katawan at hindi na makapagsalita. Sa edad na walumpu't dalawa, Kinuha na ng Panginoon ang iyong lakas at kaluluwa. Ang pagmamahal mo sa aming mga apo Higit pa sa pagmamahal na naibigay namin sa iyo. Walang makakatumbas sa mga sakripisyo mo Dahil inuuna mo ang kapakanan ng iba. Hindi ka nagsasawa na mahalin kaming iyong pamilya Ikaw ay mabuting kapatid, asawa at ama Hindi ka malilimutan ni Lola. Hilam na ang mga mata sa pag-iyak Habang nasisilayan kang nakahiga Hindi na sa kama kundi sa kabaong na parihaba Na nakapikit ang mga mata. Kasabay ng pagpanaw ng iyong alagang pusa Ang siya namang iyong pagkawala. Mga larawan mo'y hindi itatapon Bitbit pa rin ang alaala na iniwan ng kahapon. Taon lamang ang lumilipas Ngunit ang mga alaala mo'y hindi kumukupas Sa iyo'y walang maipintas. Kailangan pa ring tanggapin Na nasa piling ka na ng Panginoon natin.
0
Mar 8, 2020
Mar 8, 2020 at 5:24 AM UTC
Isang Elihiya Para Kay Lolo
Ang iniwan, niloko ng liyag kimkim ang galit sa kaibuturan ay di madaling mapa-ibig Ang masaya na pakisamahan nakalulugod na kaibigan ay di makapagsalita sa harap ng hirang Sa hindi natuto pang umibig ay parang sanggol na madaling umiyak, kailangan akayin Pagkat ito'y hindi maipipilit tulad ng pag-awit ng mga pipit Dalawampung araw na singkad sa yaong buwan ay ang kaarawan na di sa taong bisiesto Kapag may dugong malabnaw at malinaw ay karakaraka lumigwak sa bukang sugat Oras na ipagdiwang ng mga buo at biyak Dalawang kasarian ay kapupunan sa bawat isa
0
Feb 14, 2019
Feb 14, 2019 at 4:57 AM UTC
Puso ng Pebrero IV
Minsan sa mundo, akala mo ikaw lang ang malas, lahat hinahanapan mo ng butas. Pero ang totoo, Gusto mo lang tumakas. . . 'Yan! 'Yan ang labing may gatas! Kinukutya mo ang gobyerno, dahil di sila patas, eh, sino nga b'ang nag-atas? Paano tayo kakalas, Kung wala naman tayong lakas? Nagdedesisyon ka nga ng di alam ang konstitusyon, paano mo nalaman ang tamang solusyon? Nilagay natin sila sa posisyon, dahil nagbigay sila ng maraming kondisyon, na lahat naman, ilusyon! Eh, sino nga ba ang iboboto? Kung halos lahat sila, ang hanap, deboto! Ano sila santo? Oh, tingnan mo ko, kung makapagsalita, akala mo kung sino. . . Sorry sa mga kritisismo . . . Pero sa totoo lang yung gobyerno, pinapadami lang yung mapupunta sa impyerno. Di ko nilalahat, pero pano nga ba tumukoy? Binigyan ng kapangyarihan, para manindigan, manilbihan sa bayan, pero anong ginawa? Pinabayaan. Kaya yan, dahil sa kahirapan, lahat sabik sa pangako. . . Kalaunan. . .pag pinaglaban mo, ikaw pa ang matatakot! Magsasaka nga, sariling ani, iba ang humahakot. . Ibang nagmatapang, sila pang dinambangan! Kaya ako, di nalang boboto. . Di basta basta makiki-uso. Dahil ang totoo, wala akong makitang seryoso. Puro sila, sariling negosyo. Gawa ng gawa ng imperyo! Makita mo ang gobyerno, andaming benepisyo. Kadalasan, si chief puro pa reklamo! Eh, milyon naman ang komisyon Sa sariling institusyon! Kulang pa daw! Wow, napaka-halimaw! Pero ang tingin nila sa kalsada yung mga bata, perwisyo?! Kaya ba nila tinago, sa malayo nang dumating ang mga dayo?! Oh, di mo alam no? Kasi nga tinago! Sana yung susunod na uupo, yung taong, totoo. Yung kahit malaya, di mandadaya.  .  . Gawing tama ang pagboto. . Di ka na si toto, Di ka si nene, Wag madala sa mga ugong ng hele! Meron at meron yan! Di lang natin makita, kaya ang payo ko: WAG KANG MANGHULA. .
0
Apr 15, 2016
Apr 15, 2016 at 2:15 PM UTC
Wag Manghula.

Continue reading...
75
Para lang nagbabalat ng sibuyas ang istorya ng pag-ibig. Sa simula... Ng nasa mga kamay mo pa lang ito'y may gana ka pang tumawa, Hanggang sa inilagay mo na sa isang sangkalan... ('chopping board' na nga lang, para mas maintindihan) At nang binalatan mo'y bigla ka na lang umiyak at tumulo ang iyong mga luha (sa sahig, alangan naman sa balkonahe!) Pagkatapos nama'y nakatawa na ulit, ngunit hindi pa rin nadala't kumuha pa ng ibang sibuyas para balatan. (sira-ulo lang te?) Pero wala tayong magagawa dun, hindi sa eksaherada masyado ako kung makapagsalita, eh ganun yun eh! (ganun talaga!) Kaya tanggapin **** kapag sinubukan mo nang umibig, alam mo nang sa huli'y masasaktan at masasaktan ka rin... ('wag kang mag-aalala marami naman kayo!) Ayyy! hindi 'yan! Sa gitna pa pala 'yan, dahil ang nasa huli'y liligaya ka ng walang kasintulad ng dati. (para bang nasa alapaap daw?) Dahil ang magmahal ng isang gago... Ayyy! Este tao, ay maraming pagsubok, tulad ng pagbabalat ng sibuyas... Masusugatan ka talaga kapag hindi ka marunong magdahan-dahan at mag-ingat.
0
Nov 11, 2012
Nov 11, 2012 at 12:29 AM UTC
Sibuyas
Sa unang araw ng skwela, ika'y aking nakita. "Hi, Hello", ni hindi nga makapagsalita. Ikaw sana'y lalapitan, ngunit hakbang ay iyong nilakihan. Sadyang ganun na lang ba talaga kalaki ang ating pagitan? Sa hagdan ako ay umupo. Bigla kong naalala nung una tayong nagtagpo. Kumaway ka't sabi mo'y "Hi". Ngayon ay sa hangin ako'y napabulong ng "Good bye." Sa hagdan sana'y muling magtagpo. Nang sa ganon ay muling magbalik. Ang pagtingin na sayo'y nananabik. Ngunit, hanggang dito na lang ako. Hanggang sa aking muling pag upo.
0
Aug 10, 2015
Aug 10, 2015 at 12:02 AM UTC
Hagdan
Sa pagkagat ng takipsilim isa lang ang natatangi kong hiling, nawa'y sa agad na paghiga ay siyang agad ring mahimbing. 'pagkat ako'y sabik na ng labis na muli kang makapiling— hintayin mo aking sinta, sa tagpuan natin ako'y darating. Sa napakalaking puno tayong dalawa'y nagtagpo Tila nag-uusap ang ating isip at puso kahit hindi kumikibo, hindi ako makapagsalita sa kadahilanang dinadaga ang aking puso.. Sa pagsalubong mo sa akin, niyakap kita at hinalikan sa iyong noo. Mga luha mo'y nagsitulo mula sa'yong napakagandang mga mata, wala akong ibang nagawa kundi titigan ang iyong napakaamong mukha.. Sadya namang hindi natin masukat ang kaligayahang nadarama, Hiniling ko na sana ang oras na iyon ay hindi na matapos pa. Muli sana akong lalapit para muli kang yakapin, ngunit sa aking pagkahimbing kinailangan ko nang gumising. Huwag mag-alala, aking sinta 'pagkat muli akong darating... sa aking susunod na mga panaginip ang oras ay atin nang susulitin.
0
Jun 6, 2020
Jun 6, 2020 at 11:27 PM UTC
Tagpuan
Sa higpit ng iyong mga pagkapit, nais ko sanang magtanong ng “bakit?” ngunit labi ay di makapagsalita, na tila ba ang dila ay naipit at napilipit. Ayaw ko pa sanang tuluyang mapalapit,   dahil baka sa huli, ito'y magdulot ng sakit; ngunit kung sakaling mga damdamin ay di na mapigilang magkalapit, samahan nati’y ayaw ko sanang magdulot ng pait, at mabigat na pasakit. © LMLB
0
May 1, 2019
May 1, 2019 at 8:41 AM UTC
Higpit ng Pagkapit