Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mahihimlay" poems
At sa pagkagat ng dilim Kasabay ng pamamaalam ng araw sa'tin Mahihimlay ko sa sulok ng apat na dingding Huhubarin ang mga ngiti, ipapahinga ang bibig at ibababa ang hinlalaki kong kanina pa nangangawit Sa kapapaalala sa mundo na ayos lang Na makakatagal pa ko ng kahit sampung minuto Sampung minuto--- Ito lang ang kailangan para tuluyan nang tapusin ang sinimulang kwento natin At sampung minuto para dapuan ka nila ng tingin at sabihin sa'king Kailangan na kitang talikuran Ngunit di na ko inabot ng sampung minuto pa para pakingga't tupdin sila Dahil sampung segundo lang--- Isa, dalawa, bitaw na, bitaw Lima, anim, ayoko pa, ayoko pero Siyam, sampu...ay nagawa na kitang bitawan Ang sabi kasi ni nanay ay di ka nararapat para sa'kin Sabi ni tatay pag-aaral ko muna ang atupagin Ang sabi nila ay dapat ko silang sundin Ang mga bumuhay at nag-aruga sa akin ay dapat na lagi kong susundin Huwag mo nang gawin yan, ito ang mas bigyan **** pansin Di yan makabubuti para sa'yo, bat di mo na lang tularan ang kapatid mo Ang lalaki dapat ay matikas Ang tanga tanga mo, wala kang mararating diyan Kahit sino kayang makagawa ng ganyan, magsundalo ka na lang Dinaig ka pa ng nakababata sa'yo? Dapat pareho kayong tinitingala ng tao Kaya't binigo ko ang nag-iisa kong pag-ibig at sumuong sa digmaang di ko kailanmang naisip Dahil dapat lagi pa ring susundin ang mga bumuhay at nag-aruga sa'kin, mga bumuhay at nag-aruga sa'kin dapat kong sundin, ang sa'kin ay nag-aruga't bumuhay lagi pa ring susundin Nay, yakapin mo ko't pahupain ang hapdi Kaya, Tay, tapikin mo ko sa balikat at sabihin **** tama ang ginawa kong pagtupad sa pangarap mo Dahil tapos na tapos na ko Pagod na pagod na ko Sa panonood sa pagkislap ng mga mata ni bunso Mga kutikutitap na di mapapasakin dahil ang mga mata ko'y namumugto Mga matang naniningkit na katatanaw sa sarili kong mga pangarap Dahil ng mg paa ko'y habol ang bawat dikta't kagustuhan niyo Sawa na kong pilit pantayan si bunso Dahil kahit anong gawin ko'y di bubukal sa'kin ang kaligayahan Di tulad niyang may malayang kinabukasan Ako'y may busal ang bibig, may taling mga kamay, nakakulong sa ekspektasyon ng sarili kong mga magulang Pagod na ko, ayoko na Ayoko nang marinig ang "Tingnan mo siya,buti pa siya, mas magaling pa siya..." Hindi ako binigay sa inyo para ikumpara niyo sa isa niyo pang anak at sa anak ng iba na hinihiling niyong meron din kayo Gusto ko lang naman marinig na may tinama ako kahit papano, kahit kapiranggot Gusto kong marinig ang "Salamat" at "Mahal kita" at "Ipinagmamalaki kita" dahil tapos na tapos na ko Pagod na pagod na kong Habulin ang liwanag ng talang matagal nang namatay sa kalawakan Kaya Nay, Tay Ako po muna Ako naman ngayon...
0
Aug 12, 2017
Aug 12, 2017 at 5:53 AM UTC
Sampung Minuto

Continue reading...
50
(1:30 AM/ Brownout) Ang alab Mo’y minsang inalay sa’kin Syang naging mitsa ng pagkandirit ng himagsikan. Ako’y nakakapaso Magbibigay-liwanag sa madilim na kinagisnan, Sa apat na sulok ng silid-aralan, Sa lipunang may mabigat na ginagampanan Tangan ang alab na umalarma sa pagkatao. Nilisan ko ang liwanag Kung saan akala ko’y dapat na maging kasanayan. Ako’y Iyong tinubos Sa mapanghusgang lipunan May tatak sa noo, syang bukambibig ng madla Salamat, nang ako’y maging pag-aari Mo Nang ako’y pagharian Mo. Gamitin Mo ako, Pagkat ang liwanag, ang katuturan Kailanma’y hindi mapupunan ng anumang salita Nang sinuman.. Kung ang alab ay hindi Ikaw ang sentro At kung ang lakas ay hindi mula Sayo. Sukat ang buhay ko Bawat luha ko, akala ko’y walang silbi’t walang kwenta Ngunit iniipon Mo pala ang bawat butil nito Minsan pala’y nakapapaso rin ito Isalin **** muli, buohin Mo’t ihulma ang pagkatao. Sayang.. Kung ang ilaw ay nakakahon Kung ang sisidlan ko’y hindi ko lilisanin Kung ang sarili’y hindi kikitilin Nang magkaroon ng pangalawang buhay. May ilang gagambala Mga insektong hindi alam kung saan nagmula Mamumuhunan sila’t magiging igno sa liwanag At kung di lalakas ang alab, Ako pala’y matutupok. At sa hanging iihip, Kung wala ang mainit na mga kamay Na siyang yayakap at hahagkan sa akin Ako’y maagang mahihimlay, Mawawalang saysay ang pagkatubos sa akin. Ngunit ang alab na ito’y Kitilin man: kusa man at sa walang dahilan Maari pang mabuhay, sa ikalawang pagkakataon Sisindihang muli, Luluha sa hapdi’t kirot ng kahapon Ngunit ang bukas ay may kasiguraduhan Na ang tatahakin ay hindi na tulad nang ngayon. Binibilang na ang oras Bawat minuto’t segundo Maaring mapagal at maagang tamlayin, Kung saan saksi ang kadiliman sa liwanag na taglay. Ngunit bago maupos, Ako’y may aabutin Bawat sulok ay dadampian ng buhay At magmamarka sa bawat haligi Na kahit sa dilim, mayroong palang pag-asa. (5/13/14 @xirlleelang)
0
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:02 AM UTC
Ang Paghihimagsik ng Paupos nang Kandila

58
#112615 #4:16PM Minsan, pipila ako sa Fast Food Pero yun bang pagkatagal-tagal, Oorder ka't papaasahin ka lang din. Minsan, magsusukat ako ng damit o sapatos, Yung tipo mo na, pero hindi naman kasya, "Okay, hindi yan para sakin." Minsan, magkakape ako Alam kong mapait pero sinubukan ko pa rin. Akala ko kasi sapat na ang matapang lang, Pero hindi pala ako kayang ipaglaban. Minsan, magbabayad ako ng bill sa Globe, Yung nagsabing 'Abot Mo ang Mundo,' Siya rin palang guguho ng mundo ko. Minsan, magtetext ako At lagpas 3sms na't 1KB na, Tapos wala palang load, Pati responsibilidad, di kayang pasanin. At minsan mahihiga na lang ako, Mahihimlay nang panandalian, Oo nga pala, 'Walang babaeng nanliligaw,' Hindi pa ako basted, Owrayt!
0
Nov 26, 2015
Nov 26, 2015 at 3:19 AM UTC
Girl Basted
Sa laki ng espasyo ay mawawala ka, Mahahanap ang sariling naguguluhan, nagmamakaawa Makikita ang mga matang namumula sa kakahikbi At ang mga taingang nabibingi sa katahimikan ng gabi At mamamatay ang musikang akala mo'y dumadaloy Ngunit isang awit pala na puno ng panaghoy Ang mga kapiling ay isa isang mahihimlay Silay mawawala subalit hindi mamamatay
0
Feb 20, 2017
Feb 20, 2017 at 7:36 AM UTC
Paglimot