Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sirsison Feb 2017
Unang pagkikita natin sa ating pinasukan
Parang hangin lamang na dumaan
Tuloy tuloy pa rin sa paglalakad
Na parang may importanteng lakad.

Ako ay parang isang sirang mata
Na walang kakayahang makakita
Nang isang rosas na putuloy na bumubuka
Dahil sa taglay nitong glamorosa.

Subalit sa mga sumunod na araw at tayo’y nagkakilala
Para kang isang ilaw na hindi maalis sa aking mga mata
Na kahit saan magtungo ang aking mga mata
Ikaw pa rin ang nakikita.

Ako’y nagagalak
Sa tuwing tayo ay humahalakhak
Na parang ang puso’y pumapalakpak
Ang paglisan ay hindi ko minsang binalak.

Sa sandaling tayo’y magkausap
Pakiramdam ko ako’y nasa ulap
Na kung maaaring hindi na kumurap
Upang ang pag-uusap ay lalong sumarap.

Subalit ang oras ay napakabilis malagot
Kaya’t ako’y nakaramdam ng matinding takot
Na mangyari ang isang bangungot
Na baka sa susunod hindi ka na sumagot.

Nagpatuloy ang mga araw na dumaan
Ika’y patuloy kong pinagmamasdan
Na habang ako’y  umiisip ng daan
Upang ika’y malapitan.

Nagdaan ang araw at buwan
Habang ika’y aking pasekretong pinagmamasdan
Ako’y lubusang naguguluhan
Kung bakit laging ganyan.

Di nagtagal ako’y may naramdaman
Na pakiwari ko’y dahil ika’y nasilayan
At nakilalang lubusan
Na pilit kong inaalis sa aking isipan.

Subalit ako’y nabigo
Sa aking pagtatago
Nang nararamdamang nabuo
Sa palagiang pagtatagpo.

Isang araw ako’y humantong sa isang pagtatapat
Na isang daang pinag-isipan kung ito’y nararapat
Kahit na natatakot na ako sayo’y di pa sapat
Pero ito’y aking nilabanan dahil ang layunin ko sayo’y maging tapat.

Sa  aking pagtatapat lubha akong nalungkot
At natakot;
Na baka ako’y masangkot
Sa isang pangyayaring masalimuot.

Nang ika’y makilala mahal na kita
Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka pa lang iba
Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman
Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan.

Ilang araw ang nakalipas ako’y di mo na pinapansin
Mga matatamis na ngiti na dulot natin
Unti unti nang nagiging asin
Na sa alat di na maatim.

Iniisip na lang na ika’y natatakot akong mahalin
Na baka saan pa tayo dalhin
Na sana’y aking dasal ay dinggin
Na ako’y iyong mahalin.

Nagdaan ang mga araw
Ako’y nahumaling makinig ng malulungkot na kanta
Na nagpapabalik ng masasaya nating alaala
Na sa isang iglap lamang nawala na--na parang bula.

Ito ang nagdulot sa akin ng pighati
Dahil simula pa noon ikaw na ang tanglaw sa aking mga gabi
Ikaw ang liwanag sa araw kong hinahabi
Na ikaw lamang ang makakapagbalik ng kulay sa pusong nagbigti.

Paano kung sabihin ko sa’yong ayoko na?
Hindi ko na kaya kung patatagalin pa
Sapagkat ga’no man kalalim akong nahulog
Natatapos din ang himig ng awit at tugtog.

Paano kung sabihin ko sa’yong napapanahon na
Na ako’y lalayo na
Dahil kahit gusto ko mang kumapit pa sa’yo
Pareho tayong mahihirapan kung ‘di lalayo.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?” .

Subalit puso ko’y ikaw ang pinili
Na kay tagal kong itinago sa aking sarili
Sa isang iglap at sandali
Ako’y napapili kung ikakasaya mo ba o ikasasaya ng aking sarili.

Labis man akong nasisiyahan pag ika'y nakikita
Labis man akong natutuwa na ika'y nakikita kong masaya
Kahit nasasaktan,
basta masaya ka Okay na!

Dahil ang pag-ibig ay walang hinihintay na kapalit
Pag ibig na handa siyang palayain
Pag ibig na nasayang at napuno ng kalungkutan  
Pag ibig na nauwi sa masakit na paalam.

Dahil sa’yo natutunan kong maging matatag
Natutunan ko ang tunay na pagmamahal
Pag ibig na minsan, nagsisimula sa katapusan
Na sanay pagmamahal ay mapalitan.

Kaya’t ngayon dahil sa ako’y lubusang nasaktan
Akin munang kakalimutan ang magmahal
Dahil sa luha kong mahal
Kinalimutan kong magmahal dahil baka ikaw at ako’y di magtagal.
Naka-tadhana bang masaktan o naka-tadhanang makahanap ng taong gagamot sa pusong nasaktan?
Hindi naman ganid ang administrasyon
Nagkataon lamang na may mga punto
Na walang humpay na nag-iiwan
Ng tandang pananong.

May mga eksenang hindi literal
Pero kapag bayan ang bumasa’y
Ni isang letra’y hindi man lamang nasimulan.

Hindi masisisi ang mga modernong bayani
Kung patuloy pa rin sila sa pakikibaka
Kahit nakamit na kamo ang kasarinlan;
Ang hustisya raw ay napagtagumpayan na
Bagkus, nilalatigo ng kapwa nasa ekonomiya.

Marahil hindi pa lubusang nararadyo
Hindi magkanda-ugaga
ang leksyon sa Senado
Eh kung uso pa ba ang tele-radyo,
Kaya bang tapakan ng saksi
ang demokrasyang makasarili?

Doon nag-rally ang iilang katauhan
Wala naman silang napala
Pagkat binagsakan ng pintuan
Ni hindi nakakilos kahit sila’y nasa kilusan
Saklob ng gobyerno’y
sila’y bisi sa nasasakupan.

Hindi mabilang ang dugong dumanak
Ang boses na sumigaw
Ang tonong paulit-ulit pero hindi naririnig
O baka naman ang may pandinig
Ay mas nais magwaglit.

May mga platapormang tila langit
Bagkus dilim naman ang hain
Sa maliwanag dapat na paligid.

Ibabato nila ang kinamkam sa madla
Pero dahil ang binato’y mukhang tinapay,
Walang pakuwari ang iba
Manhid nga ba ang tao
O talagang kurot-sabay-pikit lang?

Heto na naman tayo sa estante ng kaguluhan
Sana nga matapos na ang pahinang ito
Pero nasa simula pa lamang
Pagkat ang propesiya’y
Nararapat na mamalakad
Ihahain ng Higit na Hari
Nang maitaas Kanyang Ngalan.

Kung may mga bumabatikos
Sa gobyernong kinagisnan
Marami pa rin ang tatayo
Pagkat kaytayog ng kanilang dangal.

Hindi naman dapat
Tumingin lamang sa kawalan
Pagkat may pag-asa pa
Itong *ginintuan nating bayan.
Kael Carlos Aug 2017
Mga kamag-aral, kaibigan, mga ****,
Kayo’y mahalaga sa akin bagama’t di tayo magkadugo,
Ako’y narito sa inyong harapan
Sumasagisag ng buong puso,
Ako ang makatang ‘Di ka uri ng masa  
Ang kalawakan ng pag-iisip ay ‘di mailathala

Ako ang nag-anyong taong resulta
Sa pagsibol ng kwento ni malakas at ni maganda
Hindi ko na kailangang humiling
Sapat na ang aking angking galing
Mula sa Diyos Ama aking aaminin
Upang bigyang pansin
Ang kultura na sariling atin
Kultura na di Dapat limutin kundi lubusang mahalin

Ako ay nandito upang sa inyo’y paalalahanin
Ako’y alagad ng sining
Aking man sumpain
Sigurado’y di kayo mabibitin
At pangako’y di bibiguin
Sa harapan niyo’y aking ihahain
Mga Obra Maesta
Nang kinikilalang sining at literatura

Kaya’t tara na, tara na
Tayo na at lumarga
Tungo sa kaunlaran ng wika
Tungo sa wikang Filipino
Ang wikang mapagbago
Ika-apat na Lakan
Pat Sep 2015
Mga daliri’y nanginginig

Aking mga labi’y sumisigaw ngunit walang tinig

Buong katawan niyayakap na ng lamig

Nang siya’y tumalikod para bang walang naririnig

Kailan kaya matutunaw,

Singlamig ng yelo, mga matang aking natatanaw

Kahit ganoon, isang bagay parin saki’y malinaw

Oo, puso ko’y iyong nabihag at paulit-ulit na ninanakaw

Sa mga nasisilip na bihirang ngiti mula saiyo

Ako’y mapapangiti, tatawa parang baliw ng totoo

Minsan ngiti mo’y kasing init ng araw

Ngunit tuwing ika’y nalulumbay, o luha ko’y umaapaw-apaw

Lubusang nagugulumihanan, nakakabaliw

Bakit itong nararamdaman ni minsan di nagmaliw

Paulit-ulit na binubulong sa sarili walang pag-asa

Ngunit sa loob looban di maiwasang patuloy na umaasa

Tinig ng puso ko’y hinding hindi mo napapansin

Di bale patuloy kang mamahalin ng palihim ng aking damdamin

Hihintayin ko ang pagtunaw ng yelo lumipas

Kahit abutin ng walang hanggan ang lamig ng pag-ibig na dinaranas
AUGUST Nov 2018
gamit ang panulat kong lapis
ang kwaderno ko'y untiunting numinipis
ang kalyo sa kamay ay aking tiniis
para lang maiparating itong ninanais

ang alay kong tula ay di matatapos
hanggat ang boses koy di magmaos
sayo ibibigkas at iaalay ng lubos
nang puso kong nahulog at sayo dumaosdos

alam kong di pa kita lubusang kilala
ang bagay na yun ay di na mahalaga
nabulag agad sa nakakasilaw **** ganda
Engkantada, ang kataohang di ko na pinuna

bakit nga ba? bigla akong nanghusga
minsan lang mapatinag sa kayumanggi **** mga mata
napasailalim sa hiwaga ng 'yong salamangka
wala ngang duda, Engkantada, balot ka ng mahika

kung ilalarawan ay wala kang katulad
aaminin kong isa ka sa aking hinahangad
wag ka sanang mabagabag ni umilag
kung sabay tayong malalaglag, di na ko papalag

saan pa ba ang dapat kong pagmasdan
kung may hihigit pa sa iyong larawan
maganda na ang aking tinititigan
basta ikaw lang ang nakaharang
Anton Jun 2020
-Binibining_Enilra

nakatulala sa kawalan
malayang naglalakbay ang isipan
luha ay nagsisimula nang mag unahan
di alam kung dapat na bang punasan

bakit akoy lubusang nasasaktan?
di alam kung  ang hahantungan
tanging ikaw lang ang laman
kahit damdamin ko'y nahihirapan

Mahal,patawad ng ika'y aking nilisan
lubos ko itong pinagsisihan
di kona inisip kung ikaw ba'y masasaktan
basta't ang alam ko lang ito ang tanging paraan

simula ng umalis ka't di na nagparamdam
lubos akong nag nakakaramdam ng agam-agam
kung bakit hindi mo man lang nakuhang magpaalam

nahihirapan nakong unawain ka
lalo na yung mga panahong sayo'y balewala na
kinukulit kita ; sinusuyo
bakit tila mas lalo kang lumalayo

araw araw akong naghihintay iyong mensahe
na baka mabigyan moko ng oras na walang bayad at libre
kase alam ko hindi sayo pwede
subalit di na bale

Mahal naman kita,kaya
kaya kung magtiis para sating dalawa
kaya kung maghintay kahit gaano pa katagal
lahat ay kaya kung isugal

dahil mahal kita!

ngunit isang araw nagising ang aking diwa
nagising na may luha na saaking mga mata
naisip na baka wala na talaga
walang nang pag-asang muling magbalik ka
kung paano tayo nagsimula tulad  nung umpisa

kaya mahal , patawad!
ako na yung unang sumuko
dahil hindi kona alam kung kakayanin ko pang labanan
ang tukso
di ko na alam kung may puwang paba ako dyan sa puso mo

ngunit ng dahil sa pinaggagawa ko
mas lalo lang palang naagaw ang aking trono
mas lalo ko lang palang sinasaktan ang sarili ko
umiiyak;lumuluha
labis akong nagdurusa

dahil kasalanan konaman
kung bakit pako nag desisyon ng hindi ka kasama
labis akong nagsisi kung bakit
iniwan kita

pasensya!
pasensya kung makapal ang aking mukha
nakuha ko pang humiling
na bumalik ka sa aking piling
na baka sakaling muli kitang mahagkan
kahit sa panaginip lamang

sana'y muli **** pakinggan ang aking panalangin
bumalik ka sana sakin
at muli akong tanggapin
dahil diko na alam ang gagawin
hindi ko na alam kung paano kakayanin
kung tuluyan na nga natin itong tatapusin.

mahal patawad kung ako'y naging makasarili
inisip na baka hindi talaga tayo sa huli
patawad kung lagi akong wala sa iyong tabi
patawad kung di kona kinayang manatili

sana'y palagi **** tatandaan na mahal kita..
kahit wala na tayong dalawa

#ManunulatPH
#Repost
Kung pwede lang sana
Na baguhin ang tadhana
Upang kahit sa huling pagkakataon,
Mabawi ang mga nawalang taon

Kung pwede lang sana
Na ika'y muling makasama
At masilayan muli ang iyong mga ngiti
Kung pwede lang sana, ganun nalang palagi

Kung pwede lang sana
Na mas maaga kong naalala
Ang lahat ng ginawa mo para sa akin
Sinayang ko lang ang iyong pagiging akin

Kung pwede lang sana
Na muling lumigaya...
Ngunit wala ka na sa'king tabi
Kaya ngayon, ako'y lubusang nagsisisi
© Cyrille Octaviano, 2015
Hindi ko tanda kung bakit
Basta't alam kong masakit...
Masakit ang iwan ka ng taong mahal mo
Tulad na lamang ng  pang-iiwan ko sa'yo

Hindi ko alam kung ano ang rason
Basta't mga damdaming ito'y dapat nang ibaon
Na dapat na lamang limutin ang lahat
Ngunit yun pala'y, hindi ito sapat

Aaminin ko na ngayon na ako'y nagkamali
Na ang iyong pagtitiwala'y tuluyan kong binali
Bakit ko nga ba nagawa ang mga bagay na iyon?
Na pati pagmamahal mo'y basta nalang tinapon

Ako'y di karapat dapat sa isang tulad mo
Ngunit sa pagkakataong ito, sana'y dinggin mo ako
Limutin na natin ang mapait na nakaraan
Pagkat Diyos na rin mismo ang gumawa ng paraan...

Kundi dahil sa aksidente, di ako matatauhan
Sa pagmamahalan nating puro galit at tampuhan
Kaya burahin na natin at magsimula muli
Gawin ang tama't huwag nang mag-atubili

Pasensya na rin kung di kita lubusang tanda
Basta't sa kinabukasan, tayo'y maghanda
Paano nalang kaya ang buhay ko kung wala ka?
Laking pasasalamat ko nalang  sa'king amnesya
XD

© Cyrille Octaviano, 2015
aphotic blue Aug 2017
Maikli lng ito, hindi mahaba kagaya ng pasenya ko. Tamang tama lang kagaya ng pagmamahal ko sayo. Parang kape lang yung tipong kahit malamig na, wala na yung init, gusto mo paring tikman dahil gusto mo siya, masarap, matamis kahit malamig. Kaylan kaya babalik yung init na nararamdaman ko habang hinawakan ko ang iyong mga kamay? Hindi marahil sa estado ng puso ko, malalim ang determinasyon kong maghintay. Saludo ako sa katatagan kong kahit sa saya at pighati hindi ko man lang nasubukang ibigay ang puso ko sa iba. Sapagkat alam kong kahit hirap na hirap kana, alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay at hahanapin ang bawat isa. Subalit habang ang oras ay dumadaan, ako'y nag-iipon ng tapang sa katawan. Iniisip na niyayakap mo ako at binulungan, hindi paaasahin gaya ng ginawa mo saakin noong nakaraan. Ngunit ano pa nga ba ang aking magaggawa, kung sa una pa lamang ng ating pagkikita ako ay nagmamahal ng isang tala. Kung pwede lang sanang bigyan moko ng isang pagkakataong baguhin ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa nakaraan. Ang mga pagkakamaling nananatiling nakaukit sa puso't isipan, ako'y nagdadasal na sana sa isang sandali tuluyan ko itong makalimutan. Hindi ko lubusang maisip ang sakit na dinaranas mo sa mga oras na iyon, sa mga tangang desisyon na iniwan kita para magbago ang intensyon. Intensyong akala ko ika'y nagkagusto saakin dahil ako'y naghahabol sayo, sadyang takot lang akong baka sa isang saglit ika'y biglang maglaho. Ilang beses na akong nagbuntong hininga upang mailabas ang lungkot na aking nadarama sapagkat dati ako yung pinakawalan, ikaw ang nahirapan. Tapos sa kasalukuyan, kabaliktaran ang aking nararamdaman, ako yung nasasaktan, kahit ikaw yung aking iniwan. Gusto kong lumapit sayo ngunit sa tuwing gagawin ko ramdam ko ang 'yong paglayo. Ano pa nga ba ang aking magagawa? Kung ayaw mo na saakin di na kita pipilitin. Isa lang naman akong taong mahina, ginawa para ika'y mahalin.
©aphoticblue
Hindi ko alam kung bakit pa nagtataka,
Kung bakit pa nagtatanong kung may pag-asa pa,
Bakit pa nga ba aasa pa?
Kung ang pag-asa ay sa simula pa lang ay wala talaga.

Ilang taong  nagsikap para makita mo na ang pagmamahal ko ay hindi katulad ng kaniya,
Para kapag sinabing “nag-iibigan” ay tayo ang magiging kahulugan at hindi ang halimbawa,
Na hindi na mananatiling konsepto ang “magkasama tayong tatanda”,
At hindi na mananatiling pangako ang “hindi ka na mag-iisa”.

Pero ang tayo’y parang ningas na hindi man lang naglagablab ay namatay na,
Parang apoy na hindi pa man nagbaga ay agad inapula,
Na hanggang ngayon tinatanong kung bakit nagpipilit umalab para sa iba,
Kung kaya namang huwag upusin ang mga sarili sa piling ng isa’t isa.

Ako’y nakagapos sa iyong pagmamahal na hindi naman talaga naging akin,
Kinukulong sa hawla ng kahibangan na baka sakali mag-iba ang ihip ng hangin,
At sa wakas ay ako’y iyong pakakawalan sa kadena ng pag-iilusyon,
Baka sakaling ang tayo’y magiging bahagi ng kasaysayan at hindi na piksyon.

Pero ang kasaysayan nating hindi pa man nagsisimula ay nais nang isulat ng iba,
Isang taong nagsusumikap maging bayani sa bawat yugto, naghihintay na mabigyang halaga,
Na sa akin ay nagtatanong, “magiging tayo kaya?”
At bago siya masagot, ay kailangan pang magtanong sa’yo, “magiging tayo kaya?”

Kasi kung hindi, hindi ko na ipipilit ang sarili ko at tatanggapin ko na,
Na sa pagtupad ng pangarap kong pagpapalaya mo sa’kin sa kadena ay iba ang nakatakda,
At  sa piling niya, baka sakaling makuha kong maging lubusang masaya,
At ako naman, hindi na ikaw, hindi na ang damdamin mo ang nakataya.

Kasi kung hindi, hahayaan ko siyang apulahin ang aking apoy na nag-aalab para sa’yo,
At gisingin ako sa katotohanang nauupos na ako, nauubos na ako,
Na kaya ang tayo ay parang ningas na hindi lumalagablab kasi hindi pala ikaw ang baga,
Hindi pala dapat ako umasa.
Ang dakilang pangako… napanindigan ko po
Ang lubusang tukso… nalagpasan ko po
Ang sukdulang sakripisyo… nagampanan ko po
Ang nakatutulirong laro… natapos ko po
Ang minimithing pagbabago… nasimulan ko po
Ang makabuluhang pakikitungo… ipinagpapatuloy ko po

Kaya ako po’y nagsusumamo…
Ihandog Niyo po Tagumpay sa Philippine Lotto!

-06/07/2015
(Dumarao)
*My Prayer Poems for Ultimate Victory Collection
My Poem No. 367
Kay gandang tanawin ng iyong ganda.
Kay sarap pagmasdan,
ngiti ng yong mga mata.
At sa bawat sulyap mo,
mundo ko'y humihinto.
Sabay ng pag bilis,
pintig nitong aking puso.

Ako may kinakabahan sa twing' nakikita ka.
Hindi naman nito napapawi,
tuwang aking naipipinta.
Huwag lang sana umiwas sa akin o sinta,
Tiyak namang pag-ibig,
itong aking nadarama.

Ipagpatawad mo minahal kita agad sabi ng kanta.
Ngunit syang tunay,
ito ang batid ko sa twina.
Malabis man na kabilisan,
itong aking pagsinta.
Pangako ika'y iingatan,
saksi man ang mga tala.

Sa bawat taludturan ng tula kung ito.
Ipinababatid ko,
ang pag giliw ko sayo.
Ngunit kailan ma'y,
hindi aasang susuklian mo,
Mabasa mo lang ito'y,
lubusang ikasisiya ko.
Ito yung tula na inialay ko sa kauna-unahang babaeng binigyan ko ng bulaklak. Pero hindi rin naman nagtagal ang pag-ibig, nawala at naglaho.
Kamille Tan Sep 2012
Hindi ko na
maalala

Kung kailan bang
Nagsimulang
Kinaya nang
Tapatan ang

Titig

Na lubusang
Nangwiwindang
Dahil kitang
Damdamin ang

Iyong tanaw.
Kahit ayaw







Ipakita.
Pusang Tahimik Jan 2022
Hangal na humahagilap ng salapi at material
Hangal na ipinagkakait sa kanya ang pagmamahal
Hangal na di lumalakad sa kanyang ipinangaral
Hangal na di makita ang halaga ng kanyang pagpapagal

Lubusang lumayo sa inaasahang pangako
Nagpalakad-lakad sa mapanganib na dako
Nagpaikot-ikot sa isip na liko-liko
Mga sumpa ba'y tuluyang mapapako?

Hangal na sumasabay saan man ang agos ng ilog
Gising nga ngunit patuloy na natutulog
Madadaya ang lahat ngunit sarili'y di mabibilog
Hahayaan na nga lang ba sa dilim ka mahuhulog?

Dakila nga sa lahat ng mga hangal
Bukas ang isip ngunit walang pagmamahal
Ano ba ang nais **** parangal
Ang buhay na Dakila o kamatayan ng Hangal

-JGA
George Andres Jun 2017
titingnan ko kung may natira pa rin ba sa latak ng tinta ng 'yong alaala o ipinipilit ko lang na palabasin ang iyong anino sa lahat ng aking nakikita o nadarama.

sana makalimutan na kita, kahit pa mahal kita. sa totoo lang nagtapos ang lahat sa isang pagkakamali: ang iwan ka matapos makahanap ng iba. akala ko masyado na kitang mahal at pagkakataon namang ilaan ko ang pagal kong puso para sa iba, pero hindi 'yon nangyari. bumabalik lamang ako sa'yo sa tuwing nakikita ko ang ngiti nila mula sa'yo, o ang mahahaba **** pilikmata kung nakapikit ang mga mata at tangan ang iyong ulo sa balikat ko.

nagniningning ka kahit madaling araw. ang pagkaway ng buwan sa tuwing titingala ako ang nagkakanlong sa ating mga gunita. ikaw ang nakikita ko sa lahat ng aking mga inibig at susubukang ibigin.  ikaw lang ang kaya kong balikan matapos layuan. ikaw lang.

ikaw lang ang hindi ko kayang hagkan o halikan kahit gusto ko man. nais kong hawakan ang 'yong kamay o hawiin ang mga buhok sa mukha at tuluyan nang halikan
sa noo.
ikaw lang ang kaya kong lubusang mahalin na hindi ko puwedeng gawin, dahil
takot ako.
lumipas na ang maraming taon ngunit nasasakin pa rin ang takot kong 'to. ang sabi nila matatakutin daw ako, oo pero hindi sa multo o engkanto, kung hindi sa pagmamahal na hindi totoo at mabilis maglaho. hindi ganoon ang pag-ibig ko, marahil ang pag-ibig mo, pero natakot din ako sa'yo. dahil gusto mo pang maglaro at malaki na ako para diyan.

ayaw kong maglaro pa ng habulan o mataya-taya.
hindi na ako bata.
tanggalin mo na ang piring sa mata dahil sa hanapan daga, ako lang ang tanging sasalubong sa'yo at magsasabing, "simula't simula pa lang, ako na ang talo, ako na ang taya."
121816
Vincent Liberato Mar 2018
Buhay na lang ikaw sa mga salita,
Ngunit 'di na sa dating gawa
Alaala'y naglilipana katumbas ng bula,
Ngunit biglang nawawala

Sa itaas ka ng agos ng ilog
Sa ibaba ako ng agos ng ilog,
Ngunit ikaw ang busilak na iniirog
Nang tayo'y magkalayo, puso'y nadudurog

Bayaran 'man ng libong salapi
'Di na mabubuhay ang isang labi
Kasiyahan ay lubusang nagagapi
Sana maibalik ang dating luwalhati.
shy soriano Mar 2019
Una kang makita ang puso  ko'y mayroong ibang naramdaman.
Naramdaman kung tumibok muli ang puso kong ito sa isang taong Hindi ko lubusang Kilala. Hindi ko aakalain tatamaan sayo dahil isa ako sa mga taong Hindi naniniwala sa " love at first sight " Ngunit ng Ika'y nasisilayan sa pang araw-araw hindi ko namalayang nahuhulog na pala sayo ng lubusan sa mga Matatamis **** ngiti sa maaliwalas **** mukha di nakakapag takang nabihag mo ang puso ko. Unay nahihiyang lumapit sayo nakuntento sa palihim na pag sulyap .Hanggang sa nag ka lakas ng loob na ika'y kausapin at doon na nga nag umpisa sa wakas ikaw at ako'y mag kaibigan na  lalo akong Humanga sa taglay **** kabaitan kaya't di napigilan sabihin sayo ang aking nararamdaman Labis ang kaba sa pagkat ako'y natatakot  aminin sayo ang aking pagtingin sapagkat baka ako'y iyong iwasan. Pero nanaig pa din ang kagustohang aminin sayo ang nararamdaman Ika nga "Mas mabuti ng sinubukan kisa sa hindi "  Salamat at dika lumayo salamat at di ka nag bago salamat sa mga panahong masaya ako kausap ka  sa mga biruang halos umiyak na sa kakatawa itong mga ala-alang binuo nating dalawa akin  dadalhin  salamat hanggang sa muli nating pag kikita Mahal kong kaibigan.
#Pagmamahal #Pagsubok #inspirasyon #ala-ala

— The End —