Mga kamag-aral, kaibigan, mga ****, Kayo’y mahalaga sa akin bagama’t di tayo magkadugo, Ako’y narito sa inyong harapan Sumasagisag ng buong puso, Ako ang makatang ‘Di ka uri ng masa Ang kalawakan ng pag-iisip ay ‘di mailathala
Ako ang nag-anyong taong resulta Sa pagsibol ng kwento ni malakas at ni maganda Hindi ko na kailangang humiling Sapat na ang aking angking galing Mula sa Diyos Ama aking aaminin Upang bigyang pansin Ang kultura na sariling atin Kultura na di Dapat limutin kundi lubusang mahalin
Ako ay nandito upang sa inyo’y paalalahanin Ako’y alagad ng sining Aking man sumpain Sigurado’y di kayo mabibitin At pangako’y di bibiguin Sa harapan niyo’y aking ihahain Mga Obra Maesta Nang kinikilalang sining at literatura
Kaya’t tara na, tara na Tayo na at lumarga Tungo sa kaunlaran ng wika Tungo sa wikang Filipino Ang wikang mapagbago