Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lakbayin" poems
Isa Isang taong nasasaktan Isang taong umaasa Isang taong nagbigay tiwala Sa isang taong kanyang pinaka mamahal Isang pagiibigan na nabuo sa loob ng isang taon Isang magandang relasyon Nasira ng isang sigalot Isang pangakong bibitiwan Ng isang pusong umaasa Dalawa Dalawang taong pinagtagpo Dalawang taong nag-ibigan Dalawang taong nagbigay kulay Sa buhay ng isa't isa Dalawang pusong pinag-isa Dalawang labing nakangiti sa tuwina Dalawang matang lumuluha Dahil ang dalawa'y hindi na isa Tatlo Tatlong laruan na nagbuo ng pamilya Tatlong laruang ginawang anak ng dalawa Tatlong salita na nagbigay ligaya Sa pusong tatlong taon ng umaasa Kung may magmamahal pa ba? Tatlong minuto kapiling ka ay sapat na Upang mapawi ang lungkot at mapalitan ng ligaya Tatlong masasakit na kataga Ang naghiwalay ng landas ng dalawa Apat Apat na buwan ang hinintay Bago makamtan ang matamis kong 'OO' Apat, ang bilang ng letra sa isang salitang tawag mo sa akin Noong ika-apat na beses na tayo'y nagkasama doon ka nagtapat sa'kin Lima Limang buwan tayong isa Lima, ang sukat ng aking paa Na lagi **** pinagtatawanan Lima, ang bilang ng mga daliri ko Na lagi **** hawak-hawak Limang minutong yakap madalas **** ibinibigay Anim Anim ang bilang ng letra ng iyong pangalan Anim ang dami ng nais **** alagang hayop Anim ang bilang ng pagpunta ko sa inyo Higit pa sa anim na beses kong uulitin ito: Mahal pa rin kita Pito Pitong kontenenteng nais nating lakbayin Pitong araw sa isang linggo Mga araw na pinasaya mo ako Pitong bilyong tao sa mundo Ikaw ang pinili ko Walo Walo, isang numerong mahalaga sa'tin Walo, isang numerong ginagamit sa tuwing naglalambingan Walo kapag pinalitan ang huling letra ng 'a' Wala, parang tanga Siyam Siyam ang araw ng kaarawan ko Siyam ang numero sa likod ng tshirt mo Siyam katunong ng pangalan ng matalik kong kaibigan na nasaktan ko ng lubos Siyam and dami ng taon na bibilangin bago matupad ang pangarap nating dalawa Sampu Sampung taon mula ngayon Ipinangako mo sakin ang isang masayang buhay Sampung taeon mula ngayon haharap tayong dalawa sa altar Sampung taon, maghihintay ako Yan ang pangako ko
0
Dec 27, 2015
Dec 27, 2015 at 9:10 AM UTC
Mga Numero

Continue reading...
76
Ito ng kulay ng iyong puso Ang kulay ng lipstik Na binili ng iyong ina nung ikaw ay tinedyer Ang kulya ng bulaklak na binigay sa iyo sa araw ng mga puso ng iyong manunuyo Hindi babanggitin ang rosas na niregalo sa yo ng kaibigan **** babae sa kampus nang ikaw ay nasa kaibuturan ng iyung kabataan, Ang kulay ng mga di mabilang na mandirigma sa kabukiran Na sumisigaw ng kapayapaan. Ang kulay ng butil sa unang dapyo ng sikat ng araw Sa panahon ng anihan. Ang kulay ng asukal na muscovado mula sa pawis ng mga manggagawa sa azucarera Ito ang paborito **** kulay noon. Sa gitna ng lakbayin na masukal Ginusto **** maging mapusyaw Ngunit ang iyong pag-aalab ay puno ng kulay na ito Sa iyong mga kapatiran sa masa Pagsigaw ng hustiyang pang-ekonomiya Ipagbunyi ang kulay ng iyong puso! Ang sing-init na kulay na nararamdaman mo hanggang ngayon Kahit na pumupusyaw ang iyong kabataan, Nanatili itong kulay ng iyong pag-aalab.
0
Jan 11, 2017
Jan 11, 2017 at 3:49 AM UTC
Pula
Pinagtagpo tayo ng magkahiwalay At magkasikbay na lakbayin at Pagpapasya. Marahil, sansinukob na nga ang Unang nagparaya. Itinakda nito ang grabedad Para tayo’y magsama bilang lumang pangako At bagong pag-ako  ng pag-ibig, patungo sa layon at Realedad ng ating mga palad. Hindi ba’t tayo nga Ay kapwa mapalad? Dahil hindi sa ano mang Sukat ng tagumpay ng buhay tayo nananahan At nananalig, kundi sa eternal na doktrina’t utos ng puso, Yaong ibinubukal ng wagas na pagsuyo, yaong kahit ang Oras ay mapaparam sa lingid na daigdig ng ating mga bisig.
0
Nov 20, 2013
Nov 20, 2013 at 4:27 AM UTC
J.
Lumaki ako sa paniniwalang ang buhay ay isang kompetisyon, Na dapat angat ka sa lahat sa anumang sitwasyon   At sa anumang pagkakataon Pagkat yun ang sukatan ng tinatawag na tagumpay Isang bagay na hindi naman sa iyo habangbuhay Pinalaki ako sa paniniwalang masama ang magkamali Sa paniniwalang Hindi lahat ng  bagay dapat minamadali Kaya magpahanggang ngayon ang mundong ginagalawan ko Malaki ang pagkakaiba sa mundong mayroon kayo Pagkat nabubuhay ako sa takot Takot sa pagkakamaling maari Kong magawa Takot na baka isang araw, mahila ako pababa Takot na isang araw,  lahat ng meron ako,  Bigla na lang mawala Na baka isang araw, magising na lang akong nakatulala Hindi ko na alam ang gagawin   Lakbayin ko ba'y makakaya ko pang tapusin? Sa labing anim na taon ng aking  pamumuhay Ang pinakamahirap kong ginawa: sa mundo'y makibagay Pagkat sa bawat pagbabagong aking  nasasaksihan   Kaakibat ang panibagong bigat sa kalooban   Dahil takot akong bitiwan ang nakasanayang paniniwala At ang takot na'to ang nagsisilbi kong tanikala Tanikalang pumipigil sa aking paglago At sa pag-angat ko'y pilit na nagpapahinto. Alam kong balang araw,darating ang oras Mahahanap ko ang natatanging lunas Para sa nagtatagong takot sa loob ko At darating ang araw na makakalag ko rin ang tanikalang 'to!
0
Oct 10, 2017
Oct 10, 2017 at 8:39 AM UTC
"Tanikala"
May mukha ba ang pag-ibig? May boses ba siya? Yung may arok na isigaw ang nadarama Yung patas ang silakbo ng damdamin. May mga paa ba ang pag-ibig? Na kayang lakbayin maging siglo na ang usapan Yung walang kapagalan sa kabila ng distansya. May hangganan ba ang pag-ibig? May pinipili ba? Sa gintong kutsara at sa nagdarahop At maging uhaw sa pagkalinga. Buo ba ang pag-ibig? O hindi sapat na umiibig lang? Dapat bang manlimos ng kapalit? Ang pag-ibig Tila nga lumang salita Tila nga may anino sa bawat madla Bagkus, ito'y patapong ibinabahagi. Nasaan nga ba ang halaga? Kung mismong mga kataga'y Nawawalan na rin ng sariling katauhan Kung saan ang mensahe'y gumagapang na Pag-ibig nga naman.
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 10:28 AM UTC
The Love Challenge
*Hangang dito na lang siguro ang kayang lakbayin ng mga minanhid kong mga paa Pasensya na kung ang paghihiwalay ng landas natin ay masyadong napaaga Magpatuloy ka lang sa iyong paglakad huwag mo na akong lingunin o hanapin pa Isulat mo na ang wakas ng istorya mo na hindi ako kasama.*
0
Jan 25, 2016
Jan 25, 2016 at 4:21 AM UTC
Paglisan
Ikasampung lagok na at higit pa ng mainit **** ala-ala subalit malapit man wari kung aking tinitingnan sa sulok ng napadpad na isipan sa kabilang ibayo ng mga pananaw sa malayong dalampasigan ng pagkatao, hindi ko kayang abutin ang pinutol kong pusod na sa puting lampin ay ibinalot, at ibiniting tila bituin sa mga alapaap. Maghapon ko mang lakarin mula sa aking pusong pinabango ng galapong na bagong giling, na kung saa’y tiniis ang init ng kahirapan habang isinasangag ang bawat butil ng sanlibo’t sandaang ari-muhunan mula sa masuyong pinagsikapan, pinagtiyagaang alagaan - puno ng liberikang kape ng lupang sinilangan. Malayo, malayo na ang Lipa madaling lakbayin sa malawak na kalsada na dumaraan na ngayon sa kabundukan ng Malarayat na noong musmos pa’y malayo, malayo, malayo . . . tanging nakakarating lamang ay mga uwak at sabay-sabay na lumilipad na tagak sa takip-silim nama’y mga nagsasalimbayang kabag. Noo’y maliliit pa ang puno ng sintunis Ngayo’y natabunan na ng palitadang makinis Hinahanap ko ang lungga ng dagang bulilit At puno ng bitungol sa unahan ng lumang bahay na inaakyat ng mga paslit napawi na rin ang matayog na tahanan tila binura ng kapalaran at mistulang iginuhit ng chalk lamang sa pisara’y kumupas na larawan. Natabunan na ng bundok ng mga alikabok ng ala-ala, wala na tahanan, o ang lumang pisara tila nawaglit ang apat na dekada Malayo na ang lumang Lipa at katulad ng dahong alamat ng ngalan nya makating-masakit at di makakalimutan ang mga karanasan at mga aral na dala Kung wala na ang bigas na kinanda magtitiis ako sa samyo ng binlid at ipa Kung wala na ang pinipig at nilupak sa baraka kahit budbod at lumang latik ay yayamanin na Lalakbayin ko’y lubhang malayo pa Ngunit sinisinta ika’y makakaasa: Ang pinanggalingan, ang pinagmulan, lilingunin tuwina.
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 9:15 PM UTC
Kapeng Barako X

58
Naghihintay ang tasa malinis, walang laman sa tagpuang mesa kahapo’y may kabatuhan ng "¿Hola? at ¡Puñeta!" at kanina’y may kapalitan ng "Hello Sir! Wanna? Wanna?" nasingitan pa saglit ng malupit, galit sa langit na si "Arigatou Nakamura" At nakipag-rigodon ang mga payaso’t pirata at mga magnanakaw – mas ganid pa sa apatnapu ni Alibaba Nasaan ba si Ina? Wala na po dito, nandun na s’ya’t kahalikan si "Xie xie, Duō shǎo? Ni hao ma?" Pagkatapos kumulo ng tubig sa kaldero ng lipunan inilagay ko ang isang kutsarang balawbaw ng galapong nanggaling sa inipong butil ng kagitingan mula sa paanan ng Malarayat na kabundukan - kaagad-agad ay bumulwak, nagngangalit na umawas Kumakalat ang halimuyak ng kapeng bagong luto Naiinip na ang tasa sa tagpuang mesa ng bayang talisuyo Kailan kaya may uupo, yaong hindi bugaw na pinuno na pagpuputahin ka kung kani-kanino, kundi bayaning lingkod na hindi ka ipagkakanulo? Kapatid, kahit isang lagok lang, Malayo ang lakbayin, dapat nang simulan Ang mahalaga’y kumikilos, humahakbang Sulong tayo mga Kabayan . . .
0
Mar 15, 2018
Mar 15, 2018 at 7:18 PM UTC
Kapeng Barako VI (Ang Kawawa Nating Ina)
Nais kong humimlay ang tibok ng puso sa saliw ng taludturan Subalit pipi ang mga daliri sa pagdiin sa tipaan. Mga hikbi’y nalulunod sa naiwang bakas naghihingalong daing kalungkutang di-matawaran Para na kitang anak, at maraming salamat Itinuring mo akong tila pangalawang tatay mo rin At sa wika ng sabong, sa lalawigan nating alamat hindi ka na tatyaw, kundi mahusay na talisayin Narating mo ang rurok At iyong hinawakan ang mga alapaap ng iyong malaon nang pangarap Sa musmos **** puso namulaklak ang maliwanag Sa isip na pinagpala nagbunga ng pang-unawa, karunungan at syensya’y para sa madla, ipamahaging parang kawanggawa. Hinahanap ka ng mga kabag na kinatakutan ng iba ngunit iyong kinilala’t niyakap: “Nasaan na si Kuya namin? Bakit di pa dumarating? Tutubusin niya kaming pawa sa panganib ng pagkasira.” Naghihintay mga bundok at gubat May luklukan pa sa yungib kung saan namamahinga ang malayang pangkat. Subalit tahimik, walang sumasagot . . . Puyat ka sa magdamag ng buhay **** makulay at tampok. Hindi ka sumasagot - Naabot mo na pala ang tugatog. Magkaganun man, malayo pa ang layunin Kami’y tutuloy pa sa ating lakbayin Paalam kasama, kaibigan namin. Mga aral na naiwan, laging aalalahanin.
0
Dec 11, 2018
Dec 11, 2018 at 2:25 AM UTC
Paghimlay
Makulimlim ang kalangitan habang pilit kong inaaninag kung ikaw ay nasaan Mga palad natin kapatid kung hindi man nagkadaupan Tukoy kong iisa ang ating pinagmulan Mapula, kulay-dugo, ang agaw-buhay na liwanag sa likod ng mga ulap Alam kong lumubog na ang araw sa kanluran Hinihintay ng katuwang sa buhay ngunit ang sagot mo sa mga panaghoy ay hindi marinig ng naulilang pandinig. Hinahanap ng mga magulang ang anak na inaasahang sa takdang panahon sa kanila’y maghahatid sa himlayan. Mabato, matarik, ang piniling lakbayin Liku-likong landas tungo sa mithiin ng Sambayanang hindi palaring pamunuan ng mga bayaning magigiting sa halip na mga kawatan at mga salarin Mabato, matarik, ang piniling lakbayin Ngunit hindi ka natakot na ito’y tahakin Hindi ka umurong at di mo pinansin ang mga pasakit, ang mga pasanin. Dakila ka, kapatid At ang ‘yong paglisan, may hatid mang lungkot na ang punglong malupit, takbo mo’y tinapos, hininga mo’y nalagot At sa huling bugso, tatabunan ng lupang kalayaan ang dulot mula doo’y sisibol, sanlibong punlang aabot hanggang sa dulo, hanggang sa tugatog Aalalahanin ka sa araw ng tagumpay at pagtutuos Para sa Sambayanan, bawat puso’y sasabog!
0
Sep 27, 2017
Sep 27, 2017 at 1:15 PM UTC
Saludo
Mahal, samahan mo ko. Iwanan natin ang mundo, Lakbayin natin hanggang dulo, Iiwasan ang lungkot at gulo. Mahal, hawakan mo ang aking kamay. Malayo pa ang ating lalakbayin Kaya pakiusap, Huwag **** bibitawan ang aking kamay. Mahal, huwag kang matakot. Pangako ko di ko bibitawan ang 'yong kamay. Ipikit mo lang iyong mga mata. Tayo'y papalit na sa ating patutunguhan. Mahal, salamat sinamahan mo ko takasan ang mundo na puno ng problema, Muling idilat mo ang iyong mga mata, Sasayaw tayo sa gitna ng mga tala.
0
Nov 2, 2020
Nov 2, 2020 at 10:07 AM UTC
Samahan mo ko