Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kwatro" poems
*Bente kwatro oras ang kilos Mga gawain na tila' di natatapos Pagtitimpi na hindi nauubos Ano pa mahal kong Ina ang kaya **** ibuhos? Hindi ka ba napapagod? Araw-araw kang kumakayod Walang day off, walang bonus, walang sahod. Hindi ba nanghihina ang iyong mga tuhod? Tinanggap mo ang pagiging ina Kahit sa mga anak mo'y ikaw ay balewala. Pagkaing isusubo na lang, ibinigay mo pa, Sa bawat hakbang nila hindi ka nawala. Tinanggap mo ang pagiging kahalili Inalay sa'yong asawa ang buong sarili Sa mga desisyon nya, ikaw ay walang masabi Sa bawat hakbang nya ikaw ang katabi. Hindi sapat ang salamat Sa mga kalyo sa'yong palad Sa hindi maindang sakit sa balikat Kahit kailan wala kang sinumbat Alam ko hindi sapat ang aking salamat At hindi ka kayang tumbusan ng anumang salita Mahal kong Ina, salamat po sa lahat lahat Salamat po sa puso nyong 'di napapagod nagmamahal.*
0
May 13, 2015
May 13, 2015 at 4:08 AM UTC
Salamat ina
012917 Mag-aalas kwatro ng umaga nang aking maramdaman Hindi lang lumalim ang gabi ngunit umaga'y malapit nang madatnan Pinipilit akong balutin ng lungkot -- nais na ako'y matalo Kaya naisip ko gumawa ng talata na babasahin ko para sayo. Hindi man malalim ang mga salitang ginagamit ko Huwag mo sanang isiping pagmamahal ko'y hindi abot hanggang langit Alam kong baguhan pa lang ako pagdating sa larangan ng pagsusulat. Hindi man kita mapangiti, hindi ko man mabigyan ito ng pamagat Gusto ko lang na kahit papaano -- kahit papaano'y maipaabot ang lubusan kong pangungulila Sa babaeng ilang buwan ko pang hihintayin, manggagaling pa sa Maynila. Alas kwatro pasado na, antok sakin ay nagbabadya Kaya sa aking paggising, sagutin mo rin ako gamit ang iyong talata.
0
Jan 29, 2017
Jan 29, 2017 at 3:44 AM UTC
Alas Kwatro Na Pala
“Live as if you were to die tomorrow. Learn as if you were to live forever.” ― Mahatma Gandhi Malaking bahay, maraming pera at katakot-takot na mamahaling mga bagay-bagay. Ito ang pangarap ng marami at pinagsusumikapan ng halos lahat ng taong nabubuhay. Kunsabagay walang masama sa mga ito, ika nga libre lang ang mangarap. Pero hindi lahat ay pinagpala, hindi lahat nagkakamit ng pangakong gantimpala. Kaya nga may mahirap at mayaman. Habang may mga nagpapala sa initan ng kalsada may mga naka-de-kwatro na salaula at mga mapang-upasala sa loob ng aircondition na ‘kwarto. Masarap maging mayaman, yun bang masagana at hindi kinukulang. Yung kahit anong oras ay ‘pwede kang mag-abroad, o di kaya naman ay kumain sa mga mamahaling restaurants kahit anong oras mo mapag-tripan. Tapos pag summer time na syempre maliligo naman dun sa Boracay. Foam Party sa gabi at katakot’takot na sosyalan sa buong magdamag. Sarap talaga ng buhay ng isang mayaman. Pero anong halaga ng lahat ng mga ito? Madadala mo ba ang laksa-laksang karangyaan na tinipon mo? Diba hindi naman?   Karunungan, ito ang higit na mahalaga – higit pa sa kayamanan. Hindi katalinuhan na nakukuha sa mga aklat at natutunan sa mga mamahaling unibersidad. Ang maunawaan ang katuturan ng buhay mo yan ang importante sa lahat. Ang lubos na maunawaan ang mga hiwaga na nasa pagitan ng pagsilang at ng kamatayan ito ang tunay na kayamanan. Ang umibig at yakapin ang minamahal na parang hindi mo na makikita ang bukas. Katulad ito sa sanlibong sinag ng araw sa iyong puso. Ang makita ang paglaki ng iyong mga anak at makasama sila sa hapag tuwing oras na ng kainan. Ito ang mga tunay na yaman na walang katapat na halaga. Ito ang mga bagay na dapat nating pagsumikapan na makamtan.
0
Nov 9, 2017
Nov 9, 2017 at 1:58 AM UTC
HIGIT SA KAYAMANAN

Continue reading...
5
Maligayang kaarawan sa prinsesang di malapitan Sa dami ba naman ng hadlang Mas mainam bang sumuko nalang? Sa layo ng iyong tingin Akoy humihiling sa hangin Na kahit sulyap lang makatikim. Ilang beses ako nag paramdam, Medyo masakit lang kasi di mo ramdam. Di ko alam kung kulang o sobra, isa lang ang sigurado mahal kita lagpas langit pa. Oras oras minuminuto segusegundo.. oo ikaw ang nasa isip ko Lagi hinihiling na sana nasa isip mo din Kung sa iba'y di ka mahalaga saakin ikay prinsesa. Sa lihim kung nakasulat sa baybaying letra ang ibig sabihin nun ay mahal kita. Sa huling linya ng tula na to gusto ko lang sambitin sayo . Maligayang kaarawan prinsesa ko. Bente kwatro ng pebrero.
0
Aug 5, 2020
Aug 5, 2020 at 9:38 PM UTC
Bente kwatro ng pebrero
Sabi nila, kapag napapaginipan mo ang isang tao, iniisip o naaalala ka nila o kaya sila ang naiisip at naaalala mo. Pinili kong hindi maniwala sa mga sabi-sabi kasi napapaginipan kita tuwing pinipilit na kitang kalimutan. Tila bang pinapaalala ng mundo kung anong nawala sa'kin. May mga gabing hindi sumasagi ang pangalan mo sa isipan ko bago matulog Ngunit ipapaalala muli sa panaginip, ipapaalala kung gaano ako kasaya tuwing makikita ka, ipapaalala kung gaano tayo kasabik ikuwento ang araw ng isa't-isa, ipapaalala ang mukhang natutunan kong mahalin. At sa isang iglap, magigising ako, alas-kuwatro ng madaling araw, kasabay ng pagmulat ng mata, ang mabilis na tibok ng puso at tumatagaktak na pawis na parang kakatakas lamang sa isang bangungot. At kasunod nito ang malalim na buntong-hininga. Ibang klaseng katahimikan ang sasalubong sa'yo kapag alas-kwatro ng madaling araw, Rinig ang bawat segundo sa orasan, ang bulong ng mahinang volume ng TV na iniwanan **** bukas. Walang mga busina, walang humaharurot na motorsiklo, at walang boses na magtatanong kung binangungot ka ba. May mga katotohanan din na parang mas nagiging totoo, Halimbawa, ang katotohanang hindi mo na ako napanaginipan simula noong gabing ako'y iyong nakalimutan. Sa kabila ng dilim at katahimikan, Naiwan akong nakatulala Iniisip kung alin nga ba ang mas gugustuhin ang panaginipan ka tuwing makakalimutan ka o makalimutan ka hanggang sa panaginip. Nalaman ko ang sagot sa mga gabing sinusubukan kong kalimutan ka.
0
May 18, 2017
May 18, 2017 at 7:10 AM UTC
Alas-Kwatro

27
Hihintayin pa ba natin Na ang langit ay matakpan ng mga kulay abo na alapaap Na pinaghalong mga usok ng bomba At mga ulap na nagdadala ng mabigat na bagyo? Hihitayin pa ba natin Na mawala ang buhay ng isang inosenteng sibilyan Sa ngalan ng isang lalake sa kataas-taasan ng kalawakan Na hindi naman natin tiyak kung tayo ba’y binabantayan pa? Hihintayin pa ba natin Ang pag-hiyaw ng milyong-milyong mga mamayanan Ang hiyaw na nagdadala ng kanilang takot Na tila ba’y parang kampana ng simbahan Pinipilit tayong tumayo at bumangon na Hihitayin pa ba natin Ang pagmamakaawa ng isang burgis na artista Na ang tingin lang sa atin ay mga tseke at barya? Hihintayin pa ba natin Ang pag-tahimik sa atin ng mga lalakeng naka-itim Sumisigaw at nananakot Sa ngalan ng maitim na propaganda? O hihintayin na lang natin Na gawing tayong manhid Sa bilang ng tatlo Habang tayo’y tinututukan ng kailbre kwarenta y kwatro?
0
May 28, 2017
May 28, 2017 at 11:30 AM UTC
Hihintayin pa ba natin?
Matanda na tayo Ayaw na kitang hanapin Sa mga lugar na wala ka Sa mga bagay na hindi natin nagawa Sa bawat gising Na gusto kitang hagilapin Halikan, yakapin Bigla kong maaalala Alas kwatro pa lamang Maaga pa para umasa Sa unan muna idadantay Ang pagod kong kaluluwa Bukas, baka kaya na ulit lumaban Umaga na, iba naman
0
Jan 24, 2017
Jan 24, 2017 at 1:50 PM UTC
Untitled
Handurawon ta ang mga nagliligad Sg sini nga buluthuan ukon unibersidad Nga ginpatindog sg isa ka opisyales nga tampad Nagahingalanan kay Victor Tanco Sang siya alkalde pa lang sadto Sa banwa sg Capiz nga tupad sg Iloilo Bulan sg Agosto Nineteen Eighty-One Sang ginplano sa Dumarao ang PSPC nga eskwelahan 3 ka tawo (Tanco, Leonor kg Botin) ang sini nag-isturyahan Gani sg 1982, ang maragtason nga proyekto natuman na Si Dr. Nenita Beluso ang administrador nga pinakauna 4 ang primerong manugtudlo – Hachuela, Ojacastro, Ariola kg Baranda Agriculture ang pinakauna nga kurso diri Ginsundan sg Education, Computer, Vet. Med. kg Criminology 5 ka tribo sg kaharian sg PSPC Pagraduate ko sa highschool sang tuig Dos Mil Kwatro Nagkadto sa Dumarao si Presidente Gloria Arroyo Iya gin-ilisan ang PSPC sg CapSU, Vice Gov. palang kato si Tanco Oh Gob. Tanco, ikaw pa lang ang alkalde sg banwa nga ini Nga nakapatindog sg unibersidad diri Ang CapSU nga sadto anay PSPC! -10/15/2015 (Dumarao) *for Gov. Tanco’s 71st Birthday
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 10:31 PM UTC
Ikaw Pa Lang!
Alas dose Nagsisimula ang mga hirit sa pagsibol ng liwanag ng nagiisang buwan Dalawang anino ng mga pusong pinagkaitan ng panahon at pagkakataon Mga diwang hirap makatulog sa kabila ng pilit ng dalawang pares ng mata para pumikit Ala una Nagising sa biglaang pagtawag Sa kabilang linya, ang boses ng nagiisang tangi Mga matang pilit na dumidilat ngunit singkit pa din Alas dos Nagsisimula pa lang ang gabi Mga palitan ng salita at biro Oras na para matulog para sa isa, may pasok pa kinaumagahan Alas tres Ang oras ng kadiliman Na nagsilbing liwanag para sa dalawa Mga tawa nilang mas lumalakas At damdaming mas lalong lumalala Sa kabila ng lahat, hindi man tama Pagsapit ng alas kwatro Natulog siyang may ngiti At panalangin Na sana’y ganito sila palagi Ng kanyang natatangi
0
Jun 10, 2021
Jun 10, 2021 at 3:44 PM UTC
Alas tres