Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
AKIKO Apr 2017
Nais kulang Tumula
Tumula ng mahaba
Ngunit ang isip ko'y
Tila Ayaw makisama

Itutula kulang naman
Ang mga nilalaman
Ng puso't isip kong nasaktan

Sadya talagang ako'y
Mabait
Ngunit bakit
Ang damdami'y kaydaling sumakit

Kung nandito sana si Inay ako'y may mayayakap
Nangulila tulo'y ako
Sakanyang yakap

Naghahanap ako
Ng makaka-usap
Kaya pala dito ako'y
Napadpad

May dulo kaya ang
Kwento kong ito?
Sana'y sa wakas nito'y wakas narin ang
Paghihirap ng damdamin
Ko
Tula Ni Akiko
KRRW Aug 2017
Gusto ko ring
maranasang makulong
para naman
magka-thrill
kahit kaunti
ang buhay kong
napaka-boring.


Pero gusto kong
makulong
nang walang
ginagawang
anumang
krimen.


At a loob ng kulungan
ay pabahuan
ng hininga,
kili-kili,
puwet
at singit;
paramihan
ng libag sa leeg,
tinga sa gilagid,
kalyo sa labi,
at tartar sa ngipin.


Doon na rin
masusubok
ang aking
pagiging
best actor
sa pagkukunwaring
makadiyos ako
sa pagdadala ko
ng banal na libro
sa lahat ng oras,
minu-minuto
upang parolya
ay aking matamo
at kinabukasan
ay laya na ako.


Hustisya
ay kaydaling
laruin,
sistema
ay kaydaling
butasin,
buong kuwento
ng aking tula
ay uulit-ulitin.
Written
09 July 2016

Genre
Rap | Spoken Poetry | Literactivism

Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
elisha Mar 4
kasama ng pagsasalat at paghihirap ang malayong pangarap,
pangarap na parang kaydaling maabot ang iba,
at sa aking mata'y kahit ano ang aking gawin,
hindi ko maabot abot ang aking hangarin.

ano kaya ng kanilang estilo upang mithiin makamit ano ang pagkakaiba nila sa akin?
Ang daming oras ng aking ginugol upang sa hangarin,
Kahit ano ang aking gawin
Kahit ano ang aking gawin hindi ko kayang tanggapin.

Hindi ko kayang makita lahat ng aking mga ginawa ay mawawala na lang na parang bula
Hindi ko kayang makita maghirap sila nanay at tatay na hindi ko masuklian
Masuklian ang kanilang mga ginawa para sa amin
Ano ba ang aking pwedeng gawin?

Kahit ano ba talaga ang gawin ko ay hindi ko makakamit?
Kay malas ko naman talaga tignan mo ang sarili kong aba,
Sampung oras mag-aral sa paaralan, amin na oras upang mag-aral muli
At limang oras ng ang pahinga ng katawan kong munti.


Kailan kaya ang panahon na sa akin’y ibibigay
Ibigay ang maunlad na kinabukasan may halaga ba talaga?
May halaga ba talaga ang aking pagsisikap?
Patawad aking sarili, ang magagawa na lang ay maghintay.

— The End —