Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
w Nov 2016
18
Lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot
Lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula
Lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan
Lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan
Pero ang pinaka nakakalungkot sa lahat e yung puno ng tao sa isang kwarto
Puno ng tunog at salita
Puno ng biruan at tawanan
Pero ramdam **** nag-iisa ka
Ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka
Sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang
Kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman
Nakakapagod ano?
Nakakapagod magkunwaring masaya
Nakakapagod magkunwaring kaya mo pa
Pero alam naman natin
Eto yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga
Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang
Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama
Eto yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan
Etong yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya
Eto yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa
Eto yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam
Iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran
Kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa
Yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan
Isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan
Alam ko,  pagod ka narin
Sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay
Sa mundong malawak at mapaglaro
Sa mga tulang isinulat pero walang laman
Sa mga nasambit na salitang wala man lang naantig
Sa mga matang blanko na walang ningning
Sa mga patok na banat pero hindi naman nakinabang
Sa mga mensahe sa inbox na puro lang chain messages ang laman galing sa kakilala **** di na umahon sa pagiging jejemon
Sa mga text ni Baby aka 8888 na pinapaalala kang expired na pala ang iyong load
Talaga namang nakakapagod ang mundo
Minsan nga nakakagago
Itulog nalang natin 'to, ano?
Ayan tayo e, dinadaan sa tulog ang lahat
Pero malay mo nga naman, baka sakaling sa mahabang paglimot sa mundo, isang panaginip lang pala ang lahat ng sakit
Hindi lang siguro dahil tamad kaya natutulog pero eto na marahil yung senyales ng pagsuko sa laban
Sa pagpiling takasan panandalian ang buhay at baka sakaling sa panaginip matupad ang nais ng puso
Kasi sa totoong buhay ang hirap tanggapin ang bawat sampal ng pagkabigo
Yung bang dalawang klase ng pagkabigo
Yung todo bigay ka sa una pero bokya ka parin
At yung isa naman, yung natatakot ka ng sumunggab at tinikop ka na agad ng takot
Beterana na nga ata sa larangan ng pagiging olats
Nganga kung nganga
Nada kung nada
Itlog kung itlog
Pero hindi pa tapos ang kwento
Malayo pa ang lalakbayin
May natitira pa naman sigurong alas dyan na di pa naitataya
Positibo naman ako na sa negatibong sitwasyon makakaalpas din
Lahat naman ng bagay lumilipas, parang yung paboritong pantalon na sa kakasuot unti-unting kumukupas
Tulad ng chika ng karakter sa pinapanood kong korean nobela, Fighting daw!
Minsan may pakinabang din pala ang pagharap sa telebisyon sa ganitong pagkakataon
Ngayon, alas otso medya ng gabi sinusulat ang mga katagang nais ilabas ng puso
Habang wala pang tugon mula sa itaaas
Salamat sa oras na tibok ng puso
Kakapit muna ako kay Captain Yoo
Sa seryoso pero nakakakilig na ugali,
Sa swabe niyang mga the moves,
Sa grabehan niyang mga titig,
At sa mala-fairytale nilang storya,
Captain, ako nalang please!
Ang huling pagkapagod kong nais ireklamo
Siguro sa paghihintay na may isang Captain Yoo Shijin na darating, na kikiliti sa pagod kong puso at magbibigay ng rasong ipagpatuloy ang labang kinapusan na ng dahilan.
Nymeriari Jan 2019
malamig sa isang silid
may kasamang pighati, saya at lungkot
sa bawat paghinga,
ramdam ang pagbagsak ng luha.

magkakahiwalay na tayo
sakit na tila kinukurot ang puso
sakit na walang ibang lunas,
kundi ang pagsasamahan nating nabuo.

sinulat ko ang tulang ito
para kahit ako'y lilisan na
maaari ko pang balikan lahat.
lahat ng alaala at samahan,

mga alaala na hindi ko makakalimutan,
katulad ng...
habang tayo'y naghihintay ng ticket
habang tayo'y nagbabasa ng email thread
habang tayo'y nakaupo sa isang silid

nagkukwentuhan,
nagtititigan,
nagmamasid,
naglalaro ng moba,
nanonood ng youtube,
nakahawak sa mga selpon.

na tila bigla bigla tayong natinag
sa mga boss na dumadaan
na kahit sa dami natin sa area
nagawa parin tayong turuan
at pag tiyagaan nila sir at ma'am.

napaka-lungkot lang isipin,
na ang ating samahan,
sa kathang-isip na lamang.

alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot
lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula
lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan
lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan

pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat
yung puno ng tao sa isang silid.
puno ng tunog at salita 
puno ng biruan at tawanan
pero ramdam **** maiiyak ka
ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka

sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang 
kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman
nakakapagod mag-isip.

pero alam naman natin
ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga 
ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang
ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama

ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan
Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya

ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa
ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam

iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran
kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa

yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan
isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan
alam ko, napapagod rin kayo
sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay
sa mundong malawak.

pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao,
na nakikita ko mula sa inyo.
ngiting kay gaan sa pakiramdam,
na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti.

Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti.
Na nakakapawi ng pighati,
Salamat,
Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
#TSG #OJTdays
George Andres Mar 2018
Isang-libo, siyam na raan, siyamnapu't-siyam
Nang una nilang marinig ang pagtangis

Dalawang libo't labing-walo
Napakarami kong gustong bigkasin
Pero nauutal ako't lumalabas pagiging utak alipin
Para sa'yo sana, gusto ko pa ring sabihin,
Na, patawad Felipe, kung kay hirap **** mahalin

Wala ako nang tumangis ka kay Macoy
Huli kong nalaman ang tungkol kay Luisita
Masyado pa ba 'kong musmos upang ibigin ka?

Lubha lamang daw akong bata
Nagpupuyos ang damdamin
Walang pang kaalaman magdesisyon ng tama
Mapusok at madaling matangay
Manatili na lamang daw ako sa klase,
at kinabukasan ko'y sa mataas na marka ibase

Kaya't pinilit kong hindi pakinggan ang pagdaing mo
Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?

Batid ko man ang kasaysayan mo sa mga prayle, kano't hapon, labis ko pa ngang inidolo si Luna't Bonifacio noon

Hindi ba't namatay rin sila sa kasibulan nang dahil sa'yo?
Natatakot ako, na balang araw iyon rin ang sapitin ko sa piling mo
Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Hindi ka pa pwedeng umiyak
Hangga't hindi pa tapos ang lahat
Ano bang alam mo upang magalit, maghimagsik?

Ngunit hindi ko kayang lumingon pabalik
Hindi ko kayang matulog muli nang wala ang 'yong halik
Hindi ko kayang mahimbing nang wala ang mga gunita

Dekada Sitenta.
Bungkos ng namumuong nana
Nilalapnos ng kumukulong tubig
Dumaranak ang dugo sa sarili **** balat
Tumatalilis at tinatanggalan ng bayag

Paiikutin ang roleta't ipuputok sa sintido
Ihihiga ang katawan sa bloke ng yelo
Papasuin ng upos ng sigarilyo
Ibabalanse ang katawan hangga't may lakas pa ang kabayo
Hindi ito mga metaporang naririnig ko lang sa mga kwento

Hindi na ako magtataka kung may diyos pa ba
A kung kahit isang beses nilingon ka man lang niya



Kung ang nakikita ng mata ay dumudurog ng puso
At ang mga salita ay pumapainlalang

Silang 'di nakaririnig ay dapat kalampagin
Hampasin ang higanteng pintuan at sipain
Ang pader na marmol na walang bintana
Galit na sumusunog ng patay na tala
Hindi kumakalma, pilit nagbabaga, nagtatangka

Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?
Maaari ko bang palitan ng paglilingkod ang iyong biyaya?
Mas madali naman siguro magsalita
Kung 'di mo batid ang paghangos ng maralita


Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Nang masulyapan ka nang unang mabuksan ang aking paningin
Gusto ka lang naman palaging kita ng mata
Wala pa man natatakot na akong makitang umiiyak ka
Mas mapalad ba ang mga bulag o tulad kong piring ang mata?
Hinayaan mo akong maging alipin
Itinatatwa ko ang araw na namulat ako
Ang hirap naman kasing maka-usad mula sa'yo
Matapos mabura ang mga kasinungalingang sa'yo'y ibinabato
Kumbaga, ikaw 'yung maraming sakit na pinagdaanan, dadagdag pa ba 'ko?
Patawad
Oh, Felipe, kay hirap **** mahalin

Habang binabasa ko ang kasaysayan ****
Nagaganap pa rin hangang sa ngayon
Parang itinutulak ang aking sikmura
At ang balat ko'y nagsisiklabo
Hindi tumitigil ang mga luha

Ilang taon matapos maghalal ng bagong pangulo
Pinaulanan ng bala ang mga humihingi ng reporma


Dalawang-libo't apat
Matapos ang tatlong dekada
Mga batas na pabor lang sa mayama't may kaya

Gusto lang naman namin mabuhay
Nang hindi inaagaw ang aming kabuhayan
Nagtatanim ng bala't hindi binhi
Umaani ng bangkay hindi punla

Lupa mo'y hinulma ng dugo
Parang imbes na pataba ay pulbura ang inaabono
Para bang ang buhay ko sa'yo'y Walang katapusang pakikibaka
Para bang ang inaani ko'y dusa sa Buong buhay na pagsasaka


Dalawanlibo't-siyam
Matapos ang apat na taon

Kinikitil nila isa-isa ang mamamahayag
Nilibing ng traktora't patong-patong ang buto't balat
Pinagkanulo mo at hayagang pumayag
Mga berdugong hinayaan mo lang lumayag

Dalawang libo't labing-lima
Nangingisay sa walang habas na pangraratrat
Hanggang huling hininga'y maubos, mawala sa ulirat
Apatnapu't-apat **** mandirigma
Lumusong sa mapanganib na kagubatan na walang dalang sandata o pananggalang man lang
Malupit ka, hanggang saan ipagtatanggol ang laya mo?
Hindi pa ba sapat ang lahat ng luha?
Nagsasakripisyo para sa hindi siguradong pagkakakilanlan bilang Pilipino


Ikalawang Milenya.
Ngayon naririnig ko na ang pagpapatahimik laban sa karapatan **** magpahayag
Nagsasakripisyo ng dugo ng mga tupa
Para sa huwad na pag-unlad
Pinapatay ng bala ang uhay
Habang matapos tapakan ang upos ng sigarilyo,
Pagtatalunan ang dilaw at pula
Kung sino ba ang mas dakila
Aastang **** na tagapagligtas
Na siyang hawak ang lahat ng lunas
Napakarami nang diyos sa kasaysayan
Pawang dinikta, ibinigkis ang kalayaan

Ninais kong mahiga na lamang at hintayin ang bukang liwayway
Na pinangarap din noon ng mga ilustrado't rebolusyunaryong mararangal
Wala nang lunas ang sumpa ng edukasyon
Magpalaya ng isipang noo'y nakakahon

Wala sa akin noon ang lakas ng bagyo
Hanggang sa nabatid kong malulunod na rin ako
Wala akong nagawa kundi tumangis

Felipe, lumuluha ka rin ba? nasasaktan ka pa ba o manhid ka na?

Gayunpaman, tahan na, Felipe, tahan na.
112718

PoemsForE
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
w Nov 2016
21
Duwag ka pero salamat
Salamat dahil hindi mo ako hinayaang mahulog sa isang panandaliang saya
Hindi mo ko hinayaang mahulog sa isang panaginip lang
Sa mga matatamis na salita na hanggang salita lamang
Sa mga makahulugang tingin na hanggang tingin lang
Sa mga masasayang kwentuhan na hanggang ala-ala na lang
Mga salita, tingin at kwentuhan na hindi kayang ipadama ng mga yakap at haplos
Dahil duwag ka
Dahil andyan ka at andito ako
Pinagdugtong lang ng isang pisong tumatawid sa libo-libong distansyang mahirap sundan
Dahil hindi natin kayang tawirin dahil duwag ka...at duwag ako
Oo, duwag din ako
Duwag ako katulad mo
Nakakahilo ang pagitan nating di natin kayang bitawan ng pangakong baka balang-araw ay magdikit din ang daliri at mabatid kung may kuryente bang dadantay sa umaasam na puso...dahil duwag ka at duwag ako
Duwag tayong dalawang pumaroon sa espayong walang kasiguraduhan
Pero napakatapang nating hinarap ang katotohanang nakakabit sa dalawa nating mga paa
Na andyan ka at nandito ako
Malayong-malayo
Itong paang nagpipigil sa ating lumutang sa ligayang hatid ng mapangahas na damdamin;
Hatid ng masarap na pantasyang hawak ko ang mga pisngi mo o na malaya kong natititigan ang mga mata mo
Lagi tayong nakamulat at hindi kayang pumikit ng matagalan
Dahil duwag ka at duwag ako
At ito ay isang pekeng pangarap
AUGUST Sep 2018
margaret

Langit ang nagbigay biyaya nang ambon ay dinilig
Ang aking hiling sa panginoon ay biglang nadinig
Pinadala ang anghel na sa mundo ko’y yayanig
Tinawag ng ng kanyang tinig, at Napatulala sa mga Titig

Maari bang malaman ang yong pakay sa akin
Kung ikaw ba ay pasakit at tuluyan na akong wawasakin?
Laging kong tanong kung ano ba ang dapat kong gawin
Kung ang kahulugan mo ay kabiguan patuloy pa ba kitang iibigin?

Nagtatanong kay Bathala, Paano ko ba mapapaliwanag ang  hiwaga
Nitong pagmamahal na kung bakit sa puso kumapit ka ng kusa
Ako’y nagtataka’t di maka paniwala Bakit ito ang yong ginawa
Sa bigay **** biyaya, Ano ba ang kasalanan ko  para isinumpa

Gaano ba kita pinapahalagahan? Alam mo ba ang dahilan?
Hiling ko lang ay sanay iyong maunawaan itong nararamdaman
Kaya ang paliwanag ko ay simple nalang
Masikip dito sa loob ko, kaya ang kasya ay ikaw lang

Alaalang bitbit pano ko makakalimutan
Kung Sa puso koy nakaukit  ang yong pangalan
Ibinalot ng tatag ng loob para ika’y ipaglalaban
Di kita hahayaang lumuha lagi kang aalagaan.

Nagaabang ng sasakyan para dalhin sa langit, iwan ang mundo
Nakikiusap Pagbigyan sana Hiling makamit, Anghel na sundo
Saan nga ba tayo patungo? Byaheng langit sa impyerno,
Sa isipan kong magulo, Kasinungalingan ka ba o Totoo?

Linalaro sa panaginip ang dakilang pagsuyo
Tuluyang Hinamon Ang matapang na puso
Sayo napalapit at ayaw nang lumayo
Ang silakbo ay di na kaya, kayang isuko

kahit ano dito sa lupain ay handa kong ialay
Pagkat ang langit sa akin ay una mo nang binigay
Ang halaga mo sa akin ay Walang katumbas na materyal
Dahil Di kayang sukatin kung gano kita kamahal
Para sa taong minahal ko ng minsan, ito ang tulang di ko naiparating sa kanya.

Ngayon alam ko na kung gaano siya kahalaga, kung kailan wala na.
twenty-six Oct 2018
unti unting nawawalan ng gana
pero heto ako, tuluyan pa ring umaasa
sa bawat umaga nating dalawa
hindi ko mapigilan na kumapit nalang sa bawat "sana"

kung bakit nagkaganito
hindi ko alam
ang sabi mo, mahal mo ako
pero bakit parang iniwan mo na ako?

hanggang kailan kaya ako maghihintay
kasi sabi mo'y ika'y babalik
pero sa bawat araw na nagdaan
parang nawawalan na ng halaga ang "walang hanggan"
Reign Mar 7
Nabubuhay ako sa inggit, nagsasawa na ako sa gantong proseso ng buhay ko. Ayokong mabuhay na puro inggit sa ibang tao, ayoko mabuhay na hindi ko alam paano magpakatotoo, ayoko nang ganto na hindi ko nasasabi yung nais kong sabihin sa buong mundo, pero paano?

Kailangan ko ng tulong, aminado ako. Pero pagtatawanan lang nila ako at kukutyain, sasabihing may sira ako sa ulo at hindi ko na kailangan ng ibang tao para tulungan ang sarili ko. Pagod na akong manahimik ngunit hindi ko pa rin kayang magsalita para sakin, nakakainggit. Nakakainggit yung ibang taong kayang kaya magsalita para sa mga sarili nila, konting isip at pilit sa sarili na magsalita at ilabas ang saloobin nila nagagawa nila.

Kahit anong pilit ko sa sarili kong lumaban at magsalita para sa sarili ko at kahit ilang beses pang sabihin sa'kin ng ibang tao paulit-ulit nang paulit-ulit, hindi ko kaya. Hindi ko kayang tumayo para sa sarili ko ang hina hina ko nakakahiya nagagawa kong tumawa at magsalita ng diretso sa ibang tao gamit ang mga salitang puro walang kwenta at walang kwento pero hindi ko kayang magsalita ng diretso kapag may halo ng katotohanan at kwento.

Gusto kong magkwento, gusto kong magsalita, gusto kong sumigaw, gusto ko ako naman pakinggan ng sarili ko, gusto kong magalit ng todo, gusto kong sumaya kahit papaano.

Gusto kong ikwento sa isang tao o kahit sa buong mundo kung gaano ko gustong magsalita at isigaw yung mga nararamdaman ko. Gusto kong pakinggan ng emosyon ko ang nasa isip ko na tama na ang pagiging duwag tumayo ka at magsalita para sa sarili mo ngunit hindi ko kayang magalit ng todo at hindi ko alam, hindi ko na alam kung kailan ako sasaya kahit papaano.

Naiinggit ako, pero ayoko ng ganito ayokong mainggit sa ibang tao ayoko parang awa niyo na tulungan niyo ako.
President Snow Oct 2016
Hihilingin ko sana na ako nalang uli, Basha
Pero hindi pa ako buo
Hindi ko pa kayang balikan ka at ayusin ka
Hindi ko kayang ayusin ka habang ako ay sira
Hindi ko pa kaya, Basha

Hihilingin ko sana na ako nalang uli
Pero hindi pa ako matatag
Maari ako ay muling mabiyak at mabasag
Ayokong matulad ka sakin Basha
Ayokong malungkot kang muli

Hihilingin ko sana na ako nalang uli
Pero hindi ko pa kayang masaktan pa
Masaktan at madamay ka ay hindi ko nais pa
Hindi ko gustong mawala ka, Basha
Pero hindi ko rin gustong masaktan ka

Hihilingin ko sana na ako nalang uli
Pero nakita ko ang iyong napaka gandang ngiti
Ang dating nakikita ko sa tuwina saki'y nakatangin
Ang ngiting hindi kailanman kayang limutin
Hindi ko kayang makita kang may iba, Basha

Kaya hindi ko hihilingin na sana ako nalang uli
Basha, hihilingin kong ako nalang ang huli
Basha, ako nalang, Ako nalang ang huli
Inspired by One more chance. Popoy and Basha mga bes
CRESTINE CUERPO Aug 2017
Simula noong ako'y bata pa,
Iba ang iyong pagpapahalaga,
Paulit-ulit kong itong nadarama,
Isang pag-aaruga,
Na hindi kayang tumbasan ng anong halaga,

Sa panahon na ako'y nagkakasakit,
Ako'y iyong pinipilit,
Di ba't sinabi **** kailangan kong kumapit?
Manalangin sa Maykapal ng mahigpit,
Sapagkat pag-asa'y hindi niya ipagkakait.

Di mo man sa akin sabihin,
Ito'y aking napapansin,
Di mo man banggitin,
Alam kong ika'y nasasaktan din,
Nahihirapan,
Puso mo'y lumuluha,
Kaya't ang tangi kong dalangin,
"Panginoon ako'y inyo na lamang kunin."
Kung kapalit  naman nito'y pasakit at suliranin,
Di ko kayang makita si Papa na ako'y  nagiging pasanin,
at kanyang babalikatin.

Papa ika'y mahalaga sa akin,
Naalala ko pa ang pagkakataong ako'y nagiging malungkutin,
Niyakap mo ako kaya't ako'y nagiging batang masayahin,
Ang halik mo sa akin,
Kaysarap damhin!
Init ng pagmamahal na hindi kayang sukatin!

Pag-ibig na kahit saan kaya kong dalhin,
Habang buhay kong gugunitain,
Himig ng pagmamahalan natin!

O kaysarap dinggin!
Ang tiwala **** sa akin ay hinabilin,
Bagkus ko itong pagyayamanin,
Hinding-hindi ko ito sasayangin,
Habang buhay ko itong pupurihin,
Hanggang sa ito ay magniningning!

100 na tula alay ko sayo!
Ika'y isa sa magiging pahina nito,
Laman ka ng aking nobela,
Na hindi maipagkakailang-----
Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang!
Ang tulang ito ay para sa magiting kong ama. Napaka mati-ising tao, at handang magsakripisyo para sa pamilya.
Mabuhay ka aking ama! Mahal na mahal kita.
Karl Allen Nov 2015
(On love by Kahlil Gibran ; A Translation)
Kung magkataon na tawagin ka ng pag-ibig, sumunod ka,
Kahit pa ang daan niya'y mahirap at matarik.
At kung yakapin ka ng kanyang mga pakpak ay magpaubaya ka,
Kahit pa ang mga punyal na nakatago sa kanyang mga balahibo ay kaya kang sugatan.
At kung mangusap siya sa iyo ay maniwala ka,
Kahit pa ang kanyang tinig ay kayang durugin ang iyong mga pangarap
Tulad ng pagsira ng hanging habagat sa mga halamanan.

Sapagkat kung paano ka parangalan ng pagibig ay ganoon ka din niya ipapako sa Krus.
‘Pagkat kahit pa siya'y para sa iyong paglago ay ganun din siya para sa iyong pagka-bulok.
Kahit pa pinayayabong ka nito sa iyong pinaka-mataas at hinahaplos ng liwanag nito ang iyong mga sanga,
Ganoon din niya huhugutin ang iyong mga ugat mula sa pagkakabaon nito sa lupa.

Tulad ng mga butil ng mais ay itinatali ka nito sa kanyang sarili.
Binabayo ka niya upang mahubdan
Ginigiling hanggang sa kuminis.
Minamasa hanggang sa lumambot
At ika'y kanyang isasalang sa kanyang banal na apoy, upang ika'y maging banal na alay na ihahain sa banal na pista ng Panginoon.

Ang lahat ng ito'y gagawin ng pagibig upang malaman mo ang mga lihim ng iyong puso, at sa kaalamang iyon ay maging bahagi ng puso ng buhay.

Ngunit kung sa iyong pagkatakot ay hanapin mo lamang ang kapayapaan at kasiyahan ng pagibig,
Ay mabuti pang ika'y magbihis at lumiban sa kanyang giikan,
Sa isang mundong walang kulay kung saan ikaw ay tatawa, ngunit hindi
lahat ng iyong kasiyahan, at iiyak, ngunit hindi lahat ng iyong luha.
Walang ibinibigay ang pagibig kundi ang kanyang sarili at walang tinatanggap kundi ang galing din sa kanya.
Ang pagibig ay hindi nang-aangkin at nagpapa-angkin ;
Sapagkat ang pagibig ay sasapat lamang sa pagibig.

Kapag ika'y umibig hindi mo dapat sabihing, “Ang Diyos ay nasa aking puso,” kung hindi, “Ako ay nasa puso ng Diyos.”
At 'wag **** isipin na kaya **** diktahan ang pagibig, 'pagkat ang pagibig, kung matantong ika'y karapat-dapat, ay ididikta sa iyo ang iyong landas.

Walang kagustuhan ang pagibig kung hindi tuparin ang kanyang sarili.
Ngunit kung ikaw ay umibig at mangailangan, maging ito ang iyong kailanganin:
Ang matunaw at umagos na parang batis na umaawit sa gabi.
Ang malaman ang sakit ng lubos na pagaaruga.
Ang masugatan sa iyong sariling kaalaman ng pagibig;
At masaktan ng kusang-loob at may ligaya.
Ang gumising sa bukang-liwayway ng may pusong kayang lumipad at magbigay pasasalamat sa isang bagong araw ng pagibig;
Ang magpahinga sa tanghali at magnilay sa sarap ng pagibig;
Ang umuwi sa hapon ng puno ng pasasalamat;
At matulog nang may panalangin para sa minamahal sa iyong puso at awit ng papuri sa iyong mga labi.
AUGUST Jan 2019
papano ba mapaparating ang nararamdaman?
kaya ko bang sasabihin saiyo ng harapan?
kung meron lang sana akong lakas ng loob
sa tamang hinala ng maling kutob

bakit sayo lang nagkaganito
sa bituwing tunay na may ganda
bakit sayo, tuluyang nagbago
may paghanga, meron ding pangamba

sinta, di ko sinasadya
may kusa itong paghanga
tadhana ang nagbadya
kaya wala akong magagawa

kung sana kaya kong umilag
kung sana di ako nalalaglag
kung sana kaya kung pumalag
kung sana ang puso di takot mabasag

paano ka ba makikilala
kung di ko kayang lumapit
saan ba to mapupunta
hangarin kailan ba makakamit
marahil masaya na sana ako na aking madinig
matamis na sagot ng malambing **** tinig

ano bang gagawin, di makalapit at di makalalayo
papano kakausapin,kung di masambit ang nais ng puso
sana bigyan ng tapang, ipadama ang pagsuyo
dahil itong naaramdaman di ko kayang isuko

hawakan mo aking mga kamay
dito sa gitna ng yakap humimlay
wag nang malumbay,pangako ko habang buhay
sayo lang iaalay ang pagibig kong tunay

hayaan nating mga mata'y makiusap
sa mga titig **** nakikihiram ng kislap
bakit dito, kung saan ako nakatinag
larawan mo ang bukod tanging lumiliwanag

tulad ka ng rosas sa pula ng labi
tulad ka ng anghel sadyang nakakabighani
sa mahabang buhok, kutis **** malambot, at tamis ng yong ngiti
wala kang katulad, anyong namumukudtangi

nilalang na tulad mo BIYAYA kang mamahalin
sa hamak na tulad ko SUMPA kitang iibigin
oh Nadine, meron pa akong dapat na hiling
kung dinig na ng diyos ang aking panalangin
oh Nadine, bulaklak ka sa hardin
wag mo sanang hayaan ako'y hanggan tingin
na sana'y pakinggan ang aking hinaing
pagkat di ko kayang mabuhay ng wala ka sa akin
Sy Lilang Jun 2014
Tumibok ang puso ko
Hindi dahil sa may hinihinga pa
Ngunit bunsod sa kaba.

Tumayo ako't humakbang
Narating ko ang entablado;
Hindi ko lubos maisip
Na ito na ang pangalawang beses
Na tutuntong ako't haharap sa madla.

Isang pribilehiyo
Salamat sa grasya ng Panginoon.

Panimula ko'y winaksi na sa isipan
Bagkus ang bibig ay kusang niluluwalhati Siya
Maging ang pangwakas ay nakatuon lamang sa Kanya.

Ang buhay ko'y minsang naging sakal
Akala ko noon, kaya kong walang sinasandalan
Ngunit ako'y minsang naupo sa silya-elektrika
At tinawag na nasasakdal.

Isarado natin sa siyam na taon
Ako'y nasa rehas pa ng kadiliman
Na tanging sariling latay ang nasasaksihan
Kilala ko Siya na may lalang sa akin
Ang tingin nga lang ay ambulansya Siya:
Na 'pag kailanga'y, panay hikbi't nanlilimos ng grasya
Ngunit 'pag ayos ang lahat,
Iniiwan ang sarili't umiindayog sa dilim.

Sa siyam na taon
Ako'y binahiran ng itim na blusa
Akala ko'y hindi ko na matatakasan ang rehas;
Ang sekswal na kasalanang bumalot sa pagkatao
At naging mitsa nang paghinto ng nararapat na pagpapala.

Ngunit ang lahat pala'y kayang limutin ng Ama
At ang maling relasyo'y kinitil sa tamang panahon
Na ang pag-ibig ay magkaroon ng katuturan
At doon nalaman na 'pag para sa kapwa'y
Sunod lamang sa mas rurok
Ng saktong timpla ng pagmamahal.

Umaagos ang luha ko nang walang nakakakita
Ang puso'y hinihele ng Kanyang mga anghel
At ang Kanyang sakripisyo'y tagos sa kamoogan.

Hindi ko lubos na maintindihan noon ang pag-ibig Niya
Na kayang akayin ang buo kong pagkatao
At buburahin ang kamalian ng nakaraan
At maging ng ngayon at ng bukas.

Hindi ko alam kung saan paparoon
Kaya't pilit kong sinuot ang maling maskara noon
Ang puso'y mali rin ang naging direksyon
Maling galaw at mali ang naging layon.

Ibinaling ko ang lahat sa sariling persona
Nag-aral nang mabuti't hindi nalulong sa anumang droga
Maraming organisasyon ang kinabilangan
Sa pag-aakalang matatakpan ang bawat butas
At masisilayan lamang ang magandang antas ng sarili.

Sa madaling salita, binuo ko ang sarili kong pagkatao
At nalimot at nakaligtaan na may nag-iisa lamang na Manghuhulma
Ngunit salamat at naarok ko ang tamang landas
Na ang minsang batong sinantabi't itinapon
Ang siyang tutuwid sa baku-bako kong daan.

Hindi pala ako magiging masaya
Kung ang sentro ko'y ang aking sarili
At nang ako'y palayain Niya,
Masasabi kong ganap na ang aking pagkatao
Na nakilala ko ang sarili --
Kung sino ako't kung para kanino.

Wala na akong mahihiling pa
Mahirap man sa sansinukob na ito'y
Patuloy pa ring maghihitay sa Kanyang pagbabalik.

Hindi ko kinalilimutan ang mundo
Ang labindalawang disipolo na Kanyang regalo sa akin
Ang kanilang mga buhay na tangan ko hanggang sa huli
At hindi sapat na sumuko lamang
Hindi ko kaya, ngunit kaya Niya.

Ang pag-ibig ko sa pamilya ko'y hindi maaawat
May mga tanong sa isipan ngunit hindi ko ito ginising
Hindi ko abot ang Kanyang kaalaman
Kaya't inilapag at inihain na lamang sa Kanyang paanan.

Muli, hindi ko kayang mag-isa --
Mag-isang nag-aarok ng pansamantalang tagumpay
Ngunit ang paniniwalang may pag-asa pa
Ay patuloy ang pag-usbong gaya ng mga malalagong dahon;
Ang bawat kaluskos ay maririnig ng Ama
At ang pugad na kinatitirikan ko ngayo'y
Haplos ng Kanyang banal na mga kamay.

(6/28/14 @xirlleelang)
Sy Lilang Jan 2017
011717 #SpokenWords

Sabi ko noon, hindi na ako magsusulat pa -- na hindi na ako mag-aalay ng tula para sayo. Na ang huling piyesa ng tula ay ipinalipas ko na rin noong isang taon, ipinatikom sa dagat na bumubura ng bawat larawang binigkis sa buhanginan -- noong isang taong napagmasdan ko ang pagbagsak ng bawat dahon ng alaalang dinumog at pinunit ng hangin.

Akala ko yun na ang huli, nang bigkasin ko sa mismong harapan mo ang bawat malayang mga tugmang naikatha buhat sa lalim ng sugat nang palihim na pag-ibig -- ngunit walang lihim na hindi nabubunyag kaya marapat na rin sigurong mailathala ang damdamin sa bawat dahong muling pausbong bagamat hindi ko pa rin alam kung aabutan ba ito ng taglagas.

Akala ko yun na ang huling pakikipagtagisan ko sa bawat salitang may mensahe ng pagbitaw. Akala ko kakayanin kong bumitaw agad, bumitaw nang kusa at tuluyan nang maihihimlay ang bawat tula sa mismong pinagtuyuan ng bawat dahong bumabagsak.

Ilang beses na kitang ipinaubaya sa Kanya pero paulit-ulit kang bumabalik -- ni hindi ko alam kung dapat bang sisihin ko ang tadhana o talagang kailangang kong tanggaping parte ito ng pagpapasakop at pagpapaayos ko sa Kanya. Paulit-ulit kitang kinatatagpo sa panaginip na halos magtaka ako kung bakit.

Napuno ng listahan ng ngalan mo ang mga petsa sa kalendaryo kung ilang beses kang naging bisita sa aking pagtulog at paghimbing. Hindi naman ako kumakatok sa aking unan at kumot para masilayan ka -- masilayan kung posible bang maharap kita at hindi na ako urong-sulong pa.

Paulit-ulit tayong ipinagtatagpo kung saan una tayong nagkita at nagbitaw ng mga pangakong uunahin natin Siya at doon din natapos ang bawat panimulang may matatamis at mabubulaklak na pagsasalarawan ng mga salitang "kung tayo'y tayo talaga." Pero paulit-ulit kitang hindi ipinagkakait sa Kanya kasi alam kong para sa Kanya ka naman at hindi ako ang makapagsasabing ang bukas ay laan para sa atin ng may iisang pintuan.

Hindi ko maaaring ilibing nang buhay ang bawat alaalang naging parte ng kung sino ako ngayon, mga nakaraang sabi nila'y dapat daw ay daanan ko lang at wag pagtambayan. At kung hihimayin ko ang bawat yugto, hindi ko alam kung kaya bang paluputan ang mga ito ng metaporang pampalasa sa bawat linya ng tula.

Hindi ko alam kung magkakasya ito sa puso **** ni minsa'y hindi mo nagawang pagbuksan. Inilatag ko na sa Kanya ang lahat kasama ang pagpapatawad ko sayo, kasama ang bawat panalangin ko para sa ikatataas Niya sa buhay mo -- mga panalanging para sa ikatatag ng pananampalataya mo, para sa ikalalalim ng relasyon at pundasyon mo sa Kanya.

At hindi, hindi ko lubos maisip na ganito ang paraan Niya para sa paghilom ko -- na mismong pinagtatagpi-tagpi niya ang bawat tauhan sa paligid ko para lang maharap kita.

Ilang beses akong umiwas na may sumbong sa kalangitan na sana nga dumating na ang panahon -- yung panahon na kaya ko na at kaya mo na rin. Nag-iwasan tayo na waring naglalaro ng Patintero at nakakapagod nga -- nakakapagod makipaglaro kasi hindi naman natin ninais na makipaghabulan sa wala na.

Pinili kong bitiwan ka pero hindi ko binitiwan ang paghihintay ko sayo -- naghihintay akong marinig lang mula sayo na ayos ka lang.

At oo, ayokong nakawin ang mga oras at sandali na laan para sa paglago mo sa Kanya. Noon pa man, yun na rin ang tanging dasal ko sa Kanya. At kahit sa pagbitaw natin nang paulit-ulit, mas minamahal ko Siya. Oo, mas matimbang ang pag-ibig Niya para sating dalawa kaya nga't mas mainam na mag-ipon na lamang hindi ng mga pangamba, bagkus ng mga panalanging kalugud-lugod sa Kanya pagkat iisa lang ang ating Ama.

At kahit pa, kahit pa hindi ko masuri sa aking sarili kung ito na ang huling piyesa, hindi pa rin ako bibitaw sa pagsusulat. Maubusan man ng pagdanak ng tinta ng aking pluma'y patuloy akong makapagsusulat.

At hindi matatapos ang mga tula na may ganitong pangwakas. Hindi ko rin alam kung kailan ito madudugtungan at kung dapat bang ihanay ko na sa ibang istilo ang bawat katha.

Gayunpaman, ang bawat tinta ng bawat kataga'y iisa lang ang diin -- isang mensaheng hindi ko kayang sambitin, hindi kayang sambitin nang harapan kaya't katulad ni Rizal, mas nanaisin kong ganito ang maging istilo ng mapagdamdaming paghihimagsik. Isang mensaheng hindi ko kayang bigyang pamagat at mananatiling isang alamat --- alamat na hindi ko wari kung makakarating ba sayo o hindi.
Sasarhan ko na ang plumang may umaapaw na pagbulong ng lahat, pagkat ngayon: ikaw naman sana ang magsulat. Ngayon, ikaw naman sana ang magbigay ng pamagat -- isang pamagat kung may "tayo" pa nga ba sa huling mga linya o tutuldukan na lang ba natin ito at lilikha ng panibagong kabanata.
HYA Dec 2017
Tayo'y pinagtagpo lang pala
At hindi itinadhana para sa isa't-isa
Tayong dalawa ay patuloy na umaasa
Ngunit ngayon, kailangan ko ng lumayo. Pasensya.

Sabi mo, gusto mo ako
Aking puso't isip ay nagtatalo
Kung maniniwala ba sa sinabi mo
Dahil baka ikaw lamang ay nalilito

Nalilito sapagkat ako lang naman ang kasama mo sa lungkot
Nagbabalewala sa utot **** kay bantot
Nagpapasaya sayo kapag hindi mo kayang tumawa
Sumasagip sayo kapag ika'y naaaberya

Yung totoo, gusto mo ba talaga ako?
Tandaan, ang gusto at kailangan ay hindi magkapareho
Huwag **** pilitin kung hindi naman kaya
Tanggap ko na noon pa,  huwag kang mag-alala

Kaya mahal, ako na ang lalayo
Subalit bago iyan, iiwanan kita ng isang payo
Minsan,  kailangan mo ring sundin ang iyong puso
Dahil kapag utak lang lahat, ito'y maglalaho

Sana maging masaya ka sa kanya
Alam mo kung sino tinutukoy ko,  bwesit ka
Simula't sapul, diba siya naman talaga?
Brad,  matalino ako, hindi tanga

Sige na. Pinapalaya na kita
Kahit anuman ang mangyari, may tagasalba ka
Huwag ka ngang duwag,  ano ba?
Huwag kasing ipagpilitan sakin ang sarili kung gusto mo pa siya.

Lalayo na ako ha?
Lalayo na ako bago kita malayo sa kanya
Paalam, aking sinisinta
Heeey awis
Glen Castillo Jul 2018
Zet
Ang iyong mga mata’y lagusan ng liwayway
Sa kulimlim na bagtasin ng aba kong buhay
At ang iyong labi na sintingkad ng rosas
Ay ang tanghali ko sa mga gabing ayaw mag wakas

Ang durado **** buhok ay ang gintuang palay
Sa kaparangan ng puso kong hindi mapalagay
Ang ngiti mo ay binhi ng halaman sa kalangitan
Na sumisibol unti-unti sa mundo kong ‘di  na nadidiligan

Sa piling mo sana ang pinapangarap kong daigdig
Ituturing kong alapaap ang mahimlay ka sa aking bisig
Ngunit tulad din ng mga kwentong itinago ng kasaysayan
Maaaring ikaw at ako,
Ay kwentong ako na lang ang makaka-alam

Mapaglarong tadhana ay dito ako inilagay
Sa digmaang hindi ko kayang magtagumpay
Sa tunggaliang ang kalaban ko’y ako
Sa pag-ibig na hindi ko maipag tapat sa'yo

Palihim kitang sinusuyo
Kaya’t palihim din akong nabibigo
Patago akong lumalaban
Kaya’t patago din akong nasasaktan


Kung iadya man ng panahon na dito ka maligaw
Sa tulang habang panahon na ang laman ay laging ikaw
Ito pa rin ang mga sandaling ako'y alipin mo
Ito pa rin ang mga sandaling hawak mo ang aking mundo




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Ito ang ating kwento,ang kwentong ako lang ang nakaka-alam.
Sy Lilang Feb 2017
020917

Heto, magsisimula na naman ako sa dulo
Sa dulo kung saan ako mismo ang nagbigay katapusan
Nagbigay katapusan sa sanang "tayo."

Ako naman yung bumitaw
Sa akin naman nanggaling yung mga katagang
"Wag muna, huminto muna tayo."

Pero gaya ng ulan, di ko kayang pahintuin ang lahat
Gaya ng buhangin sa tabing-dagat,
Di ko kayang buohing muli ang sanang "tayo"
Kung ito'y gumuho na sa mismong mga kamay ko.

Parang mas di ko ata kaya --
Di ko kayang wala ka
Di ko kayang mag-isa
Na alam ko namang isa ka sa kalakasan ko.

Gusto kong ibaon ang sarili ko sa buhanginan
Sa buhanginan at magpatangay sa tubig ng dagat
At baka sakaling makabuo tayo ng "tayo"
Baka sakaling maging matatag ang "tayo"
Baka sakaling hindi na tayo sumuko sa isa't isa.

Paulit-ulit kong iniisip kung ba't ko nasambit ang lahat
Akala ko, namanhid ako sayo
Pero yung totoo, di ko man lang masabi sayo
Di ko masabi sayong ayokong bitiwan ka
Na ayokong pakawalan ka.

Gusto kong ihagis ang sarili ko sa dagat
At magpalunod hanggang sa sagipin mo ako
At buhatin mo ako sa pampang
At saka mo muling sabihing di mo ko iiwan
At saka mo sabihing mahal mo pa rin ako.

Gusto kong maggising sa mga bisig mo
Masilayan ka, makita ka, mayakap ka
Kasi di ko alam kung kaya ko pa
Kung kaya ko pang mawala ka ulit.

Pasensya kung nasasaktan kita
Kung nanghihina ako kapag wala ka
Na lagi ko sayong ibinubuhos ang bawat daing ko
Na halos manghina ka na rin dahil sakin.

Pasensya kasi sobrang mahal kita
Na sa halos tatlong taon,
Hindi kita binitawan
Pero ngayon, nagtataka ako
Nagtataka ako sa sarili ko
Ba't ba kita pinakawalan?
Ba't ba hinayaan kong maglaho na lang ang lahat?
Ba't ba pinahihirapan ko pa ang sarili ko?
Ba't ba di ko masabi sayong kailangan kita?

Oo, kailangan kita at oo, mahal kita
Hindi naman ako nagbibiro
At wala sa bukabularyo kong iwan ka at paasahin ka lang.

Di ko mabilang kung ilang beses kong hindi nasalo ang bawat luha
Ang bawat luha sa mga mata kong parang pawis
Parang pawis na dumidilig sa tigang na lupa
Hanggang sa masaksihan kong iba na ang ruta ko --
Na tila ba ang layo mo na
Na tila ba ang layo ko na sayo.

Siguro nga, natuto ka kaagad
Natuto ka kaagad na bitiwan ako
At sobrang sakit
Eh akala ko namanhid na talaga ako sayo
Pero alam mo, ngayong wala ka na
Ngayong wala ka na sa mga kamay ko
Parang mas di ko na kaya.

Ewan ko, basta
Basta lang --
Sana bumalik ka na
Balikan mo naman ako.
Random Guy Oct 2019
Ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

High school.

Magkaibigan tayo noon.
Nagsasabihan ng problema, umiiyak sa isa't isa.
Kabisado mo ako, at kabisado na rin kita.
Tantya ko ang birong magpapatawa sayo at tantya ko rin naman ang tamang kiliti upang mawala ang galit mo.

Nakahanap tayo sa isa't isa ng kanlungan at hingahan sa nakakasulasok na mundo.

Lumapit at patuloy pang napalapit ang loob ko sa'yo, at ikaw sa akin. Hindi ko na rin namalayan na mahal na pala kita. Taguan ng nararamdaman ang nilaro natin ng ilang buwan. Totoo, laking gulat ko rin sa sarili ko kung paano ako nahulog sa'yo. Dahil ang katulad mo ay isang dyosa na hindi ko dapat lapitan, hagkan, o kahit hawakan man lang. Hanggang ang simpleng tingin ay naging mga titig, mga haplos lang dapat sa kamay ay naging mga kapit, at magkatabi lamang ngunit iba ang dikit.

Napuno ang puso ko ng pagmamahal at umabot na ito sa pagsabog. Naglahad ng nararamdaman, nagbabakasakaling pareho ang 'yong nadarama.

Pero mas laking gulat ko nang sabihin **** mahal mo rin ako. At isa 'yon sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Simula noon ay araw araw nang hawak ang iyong kamay, inaamoy ang iyong buhok, nagpapalitan ng mga mensahe, kinakantahan; ginagawa ang lahat upang mapakita lang sayo.. na mahal kita. Pero higit sa mga pinakita natin sa isa't isa ay mas tumimbang ang mga hindi natin pinakita ngunit pinadama.

Hawak ko ang buwan at ang mga bituin kapag kasama kita ngunit bakit ba kapag tayo'y masaya ay talagang lungkot ang susunod.

Nalaman ng mga magulang mo kung ano ang meron tayo. Hindi ko noon inasahan na ang mga susunod na mga linggo at buwan ay ang pinaka madilim na parte ng buhay ko. Dahil ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

Papasok ka sa eskwela ng mapula ang mata at may pasa sa braso. Ngunit ang mas pumapatay sa akin ay ang ngiti sa labi mo. Mga ngiting hindi ko masabing peke dahil totoo. Dahil ba masaya kang makita ako kahit na ang sakit na nararamdaman mo ay dahil sa pagmamahal ko? Hindi nanlamig ang pagmamahal natin dahil sa kung ano mang ginawa natin sa loob ng relasyon. Kundi ang lamig ng pataw ng galit ng mas nakatatanda sa atin. At ang mas masakit ay hindi pa natin kayang lumaban.

Ang hindi mo alam ay walang lumipas na araw na hindi rin ako umiyak sa harap ng ating mga kaibigan, sa harap ng salamin, sa harap ng isang ****, sa harap ng mga matang nangungusap at ang sabi ay...

"may isang pagmamahalan na naman ang namatay."

Pinatay sa gitna ng saya, pinatay sa gitna ng ligaya, pinatay sa gitna ng magandang paglago.

Pinatay tayo ng tadhana. Pinatay tayo ng mga taong walang tiwala. Pinatay tayo ng mga taong ang  tingin sa atin ay mga isip-bata. Oo, tayo'y mga bata pa noon ngunit alam ko, alam ko na ang pag-ibig na 'yon ay totoo.

Nagsimula ka ng hindi pumasok sa eskwela. At kung ilang oras kitang hindi nakita sa iyong upuan ay ganon ding haba ng oras ng aking pagiyak sa likod ng silid. Sinisisi ang sarili sa kung bakit ganito at bakit ganyan. Bakit ganito ang tadhana? Bakit ganyan ang pag-ibig? At makikita nila sa mga luha ko na lumuluha na rin ito dahil sa patuloy na pagpatak, bagsak sa kahoy na upuan. At mas lalong bumabagsak ang luha ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Sinasaktan ka ba? Umiiyak ka rin ba? Mahal mo pa ba ako? Kung pwede lang hugasan ng luha ang mga tanong ay kakayanin, dahil sa dami ay kayang anurin ang mga ito.

Ilang linggo pa ay hindi na tayo nakapag usap, pumapasok ka ngunit ang kaya lang nating gawin ay maghawak ng kamay. Dahil kalakip ng mga salita ay patak ng luha. Kaya tinakpan natin lahat ng ito ng hawak sa kamay, patong ng ulo sa balikat, yakap. At hindi ko inasahan na huli na pala 'yon. Dahil tapos na ang taong 2011-2012 ng eskwela. At hindi na kita nakita; ni anino, ni bagong larawan mo, sa loob ng maraming taon.

Ang meron lang ako ay ang manila paper na binigay mo sa kaibigan natin para ibigay sa akin. Na nagpaisip sa akin na sana, sana man lang ay nakita kita bago mo inabot ang pinaka mahabang mensahe na nabasa ko, mula sa pagiibigang pinilit na pinapatay.

Pagkatapos ng mga tagpong iyon, nalaman kong lilipat ka na ng eskwela sa susunod na taon. At parang 'yon na ang nagpa manhid sa pusong meron ako noon. O kung meron pa ba ako non noon. Dahil sa ilang linggo at buwan ng pinaka madilim na parte ng buhay ko ay unti-unti na pala itong nabasag, nawala, at nadurog.

Ilang taon rin bago ito nabuo o nabuo nga ba talaga ito. Ilang taon din akong nagmahal ng walang puso, dahil utak ang ginamit ko. Doon ko nasabi na ang pagmamahal ko sayo ay ang unang pagmamahal ko sa una kong puso.

Ilang taon akong nagpagaling, nakahanap ng kanlungan sa iba, kasayahan, kakumpletuhan, kabuuan.

Sa likod ng aking isip ang tanong na, "Nasaan na kaya s'ya?"

Hindi naaalis sa mga inuman ng barkada ang mga tanong na, "Saan na s'ya? Nakita mo na ba 'yon ulit?" Alam kong ramdam din nila, na kahit ano ang isagot ko ay may marka 'yon sa puso ko.

"Nakita ko s'ya sa Fatima ah."

"Nakakasalubong ko 'yon ah."

At kahit ilan pang pahapyaw ng mga tropa ang magpaalala ng ikaw ay may sakit pa rin. Kahit hindi ko ipakita, ramdam.

Walong taon.

Walong taon ang lumipas ng muli tayong magusap.
Kamusta?
Maayos naman,
Ikaw?
Okay lang din.

At para bang binalot muli ang puso ko ng muling pagkawasak mula noong umpisa.

At tila ba hindi pa pala natapos ang istorya natin sa nakalipas na walong taon, hindi pa pala namatay ang 2012 na bersyon ng mga sarili natin.

Nagusap tayo. Pero 'yon pala ang mali natin. Na kaya pala hindi na tayo nagusap hanggang sa mga huling sandali ng pagkikita natin ay alam nating ang mga salita ay katumbas ng luha, at ang mga salita ay katumbas ng sakit, at ang mga salita ay katumbas ng muling pagwawakas.

Apat na libo tatlong daan at walumput tatlong milya ang layo natin sa isa't isa. Muli, ang parte ng kwentong ito ay nabuo na naman sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

At ang pinaka masakit sa lahat at ang punit sa kwento nating dalawa ay meron na akong iba. Dahil alam kong hindi kita nahintay, at sana malaman **** hindi ka rin naman nagparamdam. Ang kwento nating dalawa ay masyadong naging komplikado dahil sa iba't ibang kamalian ng sitwasyon at pagkakataon.

At alam kong sa pagkakataon na ito ay hindi na dapat natin ito sisihin, dahil ang kamalian ay nasa atin nang dalawa. Kung paanong naging sobrang huli na pala, o sobrang aga pa pala.

Ang kwento nating dalawa ay maaaring dito na matatapos ngunit ayoko naman ding magsalita ng tapos, kagaya ng nangyari matapos ang walong taon, biglang nabuksan ang kwento. At hindi ko alam kung ilang taon ulit, o talagang tapos na.

Pero kagaya nga ng sabi mo, ito ang ang paborito **** kwento sa lahat, at oo, ako rin. Ang kwentong ito ay magsasalin salin pa sa inuman, sa kwentuhan, sa simpleng halinghingan, kwentong bayan; na may isang lalaki at babae na nagmahalan kahit pa pinilit itong patayin at makipag patayan. Isang kwentong puno ng kawasakan, at patuloy na pinaglaruan ng tadhana. Tapos na nga ba ang pahina? Muli, kagaya ng nakalipas na walong taon, ang sagot ay oo. Ngunit ang kwento ay buhay pa, at patuloy na mabubuhay pa sa puso ko.
giggletoes
Sy Lilang May 2016
050916

Minulat tayong may sukli ng kasaysayan,
Saksi sa matinding gisahan ng rekado sa Tahanan.
Pangako'y iniukit ng mga Anak na payak
Nagbabasagan ng plato, nagtitilamsikang tubig,
Pagbili ng lakas ng loob
at talas ng dila sa Pulitikang Tindahan;
Luha't dangal, pawang huling hain
Ng Ama't Ina ng Lipunan.

Nakakangalay makisabay sa uso
Kung nawalay pati ang yupi-yuping puso.
Hindi tayo nagpaampon sa Lipunang mapanukso,
Yakap ang Langit, uhaw lamang sa pagbabago!

Sumisigaw ang damdaming nilusaw ang galit,
Ang pait ng kahapong sinabuyan ng panlalait.
Minsan, sobra ang demokrasya kaya't may kapalit.
Kaya't minsa'y susulong bagkus panay ang subalit.

Hindi natin kayang palayasin ang Ama't Ina,
Kung ngayon pa lang, may mga multong rebelde na.
Hindi natin kayang itaboy ang kamay ng Hari ng mga Isla,
Pagkat tayo'y ibinigkis, iba't iba man ang pananampalataya.
At higit pa sa pulso ng Bayan ang nagluklok sa kanila.
Mainam na ngang masaktan sa una,
Kung saan dunong at talino'y maituon sa pagpapakumbaba.
Masakit sa loob kapag tinatama ka,
At bawat palo't kusang pagdidisiplina.

Kung hindi susundin silang Ama't Ina,
Kung hindi magpapasakop sa babaguhing sistema,
Kung hindi huhubarin ang estadong may ibang klima,
Hinding-hindi bubuhos ang pagpapala.

Umaasa tayo pagkat di natin kayang mag-isa,
Sandigan nati'y hindi na Pulitikang Balisa,
Sana'y pag-iisip ay mabago ng Amang may grasya,
At tayo'y maging bahagi ng paghilom ng bansa.
Lynne Pingoy Aug 2015
Sa loob ng sampung buwan
marami mang pagsubok ang pinagdaanan
nguni wala pa ring atrasan
marami na rin ang pinagsamahan
at naging magkakaibigan.

Isang grupo ng kabataan,
na nagkaroon ng isang magangdang samahan.
Kahit anong pagsubok ay hindi nila inaatrasan, kaya:
kaya nila itong pagtagumpayan.

Isang grupo ng kabataan
na kung minsan ay may alitan
pero ilang sandali, ito ay kanilang kinakalimutan
at tuloy na ulit ang kasiyahan.

Sa kabila ng lahat ng ito ay may nakaagapay
isang **** ang na aming tagapatnubay
na maaaring maging inspirasyon namin sa aming tagumpay.
**** na yata sa habambuhay; motto nya siguro sa buhay.

Bb. Maritess Palac ang kanyang pangalan.
Kahit kailan ay hindi mo malilimutan.
Salamat sa iyo aming ****, na tumayo bilang ikalawang ina sa aming mga estudyante mo.
Salamat po sa inyo mahal naming ****.

Salamat mo sa iyo mahal naming ****, ng dahil sa inyo kami ay natuto.
Kaalaman na galing sa aming magulang, kasama ang kaalamang mula sa inyo.
Ay hindi kayang tumabasan ng anmang ginto.
Salamat sa Diyos kami ay nagkaroon ng isang gurong katulad niyo.
For Ms. Bb. Palac :D tagal na ng tula na ito :D
III-Beryllium
sa pagtanda ko, nais kong ikaw ang kasama
sa pagtanda mo, nais na ika'y alagaan ko
sa pagtanda ko, nais kang pagmasdan
sa pagtanda mo, kamay ko'y iyong tangan

kung maari lamang bumalik, sa panahon na ika'y nilisan
kung maari lang sumilip, sa panahong ika'y iniwan
ngunit panahon ay lumipas na, na sadyang kay bilis
at sa buhay ng isa't isa, tayo'y nga nakaalis

subukan ko kayang tumalikod mula sa hinaharap?
subukan ko kayang mukha mo ay mahanap
subukan ko kayang lumakad pabalik
sa huling pagkakataon na siniil ng halik

palad mo ba'y bubuksan pa upang hawakan aking kamay?
dibdib mo ba'y bakante at maaari pa bang sumanday?
maaari pa kayang mangarap ng muli?
Kahit nawala at lumisan ng sandali?
Marlo Cabrera Nov 2015
Para sa Gobyerno:

Walang halaga ng pintura
Ang kayang takpan
Ng kalagayan ng inang bayan.

Walang halaga ng tamis ng mga pangako mo ang kayang
Magpakalimot ng mga
Kalapastanganan na ginawa mo sa kaniya.

Para ka lang isang puta,
Na Nag nagsabi akoy iyong mahal,
Pero pag gising sa umaga
Wala ka na.

Iniwan mo lang akong
Umaasa na tayo'y
Magkakaroon ng magandang kinabukasan.

Pero wala.

Akoy' niloko mo lang,
At pinagpalit sa iyong kabit,
Ang pera.

Ikay' walang ginawa
Kung hindi gahasain
Ang walang laban na
Bansa.

Siya ay Ibinugaw mo sa iyong mga kaibigan,
Kapalit ang kakaonting piraso ng pilak para makamit ang
Panandaliang kapayapaan.

Siya ay hinalikan mo sa pisngi,
Sabay tinraydor ng tulad ng nangyari kay Cristo.

Parang awa mo na.
Umayos ka na.


Para sa kabataan*:

Ilang
Rizal, Bonifacio, Luna,
Ang kelangan isakripisyo
Para lang
Magising ka
Sa masakit na katotohanan?

Ilang rebolusyon pa ang kelangan
Mangyari
Para ikay tumayo
Sa iyong trono
At gumawa ng pagbabago

Ilang buhay pa ba
Ang kailangan ialay
Upang ikay
Maistorbo sa  
Pagdudot ng iyong telepono.

Parati mo nalang sinasabi,
Na wala ng pag-asa,
At kahit anong gawin natin,
Hinding hindi na kailan mag babago ang lugar na to'

Ikaw pa ang may ganang mag reklamo,
Tungkol sa mga perwisyo
Na naidudulot sayo,
Ng mga opisyal,
Na nakaluklok sa puwesto.

Maawa ka naman sa kaniya,
Nanglilimos siya ng pag mamahal
sa sarili niyang
lupa*.

Kaya may tanong ako sayo,
Sa inyo.


Ayaw mo ang nakikita mo?
Edi, baguhin mo.
A poem written for AComm's Vocal Youth. My thoughts about the government and the youth.
The Philippines have been personified as an abused wife and the government as an abusive partner.
Euphoria Jan 2017
Hindi ikaw ang aking mundo.
Ikaw ay parte lamang ng aking kwento.

Hindi ikaw ang kalawakan.
Ikaw, tayo, kahit pagkakaibigan ay may hangganan.

Hindi ikaw ang buwan
Na nagbibigay liwanag sa aking karimlan

Hindi ako isang puno
Na aasa, mananatili, at maghihintay na mapansin mo.

Ang mga sugat na dulot ng ating mga sala
Ay hindi maghihilom basta- basta

...

Kaya ako na  ang hihinto, lalayo,
Ang magsasara ng pinto.
Ako na ang susunog ng tulay,
Ang puputol ng nag-uugnay.

Ako na ang bibitaw
Sa pagkakaibigang nasira ng pagmamahal na nag-uumapaw,
Ng bugso ng damdamin,
Ng tukso at mga tinagong saloobin.

Hindi naman maayos
Ang hindi sinusubukang i-ayos.

Kaya tama na nga siguro
Ito na ang dulo ng kayang tanggapin ng puso ko.

Paalam na sa mga tanong na kailanma'y hindi na masasagot,
Sa puso kong puno ng takot
Sa paglisan at pagbitaw
Hanggang sa ikaw na mismo ang umayaw.

Paalam na sa mga pangakong napako,
Sa mga katagang "walang magbabago",
Sa mga salitang binitawan
Ngunit hindi mo napanindigan.

Paalam na sa titulong "matalik na magkaibigan."

Paalam na sa lumabong pagkakaibigan,
Sa mga hinanakit at hindi pagkakaintindihan.

Paalam na sa sakit at pait
Na dala ng pag-ibig na hindi maaaring ipilit.

Paalam na sa labing-apat na taon.
Masasakit na alaala'y aking ibabaon.
Iiwan ka na sa nakaraan.
Papalayain ang sarili sa gapos ng nagdaan.

Sa pagiging estranghero nagsimula,
Estranghero rin akong lilisan.*
Ito na ang huli kong paalam.

-41-
This is the last poem I'll write for you for we will never have our goodbye. We were connected in a level unknown to us. We understood without words. Thanks for the memories.
w Oct 2017
80
Minsan kahit anong ingat mo na hindi matisod at magalusan
Darating ka sa puntong babasagin ka ng mundo
Hindi mo man malugod na matanggap
Kalaunan magpapasalamat ka nalang sa pagkabasag
Sa pira-pirasong sariling kelangang pagtyagaang pulutin para mabuo ulit
May mga parteng hindi mo na mahahanap dahil hindi mo na makita
Iba na kasi ang hugis
Hindi ka na tulad ng dati
Paniguradong iiyakan mo ang pagkamatay ng sarili **** may makulay na pananaw sa mundong akala mo'y hindi ka kayang saktan
Na tila ba'y nakatira ka sa isang palasyong may masugid na taga-silbi
At may isang magiting na prinsipe o prinsesang kukumpleto sa kwento mo
Sino ba naman ang hindi tatangis kung ang ganitong pangarap ay mawawasak lamang sa isang pitik ng mapanlinlang na pagkakataon o ng isang maling sirkumstansya?
May iyak na pisikal
May iyak na hindi kayang ihayag ng luha
Isang tapang na paimbabaw
Pero sa totoo lang, isang kaduwagan
Kailangan **** ilabas yan
Isigaw mo kung kinakailangan
Maglupasay kang parang bata
Suntukin mo ang unan
Magtapon ka
Magbasag ka ng pinggan
Ilabas mo
Ubusin mo ang lakas mo hanggang ang tanging kaya mo na lang ay umiyak
Hanggang ang kaya mo na lang ay ang isang tahimik na pag-iyak
Ang pisikal na pagkapagod ang tutulong sayo na magpahinga ng panandalian
Ipikit ang pagal na isip
Kailangan mo ng katahimikan o ng karamay na may nakatikom na bibig
Hindi gagana ang mga pinakamatamis na salita sapagkat manhid ka
Bagkus, kailangan mo ng kamay na mag-aampat ng umaalwak na dugo mula sa pagkabasag
Banayad na haplos ng pagpapayapa na ang sakit ay lilipas din ngunit sa totoo lang, matagal pa
Malayo pa ang tatahakin mo upang makaalpas ka sa sitwasyong ito Ngunit kailangan **** maniwala at dayain ang sarili
Para makaligtas sa delubyo ng kalungkutang may kakayahang pumatay ng paunti-unti kung hahayaan mo lang
Sa huli, pagkatapos **** malampasan ang mga sandamakmak na sagabal
Ang mga dating sugat ay magiging pilat at kalimitan ay nagiging kalyo na lamang
Mas titibay ang sikmura **** magtiis at mas tataas ang sukatan mo ng tapang
Magtataka ka kung bakit ang mga bagay na dati **** ihinihikbi ay mawawalan na ng epekto sayo
Hindi ka naman naging manhid, naging mas matatag ka lang sa pagkabasag na iyon
Hindi ka magiging ganap kung hindi mo ito mararanasan
Ang katotohanan ay walang taong hindi nabasag ng mundo Dalawa nga lang ang hantungan niyan
Ang mabasag ka't itapon o ang mabasag ka't buuin muli?
Kae Dee May 2015
I
Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga
Isang araw, naisip na naman kita
Isang araw **** ginulo ang isipan ko
Isang araw, binalik-balikan ang masasakit na alaala mo
dahil
Isang araw, biglang iniwan mo ako

Iniwan mo ako... at mula noon
Ilang araw akong wala sa sarili
Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka lumisan
at kung bakit ako'y hindi mo pinili
Ilang araw na nagbabakasakali
na ako'y iyong babalikan
Ilang araw na patuloy na umaasa
sa mga pangako **** napako sa kawalan

Isang tanong na gumugulo sa aking isipan
Isang tanong na hindi masagot nino man
Isang tanong na hindi ko makalimutan
Isang tanong na wala naman talagang kasagutan
Isang tanong, "Mahal, bakit mo ako iniwan?"

Hindi lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan
Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan
Hindi pinapansin kapag nasisilayan
Ang trato'y parang estranghero lang sa daan

Bakit parang ako lang ang nasasaktan?
Bakit parang ako lang ang nahihirapan?
Bakit parang ako lang nagmamahal?
Bakit ako lang? Bakit?

Nang iwan mo ako, nawala ang tayo
Nang iwan mo ako, ang natira na lang ay ako
Mali pala, kasi pati ako ay nawala noong nawala ka
Nawala ang dating ako  na kayang mabuhay noong mga panahong wala ka pa

Pagod na pagod na ako sa lahat ng sakit
Pucha, hindi mawala-wala kahit anong pilit
Ilang bote ng alak ang natumba at
Ilang stick ng yosi na ang naupos
Pero ang pagmamahal ko para sa'yo
Mahal
Hindi pa rin nauubos
s u l l y Mar 2017
Sawakas! Nahanap na kita.
Ikaw na kaya akong pasayahin sa tuwing ako'y nalulungkot,
Ikaw na kayang tiisin ako,
Ikaw na dahilan ng pag ngiti ko araw-araw,
Ikaw na hindi ko kayang mawala,
Ikaw na minahal ko ng sobra,
Ikaw na mahal ko,

Kumulubot man ang aking mga balat, kamay mo pa rin ang kahawak kamay hanggang sa huli,
Pumuti man ang aking mga buhok, ikaw pa rin ang kasama sa pag tanda,
Manghina man ang aking tenga, papakinggan ko pa rin ang boses **** tila himig ng isang alpa na kay sarap pakinggan,

Sabi nila kung nahanap mo na raw ang taong para sayo, babaliktad ang sikmura mo at bumilis ang pag tibok ng puso mo nanghina ang tuhod mo, mukhang mali ata sila. Dahil hindi mo nabaliktad ang sikmura ko dahil inayos mo lahat ng mga mali saakin, at lalong lalo na hindi mo napa bilis ang tibok ng puso ko kundi napabagal mo at na palakas mo ang mga tuhod ko na pagod na sa kakahintay sa wala. Pero eto na, dumating ka na. Wala na akong hihintatin pa dahil, andito ka na.

Andito na yung taong makakasama ko habang buhay,
Andito na yung taong papakasalan ko balang araw,
Andito na yung taong kasama ko bumuo ng isang pamilya,
Andito na yung taong tumupad na mayroong "Forever"
Andito na yung taong kaya akong tiisin kahit nasasaktan na siya ay patuloy pa rin akong minamahal,
Andito na yung taong tinupad ang "Tayo lang hanggang sa huli",
Andito na yung taong mahal ko,
Andito ka na.

Mahal patawad sa mga hindi ko pag alala,
Patawad sa hindi ko pag lapit,
Patawad sa hindi ko pag tiis,
Patawad sa hindi ko pag paramdam sayo na mahal kita,
Patawad sa mga katangahan ko,
Patawad sa lahat,
Hindi ko tatapusin ang tulang ito sa patawad kaya sige..

Mahal salamat dahil isa ka sa mga patuloy na sumusuporta saakin,
Salamat dahil kinaya mo akong tiisin,
Salamat dahil minahal mo ako noong mga panahon na hindi ko kayang mahalin sarili ko,
Salamat dahil lagi kang andiyan para sakin,
Salamat dahil kahit hindi tayo nag uusap ako pa rin ang mahal mo,
Salamat dahil ipinaramdam mo sakin na mahal mo ako,
Salamat dahil pinapasaya mo ako araw araw,
Salamat dahil may "TAYO".
Glen Castillo Aug 2018
May mga salitang sa papel na lang kayang manatili
Dahil hindi na ito kayang bigkasin pa ng mga labi.

                    Natapos na ang palabas na ang tauhan ay ikaw at ako
                    Tayong mga bida noon, sa mundong hindi nila nakikita

Gusto kong isipin na nalaos lang tayo,pero hindi pala
Dahil ang dating tayo,ngayon ay ikaw na lang at ako

                     Bakit ganito? wala naman akong naaalala na drama
                     ang sinulat kong kwento
                     Pero bakit sa malungkot natapos ang lahat?

Minsan ay gusto ko na lang gawing gabi ang bawat umaga
Sa gayon ay hindi nila mapansin na may hinagpis akong dinadala
Sa gayon ay hindi nila makita na lumuluha ang aking mga mata

                      Pagkat sa dilim, doon ko lahat itinago ang sakit at dusa
                      Na ni sa panaginip ay hindi ko inasahang dadating pa

Oo kakayanin kong maging gabi ang bawat umaga
Mahirap,
Pero pwede ba?

                       Sa kahuli-hulihang sandali ay maturuan mo ako sana
                       Na gawing gabi ang lahat ng umaga
                       Na kasing dali lang kung paano mo nakayanan
                       Na maging malungkot ang dating tayo na masaya.




                                          © 2018 Glen Castillo
                                           All Rights Reserved.
Minsan ay dadalawin ka ng mga alaala sa nakaraan
Upang magpa-alala sa'yo kung bakit ka nasa kasalukuyan.......
Sarah Rebueno Jun 2017
"Ano bang nagawa kong mali? Ako na lang ba lagi? Pano naman sila? Di nila ako kayang intindihin?"

Naranasan mo na bang laging maaway dahil inaakala nilang "ganto" ka, "ganyan" ka at kung anu-ano pa? Kung oo, siguradong mararamdaman mo ang mga ito.

1. Ayaw **** may kaaway lagi.
Ikaw yung tipo ng taong ayaw may kaaway. Sino ba namang ayaw maging mapayapa ang buhay, diba? Sino ba naman ang may ayaw na magbahagi ng pagmamahal? Dahil sa ayaw **** may kaaway, lahat ng mga nararamdaman mo na akala mo galit sila sa'yo, ikaw ang unang hihingi ng patawad. Hindi naman masama iyon. Ngunit, ang akin lamang ay bakit di nila kayang intindihin ang nararamdaman ko rin?

2. Akala mo okay na, yun pala hindi.
Yung unang pagbobonding niyo ay sobrang saya ngunit pagkahiwalay niyo ng landas ay malalaman **** hindi pala okay ang lahat. Sobrang saya mo galing sa gala niyo pero yun pala'y may hinanakit na iyong kaibigan mo. Masakit lang. Bakit? Parang di ka niya pinagkatiwalaan na wala ka naman talagang masamang nararamdaman sa kaniya. Gusto mo lamang siyang pasayahin.

Bakit ganon? Okay namang ikaw ang unang humingi lagi ng patawad kahit ba hindi mo kasalanan ngunit bakit hindi nila maisip ang nararamdaman ng iba? Ang nararamdaman mo?


Lagi na lang bang ganito?
PS. this is about friendship.

Tungkol ito sa pagkakaibigan.
Sy Lilang Jan 2017
011717
(Para sa lahat ng mga tumatakbo, mga napilayan at napaltusan. Para sa mga gusto nang huminto pero may humihila sayo pabalik na hindi mabuo-buo ang loob **** lumisan kasi pagod ka na rin sa katatakbo. Oo, ayos lang maging totoo't amining pagod ka na. Natakot kang humarap sa mundo pagkat napuno ka ng sari't saring mga isyu sa buhay mo, kaya akala mo walang saysay ang bawat salaysay. Akala mo, wala nang nais makinig sa bawat kwento **** tila paulit-ulit na lang. Akala mo, tuldok na at wala nang kasunod pa. Wala kang matakbuhan at lagi ka na lang tumatakas. Oo, nasanay ka na at akala mo ayos lang at tama yun. Nagtatago ka sa dilim at ayaw **** lumantad, natakot kang makita yung totoong ikaw kasi ayaw **** mahusgahan o makaani ng masasakit na salita. Natakot kang magtiwala ulit pero pag lumantad ka, doon ka lang pala makalalaya. Saksi ang lahat ng nilikha sayong pag-amin na hindi mo kayang mag-isa, na ayaw mo nang mamuhay nang may paglihim. Na gusto mo nang magbago at patuloy na lumaban -- lumaban nang patas at ayaw mo nang talikuran ang nakaraan. Na gusto mo nang harapin ang mga hindi matapus-tapos na mga isyu sa buhay mo -- mga isyung tila mga sundalong kalansay buhat sa nakaraang kailangan mo nang sugpuin. Oo, kaya mo. Oo, kaya Niya sa buhay mo. Buhay ka pa, humihinga ka pa. Kaya mo yan!)

Ayokong palipasin ang sandali nang pagpikit -- habang nakasandal ka sa kalangitan. Habang iniisip **** hindi mo Ako kayang abutin. Iniisip mo sigurong kinaligtaan Kita, na hindi na Kita tinitingnan pagkat mas pinili **** magtago sa dilim. Akala mo siguro'y hindi ko alam kung nasaan ka -- kung saan at paano mo isinantabi ang sarili mo kaya't hindi Ko maibuhos ang pagpapala Ko sayo. Oo, kasi umiiwas ka, umiilag ka at nilalayuan mo Ako.

Hindi Ako nakikipaglaro ng Tagu-taguan sayo kung saan ay ihahatak mo ang iyong sarili palayo sa Akin at itatatak sa puso't isipang hindi ka na pupuwedeng lumantad hangga't wala pa ang liwanag. Naghihintay lang Ako, naghihintay Ako kung saan mo Ako pinasandal at sa bawat melodiya't pag-indak ng mga ulap na wari mo'y nagtatago rin Ako, noon pa ma'y inilantad Ko na ang Aking sarili sayo. Hinihintay Kitang magpasakop sa Ilaw Ko, nang magkusa kang magpataya sa Akin gamit ang Aking mga yakap. Pagkat hindi mo na kailangan pang magtago -- hindi mo na kailangang maghintay nang napakatagal para lamang masabi **** nahilom ka na. Ang paglantad mo ay siyang pagsuko mo at bagamat ito'y pagsuko, makinig ka: naging matapang ka na. Hindi mo na kailangang yumukong tangan-tangan ang hiya pagkat sa iyong pagpapakumbaba'y itataas Kita gamit ang aking Ngalan at titingala ka na. Matititigan Mo na rin Ako, makikilala mo na rin Ako. Iba't iba man ang anyo Ko'y Ako pa rin ito. May ipinapaabot lamang Ako sayo nang mas maging malapit tayo sa isa't isa. Igagawad Ko sayo ang aking lakas kasabay nang pagbitaw Ko ng mga Salita. At kahit gabi na'y mag-iilaw at mag-aapoy ka pa rin pagkat ikaw na ang magiging taya. Ikaw na ang maghahanap sa mga nawawala't magbubukas ng pintuan para sa mga nagtatago't nagpabaon na sa dilim.
Wag **** tulugan ang dilim pagkat parating na ang Umaga kung kailan at kung saa'y mas magiging lantad na ang lahat. Babangon Ako hindi bilang Buwan na may pakislap na liwanag ngunit bilang Haring Araw at susugpuin ang dilim. Wala nang makapagtatago pa pagkat magiging hayag na ang lahat.

Kaya Anak, wag kang matakot at ngayon pa lang ay ihayag mo ang iyong sarili sa Aking liwanag -- sa Aking liwanag na papandong sayo at uutos sa dilim nang tuluyan mo nang masilayan ang iyong sarili -- ang iyong sariling may pagpupunyagi. Maghanda ka, malapit na ang pagdating Ko. Maghanda ka, magkakasama na rin Tayo.
Yule Mar 2017
noong una kitang nasilayan
inaamin kong hindi ikaw ang nais kong kamtan
ngunit habang tumatagal,
puso ko’t loob, sayo’y natuluyan

hindi ko rin alam kung bakit
dahil ba sa boses **** nakakahumaling?
o sa mga matatamis **** mga ngiti?
mistulang nawawala ang iyong mga mata
sa tuwing ito’y iyong gawin
di ko alam, pero simpleng titig mo lamang
ka’y laki na ng epekto nito sa akin
hanggang sa palagi na kitang hinahanap-hanap
aba’t ginayuma mo nga ba ako?

ngunit, kung ano't saya ang nadarama
ganoon din ang kapalit nito kapag nandyan ka
sa mga panahon na wala ka sa tabi
pasakit at dalilubho ang naranas
bakit ba hindi ko kayang sayo ay mawalay?
ngunit kailangan kong magtimpi at alamin
kung hanggang saan lang dapat ang hangarin

ngunit aking nagunita,
ikaw talaga ang natatangi sa puso, at tuwina
ngunit kung gusto ko ring makaalpas sa sakit
kailangan ika’y kalimutan
sa gayon ay baka matagpuan ang kalinaw

pero ang alaala ng kahapon ay sadyang bumalik
kahit saan man magpunta, ika’y naka-aligid
kung alam mo lang ang aking tinahak
pagod, at hirap – naranas upang sayo’y makalapit

ngunit ano ba pa ang magagawa?
sa una pa lang, nagmahal ng isang tala
at kung bigyan man ng pagkakataon
mas pipiliing sarili ay ibaon
lahat ng nararamdaman
na hindi mo rin kayang ipaglaban

dahil hindi mo rin naman ako mahal,
mas mahal mo ang iyong pangarap
at hindi ako yun, ito'y tanggap

sakim man sa kanilang paningin
ikaw lang naman ang gusto ko
ngunit, bakit? bakit…
ipinagkait pa sa akin ng mundo?
pero ito ang nagpapatunay
na kahit gaano pa ako kailangan na maghintay
para sayo'y hindi ako nararapat
dahil tunay nga ba ang aking intensyon?
o ginagawa lamang kitang desisyon?
tingnan mo nga, miski ako may pagdududa

kahit man ito’y pag-ibig natin ay isusugal
kahit gaano ko pa ipagsamo sa Maykapal
wala rin naman itong mahahantungan
hindi rin naman ako ang iyong kailangan

kaya't ito'y hahayaang dalhin ng langit,
kung saan mang lupalop ito'y dalhin
pinaubaya sa Maykapal,
antayin na lang maglaho
ito ang aking huling habilin,
bago kitang tuluyang iwan

pero ito'y mananatiling nakaukit
sa puso't isipan,
dahil kaya nga ba kitang kalimutan?

ito’y magsisilbing alaala
ng minsan nating pagsasama,
kahit sa panaginip lamang

ang ipagtagpo ang isang ikaw at ako,
ang mabuo ang salitang 'tayo' –
napaka-imposible…
napaka-imposible.

eng trans:
when I first saw you
I admit you're not the one I yearn for
but as time passes by
my heart, and mind – fell for you

I don't really know why
is it because of your alluring voice?
or because of your sweet smiles?
it's as if your eyes disappear
whenever you do this
I don't know but in your simple stares
it has a big impact on me
until I'm always looking for you
oh my, did you put a spell on me?

but in what happiness I felt
that's what I also feel whenever you're there
in times that you're not beside me
pain and dreading was experienced
why can't I stand being apart from you?
but I have to resist and know
to where I should stand in line

yet I've realized
you're the one that's always in my heart
but if I want to get rid of this pain
I have to forget you
by then I might find peace

but the memories of yesterday kept coming back
everywhere I go, you're there
if only you knew what I've been through
exhaustion, and rigor – I have to face to get close to you

but what can I do?
from the start, I've loved a star
and if given a chance
I'd rather choose to bury myself,
all these feelings
that you're not even willing to fight for

because you don't even love me,
you love your dream more
and it's not me, I've accepted it

it may be selfish in their eyes
you're the only one I want
yet, why? why...
did the world denied + you from me?
but this just proves
that no matter how long I have to wait
I'm not the one for you
because is my intention real?
or am I just making you a decision?
see? even I have doubts

even if I gamble this love of ours
even if I plea from the Creator
this will just go nowhere ++
I am not the one you need

that's why I'll just let the sky take this
wherever in the heavens this will be held
let the Creator take charge
I'll just wait for it to fade
this is my last will
before I will leave you

but this will remain etched
in my mind, and heart
because can I truly forget you?

this will serve as a memory,
of our once encounter
even if it's just in a dream

for you and me to meet,
to form the word 'us' –
it's so impossible,
**it's impossible
+ finding a translation I wanted for this was hard
++ even this //brainfart

suntok sa buwan (from ph; fil.)
lit.trans: hitting the moon; punching the moon
actual meaning: impossible

this was my entry for our "spoken poetry",
though none can relate...

pasensya na, mahal...
unti-unti, ako'y bibitaw na. | 170303

{nj.b}
Sy Lilang Jan 2017
012917

Naisip kong magpatangay sa hanging kumot sa aking paggising. Naisip kong hamunin ang araw ng mga talatang pasalaysay at huminto gamit ang panalangin.

Isa, dalawa, tatlo: oo, ito na ang ikatlong araw nang tayong ipinalipad sa iba't ibang dako -- patungo sa bawat sulok ng mga pangarap at doo'y sabay-sabay nating maitataas ang Kanyang Ngalan.

Di ko kayang amuhin ang bawat petsa sa kalendaryo para lang maggising tayo't muling mabuo. Di ko kayang sipulan ang ulap na kukumpas sa kalangitang hindi naman nagbabago.

Sa bawat pangarap na minsang natabunan ng ating mga mapapait na nakaraan -- mga pangarap na ni minsa'y di sumagi sa isipang mabubuo natin nang sabay; oo, posible palang maitagpi-tagpi ang bawat istorya para sa mas malaki pang larawang ni minsa'y di natin nasilayang mag-isa.

Marahil napuno tayo ng takot na muling humakbang sa bukas pagkat nahihila tayo ng dilim. Marahil kinain tayo ng sakit, kirot at alalahanin kaya naman tila kayhirap nang lakaran ang tubig ng pagpapala. Pero kahit na -- kahit na lumubog pa tayo sa kumunoy ng distansya't walang kasiguraduha'y may iisa pa rin tayong di dapat na bitiwan -- na patuloy tayong kumapit sa iisang Ngalang titingalain natin hanggang sa Kanyang pagdating.

Siguro nga mapapagod tayo pagkat taksil ang landas o ang pagkakataon pero hindi pa ba ito sapat na dahilan para muling masubok at tayo't tuluyang magpasakop? Kung ang lupa nga'y kayang sakupin ng mga dayuhan lang; ano pa't ang puso't buhay nating tanging hiram lang? Kakatok hindi ang pangarap bagkus ang may dala ng mga ito; ilapit mo ang mga kamay sa puso at doo'y mabubuksan ang pintong may sagot sa mga hiling at dasal mo. Mabuhay si Kristo! Buhay Siya sa iyo!
Para sa mga kaibigan ko sa Brave Heart! Mabuhay si Lord sa puso ng bawat isa!
s u l l y Mar 2017
Itong tulang ito ay para sa mga taong nag mamahal pero pagod na dahil nabigyan sila ng motibo na bumitaw o lumayo

"Mahal kita, pero pagod na ako"

Mahal, naalala mo pa ba kung paano tayo nag simula?
sa kung paano tayo napapangiti sa mga kwentuhan nating dalawa,
sa mga masasaya nating ala-ala,
yung malulungkot nating ala-ala,
yung mga ngiti mo na pati mata mo napapangiti na rin,

Pero naalala mo pa ba ang una kong pag laslas dahil nag selos ako?
nakita mo ba yung mga dugo na tumutulo galing saaking kamay
na tila parang gripo na walang tigil sa pag daloy?
nakita mo ba yung mga luha na tumulo sa aking mga mata
na tila hindi na kayang tumigil,
nakita mo ba sa mga mata ko kung gaano ako nasaktan
nung nakita kang masaya sakaniya, kahit magulo tayo?

Naguguluhan ako, naguguluhan ako dahil sabi mo
mahal mo ako, pero hindi ko ramdam,
hindi ko ramdam yung mga salitang binitawan mo,
hindi ko ramdam yung "I love you" mo,
hindi ko ramdam na mahal mo ako,

Naalala mo pa ba yung mga pangako mo saakin?
yung pangako mo sakin na tayo lang?
yung pangako mo sakin na ako lang?
yung pangako mo na hindi mo ako iiwan?
yung pangako mo sakin na hindi mo kayang mawala ako?
yung mga pangako mo na pinako mo lang,

Alam mo? para kang bubble gum, sa una ka lang matamis,
para kang asukal, matamis nga mabilis naman mawala,
para kang bula, ang bilis **** nawala,
para kang anino, sa liwanag mo lang ako sinusundan,

Mahal, Mahal na mahal kita. Pero.. Pagod na ako.
Paalam na, Mahal. Ayoko sana itong mangyare,
Pero binigyan mo ako ng motibo.
Paalam, Mahal.
JOJO C PINCA Nov 2017
“Set wide the window. Let me drink the day.”
― Edith Wharton, Artemis to Actaeon and Other Verses

Matapang, sino ang tunay na matapang?
Yung siga ba sa kanto?
O yung pulis na marami nang na-tokhang?
Hindi kaya ang senador ng oposisyon
Na laging bumabanat sa administrasyon?
O baka naman yung mamang komentarista
Sa radyo at telebisyon?

Saludo ako sa mga sundalo’t pulis na
Nakipaglaban doon sa Marawi. Walang
Sindak ang mga bombero na sumusugod
Sa nagngangalit na dila ng apoy.
Hindi matatawaran ang kagitingin ng
Mga nagpapakasakit para sa kalayaan
At kapakanan ng inang bansa.

Pero may ibang anyo ang katapangan
Na mas malalim at kahanga-hanga.
Ang katatagan ng puso at isipan sa gitna
Ng dusa at malagim na paghihirap.
Ang hindi pagsuko ng kaluluwang hindi
Kayang ibilanggo ng takot at banta ng paghihirap.

Si William Ernest Henley ang bayani ng
Katapangan na tinutukoy ko s’ya ay di nalupig
Kailanman. Hindi s’ya sumuko sa siphayo ng kapalaran
Hanggang sa huling sandali.

Pagnilayan natin ang kanyang Invictus:

“Mula sa gabing bumabalot sa akin,”

May mga kawawang nilalang na walang umaga
Ang kanilang buhay puro gabing madilim
ang laging umiiral. Walang liwanag, walang bukang-liwayway.
Mula pagkabata hanggang pagtanda puro hinagpis at pait
Ang kanilang laging sinasapit.

“Kasingdilim ng hukay na malalim,”

Maraming bangin sa buhay ng mga kapos palad
Na nakabaon sa dusa at hilahil. Hindi nila ito ginusto
Hindi kailanman pinangarap kaya’t hindi nila ito
Kailanman matatanggap.

“Sa mga diyos, ako’y nagpapasalamat”

Ang mga kawawang mahihirap at mga mangmang
Sa kaalaman na laging salat sa mabuting paliwanag
Ay laging nagpapasalamat sa diyos. Salamat sa diyos……
Hahaha….. walang diyos mga hangal. Kung may diyos
Wala sanang kahirapan at kaapihan na umiiral.

“Sa kaluluwa kong hindi natitinag.”

Katawang lupa lang ang sumusuko
Ang kaluluwa at pusong matatag
Kailanman ay hindi ito magagapi.

“Nahuli man ng pangil ng kapalaran,”

Ang pangil ng malupit na kapalaran
Ay laging nakabaon sa leeg ng mga hampas-lupa
At mga walang makain sa araw-araw.
Pero hindi nito kayang sakmalin ang mayayaman at
Ang mga burgis. Bahag ang kanyang buntot
Sa harap ng mga panginoon.

“Kailanma’y di nangiwi o sumigaw.”

Kahit sumigaw ka at ngumawa nang husto
Walang tutulong sa’yo, walang makikinig
Dahil bingi ang mundo at bulag ang mata
Ng panginoong mapagpala.

“Sa mga pagkakataong ako’y binugbog,”

Paos ang tinig ng mga inang mapapait kung humikbi
Mga pinanawan ng pag-asa at ulirat dahil sa pag-iyak
Walang saysay ang sumigaw – nakaka-uhaw ang
Pag-iyak magmumukha ka lang uwak.

“Ulo ko’y duguan, ngunit ‘di yumukod.”

Bakit ka naman yuyukod sa putang-inang kapalaran
Na walang alam gawin kundi ang mang-dusta at mang-api.
‘Wag mo’ng sambahin ang isang bathalang walang-silbi,
Lumaban ka at ‘hwag magpadaig.

“Sa gitna ng poot at hinagpis”

Galit at lungkot ito ang kapiling lagi
Ng mga sawimpalad. Malayo sa masarap
Na kalagayan ng mga pinagpalang sagana
Sa karangyaan at kapangyarihan.

“At sa nangingilabot na lagim,”

Nagmistulang horror house ang buhay ng marami
Walang araw na hindi sakbibi ng lagim, walang oras
Na hindi gumagapang ang takot. Takot sa gutom, sakit,
At pagdarahop.

“Mga banta ng panahong darating,”

Bakit ang mga walang pera ang paboritong
Dalawin ng katakot-takot na kamalasan sa buhay?
Ganyan ba ang itinadhana ng diyos na mapagmahal
At maunawain? Nakakatawa diba?
Pero ito ang katotohanan ng buhay.

“Walang takot ang makikita sa ‘kin.”

Tama si Henley bakit mo kakatakutan ang lagim
Na hindi mo naman matatakasan? Mas mabuti
Kung harapin mo ito ng buong tapang at kalma.

“Kipot ng buhay, hindi na mahalaga,”

Para sa isang lugmok sa pagdurusa wala nang halaga
Ang anomang pag-uusig at kahatulan na nag-aantay.
Impeyerno? Putang ina sino’ng tinakot n’yo mga ulol.

“O ang dami ng naitalang parusa.”

Parusa, ang buong buhay ko ay isang parusa.
Ano pa ang aking kakatakutan na parusa?
Hindi naging maligaya ang buhay ko ano pa
Ang mas malalang parusa na gusto mo’ng ibigay?

“Panginoon ako ng aking tadhana,”

Oo ako lang ang diyos na gaganap sa aking
Malungkot na buhay. Walang bathala akong
Tatawagin at kikilalanin ‘pagkat wala silang pakialam sa’kin.

“Ang kapitan ng aking kaluluwa.”

Walang iba na magpapasya sa aking tadhana
Ako lang hanggang sa wakas ng aking hininga
Ang dapat na umiral.

Si Henley ang tunay na matapang dahil kahit
Pinutol na ang kanyang mga paa, sa gitna ng sakit
At matinding dusa hindi s’ya sumuko. Ang kanyang
Kaluluwa ay nanatiling nakatayo.
KHAYRI WOULFE Aug 2018
Hindi na natapos ang bagyo
At muling bubuhos ang ulan
Hindi na natapos ang araw
Hanggang masunog ang kalangitan.


Walang patid ang hangin
Lahat ng bagay ay kayang liparin
Rumaragasa ang tubig
Ngunit walang luhang kayang pawiin.


Hinahanap pa rin ang umaga
Kahit tanghali ay lipas na
Hinahanap pa rin ang liwanag
Humupa man ang sakuna.


Gumuguho pa rin ang lupa
Tinatabunan ang nakaraan
Gumuguho pa rin ang bundok
Gumuguho rin ang kapatagan
Gumuguho ang mga burol
Gumuguho ang mapupurol
Matalim man ay guguho rin
Pasusukuin ng suliranin.


Gumuguho ang lahat
Gumuguho sa bandang huli.


Hindi na natapos ang pagkawasak
Bumabagsak ang tulay na puno ng bitak.


Hindi na natapos ang paglisan.
Basa pa ang libingan,
May ihahatid muli sa himlayan.


Hindi na natapos ang unos
Delubyo sa gitna ng buhawi
Lindol sa gitna ng tagtuyot
Hinagpis sa gitna ng pagkamuhi.


Panaghoy sa dulo ng pagkasawi.


Dito na lang ako sa lilim
Kung saan nag-aagaw ang liwanag at dilim
Magkukubli sa isang sulok
Hanggang lamunin ng alikabok.


Hindi na natapos ang gabi
At tumigil ang orasan
Hindi pa tapos ang bagyo
Ay bumubuhos muli ang ulan.
Written
12 August 2018


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
Kyle Sep 2019
Pagod... Pagod na ako

Sa bawat Segundo na lumilipas
Sa patuloy na pagtakbo ng oras
Sa pagsilay ko sa mga dahong dahan dahang nanlalagas
Isang salita ang ninanais kong sayo’y sana’y mailabas

Natatandaan mo pa ba? Kung paano tayo nagsimula
Kung papaano ko hindi napigilan na ang puso’y sayo’y tumibok na lang bigla
Naging tungkulin ko na ang mahalin ka
Simula ng sambitin mo sa akin ang mga katagang mahal kita

Ang mga ngiting umaabot sa ating mga mata
Ang mabubulaklak na salitang nagpapakilig sakin sa tuwina
Ang mga yakap na nagdudulot ng ginhawa
Tila yata isang ala-ala na lamang na unti-unting nawawala

Pagod na ako…
Pagod na pagod na ako
Gustong gusto kong sumuko
Gusto kong burahin ka sa buhay ko
Gustong gusto kong ibalik ang panahon na hindi pa kita nakikilala
Pero anong magagawa ko?
Baliw tong pusong to.

Handa akong ipagpalit lahat bumalik lang ang dati
Ang mga panahong ang halik at yakap mo ang gamot sa aking sakit
Ang ngiti at tawa mo ang nagpapagaan sa bigat na nararamdaman
Ang presensya mo lang sapat na upang maging dahilan

Pero ngayon paulit-ulit na sumasampal sa akin ang katotohanan
Pagod na ako kaya kailangan ko ng tigilan

Ikaw parin ang mahal ko
Ikaw at ikaw parin ang nasa isip ko
Pero gustong sabihin sayo na hindi sapat…
Hindi sapat ang meron tayo para tanggapin ko ang lahat

Napagod ako noon pero pinilit kong lumaban
Napagod tayo sa kung anong meron satin, pero isinalba ng ating pagmamahalan
Pinilit kalimutan lahat ng sakit
Ginawa ang lahat para hindi mawala ang ating kapit

Pero lahat ng nararamdaman ko sumabog na tila isang bomba
Sakit, hirap, bigat sa kalooban, lungkot, panghihinayang at pagod
Pagod na kahit ilang beses **** hilingin na magpahinga
Hinding hindi na kayang burahin na parang isang permanenteng tinta

Pero hindi ko na talaga kaya ang aking dinadala
Hindi ko na kayang pigilin ang pagbuhos ng aking mga luha
Hindi ko na kayang humakbang pa at umabante
Hindi ko na kayang hawakan ang iyong mga kamay at bumalik sa dati

Nauubos na ang natitirang lakas
Mga sugat sa puso ko ngayo’y nababakas
Mahal ko pero masakit na....
Gusto ko pa pero nakakasawa na....

Sa bawat Segundo na lumilipas
Sa patuloy na pagtakbo ng oras
Sa pagsilay ko sa mga dahong dahan dahang nanlalagas
Isang salita ang ninanais kong sayo’y sana’y mailabas

Mahal Ko…
Patawad… pero dito na natatapos ang ating storya
Pinangarap man nating maging hanggang kamatayan pero ngayo’y natapos na
Dalawang salitang noo’y kilig ang dulot
Ngayo’y isang matilos na patalim na saking puso’y gumabot

Pinapalaya na kita…
Pasensya at napagod ako sinta
President Snow Nov 2016
Sadyang mapagmahal lang sa kape
Sa tamis,
Sa pait,
Sa lahat ng pangyayaring kayang ipaalala
Sa bawat haló,
Sa bawat higop,
Sa bawat huling tungga bago tuluyang lumamig

Nagpakalunod ka nanaman sa pait ng kape
Ilang higop pa ba?
Ilang tungga pa ba?
Ilang baso pa ba?
Umalis na siya ngunit nandito padin ako, iniwan.
Madaling araw at mag isa pa rin ako, naiwan.
Tulad ng init ng kape,
Naglaho siya ng walang pasabi.
WALA TALAGANG POREBER.
Manlalamig at manlalamig din yan pagdating ng panahon. Sus
Taltoy Apr 2017
Bakit ang tulin?
Hindi ba pwedeng pahintuin?
Oras, ba't ang bilis mo?
Pagbigyan mo naman ako.

Bakit panandalian lang?
Bakit parang napakakulang?
Ang palaging tanong sa'king sarili,
Di ba pwedeng dito'y manatili?

Parang isang kisapmata,
'tong ating pagsasama,
Akin mang gustuhin,
Oras, di kayang pigilin.

Nakakapanghinayang, nakakapanlumo,
Di magawa ang tanging gusto,
Kahit man lang mag-umpisa ng usapan,
Ako'y sadyang nahihirapan.

Hay nalang, paano na iyon?
Mauulit pa ba ang nangyari kahapon?
Alam ko sa sarili ang sagot,
Ngunit ang katotohana'y sapilitang nililimot.

Ang mga panahong ito'y di masusuklian,
Dahil ang oras, di kayang tumbasan,
Di kayang bilihin ng kayamanan,
Mga oras na kasama ka, aking kaibigan.

Ma-iiwan sa'ting mga nakaraan,
Di alam kung tatatak sa'ting isipan,
Ang mga nagdaang panahon tulad nito,
Parang kapayapaan paglipas ng bagyo.
Naisipan ang kahalagahan ng oras sa buhay, dahil ang mga nakalipas na, di na pwedeng balikan pa.
Ileana Bendo Dec 2016
“Hindi kita iiwan, pangako yan”
Ito ang mga huling salitang binitawan
Binabalik-balikan ng aking isipan
Hindi na alam kung alin ang imahinasyon sa totoo
Pero ito pala ang totoo
Nagmahal ako ng todo at nadurog ako
Nadurog na tila isang salaming
Tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili **** gwapo ka
Matapos nito ay babalewalain

Maniwala ka sa’kin nagsimula kami sa magandang istorya
Isa akong prinsesang noon ay napaniwala ng tadhana
Nahulog sa matatamis niyang ngiti
Nahulog sa malalambing niyang mensahe
Nahulog sa kaniyang malamig na tinig
Nahulog ng walang sumasalo
Nadurog sa pagbitaw mo

At dahil na-ikwento ko na rin naman ang mga ito
Lubos kong ikasasaya kung mauunawaan mo ako
Sana maintindihan **** mahirap ang makalimot
Sana maintindihan **** sariwa pa ang sugat
Sana maintindihan **** hindi mabilis ang paghilom
Lalo na kung sa puso ang tama nito
Sana maintindihan **** ayoko nang mahulog
Dahil basag na basag na ako
Sana maintindihan **** hindi ko pa kayang
Muling magmahal

Sa takot na muling masaktan
Sa takot na hindi masklian ang labis kong pagmamahal
Sa takot na muling ipagpali sa iba
Sa takot na maiwan mag-isa
Naiintindihan ko namang handa kang maghintay
Na sa akin ka nakabatay
Pero tigilan na natin ‘to
Tigilan na natin ang kalokohang ito
Dahil hindi ko na kayang magpanggap
Na kaya ko na
hindi ko na kayang magpanggap
Na wala akong nararamdaman
Dahil hanggang ngayon nasasaktan pa din ako
Ang sakit sakit pa din
Kaya tigil-tigilan mo na ang pag-asang yan
Dahil minsan na akong nilamon ng sistemang yan
Minsan na din akong tumambay
Sa lugar na tinatawag nilang ere
Ngayon pa lang sasabihin ko nang
Wala kang pag-asa

Siguro dahil hindi pa talaga ito ang panahon
At hindi ikaw ang inilaan ng panginoon
Siguro kailangan mo munang ayusin ang sarili mo
Dahil kahi anong pili mo
Hindi nauutusan itong puso ko
for those who tried to flirt but--
One Sided Beat Feb 2016
Dumating na ang araw na aking kinatatakutan
Yung araw na di na tayo nagpapansinan
Hindi ko man to dapat nararamdaman
Pero sa sobrang pagmamahal di ko na to kaya pang pigilan

Alam ko naman na ako'y isang hamak lang na kaibigan
At hinding hindi mapapasayo kailanman
Alam mo ba kung bakit hindi ako nagbabago?
Kasi mahal kita. Oo, mahal kita. gago

Minura kita kasi kailanman di mo naman ako kayang mahalin
Minura kita kasi ang tanga mo para di ako pansinin
Ngayon ako itong nagpapakatanga kapapantasya sayo
Oo gago rin ako para maghintay sa pagmamahal mo
Sa mga taong one sided dyan, eto ang tulang bagay sa inyo. Kung di ka nya kayang mahalin, magmurahan na lang kayo! Pero matuwa ka, MU na kayo. Kayong dalawa kasi ay parehas na gago.
seluring Aug 2017
nais kong simulan ang aking tula sa isang katanungan,
"bakit mo ako iniwan?"
dahil ba sa ugali kong hindi maintindihan?
dahil ba sa itsura kong hindi kagandahan?

bakit mo ako binitiwan?
bakit mas pinili mo ang lumisan?
bakit mga pangako mo'y iyong kinalimutan?
bakit ka lumihis ng daan?

mahal, sana'y sagutin mo't huwag kang magalit,
kung marami akong tanong sayo na bakit,
hindi ko parin kasi talaga matanggap yung sakit,
sagutin mo naman, baka sakaling tumamis ang mapait.

hindi kita matanggal sa puso't isip ko,
at dahil sa takot ko na baka maulit ang pag-alis mo,
ipinagkatiwala ko ang puso ko sa ibang tao,
kaysa ang maniwala muli sa mga salita mo.

sa bawat paggalaw ng kamay ng orasan,
sa bawat pag-ihip ng hanging amihan,
sa bawat pagsilip ni haring araw,
tila puso ko'y nanatiling naliligaw.

paulit-ulit sa aking isipan,
tama ba ang aking napagdesisyunan?
kasiyahan sa iba ay dapat bang subukan?
nagbakasali na hindi ko ito pagsisihan.

sumubok ako, nagtiwala sa mga salitang naghatid ng panandalian ligaya,
nagpadala ako sa mga pangakong "ikaw lang at wala ng iba",
pero nagkamali ako, pare-pareho lang pala kayo,
sa una lang kayo pursigido.

mahal, nais kong alalahanin mo,
lingid sa kaalaman mo na makakalimutin ako,
pero inaamin ko, ni minsan hindi ka nawala sa isip ko,
oo mali 'to, pero masisisi mo ba ako?

bakit ramdam ko parin ang sakit ng iyong paglisan?
bakit hindi kita kayang bitiwan?
bakit sa bawat oras ng aking kalungkutan,
ikaw, ikaw ang nagsisilbing dahilan ng aking kasiyahan?

ang unan ko'y basang basa na ng luha,
mata ko'y tuluyan ng namaga,
alam ko na wala na akong dapat kapitan,
kung kaya't sanay matutunan ko ng ika'y bitiwan.

mahal, wala akong karapatan para sabihin na ako'y iyong balikan,
dahil minsan na kitang pinagtabuyan,
kaya hinihiling ko na sana sa iyong muling paglisan,
kasabay nun ay ang unti unti kong pagtahan.

patawad sapagkat hindi na tama ang aking nadarama,
patawad sapagkat alam kong tayo'y tapos na,
patawad sa mga salitang hindi na maibabalik pa,
patawad, patawad sa pagpili ko noon na lisanin ka at wag ng lumingon pa.

labis ang naramdaman kong lungkot,
labis din ang poot dahil hindi kita malimot-limot,
subalit sa mga panahong naghihilom na ang kirot,
saka ka naman muling susulpot.

lubos akong nagalak,
puso ko'y nabusog sa iyong salitang mabubulaklak,
nawala ang patalim sa puso ko na nakasaksak,
nang ikaw sakin ay kumambak.

subalit hanggang kailan kaya mayroong "tayo"?
hindi ko maalis ang takot sa puso at isip ko,
hindi ko maalis ang nadarama kong silakbo,
na ang dapat na "tayo" ay mapalitan muli ng isang "kayo"

hanggang kailan mo ako muling mamahalin?
hanggang kailan mo ako muling yayakapin?
hanggang kailan mo muling ipaparamdam ang apoy ng pag-ibig?
o papatayin na lamang ito muli ng malamig na tubig?

natatakot ako sa mga bagay na hindi inaasahan,
na baka magbago ang iyong isipan,
natatakot ako sa mga pwedeng maging dahilan,
dahilan ng iyong posibleng paglisan.

kasi minsan mo na akong isinantabi,
minsan mo na kong trinato na parang walang silbi,
minsan mo ng binasa ng luha ang aking pisngi,
at minsan mo na rin pinunit ang puso ko sa iyong mga sinabi.

natatakot ako mahal ko,
nais kong magtiwala muli sa mga salita mo,
paumanhin, subalit natatakot ako,
natatakot akong iwan mo ulit ako.

sana'y sa ating karanasan sa nakaraan,
manatili ka sa aking tabi at huwag lumisan,
sapagkat ikaw ang aking kalakasan,
subalit ikaw rin ang aking kahinaan.

ikaw, ang pumapawi sa aking uhaw,
ikaw, ang nagbigay direksyon sa puso kong ligaw,
ikaw, ang dahilan kung bakit ang puso mula sa bintana ng kaluluwa'y dumungaw,
ikaw, ang nagbibigay sigla sa akin araw-araw.

hinihiling ko na sana sa oras na magbago ang ihip ng panahon,
magbago ang direksyon ng mga alon,
tumaliwas ang lahat ng bagay sa dapat nilang posisyon at direksyon,
mag-iba man ang huni ng mga ibon,

sa oras na ikaw ay aking muling tanungin,
isa laman ang isasagot mo sa akin,
"huwag kang matakot at mangamba,
mahal na mahal kita"
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!

— The End —