Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kahihinatnan" poems
Sinusulat ko ito para aking matandaan Ang pangako na minsang sinundan Ng sakit at tampo ng nakaraan Pero hindi ito susundan ng sakit at kahihinatnan. Minsan aking pinangako na magiging okay lang ako Na lahat ng ito ay malalagpasan at makakalimutan rin Pero lahat pala ito’y napako, At napadaan lang sa daan na bako-bako. Daan na bako-bako, parang tayo. Di malaman kung san liliko, palagi nalang nakakalimutan at nahihilo, Kung ang damdamin ay pareho. Umasa ang isa at nagpaka-tanga, Sa pangako at pag-ibig kung san lahat ay nalito. Pangako. Sinusulat ko ito para aking matandaan Ang sakit na dinulot mo sa akin Mas masakit pa kesa sa paluhudin sa bilao ng asin At kalian man umasa na ikaw ay mapapa sakin. Pangako, salitang palaging napapako. Katulad ng tulang ito, parang pangako. Paulit-ulit sinasabi, ngunit nalilito at napupunta sa daan na bako bako Pero aking tutuparin, ang pangako na ito hangga’t sa kakayanin. Pero hindi kita tutularin, na ginawa ang pangako na parang bang kasing nipis ng asin.
0
Dec 3, 2015
Dec 3, 2015 at 5:44 AM UTC
Pangako
Ito ba'y sa tingin ng miyopia na sandangkal ang layo, gusto na kabigin? Pananaw na malabo, di malirip? O himig na kaagaw-agaw pandinig Musika sa katahimikang pandaigdig na lumilikha ng espasyo sa katotohanang di ibig? Paraan ng pagdarama sa mga bagay na umiiba? Pagkaganyak sa karaniwang obra maestra? Isang sulyap sa ningning ng maririkit na bituin na mapangrahuyo sa mga mata? Panggagaway sa sangkatauhan na walang makapag-aalis Payak subalit gumaganap nang paulit-ulit? Ito ba'y tumatawid sa dakong paglubog tungo sa pagsikat ng araw hilaga hanggang timog? Gumagabay sa paglikha ng sining ng mga pantas at pintor na inspirasyon ang guhit? Tumatalunton sa kinabukasan, lumalakbay sa kawalan hanggan tila mas matayog pa sa pag-asa? Ito ba ang matamis na kabiguan na ninais maranasan? Ginawang bagay na di alam ang kahihinatnan? O piling mga salita na nasnaw sa bibig, bulong sa hangin ng makatang nagtitiis? Kumukurap na liwanag sa karimlan na kung pagmasdan parang mamatay datapwat di kailanman naglalaho? Saglit na galak tulad ng mga nasa yaong pagdiriwang mapagbunyi ngunit di mapagmataas?
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 8:03 PM UTC
Ano ang Pag-ibig
Alam ko naman anong kahihinatnan. Alam ko, alam na alam. ngunit bakit nagkakaganito? Nasaan na yung tapang ko? ano nga ba ang kinakatakutan ko? ang di mo magutuhan? o ang mawala ka bilang aking kaibigan. O Diyos ko wag naman sana. Mas mabuti pang mawalan ng pag-asa wag lang mawalan kaibigang makakasama.
0
Apr 15, 2017
Apr 15, 2017 at 12:03 AM UTC
Kaibigan, kayamanan
Naaalala ko pa ang araw na una kong masilayan ang ngiti sa iyong mukha. Para bang biglang nagliwanag lahat ng tala sa langit. Para bang isang eksena sa isang pelikulang patok sa takilya. Para bang kaya ko atang sumulat ng ilang pahina ng paglalarawan at paghahalintulad nito sa mga bagay na aking hinahangaan. Para bang bumilis ang pintig ng puso kong matagal nang nakaupo’t nananahimik. Para bang maraming sumasabog na magagarang kulay sa paligid, sa aking katawan. Para bang kilala ko ata ‘yung ganitong tagpong naglalaro sa aking isipan. Para bang alam ko rin ata ang kahihinatnan ng lahat. Para bang hindi ata sa akin ang matamis na pag kurba ng iyong labi. Para bang lahat ng ito ay isang pagnanais sa isang pangarap na lipas na. “Para saan?” Tanong ko. Hindi mawala-wala ang ngiti sa iyong labi. Para bang nakita kong sinindihan ang aking mundo at panuorin ‘tong gumuho sa harapan ko. “Para sakanya.” Hindi sa’yo, sa kanya.
0
Sep 6, 2015
Sep 6, 2015 at 11:46 AM UTC
Hindi sa'kin
Nang mahimasmasan bumulagta ulit Ang sampal ng ipu-ipo ay kay lupit Nilulupig ang ungas,walang patawad ni mangmang hinahatak at saka ibabagsak Ang diablo ay nasa parabola nakatitig sa sentro ng pinangyarihan mangyari na maligaw sa mga pahina didiretso sa rurok ng bundok na mapanlinlang Huling sigaw ng mga nilalang matubos ang kanilang kasalanan Iba'y kumakapit sa sungay may buntot ng unggoy at dila ng ahas Talangguhit ng kahihinatnan sa katapusan ng siglo Ang panambitan sa huling liriko Di matapos-tapos na pag-iiling Ang pagsimangot ay pansapin Dahil sa panimdim, ang kwaderno'y pinuno Makapal ang kaliskis ng sakob nito Mga taludtod na nagpupumiglas ang dinidikta ng saloobin
0
Dec 19, 2018
Dec 19, 2018 at 4:29 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #17
ano ang pinakamaling ipilit sa kalawakan? ang naisin ang paglaho ang pagkasabik sa destinasyon ang madaling paglisan mga maling kamay na kanlungan ilang beses na tayo nagbabakasakali sa 'di mabilang na pagpapasubali sa mga bahay na akala natin ay tahanan sa mga taong ilang beses napaghandaan sa mga _baka sakaling_ hindi tayo iiwan o ang _tiwalang_ hindi tayo lilisan mga ilang beses pa dapat umulit ang palabas? may magbibigay ba ng kasiguraduhan? dahil isa lang ang sigurado ngayon ang walang pag-aalinglangang pagod ang pagsuko ang sunod-sunod na pagkalunod ang ilang beses na pag-iyak sa walang katuturan mga walang katuturan, _dapat_ pinilit nating manatili bigyang sagot ang mga tanong sa nasirang haligi tignan mo ang mga bituin isa tayo sa kanila o ang mga bulalakaw, mga bato na pinagliyab ng damdamin tignan natin ang ganda mamaya na natin alamin ang kasinungalingan nila mamaya na natin pag-isipan na ang mga liwanag na ito'y nakaraan na pagmasdan natin ang ganda mamaya na natin pag-usapan ang pagkawala matapos ang pagbagsak 'wag na nating itatak sa mga munting isipan ang nagbabadyang katapusan dahil alam na natin ang kahihinatnan sa maling paglusob sa gyera ng kalawakan at ang pagsalungat sa mga propesiya na minarkahan hintayin na lang natin ang katapusan.
0
Feb 20, 2018
Feb 20, 2018 at 9:02 AM UTC
Untitled
alam ko na sa simula, dambulahang pasakit naghihintay sa akin sa unang araw ng sigwa kalakip ang pagpapagal s'yang hampas ng kalbaryo doo'y hihimlay na lamang ako sa mundo ng kabagalan dahil alam ko na ang kahihinatnan tatagal lamang, oras ng wakas isang mahabang pagbabagtas s'yang aking mararanasan dahil pilay ang pugad naming kawan gapang, gapang, gapang lamang... hangga't may lupang matatapakan hangga't may krudong susunugin tanggap ko na ang lahat aabutan ko din sa huli, pagkagat ng dilim huwag ko na lamang intindihin upang maging manhid ang diwa pagdapo man ng pagkabalisa sakyan ko na lamang ito bahala na sa kinabukasan ko
0
Nov 24, 2024
Nov 24, 2024 at 10:07 PM UTC
HIMLAY
Mga salitang walang kahihinatnan Bakit pa ba ako nagsusulat? Puso'y ulila at walang tahanan, Puno ng tulang walang pamagat.
0
Oct 11, 2018
Oct 11, 2018 at 8:59 PM UTC
Day 103
hindi matapos tapos na pambihirang damdaming hindi ulit maintindihan sinuyod ko na noon ang pinakailalimlaliman akala ko ay nabunot na ang tinik at mga pag-aakala nalulunod muli sa karagatan ng pagpapalagay gusto ko nang magtagumpay umaasa na ngayon iba ang kahihinatnan ngunit ako ay magigising lamang sa malalim na pagkakahimlay
0
Aug 25, 2020
Aug 25, 2020 at 11:56 PM UTC
tulo(n)g
Gabing mahangin at malamig Kasama ay mga huni ng kuliglig Habang naka tingala sa langit Ikaw ang nasa isip Pano kung ikaw nga? Pano kung hinde? Pano kung masaktan? Pano kung male? Ang daming katanungan Parang paslit sa ka kulitan Pero ano ngaba ang patutunguhan Kung hindi ko susubukan Alam ko naman ang kalalabasan Istoryang alam ko ang kahihinatnan Istoryang naka ukit na bago ko pa Isulat at pag isipan Sadyang kay layo ng pagitan Parang lupa at kalangitan Ninanais na makamtan Sadya nga bang suntok sa buwan.
0
Jan 10, 2019
Jan 10, 2019 at 6:26 AM UTC
Suntok sa buwan
Paano ko ba ilalathala ang aking nadarama Kung sa umpisa palang alam kong hindi na tama Ipagpapatuloy pa ba ang pagsintang nais isiwalat Gayong akin ng nababatid na ito'y walang kahihinatnan Tama pa bang mahalin ka Habang ikaw naman ay may minamahal ng iba
0
Oct 22, 2019
Oct 22, 2019 at 9:26 AM UTC
Nagugulumihanan
Hindi ako handang tumanggap ng panibagong taong aking maikukwento sa ilalim ng tala at buwan kung ang tanging kahihinatnan lamang ay mabigat na kasawian.
0
Jun 17, 2020
Jun 17, 2020 at 12:07 PM UTC
Panibagong tao, Panibagong istorya
Labis nating inaalintana ang ating kinabukasan. Natutulero sa pweding kalabasan,nang mga kilos na hindi pinag-iisipan. Masyadong padalos-dalos sa ating mga hakbang. Nababagabag, nauubos ang oras at panahon sa kakaisip ng ating kahihinatnan. Nang hindi namamalayan,na ang Halaga ng Kasalukuyan ay atin ng nakakalimutan. Sa pagnanais na makarating agad sa bukas,ang Ngayon ay hindi na napapahalagahan. Kung hindi na alam ang nangyayare sa takbo ng ating buhay,Huwag kalimutan na anjan ang Maykapal.Laging gumagabay at nagbibigay ng tamang daan. Manalig at magdasal at tayo'y Kanyang Papakingan.
0
Mar 23, 2023
Mar 23, 2023 at 10:53 AM UTC
Takbo ng Buhay