Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"iniiyakan" poems
( written in Filipino ) Sisimulan ko na Ang kwento nating dalwa Natatandaan mo pa ba? Wasak ka non, dahil sa kanya Nariyan ako, para alalayan ka. Iniiyakan mo siya. Iniiyakan kita. Siguro totoo nga Na minamahal natin Ang mga taong hindi sa atin. Kalaunan, nagbago ang ihip ng hangin Isang araw, ikaw ay lumapit sa akin At may sinabing na aking ikinabigla “ mahal kita “ Abot langit ang tuwa Ng binanggit ang tatlong salita Pero may konting pagdududa Aking puso ay nangangamba Nabigla ka lang ba? O totoo ang iyong mga salita? Pero siguro nga, Isa akong malaking tanga Dahil kahit may pangamba Ay minahal parin kita Sinagot kita Naging tayong dalwa Tayo’y masaya. Tumatawa. Nagmamahalan tayong dalwa Pero ngayon? Isa nalang itong mga alaala. Ikaw. Ako. Tayo... Tayong dalawa. Ay tapos na. Ito na ang huli. Pangako. Dahil alam ko May mahal ka ng iba. Masaya ka na Tumatawa ka na... Sa piling ng iba. Hayaan mo. Naniniwala ako. Na balang araw, Ngingiti nalang ako Pag naalala ko. Na nagkaroon pala ng ‘tayo’.
0
Aug 7, 2016
Aug 7, 2016 at 8:01 AM UTC
Isang Kwentong Pag ibig ( #1 )
sayaw, Eriko isayaw mo lahat ng sinabi niyang “mahal kita” na pakiramdam mo’y totoo nung mga panahong umaalis kayo ng isang araw kada-linggo kasi dinadayo ka pa niya sa Maynila sayaw, Eriko iindak mo at isigaw mo sa mikropono ang pabulong niya pa noong unang sinabi, “ako na lang, iingatan naman kita” sa maulan na gabi na ‘yun noong iniiyakan mo pa ang mga pangyayari na kinagigitnaan mo isayaw mo, Eriko itawa mo lang ang sinayaw niya sa sala mo noong gabi na ‘yun mashed-potato lang kuno ‘di ba? halakhak, napamahal ka sa mukha niyang parang pinigang tuwalya noon hindi naman siya guwapo gaya ng lagi niyang sinasabi umaray ka, Eriko nasipa ka ng katabi mo, pero naalala mo lamang ang mga oras na nagsisipa ka ng bato sa Makati habang naglalakad kayo, at kinukwento niya ang pamumuhay niya noon sa malayong lugar, pawis na pawis kayo pero ngiti niyo’y abot langit talon, Eriko palakpak ilang buwan na rin ang lumipas noong huli kayo nagkausap binati mo siya ng maligayang kaarawan, kahit ang araw mo nun ay malayong-malayo sa maligaya, kapos sa saya, kapayapaa’y nahahanap mo lamang pag nandiyan ang barkada kalma, inom ng tubig, Eriko, kawayan ang bote ng alak, pero huwag kang lalaklak hinga, ipanalangin mo na lang na siya’y maging masaya, dahil alam mo naman na iyon ang tama.
0
Mar 29, 2021
Mar 29, 2021 at 9:24 AM UTC
Sayaw, Eriko (Tagalog)
Naalala ko noon, Hindi tayo nagpapansinan, Hindi tayo nagkikibuan, Hindi tayo naguusap, Lumilipas nga siguro ang isang araw na wala tayong pinaguusapan. Pero hindi mo lang alam kung gaano kita gustong mahagkan, masilayan, mahaplos ang iyong mga kamay. Noong mga araw na kapiling pa kita. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal, kasi abalang abala ka sa ibang bagay. katulad nalang ng 'katext' mo Hindi mo alam kung gaano kita gustong kausapin. Hindi mo alam yun. Hindi. Hindi. Kaya ngayong wala kana :( tanging hiling ko lang naman kay bathala ngayon ay ang: Ibalik ang lahat. Ibalik ka nya. Ibalik ang mga araw na gusto kita yakapin. Ibalik ang mga araw na gusto kita hagkan. Ibalik ang mga araw na gusto kita kausapin. Pero alam kong malabo pa sa mata ng mga lola natin na mangyare ang ganung bagay. Kaya, eto ako. Kontentong kinakausap ka sa PUNTOD mo. Niyayakap ka sa Hangin. Kinakausap ka sa Dasal. Iniiyakan t'wing sasapit ang hating gabi. Hinahalikan ang LAPIDA sa PUNTOD mo. Pero alam kong alam mo na. Kung gaano kita gusto ng makasama ullit :'( Alam kong alam mo na. Gusto na kitang sundan dyan. pero hindi pa. Hindi pa. Hindi pa NGAYON. Dahil naasa akong, MABUBUO TAYO ULIT DI MAN DITO SA LUPA KUNDI SA KABILANG MUNDO #newbie #IMissMyMom
0
Jan 8, 2016
Jan 8, 2016 at 8:37 AM UTC
Paalam Na
Salamat sa humigit kumulang labin dalawang taon. Sa pagiging isang alaga, at mapag-alagang tuta. Salamat sa pagiging bantay, Ng bahay at buhay. Salamat sa pagpaparamdam, Kung anu ang isang tunay na kaibigan. Na iniiyakan at napagkukwentuhan, Na sanay naiintindahan mo naman. Siguro ngay wala ng pwedeng pumalit sayo. Sa buhay ng mga taong binantayan mo. At alam ko naman na ramdam mo, Na ni minsan hindi ka nila naituring na iba gaya ng tao. Salamat din kina,Sansa,Chester,Junjun, Panda, At sa iba na hindi ko na nakilala. Sa isang kaibigan na din nang iiwan, Diba nga kahit sa paliguan ay kasama ka pa. At hindi ka naman paborito, Kasi nasa kwarto ka pag malamig ang klima. At ngayon nga na wala kana. Di mo maiaalis ang pangungulila, At gabi na si Michelle ay lumuluha. Salamat muli asong mapagkalinga.
0
Aug 15, 2017
Aug 15, 2017 at 11:05 PM UTC
MARQUINTON
Kung maaari lamang maibalik ang oras, aking gagawin upang makatas. Babalik sa mga oras na ramdam ko ang inyong suporta, na ngayon ay tila nawawala na. Ayos lang naman kung hindi ako ang paborito, ang gusto ko lang ay maramdaman ang pagmamahal nyo. Masasakit na salita na akala nyo ay wala lang saakin, Iniiyakan at nananatili saaking isipin. Sana mapagtanto, na kaya ako nagbabago dahil sainyo.
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:16 AM UTC
oras
Iniiyakan.🤍 Dahil Ikaw yung tipong Pinaninindigan, Pinapangarap Pinaglalaban, Hindi Sinasantabi, Minamadali, Binabalewala, Pinalalaya.
0
Mar 28, 2020
Mar 28, 2020 at 11:04 AM UTC
Reverse Poetry