Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
At sa paglipas ng araw-araw
Aking napapansin ang unti-unting pag-iiba
Ng aking pag tingin sa'yo
Damdami'y hindi maipinta
Kung ito ba'y hanga lang o may halo nang mas malalim
Ako'y natatakot sa kung anong ibig sabihin nito
Ngunit aking pag tingin sa'yo ay hindi maiiba
Sa kadahilanan na ika'y pinili
Sinasadya man o hindi
Ng aking puso't utak
Pero siguro sa ngayon, mas maigi na tayo'y maging magkaibigan na muna lamang
Dahil ako'y namamanhid, at iyong hindi iniisip ang ganitong bagay sa buhay
Pearly Whites Jul 2012
Kung sakaling ikaw ay magbalik,
huwag mag-atubiling hanapin ako.
Hindi kita aabalahin, hindi ako sabik
na buksan muli ang matagal nang sarado.

Bumisita ka sa amin,
kumatok sa pinto at mag-abang.
Kapag hindi ka agad papasukin,
dumungaw sa bintana, makikitang ako'y narito lang.

Maaaring hindi ko lamang narinig
ang katok **** nag-aalinlangan.
****-usap, huwag hayaang manaig
ang dudang tatlong taong napag-ipunan.

Huwag mag-alala, sumisilip pa naman ako
paminsan-minsan kung may tao sa labas.
Hindi kita malimutan, hanggang ngayo'y sigurado
ako na balang-araw magtatagpo ang ating landas.

Kapag magkasalubong ang ating sulyap
at tayo'y muling sapian ng pagnanasa,
kimkimin muna natin, idaan sa yakap
pag-isipan kung handa nang muling magtaya.

Anumang daan ang tahakin,
pag-ibig nati'y walang kupas
Nag-iiba ng anyo, ngunit nariyan pa rin,
mas naititiyak pa sa pagdating ng bukas.

Kung sakaling hindi ka magbalik,
sisikapin kong maghanap sa'yo.
Aabalahin kita, dahil ako'y sabik
na mapagsaluhan natin ang mundo.
(Sadyang may mga araw na ramdam **** makapaghihintay ka nang kahit gaano pang katagal.)

And hey, I suddenly felt like translating this as well. I apologize, it's lost the rhyme. Here it is:


If ever you return,
don't hesitate to look for me.
I won't bother you, I'm not desperate
to rekindle the spent flame.

Visit my home,
knock at the door and wait.
If no one lets you in right away,
peer through the window, you'll see me there.

Maybe I just didn't hear
your knocks that sound uncertain.
Please, don't allow yourself to be controlled
by three years of collected doubt.

Don't worry, I still look outside
sometimes to see if there are visitors.
I can't forget you, 'til now I believe
that one day our fates shall intertwine.

When our eyes finally meet
and we are taken over by desire,
could we control our urges?
We should ponder if we're ready to take this risk again.

Whichever way we choose,
our love shall not fade
It changes form but remains nonetheless,
this is more definite than tommorow.

If you don't ever come back,
I won't hesitate to look for you.
It may be bothersome, but I can't wait
for us to share the world again.
Sa malamig na umaga
At nag yeyelong gabi
Nais ko sanang humigop ng mainit na kape
Sa nag babagang tanghali
At mainit na hapon
Kape namang malamig dulot ng yelo

Asukal , gatas o kahit pa barako
Nag iiba ang lasa kapag ikaw ang kasama ko
Sa malamig na umaga o kahit mainit na hapon
Habang nag kukuwento ka kasabay ng pag halo
May kasamang saya kapeng  ihaharap mo

Kagaya ng buhay natin pareho
May matamis , mapakla at kahit pa mapait
Basta mula ito sa iyong puso
Ay lugod kong tatanggapin

Tanggapin mo sana itong kape ng buhay
Sapagkat itong ihahandog ay may tunay na timpla
May kapaitan mang taglay
Hindi mawawalan ng tamis ,  kape ng buhay

Kaya sinta , samahan mo ako nawa
Sa umaga , tanghali , dapit hapon at gabi
Dahil ang kapeng iaalay ay kape ng buhay
Na may saya ,  lumbay at sakit
Ngunit pinatamis at hinalo
Ng tunay na pag-ibig
This poem is for a  friend ! Bless you guys always

(Inaayos ko palang to)
Kape tayo.

Ano ba ang gusto **** timpla?

Yung naka 3-in-1 nga ba?
Yung pangmabilisan at fixed na yung lasa?
Yung pipili ka na lang, at ibubuhos mo lahat sa tasa
kasi alam **** ganun na talaga at di na sya mag-iiba?

Pwede rin yung sweet,
Yung sa sobrang tamis, ngiti mo'y aabot sa langit
pero di mo alam, sa ibang kamay na sya nakakapit.

O kaya, yung purong-puro din?
Yung matapang na at kaya kang gisingin
sa katutuhanan na sa iba na sya nakatingin?

Ano nga ba talaga gusto **** timpla?

Eto, kape, asukal at iba pa.
Ikaw na ang bahalang magtimpla.
Dahan-dahan lang at 'wag madaliin,
Bawat patak ay iyong lasapin.
At sa tamang oras ay makukuha mo rin
ang inaasam-asam ng iyung damdamin.

Kahit matatagalan man ay ayos lang
Kahit magkamali ay okay pa din naman,
basta't makukuha mo yung lasang
matagal mo nang inaasam-asam.

At sa tamang panahon,
yung mga tamis at paet ng kahapon
ay hamak na magiging leksyon
sa pagtimpla
ng perpektong lasa.

So ano,
Tara kape?
060522

Marahil salungat ang lahat sa ating pagsagwan
At baka sinasabi nilang
Naging iba na rin ang ating pamamaraan
Sa pagtuklas ng sining na buhat pa sa nakaraan.

Tila ba nais nila tayong patahimikin
Gamit ang mga balang kinimkim ng ating damdamin.
Hanggang sa tayo’y mabihag sa mga himig na iiba ang ritmo
Sa ninanais nating komposisyon.

Bagamat ito ang landas na payak para sa nakararami —
Ang landas na ang lahat ay handa nang tumaya't sumugal
Ngunit hindi, hindi pala ito para sa ating lahat —
At masasabi nating iba ang sinisigaw ng pulso nati't kaluluwa.

Sa mga pahinang ginuguhitan ng iba't ibang tinta'y
Tanging tayo lamang ang higit na may kakayahang kilatisin
Ang bawat guhit sa ating mga palad
At ang mga mantiyang hindi natin mawari sa simula
Kung saan ba ang pinanggalingan ng mga ito.

At sa muling pagdungaw natin
Sa sisidlan ng ating mga kaluluwa’y
Mahahanap din natin ang mga kasagutan
Sa pakikipag tagu-taguan natin sa mga lunas
Habang makakapal pa ang mga ulap na ating pilit na hinahawi.

Marahil nasisilayan nila tayo sa lente
Kung saan sila'y nakamulat na
Habang tayo'y kumakapa pa sa dilim —
At ang sinasabi nilang gintong mga salita'y
Nagmistulang mga malalaking batong balakid
Patungo sa liwanag at kalayaan
Na nais nating tuklasin nang mag-isa.

Marahil hindi nila tayo maintindihan
Sa mga oras na ang lahat ay abala
Sa pagsuong ng kanya-kanyang mga bangkang papel
Patungo sa tubig na dulot ng di kanais-nais na panahon.

At walang sinuman ang may kagustuhang maguho
Ang binubuo nating larawan sa ating mga isipan
Habang tayo'y pinagmamasdan ng  mapanghusgang lipunan
Kaya tayo'y tumitiklop sa halip na bumabangon nang kusa.

Gayunpaman, kalakip ng ating pagtalikod
Sa samu’t saring mga palamuting
Makinang pa sa ating mga kasuota’y
Doon pala natin maihihimlay ang sarili
Sa rurok na dati’y atin lamang na sinisilip at tinitingala.

Hubad ang ating mga pagkatao
Kung saan ang ating tinig ay hayagang mamaniubrahin
Ang mga kalansay ng kahapong humila sa atin pailalim
Habang tayo'y pansamantalang naging libingan
Ng mga baon nating kadilimang araw-araw nating hinihimay.

Ang ating pagsambit ng mga katagang
Tayo lamang ang nakaiintindi
Ay isa na palang patandaan
Na tayo'y dahan-dahan nang nakakaahon.

Bagamat walang hiyaw na sumasabay sa nais nating tagumpay,
Walang aninong nagbibigay-tulong
Sa bawat kahong ating binubuksan
Ngunit patuloy pa rin tayong papadyak at magpepedal.

Patuloy tayong lilipad higit pa sa ating mga imahinasyon
Kahit tayo mismo’y walang kamalay-malay
Kung saan tayo kayang tangayin
Ng mga saranggola ng kahapon at ngayon
Na ating kusang-loob na inialay na sa himpapawid at kalangitan.

At kung ang pagsagwan man nati’y salungat sa nakararami,
Ay patuloy pa rin tayong magtataya para sa ating mga sarili.
Patuloy na hahakbang at magpapasala sa umaalab na apoy,
At baka sakaling sa paulit-ulit na pagsubok nati’y
Ito na ang maging simula ng muli nating paglipad.

Maubusan man ng balahibo ang ating mga pakpak
Ay walang sawa tayong magbabalik sa simula —
Sa simula kung saan ang pag-asa
Ay tila ba kurtina sa ating mga mata
At waring nag-iisang diyamanteng kumikinang
Na handa nang igawad sa atin ng panahon.

Kung ito ang hamon sa larong alay ng tadhana'y
Tayo mismo ang kusang mag-aalis sa puwing sa ating mga paningin.
Magbibihis tayo hindi gamit ang lumang mga kasuotan
At gagayak na tila ba hindi tayo nasugatan
Buhat sa giyerang ating pinanggalingan.

Bagamat ang mga sugat sa ating katauha'y hindi natin maikukubli,
Ngunit ang mga ito'y magsisilbing baluti't tanda
Ng ating hayagang pagsambit
Na tayo'y nanatiling matatag
Pagkat pinili natin ang pag-ahon kaysa sa pagkalunod.

At hindi tayo mahihiyang tumapak sa papag
Kung saan tayo nagsimulang mag-ipon ng pangarap,
Kung saan ang ating lakas at inspirasyon
Ay buhat sa mga Letrang mahiwaga't makapangyarihan.

Sa mga oras na tila ba mabigat na ng lahat
Ay wala tayong natirang ibang armas kundi ang pagluhod.
At marahil sa ganitong paraan di’y
Mananatili tayong mapagkumbaba.

Muli man tayong nabasag at walang ni isang pumulot
Sa mga pira-pirasong kaytagal nating pinagsikapang mabuo’t pahalagahan.
At ang dugo’t pawis na hindi natin masukat
Sa babasaging garapon ng ating mga palad
Ay nagmistulang gantimpala sa atin ng Kataas-taasan.

Ito na marahil ang Kanyang hayagang paghikayat
Na kaya pa rin pala tayong akayin ng Kanyang mga Pangako
Patungo sa milagrong kaya pang lumipad ng eroplanong papel
Na minsang ginula-gulanit na ng kahapon.

Ang bawat Pangakong iginuguhit Nya sa ating mga puso
Ay higit pa na umaalab sa tuwing dumaraan tayo sa pagsubok.
Dito natin nakikilatis kung sino ba talaga tayo
At kung ano ba ang dahilan ng ating paghinga
Pagkat hindi pa rin tayo humahantong
Sa hindi natin muling pagmulat.

At kailanma’y hindi mauubos
At hindi mapapa-walang bisa ang mga ito
Ng mga ideolohiyang isinaboy ng sansinukob
At sapilitang isiunusubo sa atin
Hanggang sa hindi na tayo mauhaw at magutom pa sa Katotohanan.

Ang ating mga luha’y hindi lang basta-bastang dumaloy
Ngunit tayo’y inanod ng ating kalungkutan,
Ng ating hinagpis at walang katapusang mga katanungan
Patungo sa karagatang muli sa ating nagbigay-buhay.

Tila ba tayo’y muling binasbasan
Na higit pa sa mga tilamsik ng magagaan na butil ng ulan.
Na wala na pala tayong ibang dapat na patunayan.
At bagamat, napagod man tayo ngunit hindi ito ang naging mitsa
Ng ating pagtalikod sa Una nating sinumpaan.

At patuloy pa rin nating nanaising bigkasin
Nang walang bahid ng pagdududa’t pagkukunwari
Gamit ang ating mga palad at ang pintig ng ating mga puso’t damdamin
Ang pinakamagandang leksyon at mensaheng
Nagmistulang medalya ng bawat pahina ng panahon.

At mawawalan na tayo ng dahilan para magduda pa
Kung ano nga ba ang magiging katapusan
Pagkat ang tanging paksa ng ating paghimbing sa mga letra’y
Ang pag-asang darating din ang ating Tagapagligtas.

Ang ating pagyukod
At pagbaling ng tingin sa blangkong pahina’y
Isa palang pagsulyap sa kinabukasang
Makinang pa sa kung ano ang natatamasa natin sa ngayon.

At sa ating pag-angat hindi lamang para sa sarili
Ay 'di natin nararapat na malimutan ang dahilan
Kung bakit nais nating lumipad
At marating ang dulo ng pahina ng sarili nating mga kwento.
kingjay Jan 2019
At dagli na hinalikan
Ang namamalirong mga labi niya'y sabik sa unang karanasan
Ang sagot ay ang ginoong unang nagpatibok sa kanya ang unang hinalikan
Ngunit huli na ang lahat
Magpapakasal na sa ibang lakan

Sapagkat ang pamilya'y pinagkasunduan
Simula pa ng pagkabata, naipakilala na ang nakatadhanang nobyo
na mag-aangkin ng kanyang puso
Hambog na binata'y sa kanya ang sasal ng kasayahan sa mundo

Gaya ng karamihan ay nanligaw din ang pasikatero
bago nakuha ang minimithi
Sadyang mailap ang pagmamahalan ng mababang uri
Ngayon iba na sa kanya ang nagmamay-ari

Nang nagkaisang dibdib na'y nawalan ng pag-asa
Kahit masilip sa tuwi-tuwina
at maibulong ang pintuho sa reyna
Bukang-liwayway sa akalang nag-uumaga
Takipsilim palang naduhagi sa bawat araw at sa susunod pa

Ang hinihingi'y ay ang pag-amin
Sa kanya na ang desisyon
Mag-iiba sana ang kapalaran
sapagkat matimyas ang kanyang pag-irog
Kayang iwanan ang karangyaan kapalit ng pag-ibig
Carpo Dec 2020
Ang nasa itaas ay magiging masaya.
Tayo'y buo at mag kakasama.
Nag-papasalamat sa isa't isa.
Walang katumbas ang binibigay na saya.
Maligayang pasko para sa ating kapwa.

Maligalig ang aking mga kasama,
Halina't sumabay sa tugtog ng guitara.
Ngayong taon ay kakaiba,
Maraming bago at na iiba.
Ngutin nakangiti dahil kasama parin ang pamilya.
Taltoy May 2017
Ang oras ay tumatakbo,
Ito ba'y hinahabol mo?
Baka iba yung direksyon mo?
Ikaw ba'y nakakasigurado?

Baka malingat ka?
Ika'y napang-iwanan na pala,
Baka di mo mamalayan,
Ikay matagal na palang iniwan.

Ano pa ba ang magagawa mo kung huli na?
Magmumukmok, iiyak at magsisisi ka ba?
Baka masayang mo lang oras mo,
At mapangiwanan ulit ng panahong panibago.

Ano pa ba ang magagawa mo kung huli na?
Naisipan mo bang muling mag-umpisa?
Huli na ba talaga ang lahat pati sa panibago?
Di ba pwedeng kalimutan ang nakaraan at gumawa ng bago?

Huli na ba para sa panibagong pagkakataon?
Pagkakataon upang ipakita na di ka katulad nung kahapon,
Dahil araw-araw ang tinatahak na daan ay nag-iiba,
Di mo alam kung ano ang sayo'y babangga.
Another random poem.
Carpo Nov 2020
Onti-onti na akong nawawalan ng pake sa mundo.
Onti-onti narin akong nawawalan ng gana maging buo.
Hindi malaman kung kaya ko pa ba maging ganito.
Isang mundo na kahit saan ipaparamdam sayo ang talo.

Pinikit ko ang aking mga mata.
Nag-babakasakaling may mag-iiba.
Isang tao ay aking nakita.
Si kamatayan ay nangangamusta.

Kinamusta ako at binati tulad ng dati.
Napaisip kung ano ang aking nasa labi.
Mga salitang hindi ko mailuwa.
Pilit nilalabas upang ito'y mawala.

Tuluyan ng nag paalam sa mundo.
Isang rosas nanaman ang kinuhang buo.
Pinatay ng sariling tinik.
Nagluha sa isang pitik.
Taltoy Mar 2020
gusto ko lang magsulat ng tula,
gusto ko lang,
gusto ko lang sabihin na...
gusto ko lang sabihin na sana nandito ka.

sana nandito ka sa tabi ko,
dahil namimi-miss ko na ang mga yakap mo,
sana, sana nga talaga,
para masabi ko muli sa'yong mahal kita.

mahal kita, at walang mag-iiba,
pupwede bang pumunta na sa hinaharap?
upang mapakasalan ka,
upang tuparin ang mga pinapangarap?

sana ang tayo'y maging totoo,
sana ang tayo'y di na magbago,
sana hanggang huli, mananatili,
paghanga, pagtingin, pagtibok, pag-ibig.
i miss my bb bread
Taltoy Aug 2019
heto na naman,
heto na naman tayo,
magbabangayan, magchichikahan,
lahat ay dumadaan, nagtatapos sa tawanan.

diba parang wala akong mga assignment?
hahahaha wag ka mag-alala,
kasi kaya ko ito,
diba? mas magaling ako sa iyo? (AHAHAHA)

inaway na naman kita,
pero sino nga ba talaga?
sino nga ba?
ang mas magaling sa ating dalawa.

ang sagot, wala,
hahahaha wag kasing padala agad, hehe
dahil di naman tayo parehas,
diba iiba naman ang tunog ng bawat kuwerdas?

isa sa mga malapit kong kaibigan,
isa sa mga pwedeng pwede lapitan,
yung di ka kakalimutan,
kahit na ang pagbati nyo'y bangayan.

salamat sa iyo,
noon hanggang ngayon,
sana'y di magbago,
ang isang Ysobelle Valdevieso.

galingan sa kolehiyo,
sabihing kaya mo,
isiping kaya mo,
tawag dyan placebo. (HAHAHA)

pero seryoso,
kapit, laban, bangon,
wag patalo sa mga hamon,
kasi malakas ka, alam kong malakas ka.
Hiiiiiii butchik!!! Happy birthday dai. i love you as a friend, as a classmate and to the point na parang sister na rin (ATE MATERIAL) , alam mo yan. sana mag smile ka everyday and be happy. bal-an ko kaya mo na tanan ah, di ka mag duha duha. always talk to your parents kasi duuuuh. hahahahhahhaa tapos wag masyado magpakastress. minimize sa alcohol kasi baka mapano ka. tae care of your self always. hehe happy birthday ulit. good luck butchiiiiik!!!!
Taltoy Jun 2018
Nagbalik tanaw,
Hinalungkat ang nakaraan,
Mga 'storyang, lumitaw,
Binalot ng tawanan.

Ngunit ang mithi ko'y iiba,
Nais kong ika'y mas makilala,
Sapagkat ang alam ko sayo'y ang kaunti pa,
Ako nama'y pagbigyan mo, sige na.

Nagulat, di makapaniwala,
Bakit parang nagtutugma,
Ang ating mga storya,
Ang ating pagkabata.

S'an nga ba ako?
S'an ka naman ng mga panahong ito?
Hindi ba, tayo'y magkalayo?
Ni minsan, tayo ba noo'y nagtagpo?

At tayo'y nagbiruan pa,
Sabi natin ng patawa,
"Aba, baka ito'y tadhana",
Aba, sana nga.

Maalala pa kaya kita?
Ang tanong nating dalawa,
Tanong na may kaba,
Nagtatanong nang nag-aalala.

Aalahanin kita,
Ang sa aking bawat umaga,
Ang buwan sa aking gabi,
Ang mitsa ng aking mga minithi.

Ang sabi kong "una",
Una kong maaalala,
Una kong ipinagdasal,
Ang una kong minahal.
Taltoy Nov 2017
Ang katapusan,
Ang tuldok sa kwento,
Ang kasalukuyan,
Ang patuloy na paninibugho.

Dahil wala nang mag-iiba,
Hanggang dito nalang talaga,
Kaya nga inihinto na,
Ngunit bakit patuloy na umaasa, putangina.

Isang talunan, isang walang alam,
Ang parating nanghihinayang,
Ang parating walang kwenta,
Ang parating nagpapakatanga.
Kasi ang araw na ito ay puno ng kabiguan at pagkatalo
Pusang Tahimik Jul 2020
Nariyan ka nanaman
Parang kabuteng sumusulpot sa kawalan
Pakiwari'y sa tagal ay lumisan
Ngunit heto't muli nagpaparamdam

Mainit kung aking natatandaan
Ang pagsuyo sa aking isipan
Ano't tila naglaho sa kawalan
Ang anino mo sa aking kamalayan

Tugon niya sa akin kamakailan
Na waring mauulit ko nanaman
Sapagkat tila ba ay nakagawian
Ang lumisan ng hindi nagpaparamdam

Babalik naman ako sunod taon makalawa
At pangako, ako'y hindi nag-iiba
Masanay na lamang sa aking ginagawa
Sapagkat natural na yata sakin ang mangaluluwa
-JGA
kingjay Sep 2019
Isisigaw nang pasukdol ang pangalan-hirang
Lalaya na kasabay ng paglisan
Dadalhin ang mga kinikimkim
Mahapding man parating bukambibig
Sumisingaw nang matamis

Kahapong ligaya ngayon lumiligalig
Nalimbag ang pangyayaring ayaw mawaglit
Sana masaya sa piling ng iba
Kahit naririto na inaalala pa

May saliw ang bawat salita nang ginugunita ang yaong nakalipas na
Tukso ba na para kabigin
Bakit parang bitag na inihain
Sana'y habso ang pagkakabigkis

Sa paghayo tungo sa paraiso
Iiwan nang may pagkabahala  
Sana sa eklipse na magaganap
Mag iiba ang daan bukas
At di muna aalis pa

Hihintayin sa pintuan ng wakas
Kung saan ang mga bagay bagay ay may kanya kanyang lunas
Kung nararamdaman ay di na maibsan
Tatanggapin nang pagkagiliw
Kahit ililibing nang di naagnas
Shynette Nov 2018
Salamat sa iyo
Liwanag mo'y kailangan ko
Naiinis tuwing kulay mo'y nag-iiba
Kailangan kita kaya sana nama'y makisama ka
Dahil sayo ako'y napupuyat ng husto
Iba't ibang impormasyon nakakalap ko
Salamat ika'y dumating sa buhay ko
Sana'y palaging ganito
Naiinis tuwing kay hina hina mo
Kaya sana nama'y wag kang ganito
Gusto ko ng matulog ngunit ako'y pinipigilan mo
Gusto kitang mawala ngunit ayokong magyari ito
Munting liwanag ng wifi ikaw na'y naging buhay ko
Taltoy Feb 2023
Ilang taon na nga ang dumaan,
Iniisip, ipinagdarasal, at inaasam,
Galak at ngiting nilalanggam,
Sa katapusang ikaw at ako ang laman.  

Ako ay sa iyo nagtapat,
Sa araw ding ito nagsimula ang lahat,
Isang utak na walang muwang,
At isang tulang maraming patlang.

Subukin man ng layo at panahon,
Pagtingin ko'y nananatiling nakabaon,
Puso kong ikaw lang ang tampulan,
Di mag-iiba, di papalitan.

Aking sinta, mahal pa rin kita,
Malayo ka man at hindi kasama,
ikaw pa rin ang huling piraso sa aking palaisipan,
Ang bumuo sa mundo kong kulang.
ika-14 ng pebrero nang una akong nagtapat sa iyo, at hanggang ngayon ikaw pa rin ang gusto ko
Masyadong magulo ang aking mundo, pero sa tuwing kasama kita tila lahat ay nagiiba, ewan ko ba kung bakit ganto ang aking nadarama, tama ba na mahalin ka? O Itigil ko nalang ang nararamdaman para hindi nalang masaktan?

Masyadong magulo ang aking mundo, pero sa tuwing kasama kita tila lahat ay nagiiba, oo aaminin ko Takot ako na baka pagdating sa huli eh mawawala nalang lahat nang parang bula, na baka sa huli eh mawala ka nalang bigla.

Magulo ang aking mundo, pero sa tuwing kasama kita tila lahat ay nag iiba, kaya sana sa araw na maglahad ako nang aking nararamdaman, sana'y Sa ere wag akong iwanan.

— The End —