Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hirang" poems
hindi sa lahat ng panahon ang mga bagay ay naaayon sa kung paano natin gusto; ㅡ at 'di lahat ay agad na natatamo. ito ay ang aking napagtanto nung nalaman kong may iba kang gusto, at ayaw ko namang ipilit sa iyo ang mga bagay na ayaw mo. oo, mahal na mahal pa rin kita puso ko'y walang sinisigaw na iba. ngunit ikaw ba, aking sinta, ay siya ring nadarama? talagang hindi yata. ako ma'y nahihirapan na tanggapin at maunawaan na tayo'y hanggang dito na lamang pero aking hirang, damdamin mo'y aking igagalang.
0
Nov 24, 2018
Nov 24, 2018 at 10:29 AM UTC
pag-unawa.
Balanseng pakikibaka, Ito ang araw araw na ipinamulat sa akin Ng pang araw araw ko ding pagtira Sa mundong hindi naman timbang ang hustisya Magkabilang panig na inaasahan ng lahat Na sana'y magpantay ang timbangan Ngunit ang katotohanan? Likas nang mas mabigat ang kabila Kaysa sa nasa kabila. Lahat daw ay pantay pantay Sabi ng matandang kasabihan Ngunit para sa akin? ‘Yan ay isang malaking kalokohan Wala pa namang naging malinaw na paliwanag Sa uugod-ugod na paniniwalang iyan Nakakapagod pantayin ang mga bagay-bagay. Sa kadahilanang hindi naman pantay pantay ang layunin ng bawat nilalang Sa lipunang, Kailanma'y hindi na magiging patas Sa mundong, Kailanma'y hindi na bababa ang mga nawili na sa itaas, Sa daigdig, Na ang nasa ilalim ay lalo pang nadidiin Paano pang mag-aabot ang langit at lupa Kung mananatiling bakante ang gitna Kung ang biktima ay lalong inaakusahan At ang may sala ay patuloy na hinahangaan O lupa kong hirang, o Inang kong Bayan Tayo ba’y ang mga walang kapaguran panaginip? Hanggang kailan tayo maaaring maidlip? Tayo ba’y ang mga hindi natutulog na batis? Hanggang saan tayo padadaluyin ng mga agos ng hinagpis? Tayo ba'y ang mga sigaw Sa kwebang walang alingawngaw? Hanggang kailan tayo magtitiis Sa 'di makatarungang ''Mga Bulong ng Hapis''. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 5:34 AM UTC
Mga Bulong ng Hapis
Ang iniwan, niloko ng liyag kimkim ang galit sa kaibuturan ay di madaling mapa-ibig Ang masaya na pakisamahan nakalulugod na kaibigan ay di makapagsalita sa harap ng hirang Sa hindi natuto pang umibig ay parang sanggol na madaling umiyak, kailangan akayin Pagkat ito'y hindi maipipilit tulad ng pag-awit ng mga pipit Dalawampung araw na singkad sa yaong buwan ay ang kaarawan na di sa taong bisiesto Kapag may dugong malabnaw at malinaw ay karakaraka lumigwak sa bukang sugat Oras na ipagdiwang ng mga buo at biyak Dalawang kasarian ay kapupunan sa bawat isa
0
Feb 14, 2019
Feb 14, 2019 at 4:57 AM UTC
Puso ng Pebrero IV
Matulog ka hirang / at kata'y tutulak Sa landas ng gabing / humahalimuyak Doo'y tutuparin / ng ating pangarap Lahat ng pagsuyo't / pag-ibig na hanap Kata'y aaliwin / ng mga kundiman At patutulugin / ng hanging mahinay Pag-ibig ang ating / magiging himlayan Sa harap ng tala't / mga bulalakaw Sa landas ng tuwa / kata'y matutulog Lilipas ang hirap / lahat malilimot Lalaya ang diwa't / mga bungang-tulog Sa tulong ng gabing / lipos ng pag-irog Kata'y maglalampong / nang buong hinahon Wala ni sinuman / ang makatututol Huhuni't aawit / ang lahat ng ibon Titigil ang luhang / sa mata'y nanalong Lamang ang hangad ko'y / iyong mamalasin Ang aking pintuhong / hindi magmamaliw Sukat na sa akin / na iyong ibigin At kung ibigin ma'y / umibig ka giliw! Tena at humimbing / sa gabing tahimik Na nilalambungan / ng nunungong langit Mga puso'y sabay / na mananaginip Sa awit ng isang / hele ng pag-ibig
0
Jul 18, 2016
Jul 18, 2016 at 7:20 AM UTC
Hele ng Pag-ibig
Sa tili ay nagulat Oras na bumangon Tumatagistis ang pawis Nagsusumikap sa ilalim ng buwan Nang sa taggutom ang sikmura'y di magtiis Ilang linggo na ang lumipas at muli'y pasukan Di pagbabalik-skwela ang kinapapanabikan kundi ang hirang Ang makita na ngumiti, nagsisilundagan ang saya sa luksong-lubid Sa kumikinang na dilaw - ginto Sa pinto ng silid-aralan Ang pangalan ay sa talaan Sumambulat sa harapan, magiliw na klase at kaibigan Alas singko ng  hapon, bumuhos ang ulan Sa hintayan ay sumilong at doon din ang paraluman Ang tatlong estudyante sa likod niya ay di alam Nang isa ay hinipo ang makapal niyang buhok Tinawag na ang pangalan Sa tabi ay lumapit Ang winika ay baka mabasa ka ng mahalumigmig na  habyog ng hangin Inaabangan pa rin ang mga binata sa kung ano pang balak na gawin
0
Jan 9, 2019
Jan 9, 2019 at 5:30 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #46
At sisimulan sa pag ani ng mga ala ala Magtatagpo sana sa dalampasigan  kung saan dumadampi ang mahalumigmig na hangin Dapuwa hindi giginawin Nakatalukbong ang isang binibini Mga kanyang  salita'y tumaktak sa wari Sapagkat hindi maisabi O hirang hindi kailanman naging makasarili Ang pag ibig minsan kailangan bumaba ang Hari At ganap na  hari sa luklukan Walang makapagpapatalsik ni anumang may buhay Wala rin isinilang sa mundong ibabaw ang makapagpahabag Ngunit ito ba'y kahantungan ng lahat Ang pinalad na maging reyna ibang palasyo binagtas Magdiwang na ang lahat Ano ba ang magagawa sa Maharlikang angkan Ngayon ay tumatanda kasabay ng panahon At naging kadena ang mga matamis na kahapon Ang samyo ng bukid ay parang usok na sanhi ng pagkahika't hapo
0
Aug 25, 2019
Aug 25, 2019 at 5:57 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #74
Isang  pintuan  ng  mahihiwagang  dekorasyon Palamuti,  anong  nasa  likod  na  impormasyon Sa'yo  ipaglalaan  ang  aking  buhay  na  hiram Nais  balang-araw  ay  tawagin  kang  hirang Di  sapat  ang  aking  tayutay  upang  ang  sagot  ay  dumulas Pangatlong  katok  ko  na  ito't  'di  parin  nagbubukas Ikaw  ay  isang  bugtong  na  nais  kong  matuklas Kung  hinde,  ang  aking  buhay  ay  habang  buhay  na  undas. Ako'y   ligaw  na  kaluluwa,  'di alam  kung  sino Ako'y  ligaw  na  kaluluwa  at  baka  ikaw  ang  paraiso May  pagnanasa  sa  paglapit  subalit  ayokong  maka  abala Ako'y  nababaliw  sa'yo  kahit  hindi  kita  kilala Ang  iyong  ngiti  ay  bukang-liwayway  sa  mundong  mapanglaw At  ang  iyong  buhok  ay  mga  alon  sa  dagat  na  bughaw Kung  kulangin  man  ang  ginawa  ko  na  tula Handa  akong  gumawa  ng  isang  daan  pa Hayaan  mo  akong  lumapit,  sa  kung  nasaan  ka man At  pangako  sa  'yo  ako'y  tahimik  lang Subalit  hindi  titigil  hanggang  mapunan  ang  patlang Pakiusap,  hayaan  mo  akong  umusad  kahit  isang  hakbang  lang.
0
Aug 14, 2020
Aug 14, 2020 at 11:27 PM UTC
Hakbang
Pagbabadiya sa panibagong giyera Ako ay alipin na ng kaba Sa iyo ba ay mahalaga na Ako na naghihikahos sa dusa? Yugtong panibago, babago sa mapait na buhay Sugal sa kapalaran, pambili ng matatag na gabay. Bago pa man sarili ay ilisan Ako ay iyong na ring hagkan Mahina pa ang aking damdamin Na kaya pang itaboy ng hangin. Mahahalagang salita na bulong mo sa akin Hindi malilimot ang boses **** malambing. Sa aking pagkakasala, lahat ay iyong patawarin Magulong sanlibutan lang ang gumagambala sa'kin. Ako na hirang mo, mapa~gabang
0
Jan 5, 2019
Jan 5, 2019 at 12:12 PM UTC
Bigo
Isugpong ang lupa't langit Lumaon na pagsuyo'y naaanod Sa kanluran ay naninikluhod na sana maging malubay ang kasikipan ng loob Ipagkaila sa tapat ng altar Tumanda na naangkin ay di ibibigay Di sadya man mamutawi sa labi ng mga kaibigan Mag salangsang sa pag-ibig at nang humanggan Sa wakas ay kusang mabubuhay Sa walang panahon o oras Ihuhubog ang mundo na tumila Gaya ng dasal ng patay sa kalawakan Ipagkaloob ang kasarinlan sa marubdob na kinikilos ng itong kaluluwa Mahiwalay sa katawang tao At ang karunungan ang siyang magpapalakad sa gawa ng Maylikha Sapagkat natumbok ng hirang ang budhi Hindi na kaya maitakwil Mismo ang kanyang kamay tumarak ng salapang Sinugat ang kaluluwa - inalila ng kanyang pagnanasa
0
Mar 10, 2019
Mar 10, 2019 at 7:36 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #62
1. Kamay Heto, kung mararapatin lamang. Ipagkakatiwala ang sandali tungo sa laman ng salita. Heto, kung ipagdaramot lamang, at ipagsasawalang bahala ang dambana ng iyong katawan. 2. Kurba Kung abot-kamay lamang din naman ang buwan ay ipagdaramot na lamang ang natitirang liwanag. Sa palad ko nakahimlay ang talim ng iyong buto. Hindi na mangingiming pang ibalik pa sa tahimik na daluyong ng oras ang mga kamay na ito na walang pagpapatawad. 3. Mata May tupok na anghel na bagong hirang sa loob ng malaking puwang. Walang paglalagyan ng ligalig, marahang pagiingat lamang, kung tatanaw sa kabilang kuwarto ng halinghingan na para bang nagtatalik ang nais sa hindi maangkin nangungusap nang walang karampatang pagmamalabis.
0
Mar 26, 2016
Mar 26, 2016 at 11:36 PM UTC
Iilang Mga Parte
Isisigaw nang pasukdol ang pangalan-hirang Lalaya na kasabay ng paglisan Dadalhin ang mga kinikimkim Mahapding man parating bukambibig Sumisingaw nang matamis Kahapong ligaya ngayon lumiligalig Nalimbag ang pangyayaring ayaw mawaglit Sana masaya sa piling ng iba Kahit naririto na inaalala pa May saliw ang bawat salita nang ginugunita ang yaong nakalipas na Tukso ba na para kabigin Bakit parang bitag na inihain Sana'y habso ang pagkakabigkis Sa paghayo tungo sa paraiso Iiwan nang may pagkabahala Sana sa eklipse na magaganap Mag iiba ang daan bukas At di muna aalis pa Hihintayin sa pintuan ng wakas Kung saan ang mga bagay bagay ay may kanya kanyang lunas Kung nararamdaman ay di na maibsan Tatanggapin nang pagkagiliw Kahit ililibing nang di naagnas
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 1:55 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #79
Mahirap pala Ang umasa't masaktan O aking Hirang
0
Oct 11, 2015
Oct 11, 2015 at 9:09 AM UTC
Untitled
Ang mga tala ay nagdiwang Ikaw narito na aking mahal Ako ay hinagkan Pangakong hindi na iiwan Ang mundo ay naniwala Mga puso'y nagtiwala Sa pag-ibig na nilaan Para sayo lamang hirang Ang mga labi na rosas Mga mga mata **** abo Ang mga sulyap mo Nagbibigay galak sa puso ko
0
Jun 24, 2019
Jun 24, 2019 at 11:29 AM UTC
Laan
92 Lingid sa kaalaman ng lahat Sa katotohanan sila ay sinalat 93 Sapagkat ang kanilang prinsesa At hinirang na prinsipe sa tuwina 94 Ay ‘di naman tuluyang naglaho Sila lang naman ay napalayo 95 Tulad nina Sibo at Loria Mahiwagang bubuli nilamon sila 96 Buhay pa naman Itong magkasintahan 97 Pagdating ng mahiwagang nilalang Sa lupaing takdang hirang 98 Sila ay iniluwa Sa Gintong Lupa. -06/28/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:46 PM UTC
Daragus 14 -Ang Alamat ng Ikalawang Lahi sa Gintong Lupa-