Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Reign Feb 2016
Nagsimula ang lahat sa mga tingin na abot kaluluwa
Nung ako'y ligaw at kusang hinahanap ka ng aking mga mata
Sa bawat lihim na sulyap ay isang 'mahal kita' na hindi mo nakuha
Di pa rin tanggap ang nakaguhit na linya

Nakakatawang isipin,
Na walang kaalam alam na sya ang pinaka importante sa buhay ko
Ang inosente sa ngalan ng pag ibig,
Na sya'y salarin sa pagbihag ng puso ko

Sa bawat kainan na ating napuntahan
Hindi ako nagsawa na ang istorya mo'y pakinggan
Sa mga sinehan na ating pinanuoran
Na mas gusto kong ikaw ang aking titigan

Ikaw ang bituin sa gabi na lagi kong pinagmamasdan,
Ang aking hiling sa bawat tingin sa langit,
Panaginip na sa pag dilat ko sana'y totoo
At ang buong sistema ng mga tula ko

Pero hindi ako naniniwala na hanggang dito nalang
Umaasa pa na sana'y pwedeng humakbang
Nasa likod ko ang pader at wala nakong iaatras pa
Dahil ako'y tao lang at ang pag abante ang natitira kong galaw

Gusto kong humakbang,
kung anong meron tayo
Gusto kong higitan,
ang mga nagawa ko para sayo
Sana ako yung taong pinagbigyan **** magpapasaya sayo

Binigay ko ang lahat na akala ko'y sapat
Ngunit hinarangan mo ang daan para maging tunay ang lahat
Konting lapit ay luwas ng mabilis
Bulong sa hangin ang damdaming nais iparating

Ilang luha ang iniyak mo na hindi kailanman mang gagaling sa akin
At sa mga ngiti na sana'y ako ang sanhi..

Hindi mo na pansin na ako'y nasaktan
Na habang buhay mag hihintay sa bakuran
At umaasa na sana pwede pang humakbang..
103115

Heto, bibilangin ko na naman ang araw,
Uno, dos, tres, at mapapahintong bigla sa ikaapat.
Hindi batid ang tamang oras
O hatian ng minuto't pag-istambay sa segundo,
Bagkus, iyon ang eksaktong araw.

Panahon na siguro para maisalta ang salita
Sa puso **** tila nakakahon pa't hindi pa malaya,
Sa pagbubukambibig ng itinabing damdamin,
Sa paglisan sa ipinaubaya **** pangakong
Minsang pinanghawakan ng pusong hindi pinagdamutan.

Kung pipili ako ng salita, baka maubos ito sa kawalan;
Gaya ng pagtampisaw ng bituin sa kalangitan.
Baka malusaw ito gaya ng yelong nakatiwangwang,
At masayang ang tubig na sana'y sagot sa uhaw.
O baka mapudpod gaya ng posporo,
Paulit-ulit na sinubok ng pagkakataon,
Bagkus hindi maisindi ang pag-ibig,
Kaya nanatiling walang pahiwatig.
At biglang itatapon, ikakahon ang natitirang damdamin,
Itatago, hanggang sa magkataong kailangan na talaga.

Panalangin ko'y magpalakas ka sa pananampalataya,
Wag **** lingunin ang nakaraan, at taglayin mo ang Liwanag.
Kung napapagal na'y, wag kang hihinto,
Bagkus, mas kumapit ka pa sa may mas mataas na pangako.

Narito ako't hindi tatalikod sayo,
Susuportahan ka kahit hindi mo makita ang pag-alalay.
Panalangin ko'y tapusin mo ang laban,
At mas masilayan ang kagintuan ng Haring Araw,
Wag kang mabubulag sa mukhang may ilaw.
Tingnan mo ang pawang mga kamay,
At wag matakot sa pagsuntok sa hangin,
Pagkat iilag ang sitwasyon,
Bagkus binibilang Niya ang lakas at determinasyon.
Mas ialay ang puso sa Kanya,
Higit pa para sa pag-ibig na inantala.

Hayaan **** makinig ang puso mo,
Pagkat nanalangin ang puso ko.
Kahit minsa'y kaylayo, kahit hindi ko madipa-dipa.
At sa paghihintay natin sa tamang panahon,
Kaya ko nang sambitin ang estado ng puso.
Hindi sa paghain ng mga letra sa pawang mga mata,
Na tila mananatili na lang sa papel na hindi nababasa.

Pag muling nagtagpo,
Ako mismo ang haharap sayo,
Pero tandaan **** baka wala akong masambit.
Hindi dahil mahina't naubos na ang lakas ng loob,
Bagkus, hindi ako makapapaniwala
Na ang oras ay tunay at eksakto para sa pagkikita.

Hindi ko mapipigil ang pagluha buhat sa saya,
Pagkat ang kabiyak ng pusong minsang nasugatan at hinulma'y
Kaya nang matitigan kahit hindi na magbilangan ng oras.
Mayayakap na hindi lang dahil sa pagmamahal,
Bagkus, pahiwatig sa pasasalamat na tunay ngang ikaw.

Pag-ibig Niya ang dahilan
Kung bakit patuloy na naghihintay,
At kung bakit patuloy kang ipinaglalaban,
Patuloy na ibinabatak sa Maykapal.

Sa Kanya ang papuri sa umusbong na damdamin,
Ang pag-ibig ko sayong patuloy na nananatili.
Oo, isinapuso ko ang pag-ibig ko sayo't
Pinili kong pillin ka, sa kabila nang tila magulong anggulo.

Ganoon ang pag-ibig ko,
Hindi mo masusukat, bagkus kaya Niyang higitan pa.
Kaya't hindi ako lumaban, pagka't mas iniibig ko rin Siya.
Hindi mo mababasa, pagkat Siya ang may katha.
At kung anuman ang nilalaman ng pusong may sagot,
Sana'y katimbang nito ang damdaming ipinaglalaban.

At kung kinaya nating magkanya-kanyang kasama Siya,
Mas kakayanin na nating magkaisa para rin sa Kanya.
At saka na natin sabay na ibabandera Kanyang Ngalan.
At pawang magiging patunay sa pag-ibig na nakapaghihintay.

Tila kayhirap bigkasin, kahit apat lamang ang kataga.
Mahal kita, sana makarating sayo,
Sa tamang panaho'y magpalitan nga ng kataga.
Sana ikaw ang unang magpatimbang sa Kanya,
Maniniwala akong makararating sa patutunguhan
Ang liham ng pusong may totoong damdamin.
Para sa taong pinagdarasal ko, maghihintay ako.
Jor Sep 2016
I. Kilig
Unang kita ko palang sa'yo—
Gusto na kita maging parte ng buhay ko
Sinong hindi kikiligin sa tuwing
Ngumingiti ka rin,
Sa tuwing ngumingiti ako sa'yo.

II. Kaba
Sa tuwing kakausapin kita,
Nauutal ako.
Nagbubuhol-buhol ang mga salita—
Na enensayo ko pa kaninang umaga.
Kasi araw na ‘to ipagtatapat ko na—
Ang tunay kong nadarama.

III. Saya
Dahil sa wakas nasabi ko na!
Hindi ko akalain na pareho ating nadarama.
Sinong hindi sasaya?
Kapag nabigyan ka ng perbilehiyong—
Magkaroon ng “tayo” sa pagitan ng
Dating “ikaw” at “ako” lamang.

IV. Galak
Alam ng Diyos kung gaano nagagalak
Sa tuwing magtatagpo ang mga mata.
Alam ng Diyos kung gaano ako nagagalak
Sa tuwing hahawakan ko ang kamay mo.
Sa tuwing magkausap tayo magdamag
Alam ng Diyos kung gaano ako nagagalak
Nung simula kang maging parte ng mundo ko.

V. Inis
Naramdaman ko rin ang inis
Sa tuwing binabalewala mo ako,
Sa tuwing iba ang kasama mo,
At hindi ko namamalayang
Nagseselos na pala ako.

VI. Pangamba
Nangangamba ako,
Sa tuwing aalis ka ng walang permiso.
Sa tuwing hindi ko alam kung sino kasama mo.
Nangangamba ako,
Sa anong pwedeng gawin mo—
Sa tuwing nagkakaroon tayo ng pagtatalo.

VII. Takot
Takot ako na magsawa ka sa gaya ko.
Takot ako na baka makahanap ka ng iba
Yung kayang higitan ang isang tulad ko.
Takot na baka isang araw—
Hindi na ako ang iyong mahal mo.

VIII. Lungkot
Madalas malumbay na gabi ko.
Sabik na sabik ako —
Sa mga yakap mo,
Sa mga dampi ng mga halik mo,
Sa mga magagaan na haplos sa ulo ko.
At sa mga gabing natatakot ako.
Gusto ko lang na nandirito ka sa tabi ko.

IX. Pangungulila
Dumaraan ang mga araw, linggo at buwan
Na wala ka nang oras sa akin,
Gusto sana kitang puntahan
Ngunit alam kong—
Na mas importante ka pang gagawin.
Naiintindihan ko naman
Pero anong magagawa ko?
Nangungulila ako sa’yo.
Gusto kong higitan
ang kinang ng mga butuin
Baka sakali ako'y iyong mapansin
Nagtatago sa mga hibla ng ulap
Ang pag sinta ko sayo
Sa puso ko'y lumaganap
Tila apoy na nilalamon ang kaluluwang
Tigang sa pagibig
Ang simpleng hiling
Higitan ang mga butuin
At kung maaari kay Kupido bigkasin
Sana'y puso nya din ay panain



-Tula II, Margaret Austin Go
013017

Gusto kong umiyak -- gusto kong ipasalo Sayo ang bawat luha, bawat luhang matagala nang gustong bumaha -- gustong bumaha at magpatangay Sayo.

Sa bawat pagkakataong ibinubuhos Mo ang Iying presensya -- mga pagkakataong lumayo ako Sayo -- lumayo ako sa kabila ng pag-ibig **** pang-walang hanggan. Oo, oo at sigurado akong patuloy akong kakapit Sayo gaya noon -- noong unang beses kong pinanghawakan ang bawat pangako **** kailanma'y hindi pumalya. Mga pangakong akala ko noo'y hindi na mangyayari -- pagkat noo'y nagpatalo ako sa sarili kong panahon at binalewala ang oras **** mas mahalaga.

Mahal Kita at walang katapusan ang alay Mo. Ni hindi ko kayang palitan o mapantayan o higitan ang pag-ibig Mo.

Kailan Ka ba sumuko? Wala akong matandaan kahit ang tanda ko na -- kahit ang tanda ng orasan sa tabi ko. Napapagod ako, nanghihina ako at bumibigay ako pero kahit kailan, Ika'y patas -- patas ang pag-ibig Mo.

Kanina ko pa gustong ituntong ang mga paa ko sa hagdan -- sa hagdang patungo Sayo. Na kahit di Kita masilayan ngayo'y aabangan Kita at hihintayin Kita. Gusto kong iluhod ang lahat, ilatag sa paanan Mo ang bawat sakit kasi hindi ko kayang mag-isa. At kung pupwede lang na bumaba Ka ngayon, kung pwede lang -- ay yayakapin Kita.

Ama, kung ganito man ang tamang pagsambit ng Ngalan Mo; yakapin Mo ang anak **** lantang-lanta na't uhaw sa presensya Mo. Kung ganito ang paghihintay na kailangan kong maramdamang may mga bagay na hindi kayang ayusin, hihintayin pa rin Kita.

Wala, wala na akong masasambit pa. Tinig Mo pa lang, kahit simpleng bulong lang, ako'y napaluluhod sa galak. Iiyak na naman ako at mismong sa harapan Mo, ibibigay ko ang lahat -- Sayo ang lahat, Ama. Sayo, oo Sayo.
Anton Jun 2020
LDR
📝SIMPLENG MAKATA

LDR man ang ating relasyon
Cellphone man ang ating komunikasyon
Hindi ako gagawa ng isang rason
Para masira ang ating pundasyon
Pangako sayo di mapapako
Na hindi ako magbabago
Wag kalang mawala sa buhay ko
Kasi ikaw ang dahilan ko
Sa pagiging masaya ko
Sa pagiging malakas ko
At nilalabanan ang dumarating na pagsubok dito sa ating mundo
Magiging matatag ako
Para lang sayo
Kasi ikaw ang dahilan ng pag ikot ng mundo ko
Kasi ikaw ang bagay na di kayang tumbasan ng pera
Di kayang higitan ng kahit anong magaganda
Kasi ikaw ang bituin
Na mahirap sungkitin
Ikaw ang taong mamahalin
Na di kayang bilhin
Na ngayo’y na sa akin
Na aking pag iingatan
Na poprotektahan
Sa oras nang kagipitan
Kaya sana ganun ka din
Tapat ka rin
Sa akin
Kasi ako’y ganun din
Alam kong darating din
Ang tamang panahon
Na tayong dalawa’y pagtatagpuin
Landas ay pag iisahin
Oras ay paghihintuin
Ang pag ikot ng mundo’y patitigilin
Para lang tayong dalawa’y pagsamahin
Kaya tiwala’y wag nating alisin
Nang sa ganun
Di tayo mauwi sa hiwalayan.
#ManunulatPh.
#REPOSTED
032217

Ang bilis namang kumupas ng lahat
Yung akala kong aabutin pa ng kinabukasa'y
Kinain na ng alikabok,
Hindi ko na mabasa ang naka-imprinta
Na dati lang, araw-araw kong pinagmamasdan
Na dati lang, parang sabik ka pang maging parte ng araw ko
Na dati lang, sinasabi **** ako ang kumukumpleto nito.

Ang bilis namang maglaho ng lahat
Pumikit lang ako, naiglip lang ako
Parang nagbago na rin ang mundo mo
Iba na ang istilo, iba na ang galaw
Iba na ang sambit, iba na --
Hindi ko na mabasa pa
Hindi ko na nga alam kung nasaan na ba ang "tayo."

Ang bilis namang huminto't sumuko
Na sabi mo'y hindi ka magsasawa
Pero parang kapeng katitimpla lang,
Nanlamig at hindi ko alam kung paanong nawalan ng lasa
Iba na ang nagtimpla,
Ayoko na sana.

Ang bilis naman ng lahat,
Sabi ko pa naman,
"Higitan natin ang tatlong araw"
Oo, sinubukan natin
Nahigitan nga natin at naging "tatlong buwan."

Pasensya, hindi ko kasi matanggap
Na ganito ang bunga nang minsang pinagtayaan ko
Siguro nga ganoon talaga,
Sa huli't huli'y susuko rin ang isa
Bibitaw din at maglalaho ang "tayo."

Pasensya talaga,
Ang hirap tanggapin
Kasi ikaw ang unang sumuko sa ating dal'wa
Ayoko na ring manguna pa
Ayoko na ring ayusin pa
Ayoko na ring bigyang kahulugan pa.

Hindi ko alam kung paano ako uuwi
Kung sasalubungin pa ba ako ng yakap mo
O mag-isa ako uuwi't maghihintay na lang muli
Maghihintay at papara ng iba.

Hindi ko alam kung paano na
Paano na yung mga plano natin
Mga planong napako kahit maaga pa lang
Hindi man lamang umabot sa ninais natin.

Sapat na sigurong itigil ang kahibangang ito
Na minsan, nangarap ako
At ikaw pa ang pinangarap ko.
Nandyan ka man, ang layo mo pa rin.

Kaya siguro, siguro itigil n natin
At siguro nga, hihinto na rin ako sa pagsusulat sayo
Kalilimutan ko na lang ang lahat kahit masakit
Tama na siguro, ayoko na magsulat
Tama na, sumusuko na ako sayo.
yndnmncnll May 2021
Isang bukas na sulat para sa aking minamahal:

Hindi ka niya kayang palitan
Pero kaya niyang higitan ang pagmamahal mo
Pero kaya niyang punan ang mga pagkukulang mo
Binibigay at pinaparamdam niya sa akin ang mga bagay na gusto kong sa'yo galing
Ang ngiti mo, ang pangalan mo, ang tawa mo, ang hugis ng mukha mo di ko malimutan kailanman
Ngunit siya na ang nandiyan para sa akin
Na kailanman ay hindi na ako sa iyo ay babalik pa

— The End —