Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"angkinin" poems
sabihin mo saakin kung paano kita mamahalin dahil minahal kita sa paraang hindi mo inaakala sabihin mo saakin kung paano ko tatapusin ang mga sayo ay tapos na pero pilit paring pinagtatagpo ng tadhana sabihin mo sa akin kung paano ko kakalimutan ang mga bagay na halos ayoko ng maalala sabihin mo saakin, paano ko ililigtas ang relasyong tayo lang ang nakakakilala. ang relasyong sa dilim lang maliwanag relasyong hinuhusgahan ng lahat, relasyong kasiyahan mo ang mas mahalaga. sabihin mo saakin ang kongkretong solusyon, sa mga desisyong hindi ako kasama pero sa pandaliang ligaya, kamay natin ang magkalapat sa tuwi-tuwina sabihin mo, sabihin mo na, dahil pagod na akong angkinin ka sa tuwing may aagaw na iba. sa tuwing sasabihin nya at tatanungin nya ako kung ako ay maligaya. paano ko sasabihing tayo ay masaya, kahit wala sa kama ang simpleng yakap, oras nating dalawa ay mahalaga paano ko sasabihin, kung ikaw mismo hindi mo masabi at mas piniling pagtakpan na lang ang lahat at manatali na ang kawalan ng salita ay manahan at bigla na lang mawala hindi ka man pumipili pero alam ko, sa kabila ng lahat ng ito. kapag ang lahat ay tumalikod lahat ay tumiklop ako at ikaw, mas pipiliin paring maglayo. iwan ako, iwan ka. wala. narating nanaman natin ang dulo.
0
Sep 3, 2018
Sep 3, 2018 at 8:34 AM UTC
Dulo
Naaawa ako saiyo, Binibini Karumaldumal ang pamamaslang na iyong sinapit Luha mo’y nagpaparamdam ng hapdi sa pag tulo nito sa iyong mga pisngi. Ginahasa ka ng sarili **** pinuno Minulestya ka at pinagsamantalahan Ibinenta ka sa banyaga na parang isang bayaring babaeng matatagpuan mo sa daan. Ninakawan ka ng sarili **** tagapaglingkod Binigyan mo na ng palay at lupain Ngunit ang hindi na para sakanila’y nagawa pang angkinin. Pamilya mo’y nagawa kang saksakin sa iyong likod Sa kanilang pananahimik at hindi pagkinig Sigaw **** “tulong”, sa lakas ika’y nawawalan na ng tinig; at Sa pananatili nilang pagpikit sa mga karumaldumal na katotohanang sa harapan nila’y nakahain. Ipagpaumanhin mo ang mamamayan mo, Binibini Tao mo’y masyadong nasilaw sa kayamanang iyong binahagi Pasensya ka na at sila ay naging makasarili Hindi nila inisip ang dulot nilang hinagpis. Binibini, Sa kahit anong gamot ang iyong ipahid sa mga sugat **** natamo Malinaw na hustisya ang sigaw ng puso at isipan mo Hustisyang malabo mo nang maabot Sapagkat tunay kang hindi inibig ng tao Kundi ginawa ka lang instrumento sa pagkamit ng kanilang makasariling plano.
0
Mar 15, 2019
Mar 15, 2019 at 8:25 AM UTC
BINIBINI
Bato sa balat, Hayaan **** lumapat ang ‘yong kahinaan sa mahinahong baldosa Payagang lamig ay yumanig sa bawat panig ng iyong katawan Mula sa kalamlaman ng iyong talampakan hanggang umabot sa– Pagitan ng iyong mga hita, paakyat sa kalamnan, patungo sa dibdib Hanggang maramdaman nginig na dala ng iyong pag-iisa. Ipagpaliban mo muna ang mundo Ilaw sa paningin, Hayaan **** angkinin ka ng daang-daang mukhang nasasalamin sa bawat tisa Tignan ang iyong mga nakikita, ikaw ngayon ay nakakahon sa bato– At mga multo na iisa lang ang mga mukha’t hinaing Payagang ika’y ariin ng kanilang mga nanlilisik na titig, Huminga ng malalim at iyong sabihing Ginusto mo ang linggatong na ‘to Mata sa dutsa, Tumingala hanggang kadahilanan ay magunita Ang iyong katwiran kung bakit pinili mo ang kapangahasan Hamakin ang sarili’t magnilay-nilay sa nagbabadyang kasalanan ‘Di hamak naman na mas ikakasaya mo ang pait– Ng paglalapastangan sa sarili nang ilang makamundong saglit Pagbigayang mabasa ang sarili Silakbo sa kawalan, Ipikit ang mga mata’t pakiramdaman ang daloy ng tubig sa’yong balat Ipaanod sa agos ang haplos ng pighati’t pagtitimpi Sa mahigpit na bisig ng isang mapanghusgang mundo Tikman ang hagod ng malamig na pelus sa iyong mga labi Sumidhi sana ang pagdanak ng init ng pagnanasa sa bawat bena Mahalin mo ang iyong pagkatao Makipagtalik sa sarili, Ibigin **** maibigan ang pagiging makamundo’t makasalanan Ibaling ang pansin sa pagpapalabas ng himutok Muling sabihin na hindi makasarili ang pagnanasa sa sarili’t Ulit-ulitin ang pagbaluktot ng diwa’t isipan hanggang ito’y tumatak, Hanggang sa mabulalas mo ang iyong mga suliranin At matapos ang lahat ng iyon hindi mo maiiwasan– Pagkamuhi sa sarili.
0
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 1:20 PM UTC
Onanism
Bato sa balat, Hayaan **** lumapat ang ‘yong kahinaan sa mahinahong baldosa Payagang lamig ay yumanig sa bawat panig ng iyong katawan Mula sa kalamlaman ng iyong talampakan hanggang umabot sa– Pagitan ng iyong mga hita, paakyat sa kalamnan, patungo sa dibdib Hanggang maramdaman nginig na dala ng iyong pag-iisa. Ipagpaliban mo muna ang mundo Ilaw sa paningin, Hayaan **** angkinin ka ng daang-daang mukhang nasasalamin sa bawat tisa Tignan ang iyong mga nakikita, ikaw ngayon ay nakakahon sa bato– At mga multo na iisa lang ang mga mukha’t hinaing Payagang ika’y ariin ng kanilang mga nanlilisik na titig, Huminga ng malalim at iyong sabihing Ginusto mo ang linggatong na ‘to Mata sa dutsa, Tumingala hanggang kadahilanan ay magunita Ang iyong katwiran kung bakit pinili mo ang kapangahasan Hamakin ang sarili’t magnilay-nilay sa nagbabadyang kasalanan ‘Di hamak naman na mas ikakasaya mo ang pait– Ng paglalapastangan sa sarili nang ilang makamundong saglit Pagbigayang mabasa ang sarili Silakbo sa kawalan, Ipikit ang mga mata’t pakiramdaman ang daloy ng tubig sa’yong balat Ipaanod sa agos ang haplos ng pighati’t pagtitimpi Sa mahigpit na bisig ng isang mapanghusgang mundo Tikman ang hagod ng malamig na pelus sa iyong mga labi Sumidhi sana ang pagdanak ng init ng pagnanasa sa bawat bena Mahalin mo ang iyong pagkatao Makipagtalik sa sarili, Ibigin **** maibigan ang pagiging makamundo’t makasalanan Ibaling ang pansin sa pagpapalabas ng himutok Muling sabihin na hindi makasarili ang pagnanasa sa sarili’t Ulit-ulitin ang pagbaluktot ng diwa’t isipan hanggang ito’y tumatak, Hanggang sa mabulalas mo ang iyong mga suliranin At matapos ang lahat ng iyon hindi mo maiiwasan– Pagkamuhi sa sarili.
Continue reading...
36
May mga  tibok na tumututol, nililigalig Ang daloy ng damdaming nag-uumapaw. Wala itong ano mang kaugnayan sa likas At samut-saring kulay ng buhay at pag-ibig. Ito ang ninanasa ng sugatang kaluluwa. Ang araw na ito ay tampok na simula Ng muling pagtibok ng isang puso. Tila muling pagsilang --- pagtalikod sa kahapon; Isang bukang-liwayway, bagong-bihis na layon, Nanunuot itong balintataw ng buhay Upang mahalagilap ang sarili, Ngunit hindi upang angkinin, manapa'y upang Salungatin ang kinagisnang saysay ng pag-ibig. Ang araw na ito ang tampok na simula.
0
Sep 28, 2013
Sep 28, 2013 at 3:25 AM UTC
Ika-17 ng Setyembre
Aking minamahal, Alam kong 'di mo kayang mahalin Kahit anong dasal Hindi kita kayang angkinin Ikwekwento ko Ang malubha kong storiya Pusong nagdugo Sa maling tao umaasa Malayo ka man Ika'y palaging hinihintay Ika'y inaabangan Sa tagal, ako na ay sinasaway Nang magkatinginan tayo Sa isang programang mahaba Sige, kinilig ako, oo Ayon ba ay masama? Tahimik na tao Ito ang aking nagustuhan Kahit 'di romantiko Hindi ko na yan inaasahan Ang problemang maliit Ang lutas ay paglayuin tayo Sa edad ipinilit Dahil lang mas bata ako sayo Pero tinanggap ko Na mas matanda ka sa akin Kolehiyo naman siguro, no? Konting hakbang lang mula sa'min Ginaganahan pumasok Lalo na kapag institusyonal Pinipiggil ko ang antok Para lang makita ka, mahal At habang umaasa Nanonood lang sa malayo "Sana tumingin siya Sa direksyon kong malabo" Palaging tumititig Dahil ikaw ng inspirasyon ko Ngunit puso ko'y namitig Nang malaman ika'y ****
0
Jan 21, 2018
Jan 21, 2018 at 1:04 PM UTC
Para Kay TanTan
Pang Akademiko o Hindi, ang asignaturang Filipino Para ito sa kahit kanino Mapagawa ka man ng bionote, O kahit anino pa to Pero sa gamit ng kaalaman at husay, At sa tamang paggamit neto, Ito'y magiging hubog sa bansa natin Ang wikang Filipino, ang wikang dapat angkinin. Mapa-likhang awit man ito, Ito'y may sining, gamit sa likhang-pagiisip Ako'y estudyante na Filipino, Para sa ipagmalaki ang hubog neto Gamit ang tamang etika, Sa pagsulat para umabot sa tala, Ito'y magiging tamang paraan, Sa pag-unlad ng nakalaan
0
Aug 8, 2020
Aug 8, 2020 at 1:09 PM UTC
Assignment #1
may pagkasabik akong nararamdaman, paghahangad na hindi ko mabigyan ng ngalan isang pagtataka na 'di ko matukoy ang dahilan. isang pagkasabik na walang paghupa, isang pagkauhaw na hindi matighaw, isang pagkagutom na tila walang kabusugan. ewan ko ba kung bakit ganito ang aking nadarama. ito ang aking nararamdaman sa 'twing nakikita kita, ganito ako kapag katabi kita, ganito ako kapag naaamoy kita, sa madaling salita nakakagutom ka. gusto kitang kainin mula ulo hanggang paa, halikan, dilaan at amuyin nang paulit-ulit, pagkain ka na hindi ko pagsasawaan tikman, ganito kita gustong angkinin.
0
Dec 11, 2017
Dec 11, 2017 at 2:16 AM UTC
DELECTABLE
"ikaw lang at ako, yan ang pangakong binitawan mo, ikaw lang at ako pangako hanggang dulo ikaw lang at ako pangako yan mahal ko. " hindi ko na maalala kung kaylan at paano nagumpisa pero ang sakit at sugat sa puso ay sariwa pa. minahal kita ng totoo at sobra sobra maski nga para sa sarili ko ay hindi na ako nagtira naaalala mo pa ba noong tinanong kita miss pwede ba kitang mahalin? nagbiro ka pa nga "pwede, wag mo lang angkinin" ilang buwan din kitang sinuyo at pinaglaanan ng pansin at sa wakas aking sinseridad ay iyong binigyang pansin ilang buwan din ang lumipas biglang nagiba ang pagtingin ako ba ang nagkulang o sadyang may iba ka na giliw? at akin ngang nalaman buhat sa isang kaibigan ako pala'y walang karapatan sapagkat hindi ako ang orihinal mahirap man pero kailangang tanggapin eto ang kinahinatnan na bigay ng kapalaran ang tanging tanong ko lang bakit ganun naman tao lang ako nagmahal ngunit nasaktan akala koy tunay pagmamahal **** pinakita yun pala'y isang huwad at nakamaskara ang iyong pagibig na ipinupunla sana'y inamin na ng mas maaga upang hindi na umasa pa na may isang taong darating upang aking makapiling
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 10:14 AM UTC
IKAW LANG AT AKO
Sa iyong pagbabalik, nadarama ulit ang iyong halik Galing sa biglaang pag-alis, nagdulot pa rin sa puso'y malalim na daplis Tulang sinulat at inialay sa akin ay naglalaman ng mga dahilan Mga dahilan na aking intindihin ngunit ako'y masasaktan Ayaw mo akong lisanin ngunit ayaw mo na rin akong angkinin Maaari ba iyon? Parang hindi nagkatugma sa totoong depinisyon Ng tunay na pagmamahal pero yun ang iyong opinyon Hindi mo ako gustong kalimutan, hindi ako kayang paluhain Mahal mo akong lubusan, at ayaw **** makasakit ng damdamin Sana'y malaman mo na natatawa ako sa iyong mga salita Nang sinabi **** iwanan ako at hayaang sumaya sa iba Siguro sasaya ako, oo alam ko Pero asahan mo darating ang panahon na kung kailan pinalaya mo ako Doon mo na rin malaman na ang bobo mo masyado Sapagkat minahal kita nang higit sa aking buhay Inialay ko lahat, kahit minsan ay sumablay At para na rin pinatunayan **** hanggang salita ka lang naman Ayaw mo akong saktan? Pero handa mo akong iwanan. Binulag mo ang sarili sa kaisipang sasaya ako kapag wala ka Yan ang kamaliang gusto ko sanang itama Bali-baliktarin man ang buong daigdig, umiiral pa rin sa puso ko ay pag-ibig Bakit hindi na lang natin isipang tayo na lang dalawa? Ang natitira sa mundong ibabaw at wala ng iba pa Nang sa gayon ay hindi mo maisip na ako'y makahanap ng iba Higpitan mo ang paghawak sa akin at ako'y iyong-iyo na.
0
Dec 16, 2019
Dec 16, 2019 at 11:28 AM UTC
Azzy
m a h i l i g a k o sa mga bituin sa malamig na hangin sa matamis na awitin kay sarap dinggin lalo kung para sa 'kin. n g u n i t m a s h i l i g k o mga mata **** tila bituin mga mapungay na tingin tuwing nakatitig sa akin (para 'kong tutumba sa hangin--) ikaw at ikaw pa rin. t u l a d n a l a n g n g h i l i g k o sa mga bagay na hinihiling mga bagay na 'di para sa 'kin ang alamin bagay na nararapat lang sa dalangin mga bagay na maaari lang hingin pero hindi kailanman angkinin.
0
Jan 7, 2020
Jan 7, 2020 at 10:22 AM UTC
mga hilig
010324 Ikaw — Ikaw ang nag-iisang Pag-asa, Ni hindi Mo ako binigo’t Ni minsa’y hindi ako tinalikuran. Sa bawat pagkakamali’y Ni hindi Mo ako hinusgahan Bagkus tanging yakap Mo ang naging sandigan. Ikaw ang aking Pahinga, Ang aking kalasag at kalakasan. Sa Iyong mga Salita’y nabubuhay ako — Nagiging bago ang lahat, Nagiging payapa ang puso. Sa tuwing isasandal ko ang aking sarili, Sa’yo lamang ako nakakahinga, At nagiging mahimbing ang aking pagtulog. Ikaw ang lunas sa bawat sakit, Walang duming hindi Mo kayang hugasan. Ngayo’y nandito ako Upang manghiram Sa’yo Kahit alam kong hindi ko ito masusuklian. Pahiram — Pahiram ng lakas sa bawat araw, Pahiram ng bagong pananaw Nang ako’y makausad at makaahon. Pahiram — Pahiram ng hininga at sandali, Pagkat hindi ko batid Kung hanggang kailan lamang ang buhay. Alam kong ang lahat ng sa akin ngayo’y Tanging hiniram ko lamang Sa’yo Kaya’t turuan Mo akong hindi angkinin ang mga ito. Sa’yo ang lahat, at balang araw ay kukunin Mo rin ito At ibabalik ko Sa’yo ang aking paghinga. At ang tanging hiling ko’y Mapapurihan pa Kita, Maging malinis ang puso Hanggang sa pagbabalik Mo. Salamat — Salamat, Ama.
0
Jan 5, 2025
Jan 5, 2025 at 4:54 PM UTC
Pahiram
My thoughts always ask Bakit ikaw? Sabay takip ng unan sabay sigaw bat nga ba laging ikaw? I always ask my self ? Naiisip ko, paano kaya pag naging tayo? You filled my heart with excitement Yung pag lipas ng bawat sandali na parang walang katapusan, yakap, tawanan, kulitan at asaran It always makes me smile because, Sa bawat pag pikit ng aking mata at sa muling pag mulat nito'y nariyan ka Pero bat Parang may mali Everything is real for me Kahit ito'y panandalian lamang And it bothers me a lot Dahil sa bawat pag hibing lang kita makakpiling at mayayakap It always scares me Na sasampalin ako ng realidad sa aking pag mulat Because no matter what I do, no matter how much efforts I put Hinding hindi kita mamatawag na akin sapagkat ang agwat ng imahinasyon at realidad ay hindi masusukat. At ang pag kaka mali ko ang angkinin ka ng walang permiso That you love so much even though you knew it will never happen.
0
Nov 21, 2018
Nov 21, 2018 at 1:52 PM UTC
Untitled
Sa mga araw na di kita pinansin, pinilit ko ang sarili na hindi ka kulitin, Hindi dahil Gusto na sana kitang limutin, Hindi dahil sa gusto na kitang lisanin, Kundi Dahil ayaw kitang angkinin, Dahil ayaw ko nang saktan ang iyong damdamin, Dahil ayaw na kitang paluhain, Dahil sa mahal kita ng lubusan, Pipilitin kitang iwanan , Upang ang tunay na pagibig at kaligayahan, Iyong matagpuan Kahit itoy sa ibang tao naman mangaling, titisin ko ang sakit, Para lang ikaw ay lumigaya
0
Dec 16, 2019
Dec 16, 2019 at 11:27 AM UTC
ikaw ay lumigaya