Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Carl Oct 2018
Mahilig ako sa laruan noong ako'y bata
Iiyak ako, maibili lang yung kotse-kotsehang kahanga-hanga
Pero ngayon sawa na ako sa mga ganiyan
Mismo kasing ako ginawa mo nang laruan.
cmps
Carl Oct 2018
Gusto ko gumawa ng tula
Tungkol sa pag-abot ko sa mga tala
Panulat ang talas ng iyong salita
Sa mala-papel kong panangga.

Ilang taludtod pa lamang
Kamay ko'y saaking luha nag-aabang
Hatid na sugat 'di na mabilang
Sa puso kong hindi mo binigyang galang.

Isip ko ay napunta na doon sa sulok
Pati ang puso kong mabagal na ang tibok
Hindi pa kasi tapos ang tula nating sasangga sa mga bundok
Kaagad mo nang tinadtad ng walang katapusang tuldok.
cmps
Meruem Oct 2018
Tila tayo'y hindi nagtatagpo
Kahit anong pilit ipagdikit.
Minsan, kailangan lumayo
Para lang mapalapit.
Ika-23 ng Oktubre, taong 2018 - 00:40

Isang tula mula noong araw pagtapos ng kahapon.
Carl Oct 2018
Ikaw ang aking reyna
Kaya pala tingin mo saakin ay alila
Hindi lamang sa iyo
Pati na rin sa pag-ibig mo na hindi mabisa

Inutos mo na ang lahat saakin
Maliban na lang sa ikaw ang ibigin
Sinugal kong oras, ako'y rin lang pala'y lilisanin
Nilapag kong pag-ibig, inilipad lamang ng hangin.

Pagmamahal ko sayo ay totoo
Habang ang lahat sayo ay biro
Tinuruan mo ako mag mahal ng totoo
Ngunit sa sariling turo 'di ka man lang natuto

Matagal ka nang tumalikod
Sa relasyon nating nakakapagod
Wasak na ang puso, isip ko'y 'wag mo nang isunod
Matagal ka nang wala dito, matagal na ring akong lunod

Ang layo na ng iyong tinakbo
Natatapak-tapakan mo pa rin ako

Pakiusap aking reyna, umalis kana

Gigising pa ako sa pagiging tanga.
Carl Oct 2018
Kung mayroon akong pinakaayaw na almusal
Iyon ay yung lulunukin kong katotohanan na  lilipas
ang bawat oras, papatak ang bawat segundo ng napakagulong
buhay ko na wala ka.
Sayang lang, Ang ganda kasi nung mga eksenang pinangarap ko
Na buo na ang bahay na ang palapag ay tatlo, Pagpasok mo rito,
ikaw ay nakaupo sa sala na binuo ng mga pangarap mo at oo.
Nang hihinayang ako, paglulutuan sana kita tapos gigising ka sa umaga na may mainit na kape ka nang nakatimpla.

Pero inabot na kasi tayo ng takipsilim
Nagwakas ang mga pangarap na almusal nang magsimula ka nang maglihim
Nang umalis ka na lang dahil hindi mo rin naman kayang magkwento at umamin
Noong humingi ako ng ilang segundo ng katotohanan matapos ang ilang taon kong inakalang hinding-hindi ka magiging sinungaling.

Alam ko balang araw, masaya kana sa iyong bagong kasama.
Sa mga munting eksena na nag lalaro sa isip ko, gusto ko na yung eksenang masaya ka na lang sa iba.
At balang araw hindi na tayo masusuka sa mapakla at mapait na almusal ng ating pag-ibig, salamat, totoo.

Salamat sa hindi na manguyang pag-ibig mo.
Carl Oct 2018
Hahawakan ang kamay mo
Papatunayan na kaya ko
Titimplahan pa rin ng paboritong kape
Sa maulan at malamig na gabi.

Hahawakan ang kamay
Magsisilbing gabay
Karerang malapit nang matapos,
Naalis na rin ang taling nakagapos.

Hanggang sa huli
Hindi mo na nga tinapos, mga pangakong kapos.
Bumulong ka sa dilim, umaasang ikaw ay mananatili.
Ngunit kumiliti ang mga salitang,
Hanggang sa muli.
Meruem Oct 2018
Kapag mainit, palalamigin.
Kapag malamig, paiinitin.
Nasa kumunoy ka, sa gilid may lubid at bato;
Maghihintay ka pa ba na may sumagip sayo?
"Wag **** lunurin sarili mo kakagalaw, kakasigaw, kakapiglas, para lang may ibang taong sumagip. Kasi ikaw mismo may kakayanan ka!"

"Kapag nasa gitna ka ng dagat, magpadala ka muna sa alon. Kapag may gamit at kakayanan ka na pumalaot, at tsaka mo labanan ang agos."

- Mga salitang nakatutulong sa oras na kinakailangan. Salamat sa pagpapasilong, kaibigan!
Nightkeeper Oct 2018
Ang kalungkutan ko
ay siyang humahatak
sa pag-ibig ****
pumapalayo.
mahal, nais ko lang malaman mo na andito pa ako.
Nightkeeper Oct 2018
mga sulat kalat
na aking ginawa
sa aking tala-arawan.

mga talatang isinusulat
gabi-gabi,
na pinupuno ng poot
at sikip sa dibdib,

na para bang
sinaksak sa salita—
at luhang pumapatak
na parang bagyo.

mga salitang binitawan ko
sumisigaw;
nang ako lang ang nakakadinig
umiiyak;
at nag mu-mukmok sa sahig.

tinatanong sa sarili
bakit?
habang naka-tingin sa aking libro
at pumapatak ang mga luha
bakit?
Yours truly, BokxDoc.
Nightkeeper Oct 2018
Mahal ko,
Pangarap kong makita muli
Ang matamis **** ngiti,
Sa kabila ng kahapon.

Mahal ko,
Tayo’y gumawa ng paraan
para atin nang kalimutan
Ang pait ng nakaraan.

mahal ko,
tara na’t umuwi;
Ako ang gagabay sa’yo
Sa gabing umuulan,
Patungo sa ating tahanan.
Yours truly, BokxDoc.
Next page