Ang ibigin ka ay tila pagpasok sa walang hanggang digmaan.
Bawat araw na iniisip ka ay mistulang bakbakan,
At bawat gabing naalala ka ay pawang sagupaan.
Ngunit bakit sa digmaang ito, ako nalang ang hindi sumusuko?
Habang ika'y tahimik na naglaho, ako'y patuloy na lumalaban at hindi tumitigil sa pagsamo.
Kung pagsuko ang siyang makakapagpalaya sa pusong sugatan,
tatanggapin ko ang pagkatalo at lilisanin ang nakaraan.
Dahil ang palayain ka ay
tulad ng pagtaas ng puting bandila,
sapagkat sa bawat digmaan ay may kapayapaang dala.
“Sa Pag-angat ng Puting Bandila, Naiwan ang Pusong Sugatan”