Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Elly Apr 2020
Minsan ko nang nakita ang mga ngiti mo sa labi, na siyang minsan na rin akong naging dahilan
Minsan na rin akong nalunod sa iyong mapungay na mga mata, na siyang hindi ko sigurado kung ako’y nakaahon na ba
Minsan ko na ring nahawakan ang iyong mga kamay, na siyang ka’y higpit na para bang ito ang iyong paboritong laruan
At minsan ko na ring narasanan ang mahagkan gamit ang iyong mga bisig, na para bang natatakot na ako’y mawawala.

Alam mo ba kung ano ang pinaka paborito kong minsan?

Ang mahalikan mo gamit ang iyong mapula at malambot na labi na siyang paulit-ulit akong nadampian sa iba’t ibang parte ng aking mukha.

Minsan.

Kung iisipin ay nakakatakot dahil ang lahat ng mga bagay na masasaya ay nauuwi sa minsan. Yung minsan na hindi sigurado kung uulit pa ba, o yung minsan ba magiging madalas na?

Ngunit sa minsan kong karanasan sa piling mo. Ako ay lubos na naging masaya. Lubos na nagkaroon nang pag-asa na minsan ko na itong naramdaman, at siguradong darating din ang bukas na maaaring maging madalas na, yung sigurado na akong hindi magwawakas.
Minsan sumasagi ka parin sa isipan
Habang kaupo sa sasakyan
Nasa tabi ng mga bintana
At nakikinig ng malulungkot na kanta

Minsan sumasagi ka parin sa isipan
Kapag naglalakad sa kung saan
Kapag hatid na ilaw ng buwan kay liwanag
At ang ngalay na mga binti ay di batid

Minsan sumasagi ka parin sa isipan
Tuwing nakatingin sa kalawakan
Nagtatanong kung damdaming isiniwalat
At mga salitang binitawan ay puro nga ba at tapat
Idiosyncrasy Nov 2017
Minsan talaga hindi ko na alam
     kung bakit pa ako naghihintay
At kung ako naman ay lalaban
     para saan pa ba iaalay.

Minsan hindi ko na alam
     kung bakit pa ako umaasa
At kung titigil naman
     nangangapa ako ng rason para tumuloy pa.

Minsan hindi ko na rin alam
     kung bakit pa ako humihiling
At kung itatapon ko nalang
     hinahabol naman ako ng mga bituin.

Minsan hindi ko alam
     kung bakit nakakaya ko pang magbigay
At kung ako naman ay tatanggi
     hindi ko rin makita ang saysay.

Minsan hindi ko na alam
     kung bakit pa kita minamahal
At kung susubukan kong magdahilan
     naiisip ko pa ring sumugal.

Minsan hindi ko na rin alam
     kung bakit hindi pa ako sumusuko
At kung ihihinto na
     sarili ko rin lang ang aking niloloko.

Minsan hindi ko na talaga alam
     minsan hindi ko na mahanap ang kasagutan
Ngunit sana makahanap ako ng kasiguraduhan
     *kahit minsan lang.

— The End —