Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
KHAYRI WOULFE Aug 2017
Putik
na nabuo
mula sa luha
at alikabok.



Bulaklak
ng damo
na tumubo
sa puntod.



Isang  munting
uod.



Isang butil
ng
pulang buhangin.



Bato
sa kabundukan
na tinutunaw
ng hangin.



Pulubi
sa daan
na namamalimos
sa mga
matang piniringan.




Asin
sa basong
walang takip.



Panyo
sa upuan
na pinakupas
ng tubig-ulan.




Munting ilaw
na sumisilip
sa silid-piitan.




Isang sulat
ng pamamaalam
na nakaipit
sa pintuan.



Pahina
ng kalendaryo
na nakaligtaang
pihitin.



Kandila
sa dilim
na nakikipaglaro
sa mga
anino.


Kabibe
sa tabing-dagat
na walang
laman.




Mga tunog
na walang
huni
at nagsisilbing
musika
para sa
mga bingi.



Hibla
ng buhok
sa ibabaw
ng gitara.



Antipara
na nakapatong
sa lamesa.




Pakpak
ng tutubi
na tinupok
ng gasera.



Isang tuyong
dahon
na sumabit
sa bintana.


Langaw
na nabitag
sa sapot
ng gagamba.



Kutsara
sa tabi
ng basag
na pinggan.



Mga basang
uling
sa hulmahan.



Katahimikan.



Usok
na humahalik
sa kalawakan.
Written
27 December 2014


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
Elizabeth  Oct 2015
Jueteng shed
Elizabeth Oct 2015
Araw araw ako'y naglalakbay
Sa jeepney at tryk, nakasakay
Madalas naglalakad sa tulay
Nakasilong sa dahong makukulay

Nang dumilat ang ulap at nagmasid
Aral sa buhay ko'y dumarami
Bilang ng tao at hilaw na kapatid
Ako'y saksi sa kanilang pasanin

Matatandang panot, hayop na pilay
Batang walang saplot, naka-bitay
Babaeng may sanggol na alay
Kumakatok, nanlilimos ng karamay

Binuksan nila ang mga mata ko
Sa katotohanang pilit tinatago
Mga bangungot sa bawat kanto
Nabubulunan sa hiram na piso

Sa bawa't yapak ng aking lakbay
Dama ang kayamanan ng tao
Higit pa sa laman ng aking bulsa
Ang gintong binuo sa katauhan ko

*Taya!
solEmn oaSis Nov 2015
pahiwatig* _=
hayaan **** ang sumpong ng katahimikan ko
ang siyang maging gawi sa pag-sigaw ng puso ko
habang dumarampi sa iyo ang tatlong ihip ng hangin
sa tuwing ikaw ay nakaharap man o hindi sa salamin

bagamat ikaw nga at ako
magkabila man ang mundo
pinag-adya ng di sinasadyang destino
kagaya ng singsing na walang puno't dulo

dahil sa kahabaan ng lansangan
sa aking mga paglalakbay
lakbay-diwa kong tinatahak
kaibuturan ng hanap kong landas

kaakibat ng paalala **** may gabay
wag naman sanang maliligaw
itong puso kong pigil-hininga
**habang pinapakinggan-inaawit sa kanta.......
=_ himig
""" Di ko alam hanggang kailan tayo
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay ay sinasakyan lang yan
Di ko alam ang tungo kung saan
Pag sumama ka sa aking biyahe
iaalay ko ang puso ko ohhhh...""" (by Josh Santana)
Jame  Jan 2018
Pabalik
Jame Jan 2018
“Tumakbo ka na”, sabi ng aking mga paa
habang ika’y unti-unting lumalaho sa dilim
at habang ika’y hinahabol ko palayo sa’kin
hinahabol ko ang pagasa; hinahabol ko ang aking hininga

“Huminga ka muna”, sabi ng aking baga
habang pumapatak ang mga malalamig na pawis
nagbabakasakaling maabutan ang dama ng iyong yakap
at makita ang makikintab **** mata

“Pagod na ‘ko”, sabi ng aking puso
“Hindi ka pa ba napapagod? Hindi mo ba naipapansin na malayo na siya sa iyo?”,
dugtong ng puso at labis pigilan ang ikot ng mundo

Patuloy ang lakbay at pilit ‘kong umabot sa piling mo
ngunit kahit gaano kabilis ‘kong palakarin ang mga paa,
ngunit kahit gaano man karaming ikot na ang naidaan ko at ilang patak ng pawis na ang tumulo,
pilit pa ring binabaliktad ng mundo ang daan palayo sa iyo

At kung patuloy akong inililigaw ng buwan patungo sa liwanag
at kung patuloy akong inililigaw ng liwanag patungo sa kadiliman
palayo sa gulo,
bakit nagkaron ng dulo?

At kung tinuturuan pa lang ako ng puso nang umibig ng tama,
bakit ngayon pa?
bakit ngayon pa kung kalian pagod na ang tadhana?
kailan ba sisikat ang araw at sa huli ng storya, tayo ang masaya?

Marami na ang nawala,
mga sugat na ‘di tuluyang naghilom
at mga tahi na nasira,
mga damdamin na pinaraya
at mga ngiting pinalaya

Aakitin rin tayo ng ligaya
darating rin ang panahon na tayo ang maligaya
ng wala sa piling
at sa puso
ng isa’t-isa

Pasensya ka na aking mahal
ngunit hindi ko maitahan ang lumuluhang puso na napilitang pakawalan ang nakaraan –
ang oras ang nakaharang
– Pasensya ka na, hindi kita naabutan
Bryant Arinos Jan 2019
darating talaga sa punto na mapapagod sa inyo ang isa,
ang maiiwan ay di alam kung san ang puputahan,
walang lugar na kabibilangan.

ilalaban ng naiwan ang lahat,
pipiliting buohin ang mga bagay na wala na.
iipunin ang lahat ng lakas masabi lang ang bawat sana.

tila nakaraan lang ay ayos pa ang lahat,
naiguguhit pa ang litrato ng bawat ngiti.
ngunit nagdesisyon ang isa na itigil na ang kasiyahan.

natapos ang lakbay nating dalawa nang walang rason.
gusto **** lumaya? hindi na masaya? ayaw mo na?
mali... baka ayaw mo lang talaga simula palang nung una.

— The End —