Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Celaine Dec 2016
Sa bawat paggalaw ng mga kamay sa orasan
Naitatala nito ang takdang oras.
Ito ang mga kamay na sumusukat sa bawat
Segundo, minuto at oras sa bawat araw
na lumilipas.

Ngayong araw na ito,
tila sadyang nagmamadali ang
yaring mga kamay
na parang bang may hinahabol.
Hindi naman sila mga paa
Ngunit sila’y parang kumakaripas ng takbo

Sa aking pagtingin sa mga mabibilis na kamay,
nabagabag ako sa pagkaripas nilang ito.
Na kung sila’y magkakabuhay lamang
Ay aking itatanong,
“’Hindi pa ba kayo napapagod?”

Akala ko ba’y
Bilog man o parisukat ang hugis ng orasan
Ay ito’y patuloy na tatakbo?
Tatakbo at tatakbo.
Tatakbo lamang sa lugar na iniikutan nito
at hindi lalayo.
Iikot ng iikot.
Tulad ng ating mundo na hindi naiisip na tumigil.
Liban na lamang kung mayroong sadyang pipigil,
kung sadyang naubusan ng batirya,
kung nawalan ng dahilan para hindi pumalya.

Ngunit
sa isang saglit na pagpikit ng aking mga mata,
'Di ko nabatid kung isang panaginip
o isang realidad na nga ba ang aking narating.
Ang mga kamay na laging kumakaripas ng pagtakbo
ay bigla na lamang huminto.
Ang pagkumpas ng oras ay nabigo.
Ang panahon natin ay naglaho.
Habang aking isinusulat ang tula na ito, aking biglang sabi sa sarili,  "Dami **** time, girl. May research paper ka pa." HAHAHA how ironic
Jor  Jan 2015
Taksil
Jor Jan 2015
Tanda ko pa dati nung tayo pa,
Ang dami nating plano sa isa't-isa.
Sabi mo sa hinaharap ako'y kasama,
Sa pagtanda, sa hirap maging sa ginhawa.

Dumaan ang Disyembre: Buwan ng taglamig.
Tila hindi ko na ramdam ang iyong pag-ibig.
Ang dating umaalab na pagmamahalan, lumamig.
Bakit ka nagkaganyan? Ako ba'y may kasalanan?

Nangako kang hindi mo ako iiwan,
Nangako kang hindi mo ako tatalikuran.
Hanggang sa ika'y nakaramdam ng kasawaan.
Iniwan mo akong walang alam, ako'y labis na nasaktan.

Niloloko mo lang pala ako!
Hindi lang pala ako ang nasa puso mo.
Isang lang pala ako sa mga laruan mo.
Kaluluwa mo sana'y sunugin sa impyerno!

Nagpadala ako sa mga ngiti mo,
Umasa ako sa mga pangako mo.
Sinisisi ko ang sarili ko,
Kung bakit sayo'y ako'y nagpaloko.
emeraldine087  Nov 2016
SIMOY
emeraldine087 Nov 2016
Nagsisimula na namang lumamig
   ang dampi ng hangin sa aking pisngi,
Parating na ang panahon ng Kapaskuhan
   na taun-taong ating hinihintay at tinatangi.

Palagi ko’ng hinihintay ang Disyembre
   para sa kasiyahang dala ng Pasko,
Ngunit sa isang banda ri’y
   pinangangambahan ko ito.

Dahil tuwing Pasko ay may kakambal na lungkot din
   ako’ng nadarama sapagkat naiisip kita,
At natatandaan ko pa ang mga huling sinabi natin
   sa isa’t isa nang huli tayong magkita.

Pinaghaharian tayo ng poot at panunumbat noon
   kaya’t nabalot ng pait ang ating mga salita;
hindi natin napagtanto na minsan isang kahapon
   marubdob nati’ng minahal ang isa’t isa.

At hindi ko mapagtanto kung bakit
   tuwing magpa-Pasko, ito ang aking naaalala—
Marahil sa aking kaluluwa’y may panghihinayang pa rin
   na ang malamig na hangin ang siyang nagpupunla.

*(c) emeraldine087
kingjay Dec 2018
Maginaw ang hamog sa unang ulan ng Disyembre
Naging kristal ang mga alikabok sa Hilaga
Lumaganap ang kahel na tina sa dahon ng Makahiya

Tumataghoy sa kweba ng kapusuan
Ibigay ang sagot sa patlang na kalooban
Himutok ay hindi na lumubay
Nang natagpuan na mayroon ng kasintahan

Napatingala sa langit na lipos ng estrelya
Sa kubo na hinati ng dingding
Sa loob ay ang buhay na ikinatha
Sa kabila naman ay ang mga bagay na dapat ginawa

Ngayon ay nagtagpo ang himakas at dagat
Sa katagalan nang paghintay ng salita upang ibibigkas ay wala rin saysay sa kahuli-hulihan
Sa tugmaang ito'y nasawan

Wiligan ng bendita ang dating sanggol sa kamalayan
Kipkipin at itago ang lampin
Sa ambon, sa bintana ay napaisip
Paano kung hindi natutong magmahal
JOJO C PINCA Nov 2017
kumikinang ang mamahaling parol na nakadambana sa bintana ng mansion na nasa loob ng isang malaking subdivision. nagniningning ang patay sindi nitong kulay na umaaliw sa balana. salamat sa malaking pakinabang na kanyang kinita nang walang anomang pakundangan sa dugo at pawis ng mga abang manggagawa.
nasa kanyang sala naman ang mataas na Christmas Tree habang sa paanan nito nakahandusay ang kahon-kahon na magagarbong mga regalo. malayong-malayo ito sa barung-barung ng mga nagtitiis sa siphayo ng dusa at karalitaan.
ang mahabang lamesa na nasa kanyang komedor ay talagang pinagpala sapagkat nakapatong dito ang hiniwang hamon, keso de bola, spaghetti, carbonara, lasagna, ubas at ang lahat ng masasarap na pangarap ng isang batang kalye na kumakalam ang sikmura habang tinitiis ang ginaw ng Disyembre.
matapos ang kanyang masaganang Noche Buena ay mauupo sya sa kanyang malambot na sofa na di halos mabilang ang libong halaga. dun n'ya iinumin nang buong pagmamalaki ang mamahaling brandy o di kaya naman ay whiskey.
katabi ang kanyang pamilya sabay-sabay silang manonood ng misa habang nakatuon sa higanteng flat screen na telebisyon. ang homily ng ingleserong pari ay patungkol sa pag-ibig sa kapwa at pagbibigayan.
Jose Remillan  Dec 2015
Kagaya
Jose Remillan Dec 2015
Kahapon, hinintay kong
Lumatag ang liwanag sa
Parang. Parang kahapon
Lang, ganitong oras din

Hinintay natin ang huling
Patak ng hamog ng Disyembre.
Habang ang marami ay abala
Sa kusina ng Pasko, tayo ay

Nasa Pebrero kasama si
Balintino. Tunay ngang iba ang
Kalendaryo ng ating mundo.
Ngunit ang himbing ay hikbi,

Kagaya

Kahapon, hinintay ko ang
Paglatag ng dilim sa parang.
Parang antok na hindi dumating
Dahil walang dahilan ang bukas

Na darating.
December 13, 2015
Pasacao, CamSur, Philippines
Faye Jan 2021
Maraming posibleng mangyari sa loob ng isang buwan
Agosto, ako'y sigurado na hindi sayo titibok ang puso
Ngunit pagsapit ng Setyembre, damdami'y biglang nagbago
Ngayon lang ba natanto na noong Hulyo pa napukaw ang damdamin?
Sa pag-iingat sa aking puso ay tuluyan na ngang nahulog
Bigla na lang natakot na sa'kin ay ika'y mawala
Kaya nama'y walang ‘sing tamis ang ating pag-iibigan pagdating ng Oktubre
Kahit nagtatalo ay mas nangibabaw ang pagmamahalan
Subalit lalo lang lumala at nagkalabuan noong Nobyembre
Ako'y nakapagsulat ng tula para sa'yo, mahal
‘Yon nga ba ang nagsalba sa ating dalawa?
Disyembre, alam kong pagod ka na
Gayunpaman ay pilit kong diniligan ang ating nalalantang pagsinta
Ngunit imbis na diligan ay aking binuhusan kaya naman ika'y nalunod
At nang ating salubungin ang bagong taon,
ako nga'y tuluyan **** binitawan
Hindi na sinuyo, wala ng paramdam

Masyadong mabilis ang mga pangyayari
‘Di malaman kung saan gusto bumalik—
noong Hunyo bago sa'yo'y nagkagusto
upang pigilan nang mas maaga ang nararamdaman
o Disyembre upang maitama ang aking pagkakamali
Hindi naman inaakala na ganito magtatapos
noong tayo'y magkalapit noong Abril
Hindi na ba tayo masasalba ng aking tula sa pangalawang pagkakataon?

Maraming posibleng mangyari sa loob ng isang linggo
Marahil ay iyong pinagpatuloy ang iyong paglakbay
Habang ako'y nanatili sa lugar kung sa'n ako'y iyong iniwan
i'm right
where you left me
Maisunshine Dec 2017
Anibersaryo ng ating mainit n pagmamahalan, kung san nagsimula ang mainit n disyembre na hindi ko malilimutan.

Kung sana nabigyan ng pagkakataon na patunayan ang nararamdam
E sana tayo ngaun ay masaya at nagdiriwang.

Ako nalang ang nakakaalala at binabalikan ang naudlot na pagiibigan,
Dahil itong iyong nilimot at pilit tinuldokan.
December 3 2015

— The End —