Sorry late na ba?
Pinaghintay ba kita?
Sorry di ako dumating agad
Pero sabi mo nga diba
Baka kasi di ka pa handa
Baka di pa tayo handa?
Bakit kailangan ba handa?
Di ba sapat na totoo lang
Totoo yung nararamdaman?
Handa ka ba nung dumating ako?
Eh ano naman kung di pa ko matino?
Handa naman ako magbago para sayo
alam nating wala namang magbabago
Alam nating di na mababalik yun
Nanghihinayang lang ako
Napapaisip lang ako
Na parang ang saya kung dati pa
Kung noon pa kita nakilala
Tingin mo?
Pero sana tama ka nga
Na hinanda tayo ng tadhana
Napaisip nga ako na baka nga
Dumating ako nung hinahanap mo ako
At di mo lang alam na ako na pala
Ang galing no?
Sinagot na pala yung hiling mo
Ibinigay sayo nung birthday mo
Di mo lang alam binigay na pala
Ako?
Di ko inakalang makikita ko
Yung babaeng pinapangarap ko
Kumatok na lang bigla
Nung mag-bi-birthday ako
Na parang sinadya ng tadhana
Yung panahong palayo na ko sayo
Ang galing no?
Hina natin umintindi no?
Pero tinulak pa rin tayo
Hanggang makita na natin
Makita yung hinahanap natin
Makita yung taong mamahalin natin