Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"winaldas" poems
#112614 Sinigaw niya ang oras Buhat sa rehas na puno nang aral Tumugon ako't nabigla Pagkat bumantad ang iilang madla Dahan-dahang nilipad ng mga paa Patungong langit naman pala Ngunit naroon pala Ang anino **** may liwanag. Tila ako'y tangan ng hangin Doon sa 'di inaasahang tagpuan Tumalisod ang puso Mabuti't nagising Tuloy lang ang lakarin. Sa pangalawang pagkakataon Winaldas ko ang pagod Hindi patungo sayo Pero sa kabilang ibayong babagtasin. Heto na naman, Parang itim at puti na lang sila At ikaw ang tanging may bahid ng kulay Kumidlat nga't hanggang sulyap na lang Parang wala namang ibig sabihin. Magulong usapan, hindi nga ba? Ang lupon nila'y nilagpasan ko At sa kauna-unahang pagkakataon Ang hangi'y nag-ibang ihip Ngalan ko pala'y iniihip nito. Pangalawang beses Ang eksenang nakalimbag Wala na namang kibuan Ang lapad ng balakid Mula sayo patungo sakin Simple lang naman, Wala namang nararapat na sambitin. Paulit-ulit nga Marahil walang letrang Kinukumpas ng kampana Magulang usapan nga ba? Marahil hindi, Pagkat minsa'y di na kailangan ng salita.
0
Nov 27, 2014
Nov 27, 2014 at 11:16 AM UTC
Magulong Usapan
Sutla ang iyong kutis, Ilang inches na heels iPad ang hawak Ayan pa’t naka-Rayban Kahit taglamig – Ganyan dito sa abroad Pasyal dito pasyal doon Higit sa lahat Hindi barya ang sahod. Padala sa Pinas, Lahat ay winaldas Dami pang pasakalye Datong din pala Palaman ng inyong mensahe. Aba’t bida pala si bunso Sa tropa’t sa eskwela Hindi ba’t astig? Pang-party nila’y Siya ang laging taya! Ang binata ko’y Malaki na talaga Kapapanganak lang daw Ng bespren nya Anak, tanong lang ba’t sa handa nila’y Ikaw ang itinoka? Ang ilaw ng tahanan Na siyang aking iniirog Sabay sa uso Nakasisilaw ang alahas Inubos ata ang bawat perlas Buti’t nakaahon pa’t Ayan, kay kumpare pa Siya’y nakakapit! At ang nararapat Na panglamang-tiyan Kulang pa pala Kanyang sinapupunan May bagong buhay Mahal, saan siya nanggaling? Puso ko’y nalurak Ako’y inahas na Pinagsamantalahan pa Akala nila’y ok lang Akala ko’y may babalikan pa Yung totoo, Lata’y hiyang-hiya na Humihikbi ito Makatikim lamang ng barya Wala na ang sahod, Awitin ko’y “Palimos.” (12/2/13 @xirlleelang)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:20 PM UTC
Ang Pakikipagsapalaran ni Juan Dela Cruz: Abroad Version
#112415 Siyang tinalikdan ang sarili't Inagos ng sariling mithiin, Nagpatangay at yakap ang iilang kalansay, Maging dibuho ng winaldas na pagkatao. Doon sa eskinitang hindi na masilayan At sa mitsa ng pamumukadkad ng bukas, Siya'y nagmistulang ahas Nanunuklaw ng estrangherong Minsan na rin siyang binalasubas. Hampas lupa -- Walang malalaking pader ang di nagpayanig, Sablay man ang agos at may iilang nakaligtas, Wari naman nila'y siya'y magbabalik. At sa pasunod pang yugto, Sila'y magsisipang-tampisaw Sa putik na uhaw sa sansinukob.
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 8:07 AM UTC
Tidal Wave
"pasensya na, pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo." hay, alam ko ng mangyayari 'to. napangiti nalang at napailing, ewan ko siguro nasanay na rin. Nasanay na akong ipagpalit at kalimutan na parang almusal sa umaga na kailangang ipagpaliban, dahil huli ka na sa klase at alam **** ito'y mas importante palaging mas may importante Pero papano naman ako? Papaano naman ang mga oras at luhang winaldas ko para magkaparte o masingit man lang sa puso mo Oo. Alam kong hindi ako perpekto, pero hindi ba talaga ako karapat dapat sayo? Sobrang imposible ba ng tayo? Lahat ng sikreto at baho mo, niyakap ko Mahal, lahat lahat yun tinanggap ko dahil parte 'yon ng pagkatao mo. Basta, tandaan mo nalang na patuloy ko parin 'yong yayakapin, Kahit na alam kong hindi ako ang pipiliin. At alam kong sinabi kong sanay na ako sa ganto, pero hanggang dito nalang ba talaga yung kapalaran ko? Kasi sa totoo lang nakakasawa maging kaibigan lang, Parang ang ang lumalabas kasi "wag kang lalapit, pero diyan ka lang."
0
Jun 3, 2016
Jun 3, 2016 at 8:28 AM UTC
Prendzone