Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tatahimik" poems
Liham na sa anyo ng musika Na nais na ipabatid sa kanila Maaring kwento mo o nila Na kwento ng luha at saya Awit para sa lubos na iniibig O awit ng nawasak na pag-ibig Anyo ng liham na inaawit ng bibig Liham na nilalaman ng dibdib Darating sa puntong tutugtog ang gitara mag isa At walang sasabay na sinomang iba Tatahimik sandali't walang magwiwika Sa kumpas ng darili ng tadhana Awit na pighati ng damdamin Na waring ayaw pa ring aminin Idinaan na lamang sa awitin Dahil masakit kung tanggapin Musika ng saya ng kahapon Na walang nasayang at natapon Ikukubli sa puso at ikakahon Upang makayanan ang buong maghapon Awit na may sinasabi Tugtog na may pakawari Na siya ngang naghahari Maging anoman ang kulay at uri. -JGA
0
Sep 3, 2020
Sep 3, 2020 at 2:15 PM UTC
Awit ng Musika
Pipigilan ko ba kung hindi ko na kaya? Hahayaan ko na lang bang umagos ang mga luha? Tatahimik na lamang ba ako at hindi magsasalita, Kung puso ko ngayon ay mabigat na mabigat na? Ano ba ang kasalanan ko at ako ay pinagkaitan? Nagkamali ba ako, kaya pasan ko ang kapighatian? May magagagawa pa ba ako kung dalawa na kayo ang nang-iwan, At isisigaw na lamang sa hangin ang lahat ng aking pinagdaanan? Tinutusok ang puso ko, nadudurog na parang yelo. Nanghihina ako, kulang na lang ako ay mag-deliryo. Ano ba kasi ang kasalanan ko at ako ay pinaghiwalay ninyo? Nasaan ang pagmamahal na matagal kong hinintay na maramdaman sa tunay na ina ko? Tatlong dekada akong nagtiis sa pag-aakalang tama kayo. Tatlong dekada akong naghirap para maiahon ko kayo. Tatlong dekada akong nagbigay ng purong pagmamahal para ipagmalaki ninyo ako. Pero bakit kailangang itago ninyo ang katotohanan sa tunay na pagkatao ko? Sinubukan kong tuklasin pero pinagbawalan niyo ako. Tinangka kong alamin pero ayaw ninyo. Nang tangayin ang pag-asang mayroon ako, Hindi niyo sinabing may tunay na kapatid pala ako. Hahalikan ko na lamang ang hangin. Pakikinggan ko na lamang ang boses ng kalikasan. Sasayaw sa tunog ng kalembang sa kung saan, Hanggang sa buhay ko ay tuluyan maparam.
0
Jul 3, 2016
Jul 3, 2016 at 1:57 AM UTC
Pinagkaitan ng Pagkakakilanlan
Ang nakaupong tiwali— siya ang binoto ng masa. Sa manggas ng kanyang barong, panganib ng maralita May kinang ang kan’yang ngiti mapungay ang mga mata Sa bawat pangakong lahad ay pagsibol ng pag-asa. Pag-asa na tayo'y ligtas ay naging katakot-takot. Para raw sa Inang Bayan, peligro na nakabalot. Ang salitang bulaklakin ay daglian ding nalanta kapalit ang pagtungayaw, at banta ng direktiba. Hindi natin inasahan— bahid ng dugo sa daan. Mga kamay, nahugasan ngunit hindi ang lansangan. Sa lapida nakaukit ngalan ng mga biktima. Sunod kayang tatahimik ang silang may pinupuna? Hapis ng inang nawalan, “Crispin, Basilio, anak ko,” oyayi ng Inang Bayan. “Pasismo! Peligro rito!”
0
Aug 22, 2020
Aug 22, 2020 at 10:55 PM UTC
Danak ng Dugo
Mayroon akong gustong ibahagi sainyo Isinulat ko lamang ito para sa mga interesado Meron na kasi akong napupusuang isang tao Pero teka lang, atin-atin lamang to Di ko alam kung paano sisimulan Pero alam kong gustong-gusto nyo ng malaman Kung sino nga ba ang aking naiibigan Kaya't heto na, inyo ng matutuklasan Sya'y isang mananayaw Napaka astig ng kanyang mga galaw At talagang siya'y mahusay Habang pinapanood ang kanyang pagganap, ako'y napapa WAW! Ako'y lalo pang humanga Nung nalaman kong sya'y manlalaro din pala Pero hindi ng feelings ah! Yung larong ang gamit ay shuttlecock at raketa Marami-rami na din akong alam tungkol sa kanya Syempre! Lagi akong updated sa kwento ng buhay nya Ayokong nahuhuli sa balita, hindi naman sa pagiging chismosa Kase baka mamaya di natin alam may jowa na pala, edi nganga! Natutuwa lang ako dahil close na kami ngayon Di ko akalain na magkakaganon Kasi dati pinapangarap ko lang yon Masaya na din, pero di na ako naghahangad ng higit pa roon Marami na pala syang naka fling Kaya ako naman noon, umaasa at nag fi-feeling Nagbabaka sakaling mapapansin nya rin Ang ganda kong walang kadating-dating Lungkot lang dahil di nya pansin Na ako sa kanya'y may pagtingin Hindi ko alam kung kailangan pa bang aminin O kaya'y akin na lamang ililihim Pagkat tungkol dyan ay di ko kayang tapatin Martir na kung martir, tatahimik na lamang at titiisin Pero maiba tayo Sa mga oras na to, Di ko alam kung lalabas pa ba ako ng kwarto O magkukulong na lang dito At saka bubuksan ang pinto pag wala ng tao Malamang nabasa na to ng mga magulang ko Kaya't ihahanda ko na ang sarili ko Pagkat mamaya pag nakita nila ako, Sasalo ako ng gabot, hampas, palo Hanggang dito na lang, Damay-damay na to!
0
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 10:23 PM UTC
NADALE AKO

Continue reading...
45