Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
“Binibini”
Para sakanya na nalubhasa
Sa pagibig sakanya ay nilathala
Tila awit at  tula na isinulat sa prosa
Nais ng binibini ibahagi sinta
Ngunit mas nabighani ka sa babaeng dinaan sa ganda
Hindi sa pagibig na kaniyang isinulat pa sa pamamagitan ng kanta at tula

Para sa binibining sinugatan ng patalim
Hayaan **** humilom ang sakit at pighati
Mahalin mo ang sarili at hayaang tahiin ang sugat na malalim  kahit na mahapdi

Para sa binibini’
Patawarin mo na ang sarili
Sa nakaraang tinatakbuhan mo lagi
Para sa binibining napaka ganda ng ngiti
Hayaan **** yakapin ka ng ginoong binigay sayo ang tala at langit
At ang halaga na sayo ipinagkait

Ang tunay na ginoo ay darating
Katulad ng sinta ni maria clara’y makakamit
Hayaan mo na sila at pusoy patahanin
Isara ang mga mata sa mga taong
Hindi kayang manindigan sakanilang salitang tila isang papel na punit punit

Binibini ikaw nay magpahinga
Hayaan **** maramdaman ang pagiging prinsesa
Dahil hindi ka sundalo upang ipag laban
Ang isang duwag na ginoo
Na nag tatago pa sa saya ng kanyang ina

Magpatuloy ka sa kanta at tula
May isang nag bubukod tanging ginoo ang sisilip sayong halaga
Makakakita at dinig sa ritmo ng kantang tinutugtog at inaawit ng may magandang himig at tugma
At siya ang mag sisilbing gamot
Sa mahapding sugat na dulot ng maling pag ibig na ibinigay ng ginoong hanggang salita

Ginoo ni maria clara , ikaw sanay bumalik.
Nakalimutan ka na ng kabataan ginagalawan
Ng hinirasiyong mapang akit
Ang mga maria clara ngayon
Ay umiiyak dahil sa paglisan ng ginoong
Tunay , at siyang nag iisang nagpaka lalaki sa mundong puno ng batang pag iisip.
Euphrosyne Mar 2020
Madami na akong nabasang libro
Ngunit ikaw parin ang hinahanap kong kwento na nais balik balikan
Na hindi magsasawang basahin muli
Mga pahinang ikaw lamang nagbigay sa mga labi ko ng ngiti.

Bawat kabanata nitong libro bawat pagbasa ko ng mga pahina, pinapangiti mo ako muli,
Na para bang andiyan ka lang sa aking tabi.
Pinapa ulan mo ang aking mga mata tuwing....
binabasa ko ang kahapon.

doon ko lang natuklasan na kaya ko palang magmahal ng tapat sa mundong ibabaw na puro kalokohan lang ang inaatupag ko.

Hindi ka ba masaya? Na binabalik balikan ko ang  hindi makatotohanang kwento,
Na hanggang pahina at kabanata nalamang sila magiging totoo.

Masakit, pero kailangan natin tanggapin, ako, ako lang pala, ika'y lumisan na
Napunta ka na sa ibang pahina
Ako, ako andito pa
Iniwan mo sa alaala nating dalawa

Pwede ba magsabi ng totoo?
Kahit na sobrang gulo,
sasabihin ko sayo
Ikaw ang nag-iisang tahanan ng naliligaw kong pagkatao.

Etong mga pahina... nagiwan ng bakas sa puso kong bukas
Na inalay ko sayo gamit pa ang aking mga kamay na kitang kita ang bakas,
Bakas ng kahapon na sinaktan ako
Sinugatan ako ng taong minahal ko
Na pinalitan lamang ng saksak sa puso.

Itong mga pahina't kabanata
Na nagpapakita
Na mahal parin kita
Subalit nasa ibang libro ka na.

Alam kong tapos na
Wala nang tyansa
Kaya't ibabalik nalamang kita
Sa aking istante
Na madaling hanapin
Kapag nais ko muling basahin
Ang kahapon na sinulat natin.

Mga pahinang babalik balikan,
Mga kabanatang hindi makakalimutan,
Librong tayong dalawa na ako nalamang
Ang gagawa ng paraan para protektahan
Konting comeback lang sa tagalog. Spoken word poetry talaga siya pero nahihiya ako magsalita kaya hanggang dito lang hahaha.
Euphoria Apr 2019
Hiniling kong bumalik ka
Nagbabakasakaling maging tama.
Ninais kong manatili sa tabi mo,
Umasang mapansin mo rin ako.

Lumbay ng kahapon,
Nadama nang ako'y itapon
Tayo'y isang maling akala
Nagbakasakali't hiniling ko sa mga tala

Sa pagsulat ng mga titik at salita,
Nagbabakasakaling pagmamahal ay mawawala,
Pero tila hanggang ngayon
Pag-ibig ko'y sayo pa rin nakatuon.

Ayaw ko na sanang gambalain ka.
Alam ko namang ayaw mo na.
Tulad ng alon ay magpalaya,
Bakasakaling tayo'y maging maligaya.

Pagod na kong lumaban
Para sa mga taong nang-iwan.
Lugmok at luhaan,
Tulad nila'y isinantabi mo ko't sinugatan.

Sa aking pagbabakasakali
Baka sa tamang panaho'y magkitang muli
Tulad mo'y ipauubaya nalang kay tadhana
Ang pagdating ng taong magmamahal sakin ng tama.
dalampasigan08 Jun 2015
Sabihin mo sa akin - saan ako nagkulang?
Sa bawat oras ba na sa'yo lang inilaan?
Sa bawat ngiti bang ikaw lang ang dahilan?
O sa bawat sandaling hindi ka nahagkan?

Sabihin mo sa akin ang aking kasalanan.
Mali ba ang mangarap na tayong dal'wa lamang?
Mali ba ang umibig at ika'y ipaglaban?
Mali rin ba'ng lumuha nang ikaw ay lumisan?

Sabihin mo sa akin - bakit ako'y nasasaktan?
Bakit ang puso ko ay iyong sinugatan?
Sa bawat ala-ala ng ating nakaraan,
Bakit kabiguan yaring aking nakamtan?

Sabihin mo sa akin kung paano malimutan?
Kung sa bawat pikit ko'y naroon ang 'yong larawan?
At hanggang sa ngayo'y ito ang aking katanungan,
Bakit 'di ko masabi ang katagang "Paalam?"
01-17-11
9:53 AM
deadwood Dec 2017
Darating ka pa nga ba?
Mukhang marahil di na
Totoong ika’y nanlimot, aking sinta,
Sa pangakong pagmamahalan nating dalawa.

Maaaring sabihin **** ako’y baliw, di-karapat-dapat,
Ngunit ikaw, giliw, ay kailanman naging sapat,
Sapat na upang patuloy kong ibigin,
Ibigin kahit na iyong di mapansin.

Pero bakit?
Bakit nga ba di ka na darating?
Bakit ba labis ang lungkot na aking tinatamasa sa iyong di pagsipot?
Tanggap kong hindi mo nga talaga ako kailanman magugustuhan,
Subalit matindi pa rin ang hapdi ng puso kong iyong sinugatan.

Sabi nga nila, ang tulad mo ay tipong paasa,
Yung tipong mangangako at di sasama,
Marahil ako nga ang siyang problema,
Ako nga ang taong umasa,
Pero tangina,
Salita mo ay iyong bigyang halaga.
MarieDee Dec 2019
Sa bawat agiw na nakikita
ay aking naaalala
ang mabuti nating pagsasama
noong tayo'y bata pa

Madalas **** sabihin sa akin
na ako'y iyong pakamamahalin
kahit anong bagyo ang dumating
pag-iibiga'y iyong sasagipin

Ngunit sa pagdaan ng panahon
tila ikaw'y nagbago
Ang pagtingin mo sa aki'y naglaho
na parang nillimot ang kahapon

Puso ko'y nagtaka
anong nangyari't pag-ibig ay nawala?
Ang dati nating pagmamahalan
mauuwi lang ba sa pagkakaibigan?

Tinanong sa sarili kung anong dahilan
at nawala ang ating pagmamahalan
Ako ba'y may pagkakamali?
iniwan mo ako't siya ang pinili

Hanggang ngayo'y umaasa
ang pusong iyong sinugatan
na kahit minsan ay maalala
kahit bilang isa na lang kaibigan

Heto nga at bumalik ka nga sa aking piling
ngunit pag-ibig mo'y naging malamig
At ngayo'y hinihiling
buksan muli ang aking pag-ibig

Ngunit sa pagdaan ng panahon
di ko pa rin malimot ang kahapon
Ang ating mga suyuan
sa panahon nang ating kabataan

Kahit na ako'y mayroong iba
puso ko'y hinahanap ka
Naririnig ko ang iyonh tinig at himig
parang inaalala ang ating nakaraang pag-ibig

Kailanma'y di ka malimot, aking giliw
hanggang ngayo'y sa'yo pa rin nababaliw
ang pusong kahit iyong sinugatan
narito pa rin at umaasang di mo iiwan
Jun Lit Nov 2018
Sa sulok ng isipang dinadaluyong
ng mga sanlibong sala-salabat na tanong
may paanyaya kang pagdamay ang layon
mula unang lagok, mainit ang pagsalubong.

Maraming katanungang pumapatak sa diwa
Tila ulang tikatik, ulang walang sawa
Hindi lang ‘ano?’, ‘sino?’, o ‘saan?’ ang humiwa
Puso’y sinugatan ng ‘paano?’, ‘bakit’ at ‘kailan kaya?’

Sa bawat pagsikat ng araw sa Malarayat sa Silangan
Lulubog din ito tan’aw ang Maculot sa kinahapunan
Tagumpay at sigla noong kapanahunan
Mga bituing nawawala, pagsapit ng sangang-daan

Kaya’t hindi dapat malasing, malango
Sa naabot na rurok o kayamanang lumago
Pagka’t batas ng Kalikasan ang siyang nagtuturo
Na lahat ng ito sa malaon o madali’y maglalaho

Pag-ibig na busilak, mananatiling buo.
My eighth in my Brewed Coffee Poems series; poems much influenced by my memories of my old home and childhood in Lipa, Batangas.
Jun Lit Oct 2021
Malambot ang kalimbahin,
talulot ng bulaklak na rosas,
tamang-tama sa pagpapagaan
ng masakit na pakiramdam
ng puro pasâ at bugbog-saradong lila
ng sugatang puso ng isang bansa -
sinugatan ng mga taon ng panggagahasa
ng mga pulitiko, at panghahalay
sa ekonomiya at lipunan.
Nagpapagaling ang kalimbahin.

Tamang timpla ang kalimbahin
ng matingkad na pulang dugo,
inialay ng mga bayani, nag-aalab sa banal
na pag-ibig, pagnanasang lumaban
para sa kalayaang tila napakailap
sa lahing puno ng kasawian
at ng dalisay na puting diwa
ng mga duminig sa tawag ng sambayanan
di alintana ang sarili, busilak tulad ng papel
na walang sulat, na sa ibabaw n’ya
ay mahihiyang maglapat ang isang makata
ng mga talatang sambay-bakod kumbaga.
Masaklaw ang kalimbahin.

Maliwanag ang kalimbahin
litaw na litaw sa tila itim
ng gabing pinakamadilim
sa ating sinalantang kapuluan,
at sa malabo, lalong kumukupas
na pangungunyapit ng bughaw-lilang kalangitan
subalit may sumisilip na’t nagpapalakas-loob
na sinag ng dilaw na araw muli, nababanaag
ang bagong Pag-asa ay binabasag
ang nakabalot na karimlan,
nagbabadya, ibinabaybay
ang ating kaligtasan
bilang isang bayan –
At kalimbahin ang kulay
ng bukang-liwayway.
This is the Tagalog translation of the previous poem "Pink."

— The End —