Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sinigaw" poems
Isang libong tansan dating takip sa bote ng alak Isang drum ng luhang walang galak Maubos man ito't tuloyang matuyo Ikaw rin naman ay nasa malayo Tama na 'to, tama na po Tanginang pag-ibig kelan ba susuko? Tama na 'to, tama na po Paalam na, mahal ko'ng sumuko Kape sa umaga, iyak sa gabi Ako ba ito? Hindi ko mawari Sa kama ko'ng dati kitang katabi Tutupiin ko na, at itatabi Tama na 'to, tama na po Tanginang pag-ibig kelan ba susuko? Tama na 'to, tama na po Paalam na, mahal ko'ng sumuko Wala na akong maidudugtong, "Paalam Shin Hye" sinigaw ko'ng pabulong
0
Mar 10, 2017
Mar 10, 2017 at 8:51 PM UTC
Paalam Shin Hye
Kaibigan, Naalala mo pa ba ang masasaya nating kwentuhan? May konting joke lang iyo mo na agad tatawanan, Sumasabay pa ang mga laway **** nagtatalsikan, Na nagkalat sa mukha kong iyo mo pa ngang pinupunasan. Sa kanto, Naalala mo pa ba ang ating istambayan? Nagpapasama ka sa’kin matanaw mo lang ang crush **** dadaan, Ngunit dedma ka, hindi ka nilingon kahit sinigaw mo na ang pangalan, Kaya minsan umuuwi tayong ikay bigo at kung minsan ay luhaan. Sa tabing ilog, Iyo mo rin bang naaalala’t natatandaan? Sa puno ng mangga doon tayo nagtayo ng bahay-bahayan, Dun tayo nagdadala ng pagkain para sabay tayong mananghalian, At dun ko na saksihan ang iyong kakaibang katakawan. Pagkatapos ng bakasyon, sabay tayong pumapasok sa eskwelahan, Kapag break time magkasamang nakikisalo sa mga kaklase, nakikipagburautan, Sa takdang aralin sabay tayong gumagawa at nakikipagkopyahan, At sa pag-uwi sabay din tayong dumidiretso sa komputeran at bilyaran. At nung nagsembreak, Asan ka na nga ba aking kaibigan? Hindi na kita nakita’t matagpuan sa kung saan, Lumingon na ako sa likod, kaliwa at sa kanan, Ngunit ang anino mo hindi ko na matagpuan.
0
Aug 18, 2011
Aug 18, 2011 at 3:19 AM UTC
Sembreak
#112614 Sinigaw niya ang oras Buhat sa rehas na puno nang aral Tumugon ako't nabigla Pagkat bumantad ang iilang madla Dahan-dahang nilipad ng mga paa Patungong langit naman pala Ngunit naroon pala Ang anino **** may liwanag. Tila ako'y tangan ng hangin Doon sa 'di inaasahang tagpuan Tumalisod ang puso Mabuti't nagising Tuloy lang ang lakarin. Sa pangalawang pagkakataon Winaldas ko ang pagod Hindi patungo sayo Pero sa kabilang ibayong babagtasin. Heto na naman, Parang itim at puti na lang sila At ikaw ang tanging may bahid ng kulay Kumidlat nga't hanggang sulyap na lang Parang wala namang ibig sabihin. Magulong usapan, hindi nga ba? Ang lupon nila'y nilagpasan ko At sa kauna-unahang pagkakataon Ang hangi'y nag-ibang ihip Ngalan ko pala'y iniihip nito. Pangalawang beses Ang eksenang nakalimbag Wala na namang kibuan Ang lapad ng balakid Mula sayo patungo sakin Simple lang naman, Wala namang nararapat na sambitin. Paulit-ulit nga Marahil walang letrang Kinukumpas ng kampana Magulang usapan nga ba? Marahil hindi, Pagkat minsa'y di na kailangan ng salita.
0
Nov 27, 2014
Nov 27, 2014 at 11:16 AM UTC
Magulong Usapan
Itinaga ko sa bato, Sinigaw ko sa harapan ng malalakas na alon Ang pangako hindi na ako iibig muli. Isa, dalawa, tatlo. Tatlo beses ako niloko. Tatlo beses ako iniwan. Para isang laro, Naka-bingo na ako. Dumaan ang mga araw, Lumipas ang buwan, Nagsimula ang bagong taon, Ngunit ang pangako sa nakaraan Aking dinala. Isa, dalawa, tatlo. Hindi na ako muling iibig pa. Pinagdamutan ko ang sarili ko Magmahal ng iba. Kaya ko magisa. Mga katagang lagi kong binubulong sa sarili ko. Papatak man ang mga luha ko, Pero hindi na muli madudurog ang puso ko. Isa, dalawa, tatlo. Nahipan ng hangin ang pangako ko. Isang araw nagising na lang ako, Inaantay ko ang mga mensahe mo. Ikaw ang una naiisip sa umaga, Kausap sa magdamag, Panaginip sa gabi. Sa mga araw na mapait, Ikaw ang nagpapangiti. Sa mga araw na magulo ang mundo ko, Ikaw ang nagliligtas nito. Isa, dalawa, tatlo. Ayaw ko mahulog sa iyo. Takot akong madurog ang puso kong Pinilit kong binuo. Ngunit paano, Kung ikaw lang ang nais sa piling ko. Kaya ngayon itong nararamdaman ko'y itatago muna sa iyo. Isa, dalawa, tatlo. Tatlo hakbang palayo sa iyo. Dalawa tayo sa istorya na ito. Isa lang ako na may paghanga sayo.
0
Oct 7, 2019
Oct 7, 2019 at 10:26 AM UTC
Isa, dalawa, tatlo
Binabati ako ng umaga ng mga imaheng tila sayo lamang, Hinehene ako ng gabi ng himig **** matamis lang. Sa bawat oras sa bawat minuto ikay nasa isip ko Marinig mo kaya ang harana ko sa kabila ng gulo? Ikaw ang salamin sa mata kong malabo Ikaw ang hanging sa buhay ko'y bumubuo Ngunit sa kabila ng lahat wala ka paring kibo Ano pa ba ang gagawin upang tayoy mabuo Hawak ang mikropono akoy aawit Para lang ang damdamin ko sayoy sumabit Hawak ang gitara akoy kakanta Iiyak ako para sa akin ikay mapunta Ang sining ng araw ay tila yelo kung ikumpara sa yakap mo Ang sanang pakiramdam na gusto kong matamo Ang init at lambing ng ating pagmamahalan Yun lang ang aking tanging kailangan Ngunit ano itong pader sa pagitan natin? Anong sigaw pa kaya ang aking gagawin? Oh irog ko alam kong hindi ka manhid! Sumigaw ka lang! ang pagmamahal koy ihahatid! Katahimikan, katahimikan, katahimikan lamang Segundo minuto oras, bilang, bilang bilang Katahimikan katahimikan katahimikan nanaman "Ako ba'y nagkamali at siyay nasaktan" Tinawag ko ang kanyang ngalan "O irog O aking irog" Katahimikan katahimikan sa tenga koy bumugbog Sinigaw ko ang kanyang ngalan lalamunan ay nagdudugo O irog O irog ko! isang saglit may bumungo. O mahal ko bakit ngayon lang kita narinig O mahal ko ako ngayon ay masaya at nanginginig O irog ko maghintay ka lamang, ang pader ay sirain Tatlo dalawa isa, tila nawala ang hangin O irog ko kay tagal kong hinintay ang araw na ito O mahal ko akoy nagsise sa ating hindi pagtanto O irog ko ang matamis na yakap na hanap ko O mahal ko ako narin ay tanging sayo
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:01 AM UTC
Irog

Continue reading...
36
Nung ika'y aking nakita, pakiramdam para sayo ay wala, Ngunit di nagtagal, Naglaro si kupido at tadhana. Pinana ng pana ni kupido at binaluktot ni tadhana landas nating dalawa Isang araw, nakita kita sa isang tabi, ika'y nilapitan at pinangiti, Hnaggang isang gabi, Puso'y di mapigilan, sinigaw sayo Mahal kita, aking sinta! Nung naging tayo. Walang umangal ng kung ano, Hanggang sa dumating ang araw na tayo'y pinaglayo. Hindi kinaya ang pagkukulang, kaya winakasan, sapagkat sandata ng kalawakan, oras at distansiya ating kinakalaban. Bakit kailangan ganito? Pero anu pa bang magagawa ko? Huli na lahat, para ipaglaban ko, pag-ibig na binalewala ko. Kasalanan ko, Pagdurusang dinaranas ko.
0
Dec 6, 2017
Dec 6, 2017 at 4:34 AM UTC
KASALANAN KO
Panigurado'y walang makakaintindi nito, Ngunit ito lahat ang laman ng puso ko- Iniyak, sinigaw ko na'ng lahat, Hanggang masiyahan nang sapat At mawala ang sakit ng pusong tapat. Luha't boses ay ubos na, Marahil sa pait ng pag-ibig ay bumigay na- Itong puso't pagkataong sana'y nararapat Sa pagmamahal **** sa akin ay dapat. Masaya ako sa piling mo, Nagsasaya ka sa piling niya- Mahirap ngunit kinakaya, Basta't makasama lang kita.
0
Mar 5, 2018
Mar 5, 2018 at 11:36 PM UTC
Ako, Ikaw
Naaalala ko pa ang sandaling sinigaw mo sa mundo pagmamahalan ay kailanman di magbabago Sabay hawak sa aking mga kamay Habang nanonood sa paglubog ng araw sa Pagsapit ng dilim patuloy na humihigpit ang iyong pagkapit at hindi bumibitiw Sa gabing mga bituin ay nagniningning na kayang kaya kong ikumpara sa iyong mga ngiti na kailanman di mo pinakita sa kanila na tanging akin lamang at hindi maaagaw ng iba Naaalala ko pa Ang mga pangakong narinig ng aking mga tenga sa harap ng dambana na tanging kamatayan lamang ang makakapaghiwalay sa ating dalawa at nakita mo ang mga tumutulo kong luha na labis na di makapaniwala na ang babaeng nasa harap ko ang babaeng mahal ko ang babaeng hinintay ko ang babaeng pinangarap ko ay ang babaeng pakakasalan ko Maaalala mo pa kaya kung sakaling isigaw ko ulit sa mundo na patuloy ang pagmamahal kong di magbabago kahit wala na ang kamay na minsa'y humawak sa akin ng mahigpit kung bakit bumitiw mga gabing dadaan na magpapaalala sa iyong ngiti kung gaano kahapdi at kung gaano kasakit na ang babaeng mahal ko ang babaeng hinintay ko Ang babaeng pinangarap ko Ang babaeng nangako at sumigaw sa mundo Na ang pag ibig natin ay walang hanggan pero bakit andito tayo sa dulo mararamdaman mo ang kaba at lungkot sa puso ko ang isip kong di magkandaugaga kung paano ko ipapahayag ang aking nadarama simula sa unang pagkikita sa pagsambit ng mahal kita At mamahalin kita kahit abo na lamang ang pinanghahawakan ko sinta
0
Oct 24, 2018
Oct 24, 2018 at 6:43 AM UTC
Walang Hanggan